The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.5K 17.8K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 82

19K 585 262
By whixley

Chapter 82: Suspension

Hindi ko inakala na nasa labas pala sila Finn. Lumapit sila sa akin na may pag-aalala sa mukha.

"Darlene, hindi ako naniniwala kay Rose," si Owen.

"Alam kong inosente ka. Inosente ka talaga. Sa sobrang inosente mo, hindi mo nage-gets ang mga sinasabi ko," si Gael na nakatayo sa tabi ni Harris.

"Malalaman naman natin ang totoo," ngumiti si Dash.

"We all know that you can't push her." Tumango silang lahat sa sinabi ni Trevor.

At si Darius? Alam kong doon siya maniniwala. Nagagalit pa rin talaga ako sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya, sa totoo lang.

Dapat didiretso kami sa cafeteria kaso nadaanan namin ang clinic kaya napatigil kami nang lumabas si Iris, nasa likod niya ang kapatid ko. Halatang hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Inalis ko ang tingin sa kapatid ko.

"You pushed me so hard!" Madramang sabi ni Iris.

"Tanga, ikaw ang tumulak sa sarili mo. Lakas mong gumawa ng kwento. Dapat tawag sa 'yo 'Author', e. Tangina, galing mo gumawa ng kwento."

Nakatingin lang si Darius sa akin. Sigurado akong hindi siya natutuwa sa mga pinagsasabi ko ngayon pero wala na akong pakialam sa kaniya o sa sasabihin niya.

"Tara na lang sa room!" Yaya ni Gianna kahit alam kong gusto niyang lumapit sa akin.

"No. This bitch-"

"Hoy! Maka-bitch ka, ah?!" Hinila ko sa likod ng kwelyo si Harvey nang balak niyang lapitan si Iris. Inayos niya ang uniform niya nang bumalik sa pwesto.

"Huwag mong tawaging gano'n si Darlene!" Hinila ko rin sa likod ng kwelyo si Arvin at Finn.

"Stop calling her that way, Iris." Dumiretso ang tingin ni Darius kay Iris.

"I'll call her whatever I want," irap ni Iris. "She's literally a bitch. She pushed me so hard! See that wound." Tinuro niya ang noo niya. "She caused this! This is her fault!"

Sasampalin ko 'to.

"Walang kwenta kung makikipag-usap ako sa 'yo. Hindi ako pumapatol sa mga katulad mong agaw atensyon." Tumingin ako kay Iris at tinaasan siya ng kilay. "Attention seeker. Kulang ka sa pansin. 'Yan dapat ang pangalan mo. Hindi bagay sa 'yo ang Iris, hindi bagay sa ugali mo."

Kaniya-kaniyang komento ang mga ugok matapos marinig ang sinabi ko.

"P're, burn."

"Ang init no'n."

Halatang naiinis si Iris.

Sige lang, mainis ka lang. Ayan ang gusto kong makita.

"What do you do for yourself? An angel? You are not, okay? Stop being innocent."

"Ang inosente kaya nito! Tanungin mo 'yan ng tungkol sa-aray, ano ba." Binatukan ni Trevor si Gael.

"Makaalis na nga, sayang ganda ko dito," sabi ko.

"Oh? Are you beautiful? I can't see."

"Gano'n talaga kapag hindi ganito kaganda nakikita mo sa salamin kapag hunaharap ka. Hindi ka sanay sa maganda dahil sa itsura mo." Bored na sabi ko. "Saka, hindi ako nagmamaganda, ah? Maganda talaga ako pero nasayo na 'yon kung inggitera ka."

"Tangina, luto!"

Tumingin muna ako kay Iris bago umalis sa harapan niya. Tiningnan ko siya from head to toe bago umirap.

Sumunod naman sa akin ang iba pero nakakailang hakbang palang ako ay may humila na sa buhok ko.

"Let her go, Iris!" Sabay pa si Phoenix at Darius.

Tangina, ang sakit!

Sinabunutan niya ako nang patalikod kaya hilang-hila ang anit ko sa likod. Hindi ko magawang lumaban dahil kumikirot ang ulo ko.

"Aray! Ano ba?! Bitiwan mo ako!" Pilit kong inaalis ang kamay ni Iris sa buhok ko.

Panay ang awat nila para lang mabitiwan ako. Hindi ko magawang lumaban! Sumasakit ang daplis ng bala sa braso ko.

"Darlene, stop!"

Ako?! Ako pa 'yong titigil?! Siya ang sumasabunot sa akin ngayon! Tangina, Darius! Tangina!

"Iris! Let her fucking go!"

"Nasasaktan ako!" Sigaw ko.

Malakas na pwersa ang ginawa ni Phoenix para bitiwan ako ni Iris. Napalayo siya sa akin nang mabitiwan ang buhok ko.

