The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 86K 17.1K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 85

21.2K 514 183
By whixley

Chapter 85: Kissed

Nang magising ako lang ang mag-isa, umalis na si Phoenix at hindi man lang ako ginising. Seven ako nagising kaya mga bandang six siya umalis.

May GC kami kaya 'yon ang binuksan ko. Ayaw pa nilang pumasok dahil boring daw dahil wala ako. Mabuti nga mga nagsi-pasok, e.

Feeling ko naman may gagawin ang bebe ko kasama sina Trevor. Hinayaan ko na sila, nanatili naman ako rito sa kwarto ko habang iniisip ang suspension ko.

Ano na lang ang mangyayari kung mapalabas na totoong tinulak ko si Iris? Baka ma-expel ako kahit inosente ako. Hindi rin mawala sa isip ko ang nalaman. Gusto ko malaman if may feelings si Darius kay Iris.

Kinuha ko ang invitation para sa birthday ni Kuya. Imbitado rin pala sina Phoenix pati ang mga kaibigan ni Darius. Kasama na rin ang mga relatives namin, bukas na 'yon gaganapin.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pwedeng gawin ni Phoenix. Sabi niya kasi kanina sa text niya aalamin niya raw ang totoo. About 'yon sa totoong nangyari kahapon. Hindi ko rin mapigilan isipin kung paano? Ang alam ko walang CCTV sa parte ng hagdan pataas kaya mahirap alamin ang totoo. At itong kaibigan ni Iris, ayaw pang sabihin ang totoo.

Nandito nga pala sa bahay si Mama at Papa. Hindi sila pumasok sa office dahil inaasikaso nila ang papers ko raw. Passport yata 'yon, nawala ang dati kong passport.

Hindi ko din alam kung bakit kailangan 'yon, wala naman akong balak umalis ng bansa, ni wala nga akong ticket.

Naglinis nalang ako ng kwarto. Wala naman akong gagawin kaya ang paglilinis na lang ang pinagtripan ko. Eleven na pero hindi pa rin ako tapos, gutom na ako.

Inayos ko ang closet ko, inayos ko din ang kalat sa harap ng mirror table. Pati 'yong mga pictures ko, inayos ko rin kasi parang nangunti na lang. Iyong picture ko noong baby ako, nawawala.

Walang nakalagay sa isang wooden pin ko. Inalis ko na kasi lahat sa frame, ginawa kong banderitas ang strings fairy lights at nilagyan ng mga wooden pin para isasabit na lang doon ang pictures ko. Nasa taas ng headboard ng kama ko 'yon nakalagay.

May picture din kaming dalawa ni Phoenix na nakalagay doon. At minsan rin ay feeling ko kinukuha ni Phoenix ang mga picture ko. Palaging wala kapag may bago, e. Tapos 'yong picture ko kasama ang mga ugok nakasabit rin, pinasadya ko pa 'yon kasi masyadong malaki ang picture.

Naligo kaagad ako nang matapos para mawala ang pawis ko. After no'n ay bumaba na ako. Pasimple akong naupo sa sofa matapos buksan ang TV. Kumuha pa ako ng pancake dahil gutom na ako.

"Darlene, why are you here? You are supposed to be in School right now." Sulpot ni Mama.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Eh, sa wala raw akong klase. Suspended daw ako, e." Nagpatuloy ako sa pagkain matapos sagutin ang tanong niya.

Miss ko na ang pancake ni Phoenix lalo na kapag may kiss.

"What?" Si Papa nandito pala, lumabas siya mula sa kusina. "You're suspended? For what reason?"

"Ha?" tanong ko, nanonood kasi ako ng TV at masyado akong focus kaya hindi ko maintindihan ang tanong niya.

"Why are you suspended?" Tanong ni Mama.

"Ang tanga naman n'yan..." komento ko nang nahulog ang lalaking pinapanood ko. Biglang namatay ang TV kaya napasimangot ako.

"Darlene, I'm asking you. Bakit ka na suspended?" Ulit ni Mama.

"Napagkamalan kasi akong nanulak sa hagdan, eh," sagot ko.

"What?" gulat na sabi ni Mama.

"Wow, ang taas ng pagkashocked mo, ah?" Tinaas ko pa ang kamay ko bago umayos ng upo. "Hindi ko naman 'yon tinulak, tinulak niya mismo ang sarili niya kaya siya nagkasugat sa noo at gumulong pababa." Kung noon naaawa ako sa kabaliwan niya ngayon ay hindi na. Sarap niyang ipadala sa mental!

"And she accused you?"

Tumango ako sa tanong ni Papa. "Oo, muntik pa nga ako unang malaglag dahil sa pagkakahila niya sa akin, mabuti na lang ay napahawak ako sa railing. Tapos ang dami-dami niyang sinasabi bago itulak ang sarili pababa sa hagdan."

"Baliw..." Comment ni mama.

"True," sang-ayon ko. "Kaso lakas ng amats ng kaibigan niya, kinampihan si Iris kahit alam naman ang totoo."

Sarap talaga nilang pagbuhulin.

"Wait, Iris? You mean your brother's friend?" Tanong ulit ni Papa.

"Oo, may galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa noong una. Pumapasok lang naman ako ng matino tapos lalapit-lapit para lang magsimula ng gulo. Nakakaasar." Kinain ko ang pancake.

"Hindi naman pala ikaw ang may gawa, bakit ikaw ang pinarusahan?" Tanong ni Mama.

