The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.3K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 97

22.3K 477 95
By whixley

Chapter 97: Going to Scythe

Hay, feeling ko may problems ang mga bessy ko. Basta, hindi ko lang maintindihan ang mga lalaking 'to, hindi ko lang pinapakialaman. Alam ko namang hihingi rin sila ng tulong at syempre, bilang kaibigan ay tulungan ko.

Nakasalubong ko sina Gianna kanina at maraming ginagawa. Ang kapatid kong si Darius, pumasok na rin para masigurado ang nangyayari rito sa School. Iyong tipong parang siya na 'yong may ari dahil sa ginagawa niya. Pati yata Teacher sumusunod sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay bilhin ni Darius ang eskwelahan na 'to at siya na mismo ang magpapatakbo, gano'n rin kay Phoenix.

Hindi na rin siguro namin maaabutan ang new School dahil for sure graduated na kami once matapos iyong renovation. Tapos na eskwelahan na 'yon kapag naka-akyat na kami sa stage para magtapos ng year na 'to. At sure ako, may kaniya-kaniya na rin kaming ganap sa college namin.

May sarili na rin kaming daan na tatahakin, at hindi na kami aasa sa bawat isa dahil 'yon na ang pinakahuling tatahakin namin para maabot ang mga pangarap na binuo namin simula noong mga bata-bata pa kami.

Hindi pa 'yon nangyayari pero nakakaramdam na ako ng lungkot kasi biruin niyo may posibilidad na magkahiwa-hiwalay kaming lahat. Hindi katulad ngayon na kung may mangyaring masama isa sa amin ay nandiyan agad sila.

Nakakalungkot at masaya lang isipin na buo kaming lahat, magakakaayos-ayos pero sa bandang huli kailangan maghiwa-hiwalay dahil sa mga landas na mga tatahakin namin bilang bagong kami at sa mga desisyon na gagawin namin.

Hindi nga pala ako sa unit ni Phoenix umuwi, hindi niya rin ako hinatid ngayon. Si Darius ang kasabay ko. Mukhang may kailangan siyang gawin sa bahay nila. Ni hindi nga siya nakapagreply sa akin pero ayos lang naman 'yon.

At nga pala hindi sa Australia ang punta ni Mama kung hindi sa Spain. At napaaga, dapat sa six pa ng November ang alis niya kaso bukas na. Napaaga lang ng isang araw. Sa December naman ang balik. Bali ilang linggo rin siya doon.

Hindi pa ako nakakapasok ng classroom ay nakita ko na si Dice na parang namatayan ang itsura, sa bagay dumaan nga pala ang undas baka feel niya pa rin ang pagluluksa.

Nakaupo siya upuan ng hallway habang malalim ang iniisip.

Siguro kung sisisirin ko ang iniisip niya baka malunod ako sa sobrang lalim. Hindi ako ma-reach.

Nilapitan ko siya para tanungin.

"Dice, okay ka lang ba?" Tanong ko.

Gusto ko lang makasigurado baka kasi hindi. Malay mo trip niya lang ang gan'yan.

Napaangat siya ng tingin. "Hindi," sagot niya.

Bumalik siya sa ginagawa niyang pag-iisip ng malalim.

"Bakit ano ang nangyari?" Tanong ko ulit.

Malay mo makatulong ako, 'di ba?

"Hindi alam ng family ni Ivy na kasama kami nina Dad sa organization ni Tito Dylan. No'ng nalaman nila, they decided to file an annulment. Ayaw nila madamay sa gulo na kinakaharap natin ngayon, gusto nilang ilayo sa akin ang anak nila. Hindi ko naman pababayaan ang anak nila pero they already decided."

Grabe naman 'yon! Edi magtanan na lang silang dawala, charot. Baka lalo maging kumplikado kapag ginawa nila 'yon.

"Edi sana sinabi mo na hindi mo pababayaan ang labidabs mo." Sumandal ako sa pader bago ipinagkrus ang dalawang braso.

"Nasabi ko na 'yon kaso ayaw talaga nila," aniya. "Hindi sila naniniwala."

"Bakit naman kasi kasal na kayo kaagad? E, shuta nasa High School palang kayo."

"Desisyon naman 'yon ng magulang ko at ng magulang niya. May kasunduan kasi kami ni Mama, magagawa ko ang lahat ng gusto ko basta papakasalan ko iyong anak ng kaibigan niya, noong una ayaw ko pa nga, e, kaso noong nakita ko si Ivy parang agad-agad gusto ko na siyang pakasalan."

"Hindi halatang na-love at first sight ka," mahina akong natawa.

"Ang ganda kaya niya sobra." Halos i-adore na niya si Ivy.

"Edi ipakita mo, huwag lang kasi puro sabi. Ipakita mo na kaya mo para maniwala sila, gusto lang naman kasi nilang maging maayos ang anak nila kaya gano'n. Nagdesisyon sila bigla kasi gusto nilang safe ang anak nila," sambit ko. "Kung ako rin siguro may anak na gano'n, ganiyan din gagawin ko."

