The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 88.4K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 90

22.5K 511 86
By whixley

Chapter 90: Romantic

“Hindi ka naman masusunog kapag pumasok ka.” Hila ko si Phoenix habang papasok kami sa loob ng church.

“I’m not a demon, Miranda,” simangot niya.

“Edi tara na. May misa, o.”

Nasa kalagitnaan na ng misa nang makarating kami kaya dahan-dahan lang ang lakad namin para hindi makaabala sa iba. Sa likod lang naman kami nakaupo. Hindi naman bored ang makinig sa homily.

“Hindi naman masama ang magpatawad. Ang masama ay iyong pinatawad mo na ang tao pero inulit niya lang ulit ang kasalanan na ginawa niya. Bawat tao ay deserves ng kapatawaran,” sabi ni Father. “Halimbawa, kapatawaran sa ating minamahal ngunit may kapalit ‘yon.”

Tinakpan ni Phoenix ang bibig ko nang mapahikab ako.

“Sa bawat pagpapatawad natin sa ating mga mahal, nababawasan ang ating pagmamahal sa kanila. Kung noon ay buong pagmamahal ‘yon ngayon ay hindi, para bang nag-iba ang pagmamahal na ‘yon dahil sa kamalian na naidululot ng taong ‘yon. Oo nga’t naka-move on ka pero hinding hindi maalis ang peklat ng nakaraan o sakit na nangyari sa ‘yo. Mananatili at mananatili ang trauma sa isip mo, ang sakit… lahat.”

May pagkakamali akong nagawa. Inaamin kong maling ipagtabuyan ko ang sarili kong ina noon. Inaamin ko ang mali na ‘yon. Kinain ako ng nagalit noong panahon na ‘yon, gustong-gusto ko siyang makita, mayakap, at mahalin katulad ng ginagawa ko kay Papa at Kuya pero dahil sa ginawa niya lumayo ang loob ko.

At kahit pilit kong sabihing galit ako sa kaniya kusang nalulusaw. Kusa ko siyang napapatawad, katulad nga ng sabi ni Father, walang perpektong tao. Normal lang sa atin na masaktan o magalit kapag may nakasakit sa atin. Sino ba sa atin ang hindi mararamdaman ang gano’n? Pero may isang tanong na naiiwan sa utak natin. Hanggang kailan mananatili ang galit na nasa puso ko?

“Nagugutom na ako.” Kakatapos lang ng misa. Nakahawak ako kay Phoenix.

“What do you want to eat?”

“Ayon, oh, isaw. Tara, bago tayo pumunta sa Tagaytay.” Pumunta ako sa bilihan ng isaw at kumuha ng dalawa sa lagayan. “Gusto mo?” Alok ko kay Phoenix.

“Of course.”

“Okay, libre mo naman ‘to, e.” Binigyan ko siya ng isang isaw. “Magkano ang calamares?”Tanong ko.

“Fifteen po.”

“Sige, dalawa no’n tapos apat na isaw. Ay, dalawa rin palang betamax.” Lumingon ako kay Velasquez. “Kumakain ka ba ng betamax.”

Umiling siya. “No.” Tumingin pa siya sa tinutukoy ko.

Ngumiwi ako. “Masarap ‘yon!” Binigay niya sa akin ang pambayad.

Isang betamax na lang ang binili ko, hati na lang kami. Nakalagay sa plastic cup ang mga binili namin para hindi kami mahirapan kapag naglalakad. Bumili rin ako ng chichirya para may kinakain ako sa eroplano kahit may nagbibigay naman.

Kumakain ako ng isaw habang naglalakad kami, gano’n rin naman siya. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan kumakain kami. Ang arte niya, pa-ayaw-ayaw pa siya, eh, naubos niya nga. Isang kagat lang yata ang nagawa ko dahil inubos na niya. Bumili pa kami ng buko shake.

Bumalik kami sa Airport para pumunta sa Tagaytay. Naging traffic lang kaya natagalan kami. Natulog naman sa balikat ko si Phoenix, ako naman mulat hanggang sa makarating kami sa destination namin. Ginising ko lang siya para hindi na kami mahuli at hindi mas lalong abutin ng gabing-gabi sa daan.

