The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.3K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 78

22.6K 550 101
By whixley

Chapter 78: Date

"Akala ko ba pupunta tayo doon?"

Nasa parking lot kami. Inis akong lumingon sa kaniya. Sana pala hindi ko na lang siya sinama.

"You just thought," In-unlocked niya ang pinto ng kotse. "Come on, Miranda. I love staying here with you. And please stop going to that racing place. There were a lot of men there and you'll go in that kind of clothes? No, I won't let you." Tinanggal niya ang seat belt.

"Masaya doon," irap ko.

"It's not, baby," kontra niya, una siyang lumabas sa kotse, umikot naman siya para pagbuksan ako ng pinto. "Get off in the car now."

Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas sa kotse niya. Kinuha naman niya ang bag ko. Hinakawan niya ang kamay ko habang naglalakad.

"Sana pala hindi na lang kita sinama." Masama akong tumingin matapos humiwalay sa kaniya.

"It's fine, I understand your situation today. I'm an understanding boyfriend," ngumisi pa ang gago.

"Ewan ko sa 'yo," Sumandal ako sa elevator.

"Huwag ka nang mainis, please? Aren't you happy? We're together today. You want to see the view on my balcony, right? So, here it is. You'll see those city lights." Hinalikan niya ang pisngi ko, pinulupot pa niya ang braso sa baywang ko.

"Engot, tanghali pa lang. Ni hindi pa nga tayo nakakapag-lunch."

"That's basic, let's cook our lunch."

"Ayoko! Baka magkasunog!" Umiling ako. "Ikaw pa naman kasama ko baka kung ano na naman mangyari."

"It's your lips fault. Inaakit ako."

"Wow." Hindi makapaniwala na sabi ko.

Lumabas kami sa elevator nang bumukas. Naglakad kami papunta sa condo unit niya kaso napatigil ulit ako sa paglalakad. Trip kong pindutin ang mga doorbell nilang lahat.

Tumingin naman siya sa akin. "I know what you're thinking..."

"Shh!" Sabi ko at lumapit sa isang condo unit.

"Miranda, wait!" Hinawakan niya ang kamay ko nang sunod-sunod kong pinindot ang dooorbell ng condo unit.

Tinanggal ko ang sapatos ko para makatakbo ako nang maayos. Tumakbo kaming dalawa paalis doon. Sa isang pader kami nagtago nang may lumabas na tao sa condo na 'yon. Humawak siya sa bewang ko gamit ang dalawang kamay niya. Balak pa niya akong halikan pero pinanlakihan ko siya ng mata, natawa siya.

Pinitik ko ang kamay niya para maalis at makalabas na kami sa pinagtataguan namin.

"Ang saya mang-trip..." Natatawang sabi ko.

"Damn your trip..."

Tinawanan ko ang sinabi niya. Una akong pumasok sa loob ng condo, naupo ako sa sofa. Sumunod naman siya sa akin, binuksan niya ang aircon bago dumiretso sa kusina.

Habang nakatingin sa ilaw, sumagi si Darius sa isip ko. For sure hinahanap ako ng kapatid ko ngayon, knowing my kapatid.

At nga pala magiging busy din kaming dalawa next week! May pa-birthday party si Kuya, e.

"I don't have a food stock here," sulpot ni Phoenix.

"Eh? Paano ka magluluto?"

"Ako? Ako lang?" Tinuro niya ang sarili.

"Oo, ikaw lang," sagot ko. "Bumili ka na sa baba. May mini mart sa baba ng condo, 'di ba? O kaya sa tapat nito o sa palengke para tipid. Bili ka na."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Miranda, I don't know how to grocery and go to that market..."

"Hindi ka tinuruan ng Mama mo?"

"No," pag-amin niya.

Anak mayaman nga ang isang 'to. Hindi marunong bumili sa palengke, mas madali nga doon kasi makakatawad ka.

"Edi sa mini mart na lang d'yan sa baba."

"Okay. Okay. What I'm gonna buy?" Tanong niya.

"Ano bang masarap?"

"Labi mo," sagot niya kaagad.

Dinampot ko ang lampshade sa tabi ko. "Gusto mong lumipad 'to sa 'yo?" Inangat ko ang lampshade.

Tumawa siya. "I was just kidding."

Napailing na lang ako bago kumuha ng papel at ballpen sa bag. "Ito bibilhin mo." Sinulat ko sa papel lahat ng kailangan niyang bilhin para hindi niya makalimutan. "Oh, ayan." Binigay ko ang papel sa kaniya.

