The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 86.3K 17.1K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 80

21.6K 513 89
By whixley

Chapter 80: Avenge

Darlene

Ang akala ko hindi na ako makakalabas sa storage room. Halos hindi ako makahinga habang nandoon.

Hindi ko talaga maintindihan si Iris. Palaging gusto niya ng away. Panay din ang tanong ni Phoenix kung si Iris ba ang may pakana pero ang sabi ko, wala pero hindi siya naniniwala.

Lumingon ako sa likod. "'Lika na!" Hinila ko si Phoenix.

Ihahatid niya ako pauwi.

"Wait, I'm talking to someone." Hinila niya ako papalapit sa kaniya.

Masyado talagang kapansin-pansin ang gwapo niyang mukha. Panay ang tingin sa kaniya, lalo na ng mga babae. Hays, buti nalang talaga boyfriend ko 'to! Akin lang 'to!

"Don't let them see my background. Thank you," dinig kong sabi niya bago binaba ang cellphone.

Nakatingala lang ako sa kaniya.

"You look like a puppy..." Dinampian niya ng halik ang noo ko.

"Grabe," komento ko. "Ang ganda ko namang aso."

"Walang katulad mo, because you're a unique dog. I mean... you look like a..."

"Ano?" Tumingin lang siya sa mukha ko bago umiling. "Ano 'yon?"

"Never mind, love. Let's go." Dumiretso na kami sa parking lot.

Baka ibang aso ang nasa isip niya, napairap tuloy ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya pumasok na ako. Umikot naman siya kaagad at pumasok rin. Nilahad niya ang kanang palad niya kaya nilagay ko doon ang palad ko. Ini-start niya na ang sasakyan para mag-drive. Sa bahay ang uwi namin hindi sa condo niya.

Hahanapin ako ni Darius kapag hindi ako umuwi. Daig pa naman niya ang CCTV sa sobrang galing. Tinigil niya ang kotse sa gate ng bahay nang makarating kami. Tinanggal ko na ang seat belt ko.

"Ingat ka pauwi." Lumingon ako. "I love you. Kiss." Ngumuso ako. Natawa sita bago ako halikan sa labi.

"I will." Dinampian niya ng halik ang noo, pisngi, at labi ko. "I forgot, how's Lucy?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Okay naman siya. Mas lalong lumaki ang tummy niya. Sabi ng Doctor ay malapit na siyang manganak." Sana babae, sa aso na lang ako umaasa.

"Hmm... that's good, then." Tumango siya.

"Papasok na ako sa loob para makapagpahinga. Teka, gusto mong kumain sa loob?"

Umiling siya. "Phoebe and Preston are waiting for me. Tita Grace cooked dinner."

"Sige." Binuksan ko na ang kotse pinto ng kotse niya pero hindi pa ako bumaba. "Ingat ka, ah?"

"Don't worry, love, I will," malambing niyang sinabi. "I love you."

"I love you." Ngumiti ako.

"Tita!" Sigaw ni Amir nang bumaba ako sa kotse. "Hi, Tito." Lumapit si Amir sa akin at humawak sa kamay ko.

"Hi, good evening," bati ni Phoenix at ngumiti.

"Are you having a date with my Tita, Tito Nix?"

"Yeah, everyday actually," sagot ni Phoenix. "She loves spending time with me. Ayaw bumitiw sa akin ng Tita mo kaya lagi kaming magkasama."

"Kapal mo naman. Ikaw kaya 'yon!" Kapal nito!

"Okay..." Sabi ni Amir kay Phoenix. "Tita, let's go inside, Mommy cooked dinner."

"Sige," Tumingin muna ako kay Phoenix. "Pasok na ako." Maglalakad na sana kami papasok kaso tinawag niya ulit ako.

"Babe, wait, kiss," hirit pa niya.

"Kanina ka pa kumi-kiss sa akin. Kota ka na ngayong araw."

"But, I want to-"

"Ingat ka, baby! I love you!" Kinindat ko siya bago pumasok sa bahay.

Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil pumasok na kami sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa sofa at doon naupo. Gano'n rin ang ginawa ni Amir.

"Tita, you're saying 'I Love You' to Tito Nix just like Daddy. He always says 'I Love You' to Mommy. Why are you guys saying that?" Puno ng kuryosidad ang tanong niya.