"Bakit buntis ka?" Tanong niya. "Galing talaga ni Nix. Nakapoints agad."

Aba, gago 'to!

"Ninong ako, ha?" Dagdag niya.

"Gago ka ba? Hindi 'no. Sampalin kaya kita." Inangat ko ang palad ko. "Gusto mo?" Umiling naman siya kaagad pero tumatawa-tawa pa.

Hindi ba porket may boyfriend ako, e, buntis na kaagad ako?!

"Joke lang," aniya.

Tarantado talaga 'tong mga 'to, e. Napailing nalang ako. May sinabi pa ako sa kaniya bago tuluyan pumasok sa classroom.

Wala pa rito si Phoenix kaya walang taga-haplos ng buhok ko. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Hi, Darlene." Naupo sa tabi ko si Arvin.

"Ano?"

"Sungit naman ni bebe girl." Tumawa siya nang makita ang mukha ko. "Gusto ko lang mag-thank you dahil kung hindi mo ginawa na isama ni Amora, hays, baka nag-iinarte pa din ako ngayon," natawa siya.

"Wait, ano ang status niyo?"

"Nahihiya ako!" Para siyang bulate na binudburan ng asin.

"Ano ba! Dali na! Sabihin mo na!"

"In a relationship." Parang kinilig pa ang gago. "Ih, ano ba!" Hinampas ako ng ugok na 'to.

"Aray ko, tangina." Hinawakan ko ang braso ko dahil sa hampas niya. "Sakit, ha!"

Gago, e, daig pa babae sa paghampas. Pareho sila ni Harvey! Kikiligin at tatawa na lang kailangan mang-hahampas pa.

"Sorry naman," aniya. "Thank you talaga Darlene pero sana... kapag dumating na 'yong araw na 'yon sana... sana mapatawad mo ako-kaming lahat..."

Napalingon ako sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi.

Mapatawad saan?

"Huh?" Tanong ko, naguguluhan.

Hindi kaagad siya nakasagot.

"Uh... advanced sorry para sa 'yo," sagot niya sa mababang boses. "Kasi... baka kapag... alam mo na... iyong..."

"Ano?" Tanong ko ulit.

"Cervantes!" Sigaw ni Finn.

"Advanced sorry para saan?" Tanong ko at lahat sila napatingin sa akin. "Sorry ka nang sorry, ni hindi ko nga alam kung saan ka nagso-sorry."

Hindi naman sila nakapagsalita. Napaiwas ng tingin ang iba.

"Sorry nga saan?"

"Basta... huwag mo na lang isipin 'yon." Tumayo siya. "Thank you na lang ulit."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta siya kina Finn na nakatingin rin pala sa akin. Tinuon ko ang paningin sa kamay kong nakapatong sa arm chair.

Na-stuck sa isip ko ang sinabi niya. Advanced sorry para saan? Hindi ko talaga maintindihan minsan lahat ng sinasabi nila. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang sinabi niya. Magte-thank you na lang, mag-iiwan pa ng isipin ko sa utak.

Hindi ko talaga makuha lahat ng sinasabi nilang lahat. Parang lagi nalang may laman, jusmiyo. Ang bobo ko kasi minsan, iyong simple na nga lang kaso hindi ko makuha-kuha.

Hindi napansin na nasa pinto na pala si Phoenix at diretso ang tingin sa akin. Lumapit rin naman siya kaagad sa akin, humalik lang siya sa pisngi ko bago magdiretso sa likod ko kung saan siya nakaupo.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at inalis sa isip ko ang sinabi ni Arvin. Nang dumating naman ang Teacher, bumalik na rin sila sa mga kinauupuan nilang lahat.

Maingay sila kahit nagtuturo ang Teacher namin. Dumating ang first subject which is si Sir. Lazarus.

"Lods, kumusta?" Tanong ni Rafael na parang tropa lang niya si Sir.

"Shut your mouth, Ellis," sambit ni Sir. Lazarus sa iritadong boses.

"Sabi ko nga shut my mouth na." Sumandal sa upuan si Rafael.

Parang wala sa mood magturo si Sir dahil busy siya sa laptop niya. May kung ano rin na folders ang nasa harapan ng Teacher namin ngayon. Pero nagturo naman siya.

"Layas." Napaangat ako ng tingin nang maupo sa katabi kong upuan si Phoenix.

"Napalayas na naman ako!" Tumayo si Harvey at doon naupo sa harapan.

Hay, mabilis naman nagturo si Sir. Lazarus. Magaling rin siya as a Teacher. Tsaka, in fairness, the best rin siya mag-express ng words. At takot sa kaniya ang mga hamog na 'to, tingnan mo, tahimik.

Maingay na ulit sila nang matapos ang discussion.