Nagulat kami nang bumalibag si Iris sa ginawang hila at tulak ni Phoenix. Bumagsak siya sa sahig.

Hindi kami makapagsalita.

"Darlene," sabi ni Darius pero hindi ko siya pinansin.

"Tara sa. . . classroom," una na akong tumalikod. Hindi ako makapaniwala na ginawa ni Phoenix 'yon.

"Darlene!" Tawag ni Gianna.

Hindi ako lumingon at hinayaan sila sa baba. Dumiretso ako sa classroom para magpahinga.

Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganito, sawang-sawa na ako sa away. Inaayos ko na ang buhok kaya hindi na siya parang tirahan ng pugo.

Hindi naman kami nagtagal dito dahil bumaba rin kami kaagad. Nagyaya na si Trevor at libre niya raw kaya ayan, mas mabilis pa sa alas-kwatro ang mga ugok.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay napatingin ang iba sa amin. Sina Laureen nakita ko rin kaya tinanguan ko. Napalingon din ako sa pwesto nila Iris, matalim ko siyang tiningnan bago ko inirapan.

Panay ang sabi nila Phoenix na papatunayan raw nila 'yon. Wala akong kasalanan pero kailangan namin 'yon gawin. Hindi ko alam ang plano nilang lahat, basta ang gusto nila, malinis ang pangalan ko kahit hindi ko naman talaga ginawa 'yon.

Dumating si Dash na may dalang pagkain. Gano'n rin si Gael.

"May bayad 'yan," sabi ni Dash.

"Akala ko po naman libre mo!" Si Arvin. "Ang sarap pa naman ng kain ko."

"Paanong masarap?" Tanong ni Gael.

"Tangina, tigilan mo nga, Gael," saway ni Mavis.

"Wala naman akong sinasabi!"

"Para kasing hihirit ka pa," napairap si Harris.

"Baka mamaya kung anong sabihin mo!" Si Harvey.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nilang lahat. Hindi ko alam kung ano ang pinapatigil ni Mavis, eh, nagtanong lang naman si Gael na kung paanong masarap.

Hindi ko talaga ma-gets minsan ang sinasabi nilang lahat.

Kahit ramdam ko ang tingin ni Iris dito hindi ko siya nililingon. Ayokong makita ang mukha niya, nakakairita.

Hindi rin nag-tagal matapos kumain sa cafeteria lumabas na kami. Hindi ko kasi gusto ang nakikita ko. Naiinis lang ako lalo. Sumunod rin naman sila Laureen sa amin at inalam ang nangyari. Si Laureen, parang siya ang sinaktan sa sobrang inis niya roon sa babaeng 'yon.

"If I am only just there, nasampal ko na 'yon. Gosh, nakakairita." Irap niya.

"True, mhie." Parang tanga naman sila Harvey.

Napailing ako.

Akala ko pagdiretso namin sa classroom, makakaupo na ako pero hindi pala. Pinapatawag ako sa guidance office ngayon. Hindi na lang ako umapila at pumunta na lang dala-dala ang bag ko.

Hindi ako natatakot humarap sa kanila dahil wala naman akong ginawa na masama. Baka mapatalsik lang ako sa school na pinapasukan kahit wala akong ginagawa.

Ito na nga lang ang matinong eskwelahan na tinagal ko tapos may nangyari ang ganito? Lakas manggago, ah.

Nasa likod ang mga ugok habang papunta kami sa guidance office. Buntot ko na yata silang lahat, e, palagi kasi silang nakasunod sa akin kung saan man ako magpunta.

Ito namang si Phoenix nasa tabi ko. "Baby, you're innocent, okay?"

Tumango ako.

Basta basta ako pumasok sa office, napatingin sa akin ang lahat. Sina Darius at mga kaibigan niya nandito rin pala. Hindi ko sila pinansin at naupo sa vacant seat, sa harap ni Iris.

Hindi rin tatanga-tanga 'to. Hinulog ang sarili tapos nagrereklamo na nasasaktan siya. Kapag ako talaga naubusan ng pasensya paliliparin ko siya sa impyerno.

Mag-geget together sila ni satanas doon.

Mabuti na lang hindi ko siya sinabunutan kanina. Magsasayang lang ang manicure ko. Sayang ang libre ni Ate Anya.

Panay ang daldalan nila habang naghihintay sa dean, wala kasi ang guidance counselor kaya si Dean daw muna ng SHS at GFS.

"So, what exactly happened?" Tanong ni Ms. Krys.

"She pushed me." Tinuro ako ni Iris.

"Oh, talaga ba? Share mo lang?" Tanong ko kay Iris. "Author 'yan?" Narinig ko ang pagtawa nila Dash sa likod.

"I want to know everything before I make a decision." Tumingin siya sa akin. "Start the whole what happened."