"Eh, gano'n magparamdam ng pagmamahal, e. Ginagamit 'yon para mapatunayan na may positive sa relationship niyong dalawa. Iyong iba ay hindi nagsasabi ng gano'n pero pinaparamdam nila through feelings at sa mga gawa, pinapakita nila mismo sa partners nila. Hindi lang salita ang pagmamahal."

Napatango siya. "What about you? Why you love Tito Nix?"

"Kasi... ano..." Basta mahal ko lang siya. Wala nang tanong-tanong, mahal ko lang siya. At siguro dahil rin sa mga loving, sweet, at caring side niya. "Mahal ko lang siya, iyon lang 'yon. At ganoon rin siya sa akin, mahal niya rin ako."

Saktong lumabas sa kitchen si Ate may hawak siyang cellphone sa isang kamay niya habang isa ay 'yong ladle. Lumapit siya kung nasaan kami.

"Darlene, hinahanap ka ni Drake. Nasa taas siya." Ngumiti siya sa akin bago ilipat ang paningin kay Amir. "Do your homework, anak."

"Later, hindi naman tatakbo ang homework ko." Kinuha ni Amir ang iPad.

Mahina akong natawa sa sagot ni Amir. "Akyat lang ako. Gawin mo na homework mo." Kinuha ko na ang bag ko para pumunta sa kwarto. Dumiretso ako sa loob ng kwarto at doon nakita ko si Kuya na may hawak na kung ano.

Sinilip ko kung ano 'yon. Shit, 'yong mga death threats! Tinabi ko na 'yon para hindi na makita, ang galing talaga maghanap nitong si Kuya.

"Yow-"

"Are you receiving death threats?" Hinarap niya ako.

"Death threats pala 'yan akala ko pa naman regalo." Nagsalubong ang kilay niya. "Joke lang. Matagal na 'yan, siguro mga araw-araw ako nakakatanggap niyan. Hindi naman siya nakakatakot, slight lang."

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

"Eh..." Ehtlog.

"Darlene, set aside your jokes. This is a serious thing. You are receiving death threats, and maybe you forgot, someone's wanted your head and maybe they continued their plan to kill you."

Mas nakakatakot pa siya kaysa sa mga death threats na natatanggap ko. Para kasing kaya niya akong tunawin gamit lang ang tingin niya.

"Hindi ko naman 'yon nakakalimutan..."

"E, bakit panay ang labas mo?" salubong na ang kilay niya.

"May kasama naman ako palagi. Saka, kaya ko kaya ang sarili ko."

"You're so stubborn, Darlene," tanging nasabi niya. "Stop going out and stay here in this house." Dala-dala niya ang mga death threats nang lumabas ng kwarto ko.

Naupo ako sa kama. Napabuntong-hininga ako. Gusto kong mag-saya pero hindi ko magawa dahil may nakaabang palagi para wakasan ang buhay ko.

Nagpalit ako ng damit para makababa kung sakaling tawagin na ako. Dumating na rin pala ang susuotin ko sa birthday ni Kuya.

Black draped satin dress ang tawag. Hanggang taas ng paa ko at may slit sa gilid. May kasama rin 'yong pairs ng heels na black rin pero itinatali yata siya sa binti mo, iyon ang style ng heels. Tinabi ko na ang dalawang box at sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Si Darius.

"Are you okay now? How's your breath? What the Doctor said?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ayos lang ako. Maayos ang paghinga ko. At maayos na maayos na daw ako."

Naupo siya sa tapat ng kama ko at tumingin sa akin. "I know what happened to you," aniya. "What the hell is happening to both of you? I don't know what exactly happened, ang alam ko lang na-locked ka sa storage room."

"Ako pa tinanong mo, ah," sarcastic na sabi ko. "Siya kaya 'tong laging naghahanap ng gulo. Ni-locked ba naman ako sa storage room?! Hindi ako nakahinga doon."

"What? She said, she didn't lock you." Tumingin pa siya sa akin. "She said, you are the one who slapped her."

"Totoong sinampal ko siya pero nauna siya," pag-amin ko.

"And you pushed her? She's crying actually."

Ano?!

"Ako na nga 'tong halos mamatay sa loob ng kinginang kwarto na 'yon tapos siya pa-victim?" Mas lalong nadagdagan ang inis ko nang marinig ang sinabi niya. "Huwag mong sabihing naniniwala ka doon?"

