The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 88.7K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 96

21.3K 485 56
By whixley

Chapter 96: Sister

Nagising ako sa boses ni Phoenix. Hindi niya ba alam na sobrang antok na antok ako ngayon? Gusto ko pang matulog.

Tinakluban ko ng kumot ang mukha ko dahil panay ang halik ng gago. Ang bango niya... amoy na amoy ko ang perfume niya.

“Hon, I have a conference meeting today.” Ramdam kong umalis siya sa tabi ko.

“Ano naman ngayon sa akin?” Inalis ko ang kumot sa mukha.

Ano naman ngayon kung may conference meeting siya? Wala naman akong alam tungkol sa mga ginagawa niya.

Inaayos niya ang coat nang hinarap ako. “You’ll come with me.”

“Bakit?”

Mas maganda nga rito, e. Gusto ko lang i-enjoy ang walang pasok ko. Bukas mayroon na kaming pasok.

“Nothing, I just want to bring you and let they know that you’re going to be my wife soon.”

“Mukha mo wife.” Tumayo na ako para dumiretso sa bathroom para maligo.

Habang naliligo ay panay ang kalam ng sikmura ko dahil sa gutom. Tapos idagdag mo na ang text message na natanggap ko kagabi.

Patungkol ‘yon kay Darius, kilala kaya ‘yon ng kapatid ko? Tanungin ko kaya si Darius.

Simpleng dress lang ang sinuot ko nang matapos maligo, lumabas ako ng bathroom at naabutan kong wala na si Phoenix sa kwarto.

Naabutan ko siya sa may sala habang may kausap sa cellphone. CEO nga naman. Lumapit ako at ngumuso.

“I know, that’s why I am going to the meeting,” siniil niya ako ng halik. Bumitiw ako dahil kailangan niyang sumagot sa kausap. “Just discussed that in the meeting.”

Hinalikan ko pa muna siya sa jaw bago siya iwan oara pumunta sa ref. Kinuha ko ang fries at burger na binili niya kagabi.

Ininit ko sa microwave ang pagkain habang nakatingin sa kaniya. Panay ang ikot ng pagkain ko, mabuti hindi sila nahihilo? Kung ako ‘yan baka sukang-suka na ako sa sobrang hilo.

Nang matapos sila sa pag-ikot ay agad kong kinuha sa loob. Sinilip ko muna baka kasi sumuka sila dahil sa hilo.

Nilagay ko rin sa plato para hindi ako mahirapan kumain. Nagtimpa rin ako ng kape sa coffee maker, sinalinan ko ang white mug ko.

“What are you eating?”

Tapos na siyang makipag-usap sa cellphone.

“Fries at burger, gusto mo?” Sagot ko matapos malunok ang fries.

Kumuha naman siya. Nag-order siya ng pagkain kaya ‘yon rin ang kinain namin.

Halatang nagmamadali si Phoenix kaya umalis na kami.

Dumaan muna kami sa starbucks, hindi kasi ako nakuntento sa kape na ininom ko kanina. Gusto ko mag-iced coffee, trip ko lang magpalpitate. At nga pala, hindi ko na sinama si Lucy at ang babies niya. Pinauwi ko siya kasama si Darius, sure naman akong aalagaan ni Darius ang pamangkin niya.

Medyo malayo ‘yon kaya nagtagal kami. Nang makarating kami sa company niya, namangha kaagad ako.

Ang laki kasi ng lugar, tangina. Iyong mga wall ay glass, tapos ‘yong entrance sa baba glass din at halatang presentable lahat ng empleyado.

Mukha akong tanga habang kasama niya tapos habang naglalakad kami panay ang bati ng mga empleyado sa kaniya. Titigil para bumati.

May isang babae rin na nagpirma ng papers na agad na pinirmahan ni Phoenix habang ang paningin ay nasa akin. Panay lang rin ang tingin ko sa paligid tapos ‘yong mga empleyado napapatingin rin sa akin.

Iyong tingin nila na parang ngayon lang nila nakita ang lalaking ‘to na may dalang magandang katulad ko sa kumpanya. Lalo na ‘yong mga babae.

Humawak sa kamay ko si Phoenix nang bumitiw ako sa braso niya.

“Your hands are sweaty...” aniya nang hinaplos ang palad ko. “Are you okay?”

“Oo...” ang judgemental ng tingin nila sa akin! Hindi ko kaya.