"Eh, masyadong sinungaling kaibigan ng Iris na 'yon, e. Hindi nila sinabi ang totoo kahit alam naman nila," sagot ko. "Three week suspension pero kapag lumabas na wala akong kasalanan, mawawala 'yon. Makakapasok na ulit ako."

"Wala man lang ba CCTV doon?" Tanong ulit ni Mama.

Nag-shrugged ako. "Ewan, hindi ko sigurado kung mayroon. Pero let it go na lang."

"Let it go?" .

"Oo, hayaan," sabi ko.

Let it go... Let it go ni Queen Elsa.

"Paano mawawala ang suspension mo kung wala kang gagawin? Someone accused you, Lin. Nadamay ka."

"Wala akong ginagawa pero sila mayroon." Binuksan ko ulit ang TV para manood.

Gusto ko let it go-ay, Frozen pala 'yon.

"It is Nix and the others?" Si Mama.

"Oo, hindi ko nga alam kung ano. Ang dami nga yata nilang side line, e. Tingnan mo, bukas abogado na ang mga 'yan."

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin nila! Ang alam ko lang ay ang aalamin nila ang totoo, 'yon lang.

"Then, maybe tomorrow you'll back in School." Maayos na tumayo si Papa. "Nix has his own way."

Angas, may own way ang gago.

One way kaya 'yon? O two way?

Pero gusto ko na talagang pumasok ulit. Minsan na nga lang ganahan, sinuspinde pa.

Akala ko magtatanong pa sila about do'n pero hindi na. Ang alis nila ay bandang twelve, sa resto na lang raw sila kakain for lunch kaya hindi nagluto ang mga helpers. Paano naman ako? Wala akong kakainin pang-lunch. Parang hindi pamilya, ayaw ako lutuan.

"Lin, you wanna come with us?" Tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Yes! Akala ko hindi nila ako yayayain.

"Syempre naman," sagot ko.

"Okay, then change your clothes. We'll leave after you finish." Nakarinig ako ng takong ng sapatos ni Mama na papalayo.

Bakit kaya ang englishera ng pamilya ko? Marunong naman akong mag-english speaking noong bata ako, araw-araw pa nga, e. Nabagok yata ang ulo ko at bumaliktad kaya nag-iba.

Dapat mag-riripped jeans at simpleng blouse lang ang isusuot ko pero si Mama pumasok sa kwarto ko at nagbigay ng isang paper bag, ang nasa loob no'n ay maroon fitted dress with puff sleeve.

Gustong-gusto yata ni mama na nagsusuot ng mga pang-sexy. Nag-flat sandals lang din ako. Nang matapos ako sa pagbibihis, kinuhanan ko ng picture ang sarili ko. Nagmirror shot ako tapos sinend ko kay Phoenix.

Bumaba na ako para puntahan sina Mama. Nasa sala si Papa nang makita ko kaya doon ako pumunta. Nakakarinig ako ng boses ni Mama mula sa kusina. Naupo ako sa pang-isahang sofa at pinapanood ang ginagawa ni Papa.

Ang galing ni Papa mag-ayos ng baril! Ang bilis niya!

"Papa, ang galing mo! Hindi ko 'yon kaya," manghang sabi ko habang nakatingin sa ginagawa niya. "Paano 'yon?"

Ang galing, magkasing-bilis sila ni Phoenix.

"It's just basic, sweetie," sagot ni Papa.

"Ano pang kaya mong gawin bukod d'yan?"

"Well... I can make your mother scream." Biglang may lumipad na kutsilyo papunta sa direction namin.

Tinaas ko ang kamay at sinalo, muntik pa akong mahiwa buti sa handle ko nahawakan. "Mama! Grabe ka naman! Bakit ka namamato ng kutsilyo?!" Nakahawak din ako sa dibdib ko.

Jusmiyo!

Binaba ko ang kutsilyo at tumingin kay Mama na masama ang tingin kay Papa. Kinagat niya ang mansanas bago lumakad palapit kay Papa.

"May sinasabi ka?" Tinaas ni Mama ang baril.

Napaatras ako dahil kay Mama kahit na kay Papa ang paningin niya.

"N-Nothing!" Umiling si Papa. "I was saying I-I... damn."

Hindi ko magawang tumawa kahit gustong-gusto ko. Para kasing kapag ginawa ko 'yon, malilipat ang tingin sa akin ni Mama.

"H-Hehe... tara na. Baka ma-traffic tayo." Tangina, nauutal ako.

Medyo nawala na ang pagka-scary ni Mama kaya nagawang lumapit ni Papa sa kaniya. Um-exit na ako baka kasi madamay pa ako.

Hindi rin nagtagal lumabas na silang dalawa. Isang sasakyan lang ang gagamitin at si Papa ang magda-drive. Nasa back seat ako samatalang sila ay nasa harap.

"O kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata..." daig ko pa nasa concert habang bumabyahe kami.

Malakas ang tugtog ko. Napapakamot nalang si Mama sa kilay niya. Hindi naman nila ako pinapakialaman.

"Kanina'y nariyan lang o ba't bigla namang nawala. Daig mo pa ang isang kisapmata..."

Wala silang pakialam sa ginagawa ko. Naka-video pa ako, kunyari mini-vlog. Tinatapat ko kay Mama ang camera pero tinatakpan niya lang, naglalagay kasi siya ng mascara.

Inayos ko na ang cam ko at tinapat sa akin.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang rinig ko may appointment na raw. Susunod na lang ako nang susunod sa kanila kaysa ang magtanong.