"P're, p're, tingnan mo!" Napatingin ako kay Gael.

May hawak-hawak siyang lobo at nilagay niya sa.... ilong? Gago, unti-unit siyang naglabas ng hangin sa ilong at nagkakaroon naman ng hangin ang lobo.

"Tangina?"

"What the fuck?" Pati pala si Phoenix pinapanood ang ginagawa ni Gael.

"Gago, Nix, talent ko 'yon!" Tinali niya ang dulo ng lobo.

Nagpalakpakan naman ang iba sa talent niya.

"Ako rin may talent!" Tumayo si Harvey. "Kaya ko kayong hindi pahingahin in three seconds." Mayabang siyang tumitingin sa amin. "Game na! Three, two, one!" nakarinig kami nang malakas na pag-utot mula sa kaniya.

"Fuck you to hell, Quintos!" Inis na sigaw ni Harris.

"Fuck you!" Sigaw rin ni Mavis.

Tinakpan ko ang ilong ko para hindi maamoy ang nilabas niyang talent.

"Fuck you, Quintos."

"Ilang taon kang hindi..." Ginawa kong pamaypay ang kaliwang kamay ko. "Grabe naman 'yang talent mo."

"Ang baho!" comment ni Dash.

"Who has a perfume?" Tanong ni Trevor.

"Grabe kayo sa akin! Hindi ba kayo umuutot?!" Humawak sa dibdib si Harvey at umaktong nasasaktan.

Nagtaas lang sila ng middle finger.

"Ako naman maglalabas ng talen-" Napatigil lang si Finn nang dumating ang terror Teacher namin sa Values.

Natahimik silang lahat habang kaniya-kaniyang balik sa upuan. Nasa tabi ko pa rin si Phoenix at si Harvey nakikipagdaldalan doon sa harapan kay Dash.

"The topic for today is Forgiveness, Trust, and how will you forgive the person who had a mistakes on you."

Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng classroom. Tapos si Phoenix daig na naman nasa salon, panay na naman ang amoy at haplos sa buhok ko. Minsan nga hindi ako magsa-shampoo para hindi niya singhutin nang sinaghutin ang buhok ko.

Hobby niya 'yan, e, ang sinaghutin ang buhok ko oras-oras.

Habang ang ang Teacher naman namin ay salita nang salita tungkol sa lesson niya ngayon.

Inaantok ako, kanina pa ako napapahikab.

"Forgiveness can even lead to feelings of understanding, empathy and compassion for the one who hurt you," aniya. "Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugan ng paglimot o pagdadahilan sa pinsalang ginawa sa 'yo o pakikipag-ayos sa taong nagdulot ng pinsala. Forgiveness brings a kind of peace that helps you go on with life."

Sa bagay tama naman siya sa mga sinasabi niya. Kapag wala kang forgiveness sa tao parang hindi ka makaka-go on life, samantala ang taong nakasakit sa 'yo, e, parang go with the flow lang sa buhay.

"It makes me sleepy..." bulong ni Phoenix.

"We have steps on forgiveness. We have uncovered your anger, decided to forgive, let go of the pain that they caused you, work on forgiveness, and release from emotional prison."

Paano ko gagawin 'yon? I mean, kung sobrang sakit ng nagawa nila? Mahina ako pagdating sa mga ganito tungkol sa mga sakitan emotionally. Iyong naiiyak ka na lang kasi hindi mo alam kung saan ka umiiyak basta ramdam mo lang 'yong sakit.

At 'yon ang pinakamasakit. Naiiyak ka na lang dahil hindi mo alam 'yong dahilan.

"So, this is the example, if someone hurt you and that person is the one you trust in love, relationship, and akl. Let's say, playing behind your back. You trust that person truly, to the point that you lost yourself from loving him. You gave him everything but he played behind your book, how will you forgive him, could you trust him again the way you trusted him before?"

Well, for me, siguro hindi na. Para sa akin lang naman, may iba-iba naman kasing opinions ang mga tao.

Iniwas ko agad ang mata ko para hindi ako matawag. Kapag tumitingin kasi ako sa mata niya parang ako na 'yung tatawagin agad-agad.

"Si Darlene daw sasagot." Tinuro ako ni Owen.

Napalingon ako sa kaniya. "Wala akong sinasabi!"

"Okay, Miss. Miranda."

"Wala naman akong sinasabi." Binato ko ng notebook si Owen.

"May gusto lang kaming malaman tungkol sa sagot mo." Iniwas ni Dash ang tingin. "Gusto lang namin malaman if kaya mo bang magpatawad."

"Uhm, kunyari kami... 'di ba? May nagawa kami, mapapatawad mo ba kami?" Diretsong tanong ni Renz.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko na pinansin. Natuon ang tingin ko sa Teacher.

"He hurts you in a different way and he lost your trust but he still loves you, will you trust him again to prove himself?"

"Miss Miranda, would you trust that person again?"