Tumigil kami sa tapat ng elevator para hintayin na bumukas. May sarili palang elevator ang isang ‘to! May elevator din ang mga employees.

Angas, same sa company ni Papa. Pero mas maganda naman ‘yong kay Papa, technology lahat. Papasok ka sa office niya na may face unlock and fingerprint sa kahit ano na pinto pero ang mas secured ay ‘yong kay Mama at Papa. At kapag basta-basta ka pumasok ay may alarm na tutunog.

Pumasok kami sa loob nang bumukas ang pinto. Sa seventh floor kami dumiretso kung nasaan ang pinaka-office niya.

“Bal, may something ba sa mukha ko?” Tanong ko at lumingon kay Phoenix.

“Nothing, why?”

“Panay ang tingin nila sa mukha ko.” Tinuon ko ang paningin sa pinto ng elevator.

“Maybe they are just shocked. This is the first time I brought a woman here.”

“Oh? Hindi nga?”

“It’s true, I’m not like the others who always bring a woman for their happiness.”

“Sure ka?”

“Oo nga, ikaw pa lang ang dadalhin ko sa kwarto ng opisina ko.” Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

“Teka, ah, bakit ka may kwarto doon, ha?” Tinuro ko siya. “Ano ang ginagawa mo?”

“Nothing! It’s for purposes if you’re here,” sagot niya at kumindat.

Dinuro ko siya. “Bakit parang may laman lahat ng sinasabi mo?”

“You’re getting my words now? Wow...” parang gago naman ‘to, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

“Ewan ko sa ‘yo,” tanging nasabi ko.

“Don’t worry, you are the only person who will seat in my office table.” Pinulupot niya ang braso sa baywang ko.

Nanliit ang mata ko sa kaniya.

“Masasampal kita.” Inangat ko ang palad ko.

“Okay, but I’ll kiss you if you do that.”

Motto niya talaga ang pinapairal niya.

“Ang angas ng motto mo, ‘no?” usal ko.

“What motto?”

“Edi ang ‘slap me but kiss in return,” sagot ko.

“Oh... that,” natawa siya.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami. Parang napahinto naman ang ibang employees sa ginagawa nang makita kami.

“Good Morning, Mr. Velasquez,” bati nila.

Panay ang bulungan nila habang naglalakad kami.

“Baka kapatid lang...” bulong ng isa.

Excuse me? May magkapatid bang naghahalikan ng todo? Yuck, ha. Hindi ko kailan man iniisip na magkapatid kaming dalawa.

“Nakahawak sa waist, e. Baka girlfriend,” bulong naman ng babaeng naka-short hair.

Kung makapagbulungan akala mo ay wala ‘yong CEO sa harapan.

Kagaya ng tingin kanina ng iba gano’n rin sila. Lalo na ‘yong babaeng galing sa Finance yata ‘yon at binati si Phoenix.

Nakatingin pa sa akin ang iba na hindi ko na lang pinansin at mas lalong humawak sa kamay ni Phoenix na nakapulupot sa baywang ko. Dumiretso kami sa loob ng conference.

“Mr. Velasquez! Good thing you’re here now! Mr. Gomez was mad at you!” Lumapit ang babaeng naka office attire.

Hindi siya si Lala.

“Pinapakalma nga ni Ms. Lala kaso nabwisit rin kaya ayon lalong lumala,” dagdag ng babae.

Ay, kaya pala wala kasi nakikipag-bardagulan sa conference room.

“Lalo na po si Mr. Gomez.”

“Let him do his shit.” Hinila ako ni Phoenix papasok sa conference Room.

Hilig niya ang mang-hila. Next time na hila niya, magugulat na lang siya putol na ang kamay ko at hawak-hawak na niya mismo.

Hindi pa kami nakakapasok sa conference room, rinig ko na ang inis na boses ni Lala. Parang mamamato na siya sa sobrang inis niya.

Natahimik lang ang lahat ng unang pumasok si Phoenix, napatingin ang lahat sa kaniya bago ilipat ang paningin sa akin. Iyong isang lalaki, pamilyar sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

Halatang fuck boy ‘to. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa mga taong nakatingin sa akin.

“After a goddamn months you showed up!” Inis na sabi ng lalaki na sa tingin ko ay iyong Mr. Gomez.

Grabe naman sa goddamn months. Nabilang niya ba ang buwan na hindi nagpapakita si Phoenix?

“Should I say sorry?” Bored na tanong ni Phoenix.