"It's just that... Iris can't do this to you."

"Edi magsama kayo. Kingina, tanong-tanong pa hindi naman pala maniniwala," tuluyan na akong kinain ng inis. "Alis na nga." Ako pa ang lumabas na masama!

Totoong sinampal ko siya pero hindi 'yon ang dahilan para ikulong ako doon. Ang babaw niya.

"I'm believing in you, Lin. But, I know Iris can't do that."

"Umalis ka na nga. Naiirita ako lalo kapag naririnig ko pangalan no'n. Alis na." Tinuro ko pa ang labas.

"Darlene-"

"Putangina, alis!" nagulat siya sa malakas na pagmumura ko. "Alis!"

Lumabas na siya ng kwarto ko, walang magawa.

Ang galing talagang gumawa ng kwento no'n. Sana pala hinayaan ko na lang. Lagi na lang akong napeperwisyo dahil sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ay bumaba na ako para kumain. Masarap naman ang ulam kaya nakakain ako ng maayos. Hindi ko pinapansin si Darius, tuwing tumitingin siya sa akin ay iniirapan ko siya. Nang matapos akong kumain nagpaalam akong aakyat na.

"Darlene."

Pinakyuhan ko si Darius nang tumingin ako sa kaniya bago pumasok ng kwarto.

Naligo na rin ako pero mabilis lang. Nasira ko ang heater ng shower ko kaya malamig. Nanood pa ako ng teleserye habang naghihintay ng oras. Napapaisip ako kung ano ang ganap ni Phoenix ngayon.

11:21 PM na, ang bilis ng oras.

Nang makahiga, cellphone ko naman ang kinuha ko. Pagbukas ko palang sa lock screen pangalan agad ni Phoenix ang nandoon.

From: bibi
Are you receiving death threats?

Paniguradong na-i-chismis ni Kuya kay Phoenix.

To: bibi
Oo, pero hayaan mo na.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot.

"[Hayaan? Are you crazy? That's a threats, Miranda. Death threats.]" Bungad niya.

"Mas nakakatakot ka pa sa death threats, love, e," napanguso ako.

"[Darlene, I'm not joking. Someone's sending you a fucking death threats.]"

"Wala naman akong magagawa kung malaman ko kung sino 'yon at wala akong magagawa kung sabihin kong huwag akong padalhan no'n."

"[I know that. Pero ako, may magagawa.]"

Kinabahan kaagad ako sa sinabi niya. Ang seryoso ng boses niya at pursigido talaga siyang may magagawa siya.

"Wala kang gagawin," may diin sa boses ko.

"[No, do you think I let that? Someone's sending you a text message, right? I already tracked the number and the place.]"

Ano'ng gagawin niya?

"Tangina naman huwag mo na kasing-"

"[Miranda, listen. Kapag hindi ko hinananap ang nasa likod nito, I'm sure they'll continue to send you a lot of death threats.]" Nakarinig ako nang kasa ng baril.

"Velasquez! Saan ka pupunta?!" Halos magsalubong ang kilay ko nang magtanong.

"[To the person who sent you that.]"

"Hindi ka pupunt-"

"[I love you, baby.]" Putol niya sa sinasabi ko bago ibinaba ang linya.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Nasaan ba pupunta ang lalaking 'yon? Huwag lang talaga siyang uuwi na may sugat sa katawan dahil ako mismo ang magdadagdag ng sugat niya.

Palakad-lakad ako sa kwarto dahil kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko! Kinakabahan talaga ako.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Finn. Mabilis naman niyang sinagot.

"[Yes, madam?]"

"I-track mo nga 'yong cellphone ni Velasquez. Alamin mo kung nasaan siya ngayon.]"

"[Wow... adventure ba 'yan?]"

"Marquez, hindi ako nagbibiro ngayon. I-ta-track mo 'yon o isasama kita sa libing ni Velasquez?"

Natahimik naman ang kabilang linya bago mag-pekeng umubo. "[Sabi ko nga, eto na-Finn! Akin na ang-Teka lang, baby! Kausap ko si Madam! Isesend ko na lang sa 'yo, Madam.]"

"Sige, bilisan mo. Bebe time niyo pala." Binaba ko ang linya.