Favorite talaga ako nito, e. Ako laging tinatawag!

"Tinatanong ka..." Siniko ako ni Arvin.

"Teka lang, may iniisip ako," sabi ko kahit wala naman akong isip.

"You have a brain? That's new, huh," si Phoenix.

Bakit ko ba 'to naging boyfriend?

"Sa tingin ko... hindi na." Napatigil sa paghaplos ng buhok ko si Phoenix, para siguro makinig.

"Why?" mahinang tanong ni Phoenix.

"Dahil sinira niya na ang unang tiwala na binigay ko. Sinira niya na ako," sagot ko.

Tuluyan nang tahimik si Phoenix sa sagot ko.

"Unang-una, kung mahal niya ako hindi niya gagawin 'yon kahit na ano pa ang mangyari. At kung niloloko niya ako, siya na ang may problema. Nagtiwala ako pero ano ang ginawa niya? Sinira niya lang. Sinayang niya lang ang tiwala na binubuo ko para sa kaniya," mas klarong sagot ko. "At kung mapapatawad at mapagkakatiwalaan ko ulit? Hindi na siguro. Masakit magtiwala, masakit mawalan ng tiwala. Masakit magbigay ng tiwala."

"Sa bagay... earning trust is hard. Mahirap nang magtiwala sa unang taong nagsira ng una mo rin pagtitiwala. Well, you can trust that person again... but it's different from before."

Well, true.

"May nanakit na ba sa 'yo?" Tanong ni Dice sa akin.

"Niloko na ako noon, Dice, remember?" napairap ako.

Hindi ko gugustuhin na mangyari ulit 'yon. Ayoko nang mangyari 'yon sa akin. Ayoko nang mapunta sa phase kung paano ako umiyak dahil sa sakit. Ayoko nang mapunta sa phase kung paano ko tanungin ang sarili kung bakit niya nagawa sa akin 'yon.

After ng subject ay pumasok ulit na bago. Inaantok na nga ako actually. Third subject na namin ngayon kaya tamang kinig ako pero 'di kalaunan ay nakakatulog ako habang hawak ang libro para takpan ang mukha ko. Pumipikit-pikit na ang mata ko..

Nakayuko na ako para lang umidlip.

Tinatamaan ako ng antok. Kakaantok ng boses ng Teacher parang nag-i-i-story-telling lang.

"Hey..." Pinisil ni Phoenix ang kamay ko. "Wake up..."

Hindi naman ako tulog! Nakapikit lang ako!

Nagmulat ako ng mata at tinuon sa Teacher. Wala akong naintindihan hanggang sa matapos ang klase niya.

Iyong last Teacher namin bago maglunch, hindi pumasok. Nawalan yata ng gana nang makita kung gaano kaingay ang classroom.

Sa bagay, sinong gaganahan kung hindi naman nakikinig ang mga estudyante? Nakakakunsume kaya 'yon tapos ito namang mga ugok na 'to, ayaw mag-si-ayos at mas pabor na hindi magturo ang Teacher.

Bawal pa kaming lumabas since hindi pa nagbe-bell kaya na nanatili ang lahat sa classroom pero para na namang bar ang classroom namin ngayon. Ang lakas na naman ng tugtugan at nakapatay pa ang ilaw.

"Tangina, ang usok." Umubo ako.

Napailing ako.

"Ano ang flavor ng sa 'yo?" Rinig kong tanong ni Renz.

"Strawberry, 'cause this is Ysa's favorite," binasa ni Mavis ang ibabang labi.

"Nix, sa 'yo?"

"Grapes." Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

Umalis naman si Renz para maki-epal doon sa harap. May ginagawa yata sila sa laptop. Hindi ko lang alam kung ano.

Ako naman, nanonood sa Netflix. Panay ang halik nh katabi ko. Mabuti talaga hindi nabubura ang labi niya kakahalik sa akin. Ang random ng mga kiss niya, e.

"Baby, do you want-"

"Nanonood ako, love."

"Do you want crinkles?" Napalingon ako kay Phoenix. "I have your favorite crinkles." Kinuha niya ang paper bag na nakapatong sa upuan ni Harvey. "You want?"

"Syempre, akin na." Napaayos ako ng upo para kunin ang paper bag.

Parang ilang araw na akong hindi kumakain nito kaya ito parang years para sa akin na kumain ng crinkles.

"Can I have one?" Hingi ni Phoenix.

"Nakuha mo na nga gusto mo tapos gusto mo pa nito?" Sinubo ko sa bibig niya ang kinagatan kong crinkles.

Hindi naman siya nagreklamo at kinain na lang.

"Siguro kung nakakatunaw lang 'yung mga titig mo baka tunaw na ako ngayon." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Kakaibang titig kasi 'yan

"May barbecue kayo diyan?" Tumingin ako kay Finn na kanina pa nasa harap at pa-kunyaring nagbebenta ng mga inihaw.