"Ganito kasi 'yon, paakyat ako sa taas para kunin ang wallet at cellphone ko sa bag pero hindi ko nagawa dahil 'tong bwisit na 'to, e, hinaklit 'yong kamay ko nang pagkasakit-sakit tapos ang tulis-tulis pa ng kuko. Muntik pa akong malaglag sa hagdan buti na lang nakahawak ako sa railing. Kaya nga ako umatras, e, baka kasi malaglag ako. Tapos itong Author niyo naman umatras nang umatras kaya nahulog sa hagdan. Tapos sisihin ako ng gagang 'to sa sarili niyang kagagahan," nakatingin ako kay Iris.

"Then Iris is lying?" Tanong ni Mico, naguguluhan.

"Tangina niyo, bahala kayo," bored na sabi ko. "Pero ano ang sinabi nito?"

"Na tinulak mo raw siya at nakita nila Rose..." sagot ni Zay. "Pero hindi ako naniniwala."

"True, bessy," tango ni JP at Andrei, gano'n rin ang ginawa nila Gavin.

"Pero ginawa talaga niya. Tinulak niya ako para makaganti sa ginawa ko sa kaniya."

Ay wow, inamin.

"Tanga ka ba-ay, hindi,tanga ka talaga. Matapos mong gawin 'yan sa sarili mo tapos sa akin mo isisisi? Galing mo naman. Hindi naman kita tinulak. Ang babaw ko naman para gawin 'yon." Tumingin ako kay Iris. "Bagay kayo ng kapatid ko, alam mo 'yon? Pareho kayong mahilig manisi ng tao."

Hindi naman sumagot si Darius. Bumaba ang tingin niya sa kung saan.

"At, Iris, alam mo? Kapag gumaganti ako sinisigurado kong hindi na gumagalaw. Iyong diretso libing na. Narinig mo 'ko? Diretso libing na." Hinawakan ni Phoenix ang balikat ko para pakalmahin.

Hindi naman nakapag-salita si Iris sa sinabi ko ng ilang minuto.

"But you caused this! Ano na lang ang sasabihin ko kay Mom kapag nakita niya 'to?!" Tinuro niya ang noo niya.

"Edi sabihin mo, ginawa mo 'yan sa sarili mo." Sumandal ako sa monobloc chair.

"Do you really think na kaya kong gawin 'yon sa sarili ko?!" Salubong na kilay na tanong ni Iris.

"Nagawa mo na nga, e. Tapos tatanungin mo pa, alam mo naman ang sagot sa sarili mong tanong." Umirap ako. "Ingudngod kita sa sahig kapag iyong pasensya ko naubos."

"Okay, stop!" Awat ni Darius.

Isa rin 'to, nabilog ni Iris ang ulo niya. Pag-untugin ko sila. No offense pero tatanga-tanga si Darius.

"Did someone see what happened?" Tanong ni Ms. Krys.

Walang nagsalita dahil wala rito sina Rose.

"Okay, since some of us didn't see what happened.... I don't have a choice but to suspend Miss Miranda. This is a serious injury. And since we are not yet sure if she pushed Iris or not. If she did then.... I don't have a choice but to expel her."

Napabuga ako ng hangin dahil sa narinig.

"Hindi ko nga kasi siya tinulak." Naiinis na sabi ko. "Ano ba?! Ang tanga-tanga niyo dahil nagpapaniwala kayo sa babaeng 'yan. Tanga lang maniniwala sa sinasabi niyan."

"Shut up, Darlene." Si Darius. "I know she's telling the truth."

Wow, tangina, wow.

Mas pinapaniwalaan niya talaga ang babaeng 'yan. Naiinis at nagagalit ako sa kaniya. Sa paraan ng pagtatanong niya kanina parang ako na ang sinisisi niya. Tapos naniniwala pa siya kay Iris? Wow, Darius, kapatid ba talaga kita?

Ako ang nagsasabi ng totoo. Hindi ko siya tinulak.

"How many weeks?" Tanong ni Trevor.

"Three. Three weeks suspension."

Ano?! Bakit?! Wala akong ginagawa tapos gano'n katagal?!

"Ano?! Bakit gano'n katagal? Eh, wala naman akong ginagawa, ah?!" Iyong inis na nararamdaman ko ay unti-unting nagiging galit.

"I'm sorry, Miss Miranda, but that's the decision."

Wala na akong nagawa. "Ano?" Matalim ang tingin ko kay Iris. "Masaya ka na? Masaya ka na sa ginawa mo?! Baka naman hindi ka pa makuntento sa ginagawa mo ngayon. Baka gusto mo pang dagdagan lahat ng kasinungalingan mo rito. Alam mo? Kaya wala ni isang nagtatangkang lumapit sa 'yo dahil diyan sa basurang ugali mo."

Walang nagtangka ang magsalita ni isa sa kanila.