"What's this?"

"Ayan ang bibilhin mo. Madali lang naman manood sa Youtube kung paano magluto kaya bilisan mo na," sagot ko.

"Hindi ka talaga sasama?"

"Sumasakit ang puson ko." Masakit talaga ang puson ko.

Tumango naman siya. "I'll be back, Miranda. Huwag ka na lang gumalaw nang gumalaw para hindi sumakit. I'll be back, okay?" Hinalikan niya ang noo ko bago dumiretso sa pinto at lumabas.

Sinundan ko siya ng tingin bago tumayo. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bag at sinagot.

"[Where are you?]" Si Darius.

"Safe ako, kapatid. Huwag kang mag-alala."

"[Nasaan ka nga?]" Ulit niya.

"Sa condo," sagot ko.

"[Huh? Kaninong condo 'yan?]"

"Kay Phoenix," sagot ko.

"[Are you with him right now?]"

"Bumili siya sa baba kaya ako lang mag-isa rito."

"[Iniwan ka niyang mag-isa diyan? Hindi ba niya alam na may sumusunod-sunod at panay ang text nang text sa 'yo?]" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Alam niyang mag nagte-text sa akin? "Paano mo nalaman?"

"[I saw your phone, Darlene. Naiwan mong nakabukas ang cellphone mo kagabi noong nakatulog ka. Someone texted you and that fucker scared you!]"

Nakita niya pala. Bakit kasi hindi namamatay ang cellphone ko matapos ang two minutes?

"Hindi naman siya nakakatakot," sabi ko kahit natatakot talaga ako kahapon ng gabi.

"[Tss. Anyway, stay in his condo. Huwag kang aalis mag-isa. If you are going home, text me so I can fetch you. And Kuya, Ate Anya and Amir will stay in our house.]"

"Uuwi rin naman ako. Ite-text na lang kita o magpapahatid ako pauwi. Bye!"

"[Okay, take care.]"

"Okay, lab you. Muaps."

"[Alright, lab you more, muaps too.]" natawa pa siya kaya natawa rin ako.

Pinatong ko ang cellphone sa lamesa matapos ma-end ang tawag.

Alam pala ni Darius na may ganoong nag-text sa akin. Alam niya kaya kung sino 'yon? Sana, oo, para kapag tinanong ko siya may isasagot siya.

Alam ng taong 'yon ang pangalan ko. Ngayon, isa lang alam ko. Isa siya sa mga gustong pumatay sa akin.

Tangina naman kasi ang lakas ng amats ng mga 'yon, e. Ano bang makukuha nila sa akin? Sasayangin lang nila ang gandang mayroon ako.

Ang aking grandmother Serica kaya alam ang tungkol dito? Alam niya kayang may taong gustong mamatay ako? Hindi ko rin alam ang takbo ng buhay nila ni Lolo. Ang akala ko nga sa London sila nakatira dahil ang sabi ni Mama nasa Spain raw sila nakatira ngayon.

May relatives rin kaming nakatira sa Australia at London. Tapos madalas pang gawing magkapitbahay ang dalawang bansa.

Taray. Sana all.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. May sinend na picture si Phoenix. Kamatis 'yon, kulay green at red ang nasa picture.

From: bibi
What should I buy? Red or green? May iba't ibang uri daw ng tomato.

Natawa ako sa text niya.

To: bibi
HAHAHAHAHA.

Nag-reply naman siya kaagad.

From: bibi
Stop laughing! Everyone is looking at me because I kept asking a question here. I don't know what to buy. Hindi mo kinlaro sa sinulat mo. Hindi ko naman alam na marami palang uri ng meat at vegetables dito.

Mas lalo akong natawa sa text niya. Kaso tumigil ako dahil pakiramdam ko lalabas lahat ng mayroon ako.

To: bibi
Iyong red kasi na kamatis ang bilhin mo. Sabi ko kasi sa palengke na lang, e. HAHAHAHAHA. Kaya mo 'yan. I love you.

Nag-reply ulit siya.

From: bibi
I love you too, but last question. What kind of chili will I buy? The green or red?

Hindi ko talaga mapigilan ang tumawa.

To: bibi
'Yung green kasi sinigang ang lulutuin. HAHAHAHA. Bili ka rin ng strawberry kung meron. Ingat, lab u.

From: bibi
I love you.

Gagong ʼto, nagsend pa talaga ng middle finger habang hawak ang isang kamatis.

Makalipas ang ilang minuto tumawag siya at video call pa. Nakita ko agad ang mukha niya nang sagutin ko ang tawag.