"Wala na! Isaw na lang." Sinakyan niya ang biro ko. "Tangina nito, bayad mo?!" maangas niyang sinabi kay Arvin.

Napailing ako at mahinang natawa.

Mas lalong nilakasan ni Finn ang tugtog kaya halos maalis na ang eardrum ko. Dumadagungdong sa paligid. Nasa pinakadulo ang classroom namin tapos wala pang tao sa harap at likod kaya walang naiingayan.

"Damn, this is boring..." komento ni Harris.

True, ang boring sobra.

"Alam niyo ba 'yong Tiktok?" tanong ni Arvin.

"Hindi, sino ba 'yon?"

"Gago, ano 'yon... parang pwede mag-dance? Ewan, nakita ko lang 'yon sa Instagram story ni Jin. 'Yong pass the phone challenge? Uso 'yon, e," si Arvin na binubuksan ang account niya. "Kakagawa ko lang tapos thousands agad 'yong followers." Halatang nagyayabang siya kay Harvey.

"Sino bang pinaparinggan mo rito, ha?!" pikon na sinabi ni Harvey.

"Ikaw," pang-aasar ni Arvin. "Anyway, mag-pass the phone tayo. Wala na akong magawa sa buhay."

"Talon ka sa building habang nagti-TikTok para may magawa ka. Content gano'n," ngisi ni Owen.

Nagtaas ng gitnang daliri si Arvin. Umayaw naman kaagad si Dash at ang iba.

"Game na! Laro tayo!" Ako na ang nag-salita.

"No way," tanggi ni Phoenix.

"Mga ulol! Game na kasi, KJ ba kayo, ha?!"

"What should I say?"

"Basta, bulgaran," ngumisi si Arvin.

"Tangina, love, back out na ako-"

"Aba, hindi pwede. Pumayag kami tapos back out ka? Hindi pwede!" putol nila sa 'kin.

"Oo na putangina ito na nga, o! Nang-wawarshocked ba kayo dito?" Umayos ako ng upo.

Pinitik ni Phoenix nang mahina ang labi ko. "Stop it," saway niya bago hawakan ang kamay kong nasa arm chair

Pinunasan ko ang labi ko at masama siyang tiningnan. Tinawanan naman ako ni Harvey at ng iba pero inirapan ko sila.

"Game na kasi!" Si Renz. "Ako, una!" Hinablot niya ang cellphone kay Arvin. "Ehem! Ipapasa ko 'tong cellphone sa taong nanonood ng porn-aray gago!" Binato siya ni Phoenix ng bag.

Nagtawanan naman ang mga hayop.

Binigay ni Renz ang cellphone kay Gael na masama ang tingin sa kaniya pero tinatawanan lang ni Renz. "Ipapasa ko 'tong cellphone sa taong laging inis pero BJ ang pangpakalma." Malakas siyang binatukan ni Harris.

Huh?

Parang mamamatay na sa kakatawa ang mga 'to except kay Dash, Trevor, at Phoenix. Parang anytime bubusalan nila ng papel ang mga bibig nila.

"Fuck you!" Nagtaas ng gitnang daliri si Harris.

"Anong BJ?" tanong ko na halos ika-ubo nilang lahat.

Narinig ko na 'yon kay Phoenix, e. Ewan ko ba dito, nawi-weirduhan talaga ako sa kaniya minsan. Hays, palit kaya kami ng utak para naman maintindihan ko ang mga pinagsasabi niya tuwing magkasama kaming dalawa.

"B... Buko juice." Malakas na sinipa ni Trevor si Gael.

"E, teka lang 'di ba-" Tinakpan ni Phoenix ang bibig ko kahit hindi pa ako tapos sa sasabihin ko.

"Darlene, I said stop it," saway niya.

Inalis ko ang palad niya sa bibig ko. "Sasabihin ko lang na-"

"Shut it," putol niya sa akin at tumingin ng diretso sa akin. "Close your mouth."

Hindi na lang ako nagtalk at tumingin sa mga matang nakatingin sa amin na para bang may kung ano ang pumasok sa mga isip nila.

Kasi naman ang sabi sa akin ni Phoenix masarap raw ang buko juice! Nag-order pa nga siya, e! Iyon pala kasi talaga ang tinutukoy niya. Gusto ko lang rin naman sabihin na masarap ang buko juice! Ano ba naman 'yan.

"So..." si Harris. "Let's stop this nonsense."

"Hindi pwede! Gusto kong ipasa ang cellphone kay Cervantes at sabihin na nagselos nang muntik nang ipakilala ni Darlene si Amora kay Chase!" Parang bata na sabi ni Harvey.

Nagtaas lang ng gitnang daliri Arvin sa kaniya.

"Ako, ipapasa ko iyong cellphone sa kaibigan kong nag-away sa isang babae!" malakas na tumawa si Owen. "'Di ba, Dash?"