Akala ko aasikasuhin nila ang tungkol sa passport ko, hindi pala. Kukunin nalang pala 'yon, unang pinuntahan namin ay ang sinasabi ni Papa. Nasa kotse lang ako habang kumakain para raw hindi ako magutom habang hinihintay sila.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan. May text message akong natanggap mula kay Phoenix kaya binasa ko.

From: bibi
Baby, you're so hot.

Sus, maliit na bagay.

From: bibi
You're so hot... is satan is with you?

Putangina nito!

Ayos na, e!

To: bibi
Epal ka? 🤨 Wala kang friend? Doon ka nga! Huwag ka magtetext sa akin!!!

Papansin! Akala ko pa naman... Bwisit! Is satan is with you, hmp!

Umayos ako ng upo nang dumating si Mama at Papa. May dala-dala silang envelope kaya kinuha ko at tiningnan ang nasa loob. Men, may passport na ulit ako!

Ini-start na ni Papa ang kotse para nakauwi... yata? Ang naririnig ko may dadaanan pa raw kami.

Matapos ang mahaba-habang byahe, tumigil kami sa isang malaking building. Pumasok kami sa loob no'n, mas maganda pala sa loob. Habang naglalakad panay ang bati nila kila Mama at Papa tapos sa akin wala.

Medyo nakakatampo.

Dumiretso kami nila Papa sa isang office na sa tingin ko ay Papa. Pumasok kami sa loob at bumungad ang wedding picture nila sa gilid at ang sunod ay ang picture ko! I mean, picture namin nila Kuya kaso isa-isa kami.

"Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Stay here while were busy. Mabilis lang naman ang meeting na 'yon. Don't worry, hindi ka mabobored dito," sagot ni Papa.

"Call Amora if you need something." Kinuha ni Mama ang laptop at lumabas.

Oh? Ang sinisinta ni Arvin ay nandito.

"Behave, sweetie," paalala ni Papa bago sumunod kay Mama.

Tatanga lang pala ako dito sana hindi na lang ako sumama. Binuksan ko ulit ang cellphone ko para mag-text kay Phoenix, bumungad din ang text message niya. Kinuha ko ang passport ko.

To: bibi
Punta ako Spain.

Sinend ko ang passport ko at ang nakita kong ticket Spain sa Google. Nagtagal pa ng ten minutes kaya nag-text ulit ako.

To: bibi
Doon na ako maninirahan. Kaming dalawa ni mama. Papunta na kami nila mama sa Airport para hindi kami mahuli sa flight. Sabi nila hiwalayan na raw kita para hindi masakit.

Natatawa ako sa sarili kong kagaguhan. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot.

"[Miranda, what the fucking fuck?]" Bungad niya.

"Bakit? Nasa airport na kami! Boarding na-"

"[Michelle, I don't like your jokes.]" Ay, alam niya siguro kung nasaan ako.

"Joke lang, eh."

"[Muntik na akong magpabook ng ticket papunta sa Spain.]" Halata sa boses niya ang inis. "[Good thing I tracked your place. Why are you in your Dad's company?]"

Nasa loob pala kami ng company ni Papa! Kaya pala panay ang bati sa kanila!

"Sinama kasi nila ako, wala akong kasama sa bahay atsaka ang boring do'n," sagot ko.

"[Okay, then be safe-Nix, ang galing ni Marquez!-Shut the hell up, Quintos! Anyway, you can back in School now. They know the truth already...]"

"Wait... paano?" Gulat kong tanong.

"[Baby, I'll call you later.]" Pinatay niya ang tawag.

Paano niya nagawa 'yon? At parang ang bilis naman?!

Hanggang sa inabot ang alas-dos ng hapon 'yon ang nasa isip ko. Kanina pa rin ako nasa office, nakaupo sa swivel chair at feeling boss.

Ang tagal naman kasi nila, bored na ako.

Panay ang text ko kay Phoenix para magtanong kaso wala akong matanggap na reply. Trip na trip ko nang lumayas dito kaso lagot ako kay Mama kapag ginawa ko 'yon.

May kumatok mula sa pinto at may pumasok na babae doon. "Mrs. Miranda your Mother called..." Humina ang boses ni Amora nang ako ang makita. "Where's Mrs. Miranda?" Lumapit siya sa table.

"Nasa meeting kasama si Papa."

Tumango siya. "Okay, I'll wait here. Do you want anything? Food or something?"

"Wala, busog pa ako."

Tumango lang ulit siya at naupo sa chair sa harap ng table. Nilapag niya ang papel sa table bago magsalita.

Nakakatuwa palang kasama si Amora! Parang bestfriend ko na siya. Nag-uusap kami tungkol sa mga ginagawa niya sa Australia, nag-aaral din pala siya at tinulungan siya ni Mama. Hanggang sa napunta ang usapan namin sa love life niya.

"Uh... How's Clark?"

Eh?

"Huh?" Tanong ko.

"Your friend Arvin, how is he?" Paglilinaw niya.

Napatango ako. "Ah... akala ko naman kung sino. Ayos lang naman 'yon, may nakakamiss sa 'yo pero hindi ko sinasabing siya, ah?"

Natawa siya. "Okay, uhm, but you know what? I missed him a lot. I just can't talk to him because you know? He's avoiding me." Napabuntong-hininga siya. "But I think it was my fault. I avoided him first when he tried to talk to me."

"Bakit mo naman kasi 'yon ginawa?" Hindi ako chismosa! "Bakit mo naman siya iniwasan? Alam mo bang loves ka no'n?"