Nang makapasok kami sa plane ako naman ang nakatulog. Kakaupo ko pa lang pero pagdating ng ilang minuto bagsak ang mata ko. Nagising lang ako dahil tinapik ako ni Phoenix at tinuro ang ibaba mula sa langit.

Kitang-kita mula sa langit ang mga city lights.

Ganda.

Umayos ako ng upo bago tumingin kay Phoenix. “Bakit ka nakatingin?”

Kanina pa siya nakatingin, eh.

“I was just enjoying the view,” ngiti niya. “It was a beautiful view,” dagdag niya.

“Alam ko namang maganda ako.”

“I mean, the view there. Usog ka.” Hinampas ko siya sa braso. “Aw, Miranda. That hurts.” Hinawakan niya ang braso niya.

“Hala, sorry, bibi.”

“Ang sakit ng hampas mo.” Nilayo niya ang braso sa akin.

“Hindi ko naman hahampasin ulit. Sorry na.” Hahawakan ko ang braso niya pero nilayo niya lang. “Sorry na nga kasi.”

“Ikaw pa galit? Magso-sorry ka lang naman.” Lumayo siya at hindi ako pinansin.

“Hindi naman ako galit, ha? Nagso-sorry na nga ako,” ngumiti ako. “Sorry na.”

“I don’t accept sorry…” Lumingon siya sa akin. “I want something para matanggap ko ang sorry mo.”

“Sorry na nga,” sambit ko pa.

“No.” Hindi niya talaga ako pinansin. Hmp!

Sumimangot naman ako pero agad rin umaayos. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sa akin bago ko gawin ang gusto niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya nang gawin ko ‘yon.

Umawang ang labi niya sa gulat. Dahan-dahan kong hinalikan ang labi niya bago humiwalay at umayos ng upo.

“Okay ka na?” tanong ko sa kaniya. “Tanggap mo na ang sorry ko?”

“Uh…” parang nauubusan siya ng salita.

Tumawa ako. “Tama na kilig,” natatawang sabi ko.

“S-Stop…” namula ang tainga niya.

“Okay lang naman kiligin, mahal. Normal lang ‘yan, halikan ba naman kita?” Tinuon ko ang paningin sa labas.

“I said stop,” saway niya.

“Edi stop!” ngumuso ako. “Arte mo.”

“It’s not just that… nakakabigla ka kasi…” bulong niya.

Tinawanan ko siya at hindi na nagsalita. Binuksan ko na lang ang cellphone para panoorin ang Let it go—ay Frozen pala ‘yon.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang hawak-hawak ko ang cellphone. Pumipikit ang mata ko dahil sa antok pero mas pinili ko ang manood. Nakapatong naman ang ulo niya sa ulo ko, hawak-hawak niya rin ang kamay ko.

“Velasquez,” tawag ko sa kalagitnaan ng panonood ng Elsa-Elsa.

“Hmm?”

“Inaantok ka?” mahinang tanong ko.

“I was sleeping, love.” Ay, natutulog pala siya kaya pala tahimik. “Why?”

“Yayayain sana kitang matulog,” sagot ko.

“Oh, damn,” dinig kong sabi niya.

Pinigilan ko ang matawa. Hindi ako natulog hanggang sa magsabi ang F.A na fasten your seat belt. Ginising ko si Phoenix para gawin niya rin ang sinabi ng F.A, matapos lumanding kinuha na niya ang bag ko. Tumayo na rin ako para makababa na kami.

Sa tingin ko ay kakilala niya ang mga taong nasa harapan namin. At take note may isang malaking yacht na nasa harapan namin. Tapos may pa ilaw effect pa at may pa-sofa pa sa harapan. Yaman talaga ni Phoenix.

“Sasakay ba tayo doon?” Napangiti ako habang nakaturo sa yacht.