“Yes—”  

“I’ve changed my mind,” putol ni Phoenix. “Let’s just start the freaking meeting.” Pinaupo niya ako sa desk chair na dapat ay sa kaniya. “Why you all keep looking at her? I said let’s start this nonsense meeting.”

“It’s not nonsense, Phoenix. This is important,” sabi ng lalaki sa kanan sa dulo, magkasing age lang siguro kami nito.

“Then proceed.” Naupo sa tabi ko si Phoenix.

Bale kaming dalawa ang nasa isang dulo ng lamesa. May projector na nakatutok sa white sheet na nakalagay sa pader. Line graph ang naroon at sa tingin ko ‘yon ang naging performance ng Company sa nagdaan na buwan at araw. Maganda naman siya.

Pero ‘yong mukha ni Phoenix parang hindi natutuwa. Hindi ko kasi maintindihan, hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila rito.

“Wait, stop.” Tinaas ni Phoenix ang index finger niya para patigilin ang nagrereport sa harap. “Your report... that’s not the report I want. Lala told me that our sales is rising then what happened now? Why did it went down?”

“Some clients back out on the contract because of...” Hindi matuloy ng babaeng Finance na umirap sa akin kanina ang sinasabi.

“What?” Parang nauubusan na ng pasensiya si Phoenix.

“They thinking that the budget is too high,” sagot ng Sales Manager.

“Then that’s their problem, they let go my Company so I don’t care anymore. They can afford it.” Umayos ng upo si Phoenix bago hawakan ang kamay kong nasa hita niya. “It’s their loss, not mine.”

Nakatuon lang ang paningin ko sa laptop niya habang busy siya sa pakikipag-usap sa mga board members.

“How about the future strategies?” Tanong niya sabay laro sa mga daliri ko.

May sagot ‘yong lalaking pamilyar sa akin. Kahit nakatuon sa laptop ang paningin ko, ramdam kong nakatingin siya sa direksiyon ko.

“I don’t like those stares...” bulong ni Phoenix.

Tumingin ako sa kaniya. “Yeah, it makes me sick.” Kinuha ko ang mini nips sa sling bag para kainin.

“I was feeling that too,” aniya.

Sandaling tumigil ang meeting dahil lunch na, hindi ko alam na tumagal na pala ng dalawang oras ang meeting na ‘to. Naging abala kasi ako sa panonood, wala rin kasi talaga akong maintindihan.

Nagbaba ng pagkain sa harap si Lala na para sa akin pero wala akong balak kainin ‘yon. Gano’n rin naman si Phoenix, hindi kinain ang ang pagkain na nasa harapan niya.

“Why aren’t you eating, Mr. Velasquez?” Tanong ng isang lalaking kasama sa meeting.

“I’m not eating that... tuna sandwich...”

Liar, gumawa kaya kaming tuna sandwich sa Condo niya. Iyon ang madalas naming snacks dahil madali lang gawin.

“What about your...” Hindi alam ng babaeng taga-finance ang itatawag sa akin.

Siya rin ‘yong babaeng umirap sa akin. Kaasar, wala naman akong ginagawa pero nang-iirap. Ang hirap talaga kapag maganda, shit, ang hirap ng dinadala ko.

Ang bigat.

“She’s my girlfriend before...”

Masama akong tumingin kay Phoenix, anong before sinasabi nito?! Parang nabuhayan ng dugo ‘yong babaeng taga-finance dahil sa narinig.

Aba, may gusto nga talaga ‘to kay Phoenix! Ano ang akala niya? Magkakagusto si Phoenix sa kaniya? Hinding-hindi siya magugustuhan ni Phoenix. Akin lang ang boyfriend ko, ano!

“She’s my wife now,” dagdag ni Phoenix at hinila ako palapit sa upuan niya. Inakbayan pa niya ako. “Right, hon?”

Tumango na lang ako. “Oo.”

Natuwa naman ang gago sa sagot ko.

“That explains why you both have rings in your fingers,” sabi ng isang lalaki.

Hello? Promise ring namin ‘yon para sa isa’t-isa pero style wedding ring tapos idagdag mo na ang iyong singsing na bigay niya sa akin noon.

“Yeah, it was a simple wedding. I think it’s been a long time now since my wife and I got married.” Si Phoenix.

Maka-wife ang gunggong na ‘to. Feel na feel pa niya. Delulu, ah.