"And I love him too. I wasn't ready, I'm not ready to hear his hurtful words towards me."

"Hindi niya naman gawain ang magsalita ng nakakasakit. Kahit naman inis at galit 'yon hindi siya nagsasalita ng masama tungkol sa iba. Iniisip niya pa rin ang nararamdaman ng tao."

Totoo 'yon! Madalas ko siyang kasama noon bukod kay Dash at Harvey! Ang bait-bait niya nga, e! Ang dami niya na rin nagawa para sa akin.

"You know him a lot," comment niya.

"Hindi, ah! Napapansin ko lang naman! Araw-araw ba naman nila akong bwisit at bulabugin araw-araw? Kabisado ko na mga kagaguhan nilang lahat lalo na ng sinisinta mo," biro ko.

Natawa lang siya sa sinabi ko. "I badly want to talk to him. Pero ayaw niya talaga."

May tinatago palang pagiging hard to get 'yon?!

Tumingin ako sa kaniya ng diretso. "Gusto mong makausap siya?" ngumisi ako.

Madali lang 'yan! Ang kailangan lang ay may makakasama ako dito.

"He won't accept it. Actually, I tried to invited him to a dinner date but he always refused me."

"Relax ka lang. Akong bahala." Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mama.

"Mama, pwede ba akong magpa-party? " Tanong ko kaagad.

Last minute party para sa love life ng dalawa!

"Kasama ang secretary mo," dagdag ko.

"[When?]"

"Mamaya. Yayain ko rin sina Velasquez at ang iba para masaya! Mama, pumayag ka na! Sige na!"

"[Okay! Okay! What place?]"

"Uh... ewan! Basta 'yong pwede mag-ingay. Sa bahay pwede?"

"[Do I have a choice? What time?]"

"Bandang seven. Basta last minute party na 'to! Gusto kong magkalovelife 'to."

Ang akala ko hindi siya papayag mabuti na ay um-oo. Wala rin sa bahay si Amir, ate Anya, at Kuya nasa pamilya ni Ate.

Tutal wala naman akong gagawin sa company ay nagpaalam na akong uuwi kasama si Amora para makapag-ayos. Pool party ang bet ko kaya todo gawa ako nang makarating sa bahay. Nagpatulong pa ako parang lang matapos kaagad ng bandang six.

Pinapunta ko si Alexis rito! Pati sina Chase, gusto ko silang pumunta rito para mas lalong sumaya. Nagtanong pa sila kung anong mayroon T ang sabi ko wala lang! Pero ang totoo gusto ko lang talaga na magkita ang dalawa.

Medyo naaawa na rin kasi ako kay Arvin, alam mo 'yon parang hirap siya minsan sa sitwasyon niya at ni Amora. Ang galing niya lang talaga magtago ng nararamdaman.

Tinext ko si Darius tungkol rito at sinabi kong dalhin niya ang mga kaibigan niya. Hindi ko sure kung kasama si Iris... gusto ko din siyang kasama rito kahit mahilig siyang humanap ng gulo. Pati sina Phoenix, tinext ko rin.

Marami rin pagkain kaya tamang kain ako habang hinihintay silang lahat. Hindi rin nagtagal, dumating sila. Hindi ko naman inakalang nagyaya pa sila ng iba naming kakilala pero ayos lang, at least masaya.

Nandito na rin sina Darius at ang iba. Hindi na naman big deal sa akin ang pagkampi nila kay Iris, well, siguro kasi nakasama nila si Iris kaya gano'n ang nasa isip nila. Kasama si Iris pero tahimik lang siya habang pinapanood ako. Hinayaan ko na lang din siya, mamaya ko na lang tatanungin ng mga tanong si Phoenix about sa nangyari kanina.

Gusto kong malaman ang nangyari! Gusto kong malaman kung paano nila 'yon nagawa.

Kasama din pala ng mga ugok ang mga girlfriend nila. Nakilala ko na silang lahat kanina pati si Solace.

"I thought you with our parents?" si Darius, nasa tabi siya ni Iris.

"Boring sa office nila!" Sagot ko.

Nakatayo kaming lahat sa pool side.

"Babe, what's with the party?" Tanong ni Phoenix at hinalikan ang pisngi ko.

"Respeto sa single. Ehem!" Ubo ni Gavin.

"Laureen, mabagal ba ang isang 'to?" Tanong ko.

Umirap si Laureen bago tumango. "Yeah, like a turtle."

Nagtawanan naman sina Zay.

"Ang bagal mo pala, bro! Bilis-bilisan kasi baka maunahan pa ng iba d'yan!" Pagpaparinig ni JP.

Mukhang alam ko na.

"Para saan nga 'tong party na 'to?" Tanong ulit ni Renz.

"Para sa kaniya!" Hinila ko si Amora na nasa likod at nag-aayos kaya hindi siya kita ng mga ugok. "Para sa kaniya talaga 'tong party." Inakbayan ko siya.

Medyo shocked pa si Arvin nang makita si Amora rito.

"Nuks, pre! Ang sinisinta mo nandito!" Pang-aasar ni Finn. "Aray naman." Binatukan siya ng girlfriend niya.

"Tigilan mo nga, Finn," saway ni Solace.

"Ayie!" Kantyaw naman ng mga gago kay Amora at Arvin.

Natawa ako.

"Gusto namin mag-celebrate kasi may bago na siyang love life!" Ngumisi ako.

Napatingin si Amora sa akin. "Hey..." umiling siya.