"Bakit?" Bungad ko.

"[Baby, I want to show you something.]"

"Ano 'yon?" Tanong ko at may pinakita siyang mga crib at kung ano-ano pa. "Hoy, gago ka! Ano 'yan, bakit mo pinapakita sa akin 'yan?"

Natawa siya. "[This is cute, love. Tingnan mo ang crib na 'yon. Tapos 'yong baby clothes. Bagay sa anak natin.]" Natawa pa ang gago.

"Hoy! Wala tayong anak."

"[Alam ko, pero cute kasi. Look.]" Pinakita pa ang laruan sa akin. "[Darlene, naiimagine kita habang nilalagay ang baby sa crib.]" tumawa siya.

"Ano ba, Phoenix."

Jusko, ilayo niyo nga si Phoenix sa mga baby stuffs.

"[What?]" Natawa siya lalo.

"Bilisan mo na kasing bumili ng para sa lulutuin. Tsaka ka na lang bumili ng ganiyan kapag may anak ka na."

Tawa ang narinig ko sa kaniya. "[Alright, bye. I love you.]"

"Bye, end mo na."

"[I love you.]"

"Sige na nga. Bye na-"

"[Love you.]"

"Paulit-ulit yarn?" Natawa ako.

"[E, ayaw mong sumagot...]" Nakita kong nakasimangot siya.

Napaisip ako bago malakas na natawa. "Sorry! Love you!" Nakita kong nakasimangot pa rin siya. "Bye, love!" Natatawa pa rin ako hanggang sa mababa ang tawag.

Tumayo na ako para hugasan ang gagamitin namin mamaya. Baka kasi may dumi na dahil hindi nagagamit o kaya magabok. May dish soap naman dito kaya 'yon ang ginamit ko.

Pati 'yong mga ibang plato at mga utensils rin hinugasan ko para malinis kapag kinainan. Maayos naman ang loob ng condo niya kaya wala nang lilinisin pa.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at doon nahiga. Binuksan ko rin ang TV para manood. Hanggang sa maisipan kong magpalit ng damit. Tumayo ako at dumiretso sa closet. Kinuha ko ang shirt ni Phoenix.

Nang matapos ako sa pagbihis ay tumingin ako sa mga bookshelf ng kwarto. May mga picture sa kwarto niya. Pati picture ng pamilya niya nandito rin. May mini altar din rito.

Bumalik ang tingin ko sa bookshelf hanggang sa may mapansin sa taas. Natatakluban 'yon ng libro, mukhang magaan lang naman kaya hinila ko pero mali ako, bumagsak sa ulo ko!

Hilot-hilot ko pa ang noo ka nang makatayo ng maayos. Binuksan ko ang nasa loob at halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

Bakit may marriage contract dito at bakit may pangalan namin ni Phoenix?! Gulat na gulat ako habang nakatingin sa hawak. Humawak ako sa ulo ko at pilit na inalala ang panahon na lasing ako.

Masakit ang ulo ko dahil sa alak. Nasusuka na rin ako pero pinipilit kong hindi sumuka. Nakikita kong bumubuka ang bibig ni Phoenix pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Damn it! Don't you dare vomit in my car, Miranda." Nasa baba ko ang kamay niya at ang isang kamay ay nagmamaneho.

Bumabaliktad na ang sikmura ko. Hindi ko na kaya.

"N-Nasusuka na ako..." Mahinang bulong ko sabay hawa sa bibig.

Mabilis niyang inalis ang kamay sa baba ko. Hindi ko na napigilan kaya bigla kong nailabas lahat ng kinain ko. Napayuko ako at bumagsak lahat sa sahig ng kotse niya. Narinig ko kaagad ang malutong niyang pagmumura.

"Fuck it! Fuck! Fuck! Fuck! Damn it! Tangina!"

Unti-unting pumikit ang mata ko pero pinilit kong ibuka. "S-Sorry..."

"Fuck it!"

Pumikit ako dahil ang sakit na ng ulo ko. Gusto ko nang matulog.

"Miranda! You vomited in my car! Damn it! That's... that's gross! Fucking gross!"

Pinunasan ko ang bibig ko. "Shh..." Kinuha ko ang candy mint sa bulsa ko at kinain.

"Damn it."

Naramdaman kong may nagpunas sa bibig ko at inayos ang pagkakaupo ko. Nagtagal kami sa kotse hanggang sa maramdaman kong may bumuhat sa akin pababa sa kotse.