“We don’t know that... but still congrats,” sabi ng babae.

“Thank you,” simpleng sabi ni Phoenix. “Why don’t we make it legal?” mahinang bulong ni Phoenix sa akin matapos ilapit ang bibig sa tenga ko.

“Natutuwa ka na naman.” Tumingin ako sa kaniya nang lumayo siya.

“Well...” tanging nasabi niya, nang-aasar.

“Since you two were married a long time ago, why didn’t you bring her here? Ngayon pa lang? Or even a Party.”

“She was pregnant back then.”

Muntik ko nang maluwa ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya.

Kusang bumaba ang kamay ko para kurutin siya sa braso pero inalis niya lang ang kamay ko. Pinatong naman niya ang isang kamay sa hita ko bago lumingon sa akin.

Palihim ko siyang sinamaan ng tingin.

Ulol, walang gano’n!

“She can’t come to me because she needs to get rest for our baby.” Tangina, ang lakas mag-imagine ng hayop, at halatang natutuwa pa siya! “It’s hard for her because it’s her first time to carry a baby in her tummy.”

Nakita ko naman ang pagtawa ni Lala bago lumabas ng conference room. Natatawa na lang siya sa kagaguhan ng pinsan niya.

“But now she can, someone taking our twins.” Tumingin siya sa akin, nang-aasar.

Twins?! Mukha ba akong may twins?

“Wow... congrats really!” natuwa naman ang babaeng kulot ang buhok. “What’s their names?”

Hindi ba nila halatang High School palang kaming dalawa?!

“My wife and I baby girl’s name is Presslyn...”

May pangalan pa ngang binaba!

“Then my son’s name is Duke.”

Sinipa ko na siya sa ilalim ng mesa dahil sa mga sinasabi niya. Nilayo niya lang ang paa sa akin para hindi ko masipa.

Dinampot ko ang cellphone ko sa lamesa. Ite-text ko na lang.

To: love
Kapag hindi ka tumigil, tatanggalan kita ng karapatang mag-anak. Hinding-hindi ka magkakaroon ng anak sa gagawin ko sayo.

Maayos akong naupo habang pinapakinggan ang mga congrats-congrats nila sa amin! Pucha, wala nga po akong anak! Wala akong anak. Ito namang si Velasquez, tuwang-tuwa pa.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa para basahin ang message ko. Naubo naman siya sa nabasa bago magtype sakto namang lumabas ang pangalan niya sa screen ko.

From: love
No freaking way. Sayang ang lahi ko.

Tama naman siya. Ang ganda-ganda ng lahi niya, e. Pero kapag hindi pa talaga siya tumigil, aalisan ko talaga siya ng karapatan na mag-anak.

Tinago ko na lang ang cellphone ko dahil paniguradong pang-aasar lang ang isasagot niya. Tumigil na naman siya sa mga sinasabi niya pero panay pa rin ang tanong ng mga ‘to! Wala nga akong anak.

“We appreciated your congratulations to me and to my beautiful wife,” ani Phoenix.

Mabuti na lang talaga tumigil na sila about sa kambal-kambal na ‘yan. Pero ang usapan nila napunta sa pesteng kasal! Hindi po kami kasal at mas lalong wala po kaming anak.

Muntik ko nang mabatukan si Phoenix sa mga pang-aasar niya. Nagpatuloy na silang lahat sa meeting kaya na nanahimik na lang rin ako.

About sa future strategies na ang pinag-uusapan nila ngayon. Bigay naman nang bigay ng ideas ang mga board members tapos kanina pa nakikipagbarahan si Phoenix doon sa lalaking nakausap niya noon sa Resto niya.

“Why do we need to—”

“Excuse me? Bakit hindi na lang ikaw mag-CEO tapos siya na lang diyan sa pwesto mo? Kanina ka pa kasi kontra nang kontra sa desisyon niya, eh,” sabi ko doon sa lalaki na Louie pala ang pangalan.

“I was about to say that...” sabi ni Phoenix.

Kasi naman, itong Louie na ‘to. Doon na nga sa magandang desisyong maganda napupunta ang usapan tapos ang pinipili niya ay ‘yong hindi! Tapos si Phoenix naman halatang inis na rin dahil panay ang pag kontra ng Louie na ‘to sa mga decisions niya.  At iyong Mr. Gomez masyadong supportive.