"Hala..." Bulong ni Harvey.

"P're... ang bagal mo kasi!"

"Kaartehan mo, Cervantes!"

Kaniya-kaniyang comment ang lahat bago ko sila paalisin sa harapan namin at yayain kumain. Since pool party kami ngayon, mga nagsidalahan sila ng mga damit kaya kaniya-kaniya rin silang talon sa pool.

Ang lakas din ng music at si Laureen ang nangunguna sa pagpili ng kanta.

Hindi na ako kumain dahil busog na ako pero itong si Phoenix!

"Eat." Tinaas niya ang kutsara.

"Busog na nga kasi ako! Tingnan mo tiyan ko, o. Flat 'yan kanina tapos tingnan mo lumaki."

Tumingin naman siya. "Yeah, it was bigger than I thought."

Binatukan ko siya. "Hindi ka sa tiyan ko nakatingin." Masama ang tingin ko sa kaniya.

"Oh... I'm sorry, it was distracting me it's kinda you know... big." Panggagago niya.

"Ihuhulog kita sa pool," banta ko.

"Babe, your-." Mahina siyang natawa bago lumayo sa akin nang dinampot ko ang baso malapit sa akin. "I was just kidding."

Napairap ako. "Doon na nga lang ako kay Amora baby ko."

Nagsalubong ang kilay niya. "What?"

"May bago na ako." Tumingin ako sa kaniya, nang-aasar. "Labs ko 'yon."

"Miranda."

Ang lakas niyang mang-asar kanina tapos ngayon ay maiinis siya.

"Love-love ko si Amora," ngumisi ako. "Inis ka na n'yan?" Parang mas lalong siyang nainis. "Kawawa ka naman."

"Babe, stop it."

"Loves ko si Amora, papakasalan ko 'yon. Invited ka, ah?" Asar ko.

"The fuck?"

Tinawanan ko siya bago pumunta kung nasaan sina Amora. Nasa kabilang poolside sila kaya doon ako dumiretso, kumuha muna ako ng orange juice.

Masyadong chickababes ang mga girlfriend nila.

Napatingin ako kay Laureen. "Hoy, Laureen, tigilan mo nga 'yan," saway ko nang lalagyan niya ng vodka ang orange juice.

"Oh, come on!" Nilahat niya ang vodka sa orange juice.

Kapag kami nalagot kay Mama!

"Itong babaeng 'to... masasampal ko 'to. Pigilan niyo 'ko."

"I won't drink. Magda-drive pa ako," sabi ni Blythe pero diniretso iyong iniinom.

"Sa bagay, mahirap mag-drive kapag lasing," sang-ayon ko.

"Na-try ko na 'yan, muntik na akong mabangga." Si Vanessa, girlfriend ni Harris.

"Gago, muntik lang?" Tanong ni Elisse, girlfriend yata ni Renz. "Ako nga nabangga, e."

"Bobo mo naman mag-drive," comment ko sabay tawa.

"Okay lang 'yan! Sanay na ako!" Natawa sa sariling katangahan si Elisse.

Sa tabi ako ni Ivy naupo na panay ang text. Nginitian ko siya nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Nasa kabilang mga wooden lounge chair naman ang mga kasama ko.

"Anyway, sure ba talaga kayo na patulan ang mga boyfriends niyo," halakhak ni Vanessa. "I mean, look at those faces."

"So, true tapos ang hilig manggago," tango ni Ysa.

Wait, okay na pala sila ni Mavis?

"Yeah, plus they are playboy!" sang-ayon ni Blythe.

Hindi naman playboy ang bebe ko, eh.

Kanina pa kami nandito. Ang lakas ng music then kanina sumasayaw si Blythe na sinabayan ni Elisse, syempre kasama na ako at ang iba. Nakatayo si Blythe habang may hawak na orange juice.

"May vodka 'yan," sambit ko, nakaturo pa sa hawak niya.

"Ay, gano'n? Kaya pala may nalalasahan akong iba." Diniretso niya ang orange juice. "Anyway, masarap. Try mo."

Umiling ako. "Ayoko," tanggi ko. "Ikaw, Ivy, try mo."

"Uh, I am not drinking, Darlene," mahinhin niyang sinabi. "I never try it."

Napatango ako. Binigay ko nalang kay Ysa na kumakain ng barbeque. Ininom naman niya 'yon may kasunod pang ibang brand ng alcohol. Lakas, ah?

"Wow, you guys are so good at each other! Is this a reunion of mga girlfriends ng mga boys?" Ngumisi si Laureen.

"Oo, e, ta's hindi ka kasama," ngisi ko.

"You always mean to me," ngumuso siya. "But, anyways I love this... nababaliw na naman 'yong mga nasa kabila."

Parang tangang sumang-ayon naman ang iba dahil sa sinabi niya.

Ang lakas din ng ng mga babaeng 'to. Mas malakas lang ang tama ni Blyhte! Bagay silang dalawa ni Owen. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya, pati sina Vanessa ay gano'n rin. Kanina ko pa din kinakausap si Amora kaya tuwing tumitingin ako kay Phoenix ay nakasimangot siya.

Natatawa ako sa itsura niya.

"Chase!" Tawag ko sa pinsan ko.

Lumingon naman siya, sinenyasan ko siyang lumapit at ginawa naman niya.

"Yes, pretty?" Tanong niya, inakbayan pa niya ako.

"Pogi naman nito..." bulong ni Blythe.

"Hoy! Kita ko 'yang pagbuka ng bibig mo!" sigaw ni Owen.