Naghintay ako ng ilang minuto bago niya na-isend. Nasa isang exclusive hotel ang gago. Nagpalit ako ng damit. Tanging black jeans at black sando ang suot ko. Pinatungan ko naman ng black leather jacket ang pang-itaas ko, nakaboots din ako na-black at may 1 inch heel.

Kinuha ko rin ang baril sa closet ko for purposes lang. Tinago ko sa likod ko 'yon bago lumabas. Pumunta ako sa mga lagayan ng susi para hiramin ang sasakyan ni Kuya.

Hindi naman nila ako napansin na umalis kaya dumiretso na ako para pumunta sa De Luxe Hotel. Hindi naman ako naligaw kaya agad akong nakarating.

Exclusive nga ang lugar. Isang malaking hotel ang lugar at mukhang may casino rin. Marami rin puno sa paligid kaya masasabi kong tago ang lugar. Ang dami rin bantay sa harap at puro mga naka-formal attire. Nasa sasakyan pa rin ako at minamanman ang mga tao sa loob.

Napatingin ako sa taas nang may mga makitang tao. Halatang nagsasaya.

Nanggigil talaga ako.

Nilagyan ko ng silencer ang baril ko at dahan-dahang bumaba sa kotse. Sa likod ako bumaba para hindi mapansin. Nagtago ako sa puno at pinwesto ang baril ko. Tinutok ko sa isang lalaking nakatayo malapit sa akin.

Binaril ko siya mismo sa dibdib kaya biglang nagkagulo ang mga kasama niya. Tumitingin-tingin pa sila sa paligid at lumapit sa kasama. Kinuha ko ang pagkakataon para lumapit sa pinakalikod at doon dumadaan.

Panay ang tingin ko sa likod habang naglalakad, baka kasi nasundan nila ako. Sa kitchen ako pumasok, hindi na ako nagtataka na may mga tao at nagtatrabaho.

Nagtago ako sa pader nang may babaeng pumunta sa direction ko. Naaninag ko sa salamin na tumigil siya dahil inilagay sa table ang mga plato.

Lumabas ako at mabilis na hinawakan ang braso niya. Tinutok ko sa ulo niya ang baril ko.

"May pumunta ba ditong Phoenix Ryler Velasquez ang pangalan?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"Ipuputok ko 'to mismo sa utak mo o magsasalita ka?" Tiningnan ko siya mula sa reflection ng salamin.

Napalunok siya bago sunod-sunod na umiling.

"Teka lang! Huwag. Uh... wala kaming customer pero may taong pumunta dito kanina... lalaki. Baka 'yon ang hinahanap mo. Umorder rin siya ng one whiskey, hinahanda na ng kasama ko."

"Good. Pwede ka ng matulog." Pinukpok ko siya ng baril kaya agad siyang nakatulog.

Kinuha ko ang uniform niya at 'yon ang sinuot. Pinatong ko lang 'yon sa suot ko kaya naiinitan ako. Kumuha ako ng face mask para hindi makita ang buong mukha ko. Ginaya ko rin ang style ng buhok ng babae para hindi nila mahalata. Pati ang ID niya sinuot ko.

Sa likod ko naman tinago ang baril ko. Lumabas ako sa dirty kitchen at dumiretso sa bar.

"Hannah! Kanina pa kita hinahanap. Mukhang nagkakagulo sa taas. Ibigay mo 'to kay Ms. Morriston. Eighteenth floor, room 87. Ito rin kay Mr. Velasquez."

Hindi agad ako makapagsalita.

Iyong Astralla ba 'yon? Putangina, magkasama ang dalawang 'yon?!

Dahan-dahan akong tumango. "Sige."

"Ano'ng nangyari sa 'yo at ganiyan ang boses mo?" ang chismosa naman nito.

Ano bang boses ng babaeng 'yon? "Minamalat ako. Sige, una na ako." Iniwan ko siya, pumunta ako sa floor na sinasabi niya.

Mabigat ang pakiramdam ko habang naglalakad papunta sa kwarto. Malayo pa lang ako naaaninag ko nang walang tao sa labas. Pero mukhang may taong nakakita sa akin kaya agad akong nilapitan.

Humarap ako sa kanila nang mahawakan nila ang braso ko. "Who are you?"