Hindi na ako nagsalita nang matahimik ang Louie. Tumingin lang siya sa akin bago umayos ng upo. Tinuon ko ang paningin sa cellphone ni Phoenix para tumingin-tingin ng kung ano.

Napunta ako sa Instagram niya. At nakita kong nakapost pala ang picture ko noong nasa Tagaytay kami. Nakatalikod ako sa kaniya at bahagyang nakababa ang cover ng swimsuit ko, at messy bun rin ang tali ng buhok ko. Maganda naman siya pero hindi na niya dapat pinost. Tapos sa isang picture stolen, hindi rin gago. Nakapikit ako at parang tanga na tumatawa, hayop.

Natawa naman siya nang makita ang picture bago umayos ng upo para pakinggan ang mga business ideas ng mga board members.

Nang matapos ang mga pinag-uusapan nilang lahat ay agad na nag meeting adjourned. Unang tumayo si Phoenix kaya tumayo na rin ako. Kinuha niya ang bag ko para makalabas na kaming dalawa.

“Ang galing mo.” Siniko ko siya.

“It’s just me, relax,” aniya.

Lumabas ako sa conference room at sumunod naman siya.

“Wow...” tanging nasabi ko.

Akala ko makakauwi na kaming dalawa matapos ang meeting na sinasabi niya pero hindi pa. Habang naglalakad kami papunta sa opisina niya, nakikipagkwentuhan ang iba sa kaniya.

“Nix...” Shit, si Kuya!

Napatigil sa paglalakad si Phoenix at ako, tumalikod kaagad para tumingin-tingin sa paligid. Napatingin na lang ako sa picture na nasa harapan ko.

Una namang naglakad papalayo ang mga board members at iyong ibang employee na kasama sa meeting ay bumalik na sa trabaho nila.

“What?” bored na tanong ni Phoenix.

“I thought you were working on Darlene’s death threats? Someone sent her again. It wasn’t Astralla, it was her brother, idiot,” si Kuya.

May nagpapadala na naman ng death threats sa akin. Sinunod kaya ng lalaking ‘yon ang sinabi ko na lalo nila akong takutin sa gagawin nila para naman ang sobra akong matakot, choz.

“Someone was following her too. It wasn’t Astralla or her brother. I can’t locate the person. Maybe that person knows that we can track her,” dagdag ni Kuya.

Alam ko na ang tungkol sa sinasabi ni Kuya, nasa Spain raw sabi nila Papa.

“You’re late on the news... that person is in Spain. I told Tito Dylan and Darius about it. I’m the one who tracked that person.”

Nagulantang naman ako sa sinabi ni Phoenix.

Siya pala ang nag-tracked. Akala ko si Papa at Darius pero hindi pala! Anak ng... sinabi ko nga pala sa kaniya ang tungkol sa taong sumusunod sa akin. Pero hindi ko alam na siya talaga ang may gawa no’n. Saka, ang bilis, ha? Paano ‘yon?

“Alright,” sarcastic na sabi ni Kuya. “Just work on that... and Darlene please go home. Amir was looking for you.”

Alam niya palang nandito ako. Akala ko pa naman naging hangin na ako rito dahil hindi niya nakikita, sayang naman.

Tumingin ako kay Kuya, nakatingin rin pala siya sa akin. “Okay,” sang-ayon ko na lang.

Miss ko na rin naman si Amir. Ilang araw na rin siyang wala sa bahay, gano’n rin ang magulang niya.

“I’m leaving now, I need to look for some twin bananas,” sambit ni Kuya.

“Para kanino?” Tanong ko.

“To Anya, she said, she wants it. I don’t know why. Where can I buy those anyway?”

Saan nga ba?

“Davao del Norte,” si Phoenix ang sumagot.

Ang layo naman no’n!

“Oh, freak. I need a chopper to go on that place,” sabi ni Kuya. “Anyway, take care of her.” Umalis si Kuya sa harap namin.

Gusto ni Ate Anya ng twin banana? Para saan? Alam kong kakainin niya ‘yon pero bakit kambal pa, ‘di ba?

“Bal, may twin banana ba?”

“Yeah, it is,” sagot niya.

“Hindi ko ‘yon alam, ha? Ngayon pa lang, saka, ang daming pwedeng kainin tapos ‘yon pa.”

Lumingon naman siya sa akin. “Maybe that’s for her cravings, I guess? Just like you.”

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa opisina niya.

“Ako? Bakit mo naman ako hinalintulad diyan?”