"Share mo lang," sagot ni Blythe.

"Chase, single ka ba?" Ngumiti ako.

"Yeah, I'm busy, so I don't have time for gimiks or girls."

Napatango ako sa sagot niya.

"Darlene," siniko kaagad ako ni Amora.

"Irereto kita!" Sabi ko. "Eh, tutal 'yong isa d'yan wala ng care para sa'yo!"

Tumingin si Chase kay Amora. "Oh, hi, gorgeous," bati niya. "I'm Chase."

"Hi," ngiti ni Amora. "I'm Amora."

Napangiti ako. "So, ayon Amora si Chase ang-"

"Darlene naman, e!" Nabigla ako nang biglang tumayo si Arvin mula sa lounge chair. "Huwag mo kasing ireto! Parang hindi tropa, e!"

Malakas na tumawa sina Finn dahil sa inasal niya.

"Ang arte mo kasi!"

"Si Darlene lang pala magpapawala ng kaartehan mo!"

"Tangina, sige, mang-asar pa kayo!" Lumapit si Arvin sa pwesto namin. "Tara nga. Bwisit 'tong mga 'to." Hinila niya si Amora palabas.

Lumingon si Amora sa akin.

"Galing ko, 'di ba? Talk well." Kumindat ako.

"Ay, hindi ka siguradong talk lang," tawa ni Vanessa.

"Alam niyo huwag kayong nagsasalita ng ganiya," saway ni Harris. "May pagka-inosente si Darlene."

Napakamot ako sa noo.

Paanong inosente ba ako?

Hindi na lang ako nagsalita dahil 'yon nga... hindi ko sila gets. Dahil nga successful ang trip ko. Nasa tabi ko na si Phoenix at nakahawak na naman sa hita ko. Kanina pa siya nasa tabi ko, nasa tabi niya rin si Lucy.

Mukhang nakainom din ang karamihan sa mga 'to. Including Iris! Hindi naman siya ganoong kalasing dahil nakakatayo pa siya at nakakausap pa ng matino. Ito namang mga 'to, lasing talaga!

Lagot kami nito! Nakainom ang kapatid ko kaya ayan, mag-aalaga ako ng lasing!

"Darius, lagot ka kay Mama. Uminom ka. Lasing ka, lagot ka." Nag-lagot sign pa ako.

"I'm not drunk," tanggi niya at umalis sa harapan ko. "Tanginang black label," dinig ko pang bulong niya.

Pumunta siya kila Zay.

"Kuha mo kayang pagkain si Lucy sa loob," utos ko kay Phoenix.

"Why?"

"Gutom na 'yan! Bawal siya magutom, may baby siya."

"Okay. I'll get her." Tumayo siya at nilagay sa lap ko si Lucy.

"Sa kitchen."

Nakinig na lang muna ako sa pinag-uusapan nila Vanessa habang hinihintay si Phoenix.

Ang nagtagal niya rin sa loob. Sinilip ko ang loob pero hindi ko maaninag. Bahagya pa akong kinabahan. Hindi ko maintindihan.

Binaba ko si Lucy sa higaan niya bago pumunta sa loob. Nanlalamig ako, ewan ko ba. Dahan-dahan lang ang lakad ko papunta sa loob.

Natigilan rin ako dahil sa nasaksihan. Natulala ako nang makita si Iris at Phoenix habang nakalapat ang labi sa isa't isa. Nahawak ang kamay ni Iris sa pisngi ni Phoenix.

Inalis ko ang luha sa mata ko.

Bakit ba hilig nila ang manakit? Bakit ang hilig ni Iris na manira ng ganito? At higit sa lahat bakit ang sakit?

Napaatras ako nang itulak ni Phoenix si Iris. Malamig at galit na galit ang mga mata niya

"What the fuck is your problem?!" Galit na sigaw ni Phoenix. "Why did you fucking kissed me?!"

"I still love you!"

"I don't love you! I have a fucking girlfriend!" Sinubukan siyang hawakan ni Iris pero tinulak niya papalayo. "I love her more than you! You are nothing compare to her!"

Napatingin si Iris sa akin nang mapansin ako, ngumisi siya bago tumingin kay Phoenix. "Then... why you kissed me back?"

Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko kanina. Pilit kong inalis ang luha na tumutulo sa pisngi ko.

"Nix..."

Tumingin siya sa akin. "Darlene, stop listening to her."

Umatras ako nang balak niya akong lapitan.

"H-Hinalikan mo din ba siya... pabalik?" Halos pabulong na tanong ko.

"Mga lods anong nangyayari dito?" Sulpot ni Ivan.

Sumunod ang mga kasama namin sa kaniya.

"Why are you crying?" Sabay pa si Mavis, Trevor, at Harris.

"Iris, ikaw na naman ba ang nagsimula nito?" Seryosong tanong ni Dash.

"Hinalikan mo ba siya pabalik?!" Sigaw ko. Saktong tumulo ang luha ko.

"No!" Sagot ni Phoenix. "I didn't! I didn't kiss her back!"

"Oh, come on you did," sabat ni Iris.

"What the fuck?!" Nawala ang pagkalasing ni Darius dahil sa nangyayari. Hinawakan niya kaagad ako at nilagay sa likod niya.

"What the fuck, Nix?! Are you kissing each other?"

"I said, I didn't. Darlene, I didn't." Tumingin siya sa akin bago ilipat ang paningin kay Iris. "What exactly you want to happened, huh, Iris?!" Hinawakan niya sa braso si Iris. "You really want to ruined my relationship with her!"