Binaba niya ako at nilagay naman niya ang braso sa baywang ko at inalalayan akong maglakad. Sobrang nanlalabo ang paningin ko, hindi ko kayang maglakad. Pakiramdam ko ay tutumba na ako sa sobrang panlalabo ng paningin ko.

Pati mukha ng kasama ko, hindi ko ma-recognize.

"Tangina, papatayin kita, Trevor."

Huh? Sino ang papatayin niya? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Next time, don't fucking drink."

Pumasok kaming dalawa sa elevator. Nakita kong agad niyang pinindot ang floor kung saan kami pupunta.

"Huh? Kuya ikaw 'yan?" Tanong ko, hinawakan ko pa ang pisngi niya. "Kuya."

"Mas nakakadiri pa ang pag-tawag mo sa akin ng Kuya. Don't call me like that. I'm not your Kuya."

Si Phoenix... pala 'to.

Mahina akong natawa. "A-Akala ko si... Kuya... Si N-Nix ka pala..."

"Yeah, it's me and you vomited in my car. You know how gross it is?" May halong inis sa boses niya.

"S-Sorry na..." Bulong ko.

"Damn that voice. How soft..." Bakit ba siya bumubulong?

"Ano...?"

"Tss... wala," sagot niya.

Bakit ba siya naiinis?

"B-Bakit ka ba n-naiinis?" Tanong ko.

"Really? You asked that? You vomited in my car, Miranda.."

Napanguso ako. "S-Sorry na nga k-kasi..." Lumabas kami sa elavator at naglakad papunta sa isang condo unit?

Binitiwan niya ako sandali, muntik pa akong matumba dahil sa hilo buti nahawakan niya ang braso ko.

"Let's go. You need to sober up before I took you home." Pumasok kami sa loob at dumiretso sa kwarto.

Hiniga niya ako sa kama. Pikit ang dalawa mata. Nahawakan ko ang braso niya.

"A-Alam mo... V-Velasquez... crush kita..." sabi ko nang patayo siya. "Promise c-crush kita."

"You're drunk... sleep now."

Umiling ako. "T-Totoong crush kita. D-Dati nga akala ko t-trip-trip lang na crush kita... tapos t-totoo na pala? Gago kasi 'tong si H-Harvey... panay ang sabi na crush kita, nagkatotoo tuloy."

"Sleep now, please?"

Umiling ako. "Shh... alam mo tingin ko nga... hindi lang crush m-mararamdaman ko s-sa 'yo. Baka m-mahalin pa kita..." naging malambing ang boses ko.

"You can't love me... I don't want to hurt you." Hindi ko masyadong narinig ang binulong niya.

"Hindi mo mapipigilan ang puso na magmahal, Phoenix. If you feel that love towards to that person, dadalhin mo lahat ng sakit sa bandang huli. There's no exception when it comes to love, Phoenix. Makakaramdam ka ng sakit whether you ask or not, it's part of love. Pain is part of love, okay?" Nginitian ko siya habang tinatapik ang pisngi niya.

"I know that... but you are too precious to feel that kind of pain..." halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya.

Saglit akong pumikit hanggang sa may tanong na pumasok sa isip ko. Naramdam ko ang paghilot niya sa paa ko.

"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend? Ako, nagkaroon ako ng boyfriend... nakakasuka nga kasi imagine... pinatulan ko 'yon?!"

Nilagyan niya ako ng blanket pero agad ko rin na inalis.

"I never had a girlfriend," dinig kong sinabi niya. "Matulog ka na then after you rest, iuuwi na kita. Hay, ang kulit mo naman po..."

Naupo ako kahit hilong-hilo na. "Alam mo, hindi ka naman mahirap mahalin, e, pero nagtataka ako... bakit kaya kayo niloko noong Iris na 'yon, 'no? Hmm... mahal mo pa ba 'yon?" Dumapo sa kaniya ang mga mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. "Not anymore. May nagugustuhan na nga ako..."

Na-curious naman ako. "Huh? Sino?" Salubong ang kilay ko.

"Secret, you will know that soon, alright?" Tinapik niya ang pisngi ko. "For now, sleep na, okay? Matulog ka na."

Nahiga na ako at siya'y kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako. Naupo ulit ako para hindi mahilo. Kinusot ko ang mata ko dahil nanlalabo talaga. Dumapo ang paningin ko sa isang vanity table. Kinuha ko ang brown envelope at kinuha ang nasa loob.

May kulay green na papel sa loob. Binasa ko ang nasa taas.