“So, you’re saying, I’m lying? Every time I slept at midnight, you’re always waking me up just to buy you a food. You even threw me a lamp shade because I didn’t bring your food. Sometimes grapes... muntik ko ng isipin na may laman ‘yan.” Natawa pa ang gago.

“Gago.” Pumasok ako sa opisina niya nang buksan niya ang glass door.

Tinted ang pinto kaya hindi kita ang nasa loob. Maganda naman ang style nito kaso black tapos puro papers sa ibabaw ng desk niya. May picture pa ako sa ibabaw ng desk niya.

Mayroong bookshelf at may pa chandelier sa itaas. At totoo ngang mayroong kwarto rito. Ang dami rin alam nitong si Phoenix, may pa-ganito-ganito pa.

“Bakit itim lahat?” Naupo ako sa desk niya habang tinitingnan ang mga papel.

Ang dami niyang babasahin at pipirmahan.

“I wanted a black so here it is. Why? You want to change it?” Lumapit siya sa akin. Tumayo siya sa harapan ko.

Umiling ako. “Hindi, ha. Maganda naman siya.” Tanggi ko. “Ay, wait lang, akala ko si Papa ang nakahanap kung nasaan ang taong sumusunod sa akin noong nakataas. Ikaw pala ‘yon? Galing mo, ha?”

“I think you forgot who I am.”

“Wow, ang taas, ha. Pero paano nga?” Tanong ko.

“Simple, I researched about the person who wants your head, it’s only the Morriston siblings. Pero hindi siya katulad nila Aris. Her intention was to look for you. She has no plans to kill you. I don’t know the reason but I know she’s in Spain.”

Sa Spain... kamag-anak kaya namin siya? Wala kasi akong alam sa buhay ng Lola ko o ng kamag anak namin doon.

“Do you have a family in Spain?”

Tumango ako. “Oo, iyong Mama ni Mama doon nakatira.”

“Maybe it’s part of your family, try to ask your Mom,” aniya. “By the way, how’s the twins?”

Hinampas ko siyang nang mahina. “Ano ba?”

“What? I’m asking you. You’re not complaining earlier, what happened now?”

“Pucha, hindi nga kasi. Saka, tigil-tigilan mo kakasabi ng kambal, ha? Ni hindi mo nga alam na kambal ang anak mo.”

“It’s twins,” paninigurado niya.

“Gago, paano ka naman nakakasigurado?”

“I will release a lot to make sure it’s twins, Miranda. I will make sure of that,” aniya.

Tangina, nagets ko ang sinabi niya! Hayop na ‘to.

“You didn’t get it so—”

“Nagets ko ‘yon!” putol ko sa sinasabi niya.

Parang hindi naman siya makapaniwala at humawak pa sa dibdib. “Damn, I can’t believe you.”

“Para ka namang tanga.”

“I just can’t believe...” Parang tanga talaga ang timang na ‘to. “Your head eat a lot innocence.” Hinawi niya ang buhok ko at nilagay sa likod bago dampian ng halik ang pisngi ko.

“Paanong innocence ba?”

“Sometimes you don’t get my jokes...” Hinalik-halikan niya ang panga ko. “I love you...”

“Ah, hindi ko naman kasi talaga makuha.”

Umayos ako ng upo. Tinitigan naman niya ako. Diretso lang ang tingin niya sa akin. Halos kabisaduhin na niya ang mukha ko.

“Nakakailang naman...” mahinang bulong ko nang ibaon ang mukha sa dibdib niya. “Tama na nga, kinikilig na ako sa titig mo.”

Natawa siya. “You’re pretty, I love you...”

“Mr. Velasquez—” Sulpot ng babaeng taga-finance.

“Don’t you know how to knock?” Lumingon si Phoenix sa babae.

“I’m sorry po.” Paumanhin ng babae.

Okay na ‘yan. Nag-sorry na, e.

“Here’s the papers, Mr. Velasquez,” sambit ng babae.

“Yeah, right, put on that table.” Humarap ulit siya sa akin. “And call Lala to send food here,” utos niya sa babae, maayos naman ang pag-utos niya kaya ayos na rin.

“Sige po.”

Sinilip ko ang Finance girl, nakatingin siya sa amin bago magdiretso sa labas.

Hindi rin nagtagal ay nagdala ng pagkain rito si Lala. Kumain lang kaming dalawa rito at nang matapos sinimulan niya ang trabaho niya bilang CEO.