"You hurting me. Let me go!" Nabakas ang sakit sa mukha ni Iris.

"Nix, babae pa din 'yan," awat ni Mavis.

"Let her go," utos ni Trevor.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari, basta ang alam ko lang nasasaktan ako sa nakita ko.

"No, this fucking woman just kissed me even if she know I have a fucking girlfriend!" Halos kulog na sigaw ni Phoenix, ramdam ko ang galit sa boses niya, na para bang kaya niyang manakit sa mga oras na 'to. "I don't like you nor love you! You heard me?!"

"Nix, bitiwan mo na!" Hinila siya ni Gael palayo.

"No! I've had enough of this woman! She is always ruining everything! Darlene was almost suspended because of her! Because of her stupidity! She's fucking desperate!" Sagad na sa buto ang galit niya. "Don't you understand that I love Darlene?! Why can't you put inside your head that I have a girlfriend?!" Kita ko ang paglandas sa luha ni Iris.

"She's a girl, Nix. Let go of her hand." Pumagitna na ang kapatid ko.

Napahilamos ako sa mukha ko bago suminghap. "Tama na! Tangina, tama na!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanilang lahat.

"I'm not desperate! She ruined everything first!" Tinuro ako ni Iris. "Lahat! Lahat ay sinsira at kinuha niya! She ruined everything!" Balak akong sugurin ni Iris pero nahila ako ni Dice palayo para hindi mahablot.

Tangina, ang galing. Ako pa ang sumira?!

"Wow, ako pa?! Ikaw nga 'tong gumagawa ng kagaguhan sa sarili mo tapos isisisi mo sa iba?! Ano bang gusto mong mangyari, ah?!"

Hinawakan ni Darius ang braso ko pero tinulak ko siya para lapitan si Iris.

"Ang mawala ka!" Nanlisik ang mga mata nya

"Ako?!" Tumaas ang boses ko dahilan para mag-echo sa buong bahay. "Bitiwan mo 'ko, Darius!" Malakas kong sinagi ang kamay niya para lapitan si Iris. "Bakit hindi na lang ikaw, ah?! Tutal wala ka namang ibang ginawa kung hindi ang sirain ko! Wala namang kwenta lahat ng ginagawa mo! Ikaw, you're the one who's ruining everything, Iris!" Hindi ko napigilan na sampalin siya na sobrang ikinatigil ng lahat. Sampal na nag-echo sa buong lugar. "Hindi, ako! It was you! Hindi ako!"

Balak akong hawakan ni Darius pero umatras ako. Bumigat ang paghinga ko dahil sa nangyayari.

"Una, ang mayroon kaming lahat! Pangalawa, ang tingin nila sa akin! Tapos ngayon ang relasyon ko sa taong mahal ko?! Wala bang nagmamahal sa 'yo ka ganiyan?! Kaya ba puro ka agaw atensyon, ah?! Kung wala, pwes kawawa ka naman! Deserve mo 'yan! Kawawa ka dahil walang nagmamahal sa 'yo!" Malakas na boses kong sinabi. "Narinig mo ako?! Kawawa ka! Tangina..." napahawak ako sa noo, pigil na pigil na ang emosyon ko.

Nakatingin silang lahat sa akin at halatang gulat rin sa sinabi ko.

"Nakakaawa ka dahil sa sobrang kawalan mo ng atensyon, pati relasyon ng iba sinisira mo. Tsaka, bakit ako ang sinisiraan mo kung bakit hindi ka nila tinuturing kagaya ng turing nila sa 'yo noon? 'Di ba kasalanan mo naman, you fooled them, 'di ba? You fooled Nix and his friends, pinaniwala mo silang totoo ka, but the truth is... you're a liar. You fooled them, Iris."

Tumingin ang lahat sa akin. Maging sina Gianna ay hindi inaakala na alam ko ang ginawa ng kaibigan niya.

"Ginawa mong sirain silang lahat dahil 'yon ang gusto ng kapatid ko, 'di ba? Mahal mo ang kapatid ko kaya noong inutos niya ang bagay na 'yon, ginawa mo. He ordered you to ruin Nix and his friends at dahil nga mahal na mahal mo si Darius, ginawa mo. Lahat ng sinasabi niya ay ginagawa mo dahil ano?! Dahil mahal mo siya! Ginamit ka ng kapatid ko, Iris, at pumayag ka dahil ano? Dahil, tangina, mahal mo siya! You have chance to refuse, you have chance to not to do it dahil maraming way ang pagmamahal, Iris. You proved your love to my brother by doing some shit sa taong sumira ng relasyon niya sa babaeng mahal niya... na tangina, kaibigan ko pala..."

Tuluyan na silang napatigil sa lahat ng sinabi ko. Bumagsak ang mga luha sa mata ni Darius. Hindi naman makapagsalita si Iris. At si Phoenix, nakatingin lang sa akin.

"You two just used each other! Wala kayong pinagkaiba!" May diin sa boses ko. Pareho kong nilingon si Darius at Phoenix. "Actually, iba iyong reason na ine-expect ko, e, all I thought iba iyong rason, hindi pala. Because of a stupid thought and wrong thought, nasira ang lahat."

"Y-You knew..." Halos bulong ng sabi ni Darius.