"Alam mo, Owen? Tangina mo," iritadong sinabi ni Dash.

Nagtawanan silang lahat.

"Well, ako, ipapasa ko ang cellphone sa taong hindi raw mababaliw sa babae pero tingnan mo ngayon," ngumisi si Dash.

Malakas silang nagtawanan. Inasar pa nila si Phoenix. Tuwang-tuwa pa silang lahat. Napailing naman ako dahil sa ginagawa nila.

"Hindi lang basta baliw, baliw na baliw," humalakhak si Harris.

"Alam mo, Harris, I hope Vanessa leave you again," sambit ni Phoenix sabay hawak sa kamay ko.

"That would never happen," ngumisi si Harris.

Hay nako, lagi nalang sila nag-aasaran.

Nagpatuloy ang party nila kaya ito ang ingay na naman.

Mabuti na lang nagbell na kaya natapos na ang party-party at pagfe-feeling nasa concert. Nakakalat ang mga upuan sa harap tapos kanina nakatayo si Harvey na animo'y nagcoconcert tapos tamang sabay naman sa trip ang mga ungas.

Sabay-sabay kaming pumunta kung nasaan sina Darius. Nagla-lunch na silang lahat kaya nakisali na rin kami sa kanila. Puro pasta, at fries na lang ang natira kaya 'yon ang kinain namin, may iced tea rin kaming in-order.

"Ano ang gagawin niyo kapag bumalik 'yong unang mahal ng minamahal niyo?" tanong ni Zay.

Napatingin ang lahat sa kaniya.

"Huh?" tanong ni Lian.

"Problemado ka rin?" tanong ko rin.

Napatingin naman ang mga ugok sa akin. "Rin?"

"Ano ba 'yan! Puro kayo tanungan." Umirap ako.

"Ulitin mo nga ang tanong mo, Zay," utos ni Andrei.

"Anong gagawin niyo kapag bumalik 'yong unang minahal ng taong minamahal niyo?" ulit ni Zay.

"Wala," sagot nila.

Naguluhan naman si Zay. "Paanong wala?"

"Kasi, bro, kung bumalik 'yong nauna at nasa sa 'yo naman na ang minamahal mo, wala ka na dapat problemahin dahil na sa 'yo na. Nasa mga kamay mo na, hawak mo na siya," sagot ni Giovan.

"Pero kung mahal pa ng minamahal mo ang unang sinasabi mo, edi talo ka na," dagdag ni Lian. "Kasi kung doon pa lang na mahal pa rin ng minamahal mo ang naunang 'yon wala ka na lang laban kahit na nasa mga kamay mo siya. There's a possibility that you two broke up."

Adviser, hoo!

"Angas mo naman mag-advice," comment ni Gael.

Hindi nag-talk si Lian.

"Ang tamis!" Biglang sabi ni Gianna, nakatingin pala siya sa aming dalawa ni Phoenix.

Kanina pa nakahawak sa kamay ko si Phoenix tapos nakikita ni Gianna.

"But if the woman loves you more than anything, she doesn't care about the first. She only cares about the relationship they build," sabi ni Darius kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nuxs, kapatid, 'yan ba natutunan mo sa panonood ng movies ni Mama?" pinalakpakan ko siya sa mismong harap niya.

"Shut up," ani Darius.

"Ano bang pinapanood ni Darius?" Tanong ni Mico.

"Eh, minsan tuwing napapadaan ako sa sala, nakikita ko ang pinapanood niya. May naghahalikan pa nga, e." Kinuha ko ang fries sa plato ni Phoenix habang nagsasalita.

Napalingon naman si Phoenix sa akin. "You saw him watching a kind of... you know."

Nag-shrugged ako.

"What?! Hindi ako nanonood ng gano'n!" Tanggi ni Darius.

"Ikaw, ha!" Turo nilang lahat kay Darius.

"I said, I'm not!"

Tumingin naman silang lahat kay Darius, nang-aasar.

"Pero totoo naman ang sinabi ni Darius," sang-ayon ni Andrei.

"By the way, who are you referring to?" tanong ni Mico.

"Basta..." sagot ni Zay at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na ulit kami nagtanong para mag-iba na ng topic.

Napunta ang usapan sa Spain kinemerut kaya ayan mapapasabak na naman ako sa mga utos nilang mag-Spanish. Ayos sana kung sila nahihirapan, e, kaso hindi.

"So, you're saying that you guys have a Family in Spain that maybe is the one who is always following you?" Nilingon ako ni Mavis.

Jusmiyo, hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa amin 'yan!

"No."

"Baka." Napatingin ako kay Darius dahil sa pagsabi niya ng 'No'.

"What do you mean by 'No'?" tanong ni Phoenix.

"Oo nga, what do you mean?" tanong ko rin.

What do you mean ni Justin Bieber.

"I asked our cousins there, Lin. Reina told me that they never left Spain, I even asked Margaret too and Aunt Carmilla's daughters and the answer is just the same."