"Hulaan mo..." Sagot ko habang nakatingin sa kaniya. "May bente ka sa akin kapag nahulaan mo."

Kinasa ng isa ang baril niya kaya bago niya pa itutok 'yon sa akin naunahan ko na siya, sinipa ko sa gitna ang kasama niya at ginawa siyang pag-harang. BInitawan ko siya at umatras nang makita kung gaano sila karami.

Nahawakan ng isang lalaki ang kamay ko. Umikot at pwersang pinaguntog silang dalawa. Nabitawan nila ako kaya binaril ko sila sa braso at binti.

"Put down your gun," utos ng nasa likod ko.

Ramdam kong nakatutok sa akin ang baril niya.

Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko pero hindi ko binaba ang baril ko. Nagback walk over ako at sinipa pataas ang baril niya kaya niya nabitawan. Sinipa ko rin siya sa mukha.

"Damn that hurts a lot!" dinig kong sabi niya.

Nang makatayo ako nang maayos agad kong kinasa ang baril ko. Sa binti ko lang siya binaril. Masyado akong napagod sa pakikipag-laban sa kanila. Akala ko hindi ko sila kaya, buti na lang malakas ako kaso nadaplisan ako ng bala sa braso kaya hawak-hawak ko ang braso habang naglalakad para mapigilan sa pagdurugo.

Binilisan ko na ang lakad ko para makarating kaagad. Tangina, ang dami kasing sagabal.

"Damn, fuck! You freak!" si Astralla!

"I don't really fight back to a girl but sending death threats to my baby?" Boses 'yon ni Phoenix. "I'll never let that happen again. So I'm here to avenge my girlfriend for what you did. I'm giving back this to you."

Nakarinig ako nang putok ng baril kaya naalarma ako. Kinasa ko ang baril ko at pa simpleng binaril ang lalaking nakatalikod sa akin. Napatingin ang iba sa direction ko kaya agad akong nagtago sa katabing kwarto kung saan may nagbabarilan.

Pumasok ako sa pinakaloob ng kwarto, pumunta ako sa bintana at doon lumabas para pumunta doon sa kabila.

"Pucha, wala 'to sa plano ko." Bulong ko nang makita ang layo ng balcony rito sa balcony ni Astralla. "Wala sa plano ko ang tumalon!" Tinanggal ko ang tali ng uniform na suot ko at ginawang hawakan. Tinali ko sa bakal at doon hinila kung kaya ba ako. "Tangina." Bulong ko.

Halos magpaka-spiderman ako marating lang ang kabila gamit ang pagtalon. Napahawak ako sa dibdib ko nang makalanding sa sahig.

Putangina!

Umayos na ako nang tayo at nagtago sa pader dahil nakabukas pala ng konti ang pinto ng balcony. Kinapa ko ang bulsa ng damit ko baka sakaling may maliit na salamin, hindi naman ako nabigo dahil may nakapa ako.

Binuksan ko ang salamin at tinapat sa gilid ko. Sinilip ko ang nangyayari sa loob.

Bagsak lahat ng tauhan ni Astralla! Si Phoenix lang lahat gumawa no'n?! Ang bilis naman.

"Your mens are down now." Nang-aasar pa ang gago. "How useless."

"You and your members are all the same!" Galit na sigaw ni Astralla.

Tinanggal ko ang uniform na suot ko.

Init, ha.

Nilagay ko sa kaliwang kamay ko ang jacket bago ikasa ang baril. Sinilip ko ulit ang nangyayari sa loob. Nakatutok na ang baril ni Phoenix kay Astralla, gano'n rin naman si Astralla sa kaniya.

Lumabas ako dahil sa init. Ampucha, wala man lang aircon? Pawisan na ako! Nakatali na nga ako ng buhok, e.

"Init," sabi ko.

Napatingin si Phoenix sa akin. "Baby?! What the fuck are you doing here?!"

"Sinusundo ka. 'Di ba sabi ko huwag kang pupunta?" Tanong ko sa kaniya. "'Di ba, Velasquez?"

"Oh, the girlfriend's here."

Siya 'yong nasa resto.