"Oo, sinabi niya sa akin. Nakakatangina nga, e. Hindi ko inakala na gano'n. Dahil lang sa maling akala ni Phoenix, nasira iyong friendship niyo. Ang akala niya ikaw iyong dahilan kung bakit nawala ang parents niya pero mali pala, it was framed up pero wala, e, pinaniwalaan niya pa rin iyong mali niyang akala. Dinamay niya pa pati ang kaibigan ko..." kahit hindi ko aminin, nasasaktan talaga ako. "Ginamit niya ang kaibigan ko para lang... gantihan ka, 'di ba, Darius? At ikaw ganoon rin, ginamit mo si Iris just to hurt him. O, 'di ba, walang pinagkaiba. Pareho lang kayong dalawa. At ikaw, Iris, hindi aabot sa ganito kung hindi ka pumayag, oo, sige, nasa point na ako na mahal mo, e, kaya gagawin mo pero naisip mo ba 'yong possible na mangyayari?" Wala akong sagot na nakuha.

Tahimik silang lahat.

"Kaya, Iris, huwag ako ang sisihin mo sa lahat dahil unang-una, labas ako sa eksena. Labas ako sa nangyari. Wala akong sinisira. I am just a girl who wants to finish my High School year pero wala, e, kasalanan ko bang sa kanila ako napunta? Kasalanan ko bang ginagawa nila sa akin, iyong ginagawa nila sa 'yo noon? Na alagaan at mahalin? Hindi, Iris, kusa nilang binigay iyon." Tinuro ko ang mga lalaking nasa tabi ko. "At si Phoenix, hiniling ko bang mahalin niya ako? Hindi naman, 'di ba? Hindi ko kasalanan kung kusa niyang naramdaman 'yon, kusa niya akong minahal! Hindi ko na kasalanan kung bakit ginusto ka niyang kalimutan pati iyong pagmamahal na binigay mo! Wala akong kinukuha sa 'yo, dahil simula't sapul, sila ang nagbigay no'n sa akin ng kusa!"

Hindi nakatakas sa tainga ko ang paghikbi niya. Naramdaman ko ang kamay ni Gianna sa likod ko.

"Iris, minsan lang ako makaranas ng kasiyahan kaya sana huwag mong kunin sa akin..." hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. "... dahil wala naman akong kinukuha sa 'yo para gawin mo 'yon sa 'kin. Hindi naman kita sinaktan pero sinaktan mo 'ko sa paraang paghalik mo sa taong mahal ko." Umalis na ako sa eksena bago pa ako tuluyan bumigay.

Kinuha ko si Lucy sa higaan niya at umakyat sa taas. Pabagsak kong sinara ang pinto ng kwarto. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa nakita... masyadong masakit ang nakita ko. Ayoko pa naman nang nasasaktan dahil isa 'yon sa tinapon ko... hindi ako iiyak.

Umiiyak lang ako kapag hindi ko na kaya. Kapag gusto ko ng sumuko. Kapag gusto ko ng bumitiw pero sa ngayon... dapat hindi ako bumitiw, hindi dapat ako sumuko without knowing the truth.

Nahiga ako sa kama at nagtakip ng mukha. Inalis ko ang luha ko nang may magbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Love..."

Hindi ako lumingon.

"Please, listen to me. Hindi ko 'yon magagawa sa 'yo, I didn't kiss her back. I can't do that. She did that to me, I didn't even touched her," punong-puno ng pagsusumamo ang boses ni Phoenix.

Naramdaman kong lumubog ang kama kaya alam kong nahiga siya. Niyakap niya ako mula sa likod.

"Huwag mo akong hawakan." Inalis ko ang kamay niya pero binalik niya lang ulit.

"Do you really think that I can do that?" halos bulong na niyang sinabi.

"Matagal mo rin siyang nakasama, malay ko bang namiss mo ang halik niya?"

"Well for you to know, I can't do that. I can't kiss someone especially when I know I have a girlfriend."

"Inaantok na ako. Umuwi ka na muna sa inyo," sabi ko.

"I can't leave while were like this. Ni hindi ko ngang magawang matulog na may inis ka sa akin... especially if you are mad at me. I don't want to sleep while you're mad at me."

"Umuwi ka na." pumikit ako.

Hinigpitan niya lang ang yakap sa akin at hindi ginawa ang sinabi ko. "I'm trying to explain but you didn't even listen to me. Paano tayo magkakaayos kung ganiyan ka? You the one who told me that we can't sleep like this. That we mad each other." Pilit niya akong hinarap sa kaniya.

Balak niya sanang halikan ang labi ko pero iniwas ko. Ayoko, baka may dampi pa 'yan ng halik ni Iris!

"Nakikinig ako sa sinasabi mo."

"I'll stay here, I don't want to go home like this. Hindi ko kayang magtagal na may galit ka sa akin."

"Kung ayaw mong umuwi bahala ka, basta ako matutulog na 'ko."

"Okay... then sleep. Good night... mahal." dinig kong bulong sabi niya.

Mas gusto kong mag-usap ng malamig ang ulo ko. Ayoko kasing mag-usap na gano'n ang sitwasyon. Minsan kasi mas pinipilit ang mag-usap kahit mainit ang ulo kaya nauuwi sa sigawan, at pwedeng mauwi sa hinawalayan.

Gusto ko kapag nag-usap kami malamig ang ulo naming dalawa. Para mauwi sa magandang sitwasyon, at makapag-isip kaming dalawa ng maayos. Pero sa ngayon, gusto ko muna ipahinga ang utak ko. Gusto ko muna ipahinga ang dibdib ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 99 24
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
4.6K 109 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
153K 878 27
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...