"Daig mo pa writer sa sobrang galing mong gumawa ng kwento." Tumayo ako at nagbaba ng tingin sa kaniya. "Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw nila sa 'yo. Ayaw nila sa 'yo dahil sa ugali mo. Nagtataka nga ako kung bakit ka may kaibigan, e. Dapat sa 'yo hindi nagkakaroon ng kaibigan dahil puro kasinungalingan lang naman lahat ng lumalabas diyan sa bibig mo. Masyadong napupuno ng selos ang katawan mo, Iris, subukan mong tanggalin 'yan baka sakaling mawala lahat ng mayroon ka sa katawan mo."

Paalis na sana ako kaso bumalik ako para kunin ang papel at humarap ulit sa kaniya.

"No offense, ah? Ang sama-sama ng ugali mo. At kung sinasabi mong tinulak kita, hindi ko 'yon magagawa sa'yo. Dahil mas mabigat pa napaghihiganti ang gagawin ko sa'yo katulad ng sinasabi mo. Hindi lang na pagtulak na sinasabi mo ang kaya kong gawin. Kaya kitang dalhin sa impyerno sa kahit anong oras na gusto ko." Seryosong sabi ko sa kay Iris. "Kayang-kaya kong ipalunok lahat ng bala ko diyan sa bibig mo. Gusto mo try ko?"

"Darlene." Hinawak ni Phoenix ang kamay ko.

Kinuha ko ang baril sa likod ko at kinasa. Nagulat silang lahat sa nilabas ko. Napaatras ang teacher sa nakita.

"Darlene." Napasinghap si Iris.

"Miss Miranda, that's..." Hindi matuloy ni Ms. Krys ang sasabihin niya.

"Isa pang gawa mo ng kwento, Iris. Hindi lang ito ipapakain ko sa'yo." Mahina akong tumawa. "Nga pala, pellet gun lang 'to." Tinutok ko kay Iris ang pellet gun. "Pero next time, iba na ang itututok ko sa'yo. Iyong totoo na. Kaya ayus-ayusin mo 'yang bibig mo dahil kapag ako napikon pasensiyahan tayo. Dapat kang magtanong kay Darius kung ano ang ginagawa ko sa mga katulad mo. Hindi lang ako basta 'Miranda', Iris. Hindi ako basta-basta," dagdag ko bago umalis sa guidance office.

Wala akong maramdaman na sumusunod sa akin kaya wala sa likod ko sila Phoenix.

Hindi ko na lang sila inisip at dumiretso sa parking lot para pumunta lugar kung saan ako matatahimik.

***

Renz

Lahat kami natulala matapos namin marinig ang sinabi ni Darlene. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang seryoso sa boses niya. Pati sina Darius ay hindi makapagsalita. Kung kanina kayang magsalita ni Iris, ngayon hindi na. Pati siya ay kinilabutan sa sinabi ni Darlene.

"Damn, what a nice scene," parang natutuwa pa si Nix.

"Men, proud ka pa?"

"Of course, that's my girl," ngisi ni Nix.

Wow, proud boyfriend.

"We still need to investigate," sabat ni Ms. Krys, pati siya kinabahan sa nangyari.

"My Darlene is innocent," seryoso na ngayon si Nix.

"Oo nga, inosente kaya 'yon. Sobrang inosente." Sang-ayon ko.

Hindi magagawa 'yon ni Darlene. Sobra-sobrang pagtitimpi na nga ang ginagawa niya palagi tuwing nagkakabangga silang dalawa ni Iris. Pigil na pigil na ang galit niya.

Ayoko din siyang husgahan kasi wala naman kami noong nangyari 'yon. Masamang manghusga! Siya pa nga nagturo sa amin no'n, e. Bawal daw manghusga hangga't hindi inaalam ang buong pangyayari.

Huwag mang-judge hangga't hindi inaalam ang mga side nila. Si Darlene mismo nagsabi no'n sa amin, kaya nga inlabo palagi si Nix sa kaniya. Sweet tapos caring.

"Tss... you didn't listen to Darlene. I wonder why Darlene is mad at you. You are her brother, but you still believe the lies and didn't even listen to her explanations. She was right, you didn't change. Siya pa rin talaga ang sinisisi mo kahit hindi mo alam ang totoo." Lumabas si Nix.

Naiwan naman ang tingin ni Darius sa pinto kung saan lumabas si Nix.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 244 6
This is the story of Isabella Mikaelson and how she came to meet her family once again. Please read and review.
115K 8.3K 52
[COMPLETE] high school is a time to make memories. hwang hyunjin has spent the vast majority of his life under the protection of his elder brothers s...
53.2K 1.5K 14
DISCONTINUED. It's never quite as it seems. ROY KENT x FEM!OC. SEASON ONE ╱ THREE. TED LASSO, 2020 ━ 2023. SPORADIC UPDATES. © 2023, @ez...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...