Marriage Contract.

Bakit siya may ganito? Walang nakalagay na pangalan doon except kay Phoenix. Mayroon, balak niya bang magpakasal? Bakit siya may pirma? Wala naman siyang asawa. Wala namang nakalagay na pangalan sa wife.

Balak na ba niyang magpakasal?

"Miranda, shit, don't touch that." Kinuha ni Phoenix ang envelope sa kamay ko.

"Bakit ka may ganito? Ikakasal ka na?" Gulat ang mga mata ko.

Umiling naman siya. "Of course not. Nagti-trip lang ako, and you see, there was no name in my wife's."

"P-Paano kung may makakita niyan tapos ilagay ang pangalan nila? Edi naikasal ka na," ayoko no'n!

"Nakatago 'to sa condo ko. Don't worry." Naupo siya sa tabi ko.

"Hindi ako nag-woworry. Pero legal ba 'yon?" Hinarap ko siya.

"Yeah, but, I'm planning to burn it later." Hala, legal nga.

"Gusto mo, lagay ko pangalan ko?" Nginitian ko siya.

"What? No!" Tanggi ko naman agad dahil sa tanong niya.

"Ilalagay ko lang naman," I chuckled.

Shit, iba pala 'to malasing. Kung ano ano ang pumapasok sa isip.

"Miranda, No. You will never do that. Understood? Damn it. Tito Dylan will kill me." Kinuha niya ang baso sa akin matapos akong makainom. "Don't ever touch this again."

Nilagay niya 'yon sa closet. Lumabas siya ng kwart. Narinig ko pang tumunog ang cellphone niya. Tumayo ako kahit nahihilo pa rin. Kinuha ko ang brown envelope at nilabas. Ilalagay ko lang naman ang pangalan ko... sabi naman niya susunugin na niya 'di ba? Tsaka, sabi dito ilagay ko raw ang pangalan ko.

May nakita akong ballpen kaya agad kong kinuha at bumalik sa kama. Parang babagsak na ang katawan ko sa sobrang hilo. Binitiwan ko ang ballpen matapos sulatan ang papel.

Nahiga ako sa kama at saktong bumukas ang pinto. Pinikit ko ang mata ko para matulog. Kinuha ni Phoenix ang papel sa kamay ko.

"Miranda, what did you do?" Gulat niyang tanong. "Why did you write your name?! This paper is legal! Darlene!"

"Sabi diyan... lagay ko raw ang pangalan ko. Edi nilagay ko.... saka susunugin naman 'yan, 'di ba?"

"Darlene this is legal paper. Tangina, dapat matagal ko nang sinunog 'to. Shit!" Ramdam ko ang frustration niya. "Miranda. You shouldn't.... Fuck."

"Shh.... antok na ako." Pumikit ako. "'Wag kang maingay."

NAALALA ko na. Anong klaseng kagaguhan 'yon?! Anong ginawa ko? Bakit ko 'yon ginawa? Darlene, bakit?!

May nag-doorbell kaya agad kong binalik ang papel. Gulat na gulat pa rin ako sa nakita ko. Bakit ko 'yon ginawa? Kaya pala panay ang sabi niyang asawa niya ako! Akala ko joke lang 'yon?!

Lumabas ako sa kwarto para dumiretso sa pinto.

"Why did you take so long?" Bungad ni Phoenix nang buksan ko ang pinto.

"Ha? Ano... nanonood kasi ako." Nilakihan ko ang pinto para makapasok siya.

Sumunod ako sa kaniya matapos masarado ang pinto. Pinatong niya ang dala sa lamesa bago lumapit sa akin.

"Are you okay? Are you having a cramps or something?" Tanong niya bago hawakan ang pisngi ko para halikan.

"Tangina, naaalala ko na." Tumingin ako sa kaniya.

"What do you mean?"

"Shuta, naaalala ko na! Iyong sinasabi mo noong nalasing ako tapos dinala mo ako dito sa condo mo! Totoo ba ang papel na 'yon?! Ano?!" Tanong ko.

"So, you remember now what you did."

"Ano... legal ba 'yon? Hindi naman siguro, 'di ba? Hoy!" Inalog ko ang braso niya.

"It's legal, Miranda."

"Putangina," mura ko. "Seryoso ka ba diyan?"

"Of course, I even asked a judge," ngumisi siya.

"Huwag ka ngang manloko! Iyong totoo?"

"It's true, babe. You are my wife," mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Wait, I love calling you 'babe'. Can I call you that way instead of your surname?"