“Ako lang sasakay do’n, ikaw lalanguyin mo papuntang beach house.”

Napairap ako.

Hindi naman kami nagtagal doon dahil pumasok na kami sa loob ng yacht. Malaki rin ‘to, may dalawang kwarto kaya doon ako sa isa. Pero asa naman akong sa isang kwarto mananatili ang lalaking ‘yon, syempre hindi, ‘no?

At tama nga ako dahil dumiretso siya kung nasaan ako. Pero hindi naman ako natulog. Ang ganda sa yacht.

Nandito kaming dalawa sa sofa. Mabilis lang naman daw kaming makakarating doon kaya no problem.

“Hoy, sino ba ‘yong ano…”

Tumingin si Phoenix sa akin. “Huh?”

“’Yong ano ba ‘yon? Basta ‘yong kumakanta sila tapos nakatayo. Bwisit, sino ba ‘yon?”

Nakakaasar. Romeo at Juliet ba ‘yon? Hindi yata—oo! Parehong R at J, e. Kaso pakiramdam ko malayo talaga.

“’Yong kumakanta sila! Hindi ko malaman-laman, piste!”

“You mean Jack and Rose?” Napalingon ako sa kaniya.

“Oo ‘yon nga! Akala ko si Romeo at Juliet, hindi pala,” tumango-tango pa ako.

“Ang layo ng Romeo sa Jack.” Sumandal siya sa sofa. “But still they’re both died.”

Ang spoiler.

“Errr… alam ko.”

“They died for love. Romeo thought Juliet died and Jack died saving Rose in the ice.” Ay, pucha, alam na alam, ah?

“Nuxs, nanonood ka no’n, ah!”

“I just know that they died for love, saving their lover, except for Romeo. Because he thought she died so he drank the poison, maybe to be with her in another world.”

“Kapag namatay ka—”

“What the fuck? Do you want me to die?” Putol niya sa sinasabi ko.

“Hindi, ‘no! Asa ka namang may papatay sa ‘yo. Sa akin pwede pa! Malay mo madeds ako d’yan bigla.”

“Excuse me, Miranda. You will never die. Stop saying those words.”

“Hello? Sandamakmak nga ‘yong mga deputa d’yan, at iniisip ko lang naman kung magpapakamatay ba ako kung sakaling mamatay ka. Para till death do us part tayo sa impyerno.” Masama ang tingin niya sa akin. “Haha, joke lang,” bawi ko.

Hindi na kami nagtagal sa yacht dahil huminto na kami sa isang rest house. Maganda dito at halatang hindi makakapasok ang iba rito dahil kailangan pa ng yacht para lang makapunta.

Nauna si Phoenix na bumaba. Humarap siya akin at nilahad ang kamay. Inalis ko muna ang sandals ko patalon na bumaba sa dagat kaya nabasa ang dress ko. Tumalsik pa ang tubig sa mukha ko.

Naglakad kami papunta sa mga buhangin. Tumigil kami sa harapan ng dagat. Napatingin ako sa harapan ko. Mas maganda pala sa malapitan ‘to. Ang sarap mag-swimming!

May tagabantay rito kaya sobra-sobra ang ganda at linis.

“May tao?” Tanong ko habang tinitingnan ang mga taong tapos na magbabad sa tubig.

“We are on a beach, baby. That rest house is mine.” May tinuro siya, at ‘yon ang kahoy na bahay. “And this place is the main beach,” aniya. “That’s why everyone’s here.”

Napatango ako. Ang buong akala ko ay may sarili siyang beach pero mali ako! Pero ayos lang naman, maganda naman dito.

“Let’s go.” Hinila niya ako.

Naglakad kaming dalawa hanggang sa tumigil kami. Napako ang tingin ko sa ganda ng nasa harapan ko bago mag-angat ng tingin kay Phoenix.

“Angas may pa ganito ka pa.” Mahina ko siyang siniko.

May pa-candle siya sa mga buhangin, mayroon din pa red rose petals na nakakalat sa buhangin at sa gitna may cabana candle light table for dinner. Napupuno rin ng romantic candle ang buong paligid ng cabana.