"Sige, kunyari kilala ko lahat ng binanggit mo," sabi ko.

"Pinsan mo tapos hindi mo kilala?"

"Ano ang magagawa ko, e, hindi ko naman talaga sila kilala," sagot ko.

Hindi ko naman kasi talaga kilala lahat. Gusto ba nilang magmagic ako para makilala ko sila?

"And they never left them alone without a bodyguard, so hindi talaga sila," dagdag ni Darius. "Without the consent of the Highest Authorities they can't leave the country or Palace."

"Wews... daig pa prinsesa, ha?" sambit ni Gianna.

"Actually, prinsesa rin talaga ako, e, tingnan mo 'yong mga kawal ko mukhang ewan." Patukoy ko kila Harvey na mukhang tanga, mga nakatanga sa amin at diretso lang ang tingin tapos nakanganga pa.

"Ouch, ha?" Humawak pa sa dibdib ang mga ugok.

Biglang nagbell kaya tumayo na kami para pumunta sa mga classroom namin. Mamaya na lang kami magkikita-kita ulit. Wala pa ang Teacher nang makarating kami sa classroom kaya ligtas silang lahat dahil may oras pa silang magkopyahan ng assignment.

"Velasquez, hydrogen ka ba?" Tumingin ako sa kaniya.

Napatingin naman ang iba sa akin, hindi rin chismoso ang mga 'to.

"Why?"

"Wala lang, gusto ko lang naman kumopya sa 'yo. Pakopya." Nilahad ko ang kamay ko para kuhain ang notebook niya.

Bigla namang tumawa ang mga ugok dahil sa sinabi ko, iyong mukha ni Phoenix hindi na maipinta ngayon pero binigay niya ang notebook sa kamay ko.

"Angas ng banat mo," natatawang sabi ni Dash.

Natawa ako bago kumopya. Dumating ang Teacher nang matapos akong magsulat. Pinabalik niya sa mga upuan ang mga ugok bago siya magturo. Lutang ang isip ko habang nakikinig sa kaniya. Ang function raw ay special type ng relation na may exact output para sa input, in short partner-partner sila.

"Buti pa 'yong input at output may partner tapos 'yong isa diyan wala...." si Dash.

"Grabe..." natamaan si Renz!

Hindi sila pinansin ng Teacher at nagpatuloy lang sa pagle-lesson. At dahil pumasok na lahat ng mga subject Teachers namin nawala na ang bar thing nila sa loob ng classroom.

May naiintindihan naman ako sa mga sinasabi nila habang nakikipagdaldalan kay Harvey kaso sa huling subject nakatulog ako, nakatingin lang naman ako sa harapan. Nakakaantok talaga sa hapon, 'no?

Sa wakas tapos na ang klase. Kaniya-kaniya na silang tayo para lumabas ng classroom. Ako naman inaalis ang whiskers sa mukha, nagmukha tuloy akong pusa. Tangina, kaya ayokong makakatulog, eh, palagi na lang dino-drawingan ang mukha ko.

"Babe, what's--"

"Ulol, ikaw may gawa nito!" Inalis ko ang linya sa pisngi ko.

"You look like a cat." Lolo mo cat! "I'll remove it." Kinuha niya sa kamay ko ang tatlong wipes para alisin ang drawing.

"Aray naman!" Makapunas wagas.

"Oh, sorry," aniya at mahinang natawa.

Namumula na siguro ang mukha ko dahil sa wipes.

"Velasquez, hindi na pagpupunas ang ginagawa mo," puna ko nang sunod-sunod niyang halikan ang labi ko.

"I'll removed it already." Umayos siya nang tayo bago ako hawakan sa kamay. "I badly want to kiss you here but someone is watching." Tumingin siya sa likod niya. "I will kill you, Marquez, if you don't stop your shit."

"Wala akong ginagawa!" Sigaw ni Finn, papalayo ang boses niya kaya sure akong palayo na rin siya.

Kinuha ko ang bag ko para makalabas na kaming dalawa. Wala sa hallway ang mga ugok kaya bumaba na kami at pinuntahan kung nasaan sila.

Napadaan kami sa cafeteria kung nasaan sila Gianna.

"Tangina, Ivan, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko nang makita ang itsura niya.

Kumuha ako ng fries sa mga hawak nila. Binigay naman sa akin ni Gianna ang burger ni Darius, wala namang nagawa si Darius dahil nakagatan ko na.

"O, baka pati 'yong iced tea gusto mo rin?" sarcastic na sabi ni Darius.

"Thanks." Ininom ko ang iced tea niya at mas lalo siyang napairap.

"Give me a drink." Binigay ko kay Phoenix ang iced tea pati ang burger, bali hati kaming dalawa sa burger na hawak ko.

"Wow, you two just ate my food." Fries na lang ang kinain ng kapatid ko.