"Hoy, tumahimik ka! Baka palamon ko sa 'yo 'tong bala ko? Gusto mo?" Tinutok ko sa bibig niya ang baril ko. "Tangina, ikaw pala nagpapadala no'n. Hindi man lang ako natakot. Minsan lagyan mo pa ng pinakanakakatakot na bagay para naman matakot talaga ako."

Tangina, kapal ng mukha ko. Natakot kaya ako!

"Babe! Why are you here?" Tanong ni Phoenix.

"Sinusundo ka nga!" Sagot ko. "Kaya tapos-tapusin mo na ang avenge na sinasabi mo kasi nanggigil na ako dito."

"I told you-"

"Wala akong pakialam! Sa halip na nanahimik ka sa bahay niyo tapos nandito ka?! Hindi ka rin sira, ano?!"

"I will never let that happen, I told you! This woman is sending you death threats!"

"Wala naman akong pakialam doon!" utas ko.

"The fuck?! What are you gonna fight in front of my face?!" Sabat ni Astralla.

"Tumahimik ka sinabi," banta ko. "Nag-uusap kami huwag kang sabat nang sabat."

"Mierda." Rinig kong sabi niya.

Translate: Fuck.

May tama pala siya ng bala sa braso kaya may dugong umaagos doon.

Napatingin ako sa likod ni Phoenix nang makitang may tumutok sa kaniya ng baril.

Nilipat ko sa likod ni Phoenix ang pagkakatutok ng baril ko. Tintutok naman ni Astralla ang baril niya sa akin nang tintutok ni Phoenix ang baril niya kay Astralla.

"Sige, tangina, magpatayan tayong lahat dito. Magkita-kita tayo sa impyerno."

Balak ko sanang lumakad kaso biglang namatay ang ilaw. May humawak sa braso ko at hinila ako paalis doon.

"A la mierda. Donde estan?!" Sigaw ni Astralla. "¡Consigue a Michelle!"

Translate : Fuck it! Where are they?! Get Michelle.

"Jódete!" Sagot ko bago kami lumayo sa kwarto. "Aray ko." Nadali niya ang sugat sa braso ko.

"Stop shouting," hinawakan niya ang kamay ko.

"Isa, ano ba-" Pinutol ni Phoenix ang sasabihin ko.

"Damn it! Shut up and let's go!" Binuhat niya ako.

"Huwag mo akong shina-shut up-shut up, Velasquez! Sisipain kita. Teka, kaya kong maglakad!" Binaba niya ako.

Naglakad kami papunta sa stairs. Dali-dali kaming bumaba papunta sa likod at para makalabas. Panay ang tago namin tuwing may pumupunta sa direction namin.

Hinahanap nila ako pero hindi nila ako makita-kita kahit nasa paligid na ako. Nagkakagulo na ang lahat ng tao. Walang ng tao sa labas kaya doon kami sa sasakyan ko dumiretso.

Pumasok ako at naupo siya sa shotgun, siya sa driver seat.

"Where did you find this place?" Tanong niya.

"Kay Finn bakit? Pinatrack ko ang cellphone mo para masundan ko kung nasaan ka! Alam mo bang ang dami nila?! Paano kung hindi mo kinaya 'yon?! Edi namatay ka?! Paano na ako? Paano na kami kapag namatay ka?!"

"I'm not gonna die! Miranda, stop saying those words!" iritado na ang boses niya.

"Paano nga ʼdi ba?!" sigaw ko na may halong inis. Tumingin ako sa labas ng bintana.

"You're overreacting, Darlene." Pati siya naiinis na rin. "And you even find and went to this place."

"Nag-aalala nga kasi ako, hindi mo ba 'yon naiintindihan!" Tumaas na ang boses ko.

"Well, I'm worried too. What if something happens to you while you're here," aniya.

"Edi sana hindi ka pumunta dito para hindi tayo nag-aalala sa isa't-isa!"

"Okay! Don't shout!" Pero sumisigaw siya.

"Ikaw 'yong sumisigaw, hindi ako."

Napabuga lang siya ng hangin bago ini-start ang kotse. Umalis kami sa lugar na 'yon. Iniwan pa niya ang sasakyan niya sa lugar na 'yon.

"Hindi ito ang daan pauwi sa bahay," sabi ko nang mapansing iba ang dinadaanan namin.

"Sa akin ka uuwi," sagot niya.

"Kailan ka pa naging bahay?" barumbadong tanong ko.