“You don’t know the word… romantic.” Hinila niya ako papunta sa loob. “Do you like it?”

“No,” sagot ko kaya natigilan siya. “Because I love it!” ngumiti pa ako. “Ganda naman dito! I love it, thank you…”

“So are you.” Hinalikan niya nga noo ko. “I love you.” May binigay siyang red rose sa akin.

“Love you too…” Hinalikan ko ang labi niya pero smack lang. “Thank you talaga… first time ko makaranas ng ganito.”

“No need to say that, anything for you.” Humalik siya sa pisngi ko. “I can do anything for you, love.”

Binaling ko ang tingin sa paligid. “Last minute mo na ‘to pinagawa, ‘no?”

“Sort of. I called Lala to make this. I told you, I want a romantic date with you.”

“Ang sabi mo gusto mo lang akong makasama sa Tagaytay,” sambit ko. “Hindi ko naman alam na may ganito pala.”

“It’s a surprise, love.” Hinalikan niya pisngi ko.

“Eh, bakit ba biglaan ka nagyaya ng ganito? Sana sa next week na lang para mahaba ang araw natin dito. Bukas may party na naman, edi maaga tayo aalis bukas.”

Diretso lang ang tingin niya sa akin. “I’m collecting memories with you….” Bahagyang humina ang boses niya.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya dahil may something sa kanya. “May problema ka ba?”

Umiling naman siya. “Wala.”

Dahan-dahan akong tumango bago ilipat ang paningin sa lugar. Naglakad ako papuntang beach habang dala ang sandals ko dahil ang sarap sa pakiramdam ng mga buhangin.

Pwede itong pang wedding place.

Nag-angat ako ng tingin sa langit. Maganda din ang hubog ng buwan, sumasalamin na rin ang kulay puting buwan sa dagat kaya mas lalong gumaganda ang view.

Nakakatuwa lang kasi nagawa namin ‘to, nagagawa namin maging masaya kahit maraming nangyayari. Maraming mga ganap sa mga buhay namin. Masaya lang kaming dalawa. Sana palagi kaming ganito.

Bumalik ako kung nasaan siya, pinagmamasdan niya lang ang galaw ko.

“Sana bumalik tayo dito!” Tumingin ako sa kaniya.

“If you want then we will…” mahinang sabi niya.

“Pero gusto ko ‘yong wala ng gulo,” dagdag ko. “Dito lang ba tayo? Wala ba tayong kakainin kasi gutom na ako. Lusaw na lahat ng kinain ko kanina.”

Natawa siya sa sinabi ko. “Of course, we’ll eat.”

Akala ko wala, e.

Hinila niya ang upuan para makaupo ako. Naupo ako sa at gano’n rin ang ginawa niya.

May nakita akong lalaking papalapit. May dala siya at sa tingin ko ay ang pagkain na ‘yon. Mayroon din kakaibang style sa gilid or design siguro ‘yon para magmukhang masarap ang steak.

“Masarap ba ‘yan?”

“Thank you,” sabi niya sa lalaki bago tumingin sa akin. “Of course. Do you want to taste it?”

“Oo naman.” Gutom na ako.

Akala ko ibibigay niya sa akin ang steak ko pero hindi. Sinubuan niya ako.

“We’ll celebrate our Anniversaries in different Islands.”

Napatango ako. “Eh, paano kapag nirarayuma ka na o may sakit sa buto, gagawin pa rin ba natin ang sinasabi mo?”

“Miranda, you know what? You ruining the moment.” Tumingin pa siya sa akin bago idiretso ang iniinom niya.

“Tinatanong lang naman kita kasi paano kapag may gano’n ka na? For sure ganito ang sasabihin mo ‘Miranda, wait. My bones are hurt.’ O kaya ‘Teka, inaatake ako ng rayuma ko, iinom lang ako ng gamot.’ ‘Di ba?”

Iyong mata niya parang hindi makapaniwala. “What the fuck.”