Habang ako naman nakahiga sa may sofa at nagbubuklat ng mga pages ng libro. Binabasa ko ang libro rito kaso nakakatamad kaya iniisa-isa ko na lang na buklatin.

Mahirap din ang ginagawa niya, ha? Biruin mo magbasa tapos pumirma? Hirap no’n. Tapos minsan naiistorbo pa.

“Nix, may gustong pumasok.” Si Lala. “Si Hazelle.”

Napabangon ako. “Ano’ng ginagawa niya dito?”

“Why the hell is she here?

Nag-shrugged siya. “Nix, hindi ko na lang papasuk—”  

“Phoenix!” Biglang may pumasok sa dito at si Hazelle nga. “How dare you to stop having a deal to my company?!” Halos galit na tanong ni Hazelle.

“Because I don’t like your company being connected to my company. And how dare you tell everybody that we’re engaged even though I have a wife?” Pinangatawanan niya talaga na asawa niya ako.

“Because we are!”

“No fucking way. I don’t love you. Now get out of my place and stop bugging my life or else I will bring your Company down seriously, and make you and your family suffer a lot.”

Nakakatakot pala magbanta si Phoenix.

“You will regret this!”

“I won’t regret this. Never. Now can you leave and don’t ever show yourself to me.”

Hindi nagsalita si Hazelle, tumingin lang siya sa akin at balak sana akong sugurin pero nahawak ni Lala ang kamay niya.

“Leave this place, bitch,” pwersa ang hila niya. “Guard! Guard, pakikuha nga ang babaeng ‘to!”

Dumating ang guard at hinila siya.

“Don’t touch me! I said, don’t touch me!” Hila siya ng guard hanggang sa makalabas ng office ni Phoenix

“That bitch... “ Si Lala. “Isa pang tapak no’n dito, kakalbuhin ko ‘yon.” Dinampot ni Lala ang papel niyang nasa sahig dahil sa pagsagi ni Hazelle.

“Support kita diyan,” sabi ko bago lumapit kay Phoenix. “Phoenix, totoong tinigil mo ang deal sa kanila?”

Lumabas na si Lala para bumalik sa trabaho niya. Pero nag-iwan siya ng mga papel ulit at sa tingin ko reports na naman ‘yon at mga pipirmahan.

Hinila ako ni Phoenix kaya napaupo ako sa pagitan niya. Muntik pa akong madulas sa paghila niya. Matatanggalan na talaga ako ng kamay sa kaniya. Pinulupot niya ang kamay sa baywang ko.

“Yeah, it was their fault in the first place,” aniya. “They helped Oliver to get everything from me. If I still had a deal on them for sure my money and my siblings money is gone. Oliver gets my money using them. And how stupid of Hazelle, she let Oliver used her for believing that I will be with her? No way.”

“Lakas din ng amats ng Oliver na ‘yon, e, ‘no?” komento ko. “Pero parang kilala ka noong Hazelle, mahal.” Totoong parang kilala siya ni Hazelle. Ewan... pakiramdam ko lang naman.

“I’ll tell you but don’t be mad, hon, okay?” Ano naman ang sasabihin niya?

Naningkit ang mata ko sa kaniya.

“Hey, I said, don’t be mad, love.”

“Okay.”

Tiningnan ko ang papel sa desk niya para basahin kaso wala akong ma-gets, e. Iyong laptop nalang ang pinakialaman ko, pinunta ko sa Facebook para tumingin-tingin ng kung ano.

“Back then Hazelle was my date—”

“Nag-date kayo?” Tanong ko at bahagyang napatigil sa pag-scroll.

“Yeah, but it happened once. Only once, baby. She met me in Rax but believe me I don’t have interest in her, she was nothing. I don’t like her either.”

“E, bakit mo sinasabi sa akin ang tungkol doon?”

“So, you can be aware that it’s only one date. I left her on that date because of your father. He called me to look for someone in Laguna, but he told me to stop after a week. Then after that date, I forgot about her.”

Ay kaya pala gustong-gusto na maikasal rito kay Phoenix kasi matagal na palang kilala ‘to.

Mabuti na lang talaga pinahanap ako ni Papa kay Phoenix noon. Tss, obvious naman na ako ‘yon pero sana hindi niya pinatigil, edi sana matagal na kaming nagkakilala ni Phoenix noon para hindi na siya malapitan ng Hazelle na ‘yon.