"What I mean is to my condo," paglilinaw niya.

"Hindi 'yon bahay. Unit 'yon."

Napahilamos siya sa mukha. "Damn it."

Sinabi kong sa bahay ako uuwi kaso nakarating na kami sa condo nang hindi iniintindi ang sinasabi ko. Pinark niya ang sasakyan pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto kaya hindi ako makababa.

Sumandal ako sa kinauupuan ko. Parang tanga, ayaw pang buksan 'yong pinto, edi sana kanina pa kami nakababa at nakaakyat.

Mabuti na lang binuksan na niya kaya nakababa na kaming dalawa. Sabay kaming naglalakad pero magkalayo ang distansya namin.

Masama bang mag-alala? Paano kung nangyari nga 'yon? Hindi niya man lang iniisip ang sarili niya. Oo, naiintindihan ko, ayaw niya rin na mawala ako pero hindi niya iniisip ang sarili niya.

Hanggang sa makarating kami sa unit niya, walang nagsasalita sa amin. Dumiretso siya sa kwarto niya at inalis ang damit niya. Narinig ko ang pag-sarado ng pinto ng bathroom.

Umayos ako nang higa sa sofa matapos hubarin ang leather jacket ko at ang suot ko sa paa.

Ang kirot ng sugat ko.

Pumikit nalang ako para umidlip at hindi na 'yon pinansin. Nasa kalagitnaan ako nang pag-idlip nang may maramdaman kong may nagbaba sa akin sa kama.

Napamulat tuloy ako ng mata at si Phoenix ang bumungad sa akin. Napaayos ako nang higa para makita siya ng maayos. Wala siyang pang-itaas na damit at basa pa ang buhok niya.

"I'm sorry," aniya. "I'm sorry for making you worried. I don't want us to be like this. I don't want us to sleep while we are still irritated with each other," niyakap niya ako. "I'm sorry...." Hinalikan niya ang pisngi ko. "I'm sorry."

Hindi ako nagsalita.

"I know, you're worried, love. I just don't want you to receive those, baby. I'm so sorry for the shout earlier. I'm sorry. Please, are we okay?"

Tumango naman ako. "Oo, nakakainis ka lang dahil hindi ka nakikinig sa 'kin. Paano kung may nangyari sa 'yo? Hindi mo inisiip ang sarili mo o iyong mga nagmamahal sa 'yo."

"I know, love, and I'm so sorry..." Hinalikan niya ang tungkil ng ilong ko.

"Sorry rin, sumigaw ako kanina. Nainis kasi ako, e," mahina kong sinabi. "Sorry, love."

"Hmm, it's fine." Hinalik-halikan niya ang cheeks ko. "I love you," bulong niya bago bumaba ang tingin sa braso ko. "You have a wound on your arm. Let's treat your wound." Tumayo siya at kinuha ang first aid kit sa bathroom niya.

Kumuha siya ng alcohol.

"Gago ka, Velasquez! Mahapdi ang alcohol! Huwag 'yan, puta-Aray!" Hinampas ko siya sa braso nang inispray-an niya. "Gago! Ang sakit!" Hinawakan ko ang sugat ko.

"Sorry, na-spray ko."

"Ang sakit-sakit naman, eh, Nix."

Tinawanan niya ako. "Let's finish this so we can sleep now." Dahan-dahan niyang nilinis ang sugat ko at binalutan.

Nang matapos tinabi na niya ang kit at tumabi sa akin sa kama.

"Ite-text ko si Darius na nandito ako kahit inis ako sa kaniya." Ginawa ko nga ang sinabi. Pinatay ko na ang cellphone matapos siyang i-text.

"Why are you irritated? Did something happen?" Naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko.

Napabuga ako ng hangin. "Totoong ni-locked ako ni Iris sa storage room."

"I know."

"Tapos, si Darius pinapaniwalaan siya kahit hindi naman daw. Ang galing kasi gumawa ng kwento noong Iris na 'yon. Ako pa tuloy ang masama sa mata ng iba ngayon," mahinang sabi ko.

Niyakap niya ako lalo. "Then, let them. Hayaan mo na lang sila." Dinampian niya ng halik ang gilid ng ulo ko. "Sleep now. We still have class tomorrow."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
1.2M 38.4K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

175K 4K 17
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
730K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!