“Bakit? Actually, naiimagine ko ang sarili ko habang kasama ka na may rayu—” Tumayo siya at mabilis na hinalikan ang labi ko.

Lasang wine ang labi niya.

Muntik pang mahulog ang candle sa gitna namin nang bumitiw siya.

“It’s okay to have that as long as I have you.” Lumapit ulit siya sa akin, dinampi niya ang labi sa akin.

Kinagat niya ang ibabang labi ko bago humiwalay.

Hindi naman ako nakapagsalita. Umayos na lang ako nang upo tutal nauubusan rin naman ako ng sasabihin.

“Pero paano nga kung-.”

“Darlene.” Hindi na maipinta ang mukha niya.

 “Hehe, joke lang.” Nag-peace sign ako.

Dahan-dahan lang ang kain ko habang kumakain kami. Kaso siya nakatingin lang sa akin, medyo nakakailang lang kasi hindi pa rin ako sanay sa mga tingin niya.

“Miranda, that’s a wine…” Saway ni Phoenix sa akin nang makitang kinuha ko ang wine sa lamesa.

Hindi ko naubos ang kinakain ko kanina. Hindi ko trip ‘yong lasa. Masarap naman siya pero wala kasing kanin! Masarap ‘yon kapag may kanin kaso wala, e! Hindi ko tuloy trip na ubusin.

At kanina may sinabi siya about sa grandma niya. Mabait naman daw ‘yon… minsan.

“Darlene, I wanna ask a question…” biglaan sabi niya.

Nagtagal ang pag-nguya ko. “Ano ‘yon?” Kinakabahan naman ako.

“If… if someone did something to you… are you gonna forgive that?” Namungay ang mga mata niya.

“Hindi ko maintindihan, ano’ng klaseng—.” Hindi niya ako pinatapos.

“What if someone did something bad that makes your heart break? That causes a lot of pain to you… are you gonna forgive that?”

Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi agad ako makasagot pero nagawa ko. “Hindi ko alam…” I shrugged. “Pero hindi ko hinihiling na masaktan ng sobra.”

Hindi naman siya nagsalita matapos kung sumagot. Kinuha niya lang ang baso sa harap at uminom. Hindi na rin ako nagsalita kahit na may napapansin na ako sa kaniya.

Pinilit ko na lang inalis ‘yon sa isip ko.

“Gusto mo?” Kahit tinatanong ko pa lang siya nilagyan ko na ng whiskey ang glass niya.

Malakas ako, kaya kong uminom n’yan.

“I’m drinking already.”

“Ayos lang ‘yan. Alak din naman ‘to.” Tinulak ko ang glass papunta sa kaniya.

 Kinuha naman niya ‘yon.

“Cheers!” Ngisi ko.

“Baby, what the fuck? Sa akin isang baso lang tapos sa ‘yo isang bote?” Hindi siya makapaniwala.

“Okay lang ‘yan! Bibigyan na lang kita o kaya ayon, oh.” Ngumisi ako bago inumin ang nasa bote.

“Darlene, hindi basta-basta ‘yan. It can make you drunk.”

“Hindi naman.” Kumuha ako ng strawberry sa bowl glass na may design.

Cute.

Biglang bumuhos ang ulan kaya napatayo ako. Namatay rin ang mga kandila. May lumapit na lalaki sa amin at binigyan kami ng payong.

Sa rest house naman agad ang diretso namin.

“Put that away.”

Hawak ko pa rin ang whiskey “No.”

Nang makapasok kami sa loob ng rest house ay sa sofa kaagad ako dumiretso. Nagpaalam na ang lalaki na aalis na kaya hinayaan na namin.

Hindi naman ako nabasa kaya keri lang. Binuksan niya ang TV para manood kaming dalawa.

“Gusto mo?” Alok ko.

“We should enjoy our moments.” Kinuha niya sa kamay ko ang bote at uminom.

“Nag-e-enjoy naman tayo, ah?”

“But I still want to have a romantic date with you.” Inakbayan niya ako.

“Magkasama naman tayo,” ngumiti ako bago sumandal sa braso niya.