"Masarap naman pala 'to..." siniko ko si Phoenix.

"It's true, next time we'll buy this." Tumango siya.

Binalik ko ang paningin kay Ivan.

"Mukha kang tanga," comment ni Dash at natawa.

Mukha siyang babae!

Nakawig, makeup, at nakafitted dress. Tangina, may curves pa yata 'to!

"Lumalaglag ka na ba, tol?" Malakas na tumawa si Giovan.

"Pakyu kayong lahat," inis na sagot ni Ivan. "Mas malala kay Gav-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil pinangunahan ng malakas na tawa nang sumulpot si Gavin.

Napalingon kaming lahat sa likod ko at nakita namin si Gavin. Hindi ko rin napigilan ang malakas na pagtawa sa nakita.

Naka-mini skirt ang gago! Naka-white crop top siya at may sleeve 'yon, at nakablack heels rin siya. Tangina, kita ang pusod niya! Pati sina Darius malakas na tumawa dahil sa nakita.

"Tangina, hindi ako bakla," may halong inis ang boses ni Gavin. "Tangina na talaga, Ivan sasakmalin kita sa mga pinaggagawa mo sa akin, hayop ka."

"Puta, p're, mukha kang High school student na anime!" Parang mamatay na ang mga ugok sa kakatawa dahil sa nakikita.

"You look like shit, Gavin," komento ni Phoenix.

"Nadali mo, love!" sang-ayon ko habang hindi pa rin mapigilan ang tumawa.

"Gavin, tapos na ang Halloween Party," si JP.

"Gusto yata ng part two!"

"Gago, kailangan kong magdisguise para pumunta sa Scythe," sabi ni Gavin.

Nagulat naman kaming lahat.

"Ano namang gagawin mo do'n?" tanong ko.

"E, kasalanan naman kasi ng babae 'yon. Sinagasaan ba naman ang baby jaguar ko?" Ramdam ko ang inis at asar niya roon sa babae. "Hindi niya ako mapatay kaya ang baby jaguar ko ang pinakialaman."

Napatigil sina Laureen sa pagkain.

"What do you mean?" Nanliit ang mga mata ni Laureen.

"Hindi ko 'yon gusto," sagot kaagad ni Gavin.

Hindi naman 'yon ang sagot.

"Someone tried to kill you, Gavin?" Si Darius naman ang nagtanong.

"Oo nga, kanina noong papasok ako rito tapos nakasakay sa Ducati 'yong babae, ampucha," mas lalong nadagdagan ang inis niya

Sino namang babae 'yon? At talagang balak niyang patayin si Gavin ng gano'n-gano'n lang? At dahil hindi niya napatay 'yong sasakyan ang pinatay? Nakakatawa lang kasi ang tanga nila minsan, dapat kasi kapag gagawin nila ang balak nila 'yong maingat lang.

"Where is she now?"

"Nasa Scythe," si Ivan ang sumagot. "Actually, nandoon silang lahat."

"They are." Tumango si Trevor. "It was a simple meeting with all members of Scythe including me. I need to go there now."

"Wait, sasama ako!" Kinuha ni Gavin ang cellphone mula kay Laureen.

Gano'n rin silang lahat kaming dalawa na lang ni Phoenix ang hindi nagsasalita. Napatingin silang lahat sa aming dalawa.

"Saan ba ang lugar na 'yon?" Tanong ko.

"Around here in Manila but their place is secured, no one can enter on their place without a card like this." Nilabas ni Trevor ang black card niya.

"Just like ours...." sabi ni Phoenix.

"Yeah," sang-ayon ni Darius.

"Halika na! Gusto ko nang ipakita ang ganti ng api!" Unang lumakad si Gavin at muntik pang matapilok mabuti at nakahawak sa braso ni Laureen na panay rin ang tawa sa mukha ng... kaibigan niya? Ewan.

Ano kayang real score ng dalawa? Hinayaan ko na lang kung ano.

At dahil nga one for all, all for one kami. For back up lang naman kung bakit gusto kong sumama kaming dalawa. Malay mo magkagulo tapos silang tatlo lang nila Trevor, Gavin, at Ivan ang nandoon? Baka may paglamayan kaming lahat.

"Sasama tayo sa loob, ha?" papunta na kaming parking lot.

"I don't have a gun or weapon, so we'll stay-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Ano pang silbi nito?" Kinuha ko sa likod ng palda ko ang baril na kinuha ko sa hideout.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang hawak ko. Panay naman ang punas ko sa gold-diamond gun ko.

"You bring that here inside of School?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, galing kong magtago 'no?" I smirked. "Sa tingin ko mga anim na bala lang ang laman nito."

"Why you have that?"

"For purposes." Inikot ko sa index finger ko ang baril bago magpatuloy sa paglalakad.

"You're so unbelievable, Miranda," dinig kong sabi niya, hindi pa rin makapaniwala.

Mahina akong natawa.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
751K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."