“But she didn’t stop, she kept on bugging me. She only stopped when she saw me with you. Remember when we’re in the Hospital. That’s the day when your brother’s friend attacked me? Well, it’s also the day when I first time claimed your lips. Remember when we were in the restroom.”

Shit... iyon nga! Tangina, tapos narinig niya pala lahat ng sinabi ko noon. Nakakahiya. Hindi ko na ipagdarasal na maulit ‘yon.

“Para ka kasing tanga no’n,” sabi ko.

“You slapped me three times. No one dared to slap me, Miranda.”

“Kaya nga isang karangalan ‘yon sa isang katulad ko,” sagot ko.

“At least I kissed you...”

“Sigurado kang ‘yon lang?”

“Oh, right. It’s not just kissed. I kissed your neck and something almost happened,” pag-papaalala niya.

Uminit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. “Pero paano nagkakilala ang Lola mo tapos ang babaeng ‘yon?” Ayoko ng maalala ‘yon!

“I don’t know, my grandmother just called me about that coming marriage but you see? I didn’t agree. And that Oliver... I know he’s doing something at iyon ang kailangan kong malaman.”

“Ang dami mo namang ganap sa buhay, buti hindi ka nahihirapan ‘no?”

“If you just knew...” Mahinang sagot niya.

“Bakit ano ba ‘yon? Dali na sabihin mo sa akin! Ano pang silbi kong makinig kung hindi mo naman sasabihin lahat ng nandiyan, ‘di ba? Makikinig naman ako.”

“It was really hard, imagine handling the Company all by yourself? Taking care of your two sibling, studies, having an enemies in life, figuring out the murderer of your parents death, having problems with my Dad’s family, to the person who wants me down, and sometimes I need to go at home because of Phoebe, her disease is attacking her again. You know how hard is that? Watching Phoebe while lacking of breath makes me weak...”

Nakatingin lang ako sa kaniya.

“It’s so hard, Darlene. It’s hard not to show your real feelings, I can’t blame them though. It’s my responsibility to look after them. Since, I am the eldest, I have to do it. Ako lang naman ang gagawa no’n. I am doing my job as their brother because I am the only person who can take care of themm It’s fine with me if I don’t have time for myself at least they’re fine and happy because as long as they’re like that... I’m happy too.”

Ang kapal ng mukha kong mag-reklamo na mahirap ang buhay ko ngayon, tapos iyong buhay niya pala ang mas mahirap ngayon.

Pero ang galing niyang magtago, hindi halatang hindi siya nahihirapan sa lahat. Iyong mukha niya parang walang dinadala sa araw-araw, parang masaya lang tapos sa likod pala ng masayang mukha na ‘yon ay may mabigat na dinadala.

May mga tao talagang gano’n, ‘no? Sa likod ng masasayang ngiti at tawa ay may problema palang dinadala, na ayaw sabihin sa tao dahil sa pwedeng sabihin nila na... kaartehan lang na malungkot ang tao.

Ikaw kaya ang maging malungkot at makulong sa depression, ano ang gagawin mo kapag gano’n ang sinabi sa ‘yo ng tao? Hindi mo alam ‘di ba? Kaya nga may iba rin tao na sinasarili ang problema dahil sa takot na masabihan ng mga kung ano-ano. At may taong nagkukulong na lang sa kwarto para sarilihin ang mga mabibigat nilang problema.

Hindi nila alam na ganoon ang feeling dahil hindi pa nila nararanasan.

“Ano ba ang sakit ng kapatid mo, love?”

“Heart failure.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko bago ako yakapin. “She has a heart failure, the Doctor told me... she inherited that disease from my Mom’s mother since my grandmother died because of that. I mean, it was all in my Mom’s family blood. But Mom never had, even me and Preston, only my sister. Her disease is attacking her, her heart is becoming weaker and weaker every time the day passes.”

“Wala ba siyang heart donor, love?” Tanong ko.

“She doesn’t want to do that, she’s scared that maybe she would never wake up. Well, I’m also scared. I don’t want to lose her kaya kahit na ayaw niya naghahanap pa rin sila Tita ng pwedeng maging heart donor or a heart that compatible sa kaniya. She needs to be operated for her own good, I know she can do it.” Hinalikan niya ang cheeks ko.

Nginitian ko siya bago ihilig ang ulo sa balikat niya.

Continue Reading

You'll Also Like

743K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.