“Sa bagay… sapat na sa akin ang kasama ka…” aniya. “… dito sa Tagaytay. It’s enough, love. I love you.”

“I love you more,” bulong ko, kinuha ko ang baso sa harap namin para bigyan siya. “Cheers.” Tinaas ko ang bote ko at gano’n rin naman ang ginawa niya.

Hindi naman napunta sa wala ang pinaghirapan niya.

Nagustuhan ko naman at nagandahan ako sa buong lugar. Na-appreciate ko ang ang effort niya. At may picture na rin naman kami. May remembrance kaming dalawa.

Nanonood lang kaming dalawa habang umiinom nitong lintik na whiskey na ‘to. Ang totoo niyan… dumodoble ang paningin ko. Ang sakit na rin ng ulo ko.

“Damn…” Bulong ni Phoenix. “Babe, you getting two? What the f-fuck? You have twins? L-Look.”

Siya rin, e. Nagiging dalawa sa paningin ko.

“Gago…w-wala akong kambal! Ay mayroon pala si Darius!” I snapped. “Kaso wala rito, e.”

“Really? Your brother is annoying!”

“T-Totoo! Pero labs ko ‘yon!” Tumawa pa ako, lasing na.

“What? You love me right? Then why do you love him?”

“Shunga, kambal ko ‘yon! K-Kapatid…” Pagtatama ko. “Shh, huwag ka ng maingay. Nanonood ako.”

“I want to s-sleep…” Bulong niya.

Muntik na akong masubsob sa ginawa niyang paghila sa akin. Ramdam ko ang pagyakap niya.

“Matulog ka na…” Kahit ang mata ko ay pumipikit na.

“No...”

“Shh…” Hindi ko makita ang nasa TV masyadong blurry ang mata ko.

Inaantok na ako, idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko. Gusto ko ng matulog sa kama.

“Halika na nga…” Gusto ko ng matulog.

“Huh… You mean k-kiss, baby?” Hindi ko narinig ang sinabi niya.

“Hindi kita maintindihan…” Pumikit ako at kusang sumandal ang ulo ko sa sofa matapos mahiga.

“I heard you said kiss. Like this.” Inupo niya ako sa lap niya bago ko maramdaman ang labi niya sa akin.

Humawak ang isang kamay ko sa leeg niya habang sinasabayan ang bawat galaw ng labi niya. Ginilid niya ulo para mahalikan sa panga ko, kusang umaangat ang ulo ko nang bumaba sa leeg ko ang halik niya.

Bumalik ang halik niya sa labi ko bago humiwalay at mahigpit akong niyakap. Kusang pumikit ang mata ko dahil sa antok.

“Let’s sleep…” bulong niya. “I promise to your father that I’ll never do that to you…. I’m drunk, baby, but I can control myself. I have a lot of respect for you… and to your family.”

“I love you…” Bulong ko.

“I love you more…” Hinalikan niya ang noo ko. “Sleep now. I’m sleeping on the sofa bed and you’ll sleep on the bed.”

Ramdan kong binuhat niya ako bago ko maramdaman ang malambot na kama.

“I can’t broke my promise to your father and to your two brothers. I respect them the way I respect you. I’ll wait until we both ready. I love you. Sleep well, my love.” Hindi ko na narinig ang sinasabi niya dahil kusang pumikit ang mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 8.3K 52
[COMPLETE] high school is a time to make memories. hwang hyunjin has spent the vast majority of his life under the protection of his elder brothers s...
53.1K 1.5K 14
DISCONTINUED. It's never quite as it seems. ROY KENT x FEM!OC. SEASON ONE ╱ THREE. TED LASSO, 2020 ━ 2023. SPORADIC UPDATES. © 2023, @ez...
13.6K 244 6
This is the story of Isabella Mikaelson and how she came to meet her family once again. Please read and review.
269K 9.7K 46
Chaeyoung turned around and saw this girl all angry staring attentively at her from head to toe. Judging her look. "How are you a girl?" She demande...