"Bahala ka sa kung anong tawag mo sa akin, gusto kong malaman ang totoo."

Pakiramdam ko kasi nanggagago lang isang 'to, e. Lumayo ako bago manliit ang mata ko sa kaniya. "Iyong totoo?"

"It's true, babe!" Sagot niya.

"Isa." Lumapit ako sa kaniya at umatras naman siya.

"We are married!"

"Dalawa."

"Baby, it's true! You want proof?" Tumingin pa siya sa akin.

"Tatlo." Dinampot ko ang lampshade na hawak ko kanina.

"Babe!" Tinaas niya ang dalawang kamay.

"Apat."

"Miranda! Babe! Baby! Love! I love you so much!"

"Lim-"

"Okay! Okay! It's not legal!" Bawi niya. "I asked the judge and he said it's not legal! That's why I called Lala to go here! I want to know the truth if we are married or not! And I found out that it's not legal! We are not married, babe! Now please put that away!" Mabilis na sabi niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko totoo na! Akala ko mapapatay na ako ni Papa.

"Sasabihin mo naman pala, nanloloko ka pa." Binaba ko ang lampshade. "Alam mo bang halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang papel na 'yon?"

"Damn it. I thought, I could hide it from you." Parang naiinis pa siya. Lumapit siya sa akin.

"Hide ka diyan. Pero ang naalala ko ang sabi mo legal 'yon!"

"Bakit parang umaasa ka?" Tanong niya. "You want me to be-"

"Hindi, ah!" Tanggi ko. "Pero paano mo nalaman na hindi legal? At si Finn, parang gago, alam niya 'to?"

"He saw the paper but I didn't tell him that it's not legal. And I asked the Judge. Wala namang bisa ng Judge ang papers kaya hindi na legal, pati 'yong papel peke pala. But, you want to make it legal? I can call a judge right now."

"Baka gusto mong mapatay nang wala sa oras."

Natawa naman siya. "At least we're married," tanging nasabi niya.

Napailing ako sa sinabi niya. Akala ko talaga. Muntik ko nang makita ang liwanag kapag totoo talaga 'yon.

"Binili mo ba lahat ng nilista ko?" Lumapit ako sa mga pinamili niya. Nilabas ko lahat ng 'yon.

"Yeah, I actually bought a pain reliever for your cramps." May nilabas siya sa isang paper bag. "Here, it says drink this after you eat and rest."

"Sige, lagay mo muna diyan salagayan ng gamot." Ginawa naman niya ang sinabi ko.

Binuksan ko ang refrigerator para ilagay ang ilang binili niya. Bumili rin pala siya ng stock para rito sa condo niya kaso konti lang. Binigay niya ang mga pagkain sa akin. Iniwan ko ang sangkap para sa sinigang.

"What are we gonna cook? It's almost 1 in the afternoon. We must eat lunch now."

"Teka, hindi ako marunong magluto. Nood na lang tayo sa Youtube kung paano lutuin ang sinigang." Lumingon ako.

"Wait, I'll just get my laptop."

Kinuha ko naman ang kutsilyo at chopping board. Pati ang meat at mga gulay na sangkap nilagay ko sa isang container para mahugasan.

Bumalik si Phoenix na dala-dala ang laptop niya. Nakabukas na sa may You Tube ang laptop. Pinatong niya sa may kitchen table top ang laptop at pinlay ang video.

"'Oy wala pa! Hindi pa nga nahihiwa 'tong mga dapat hiwaiin, e. Stop mo muna," sabi ko habang hinuhugasan ang meat.

Nilapag ko na sa kitchen table top lahat ng hinugasan ko.

"I know how to cut."

"Sus, 'yon lang yata ang kaya mong gawin," ngumiwi ako.

"You're so judgemental! I know a lot, okay?"

"Weh?"

"I actually know how to-!evermind. You never understand though. Your innocence is killing you," sabi niya.

"Huh?"

"Wala," aniya.

Hindi ko siya ma-gets.

Kumuha na lang ako ng isa pang chopping board at kutsilyo para maibigay sa kaniya. "Ako maghihiwa ng mga gulay tapos ikaw sa meat."

"Okay..." Sabi niya at tumango. "Wait, baby, baka mahiwa ka. May pagkatanga ka pa naman minsan."

"Aray. Grabe sa tanga." Sakit,huh. "Baka masipa kita. O ingudngod kita sa baboy, gusto mo?"

Tumawa siya sa sinabi ko.

Nang matapos ako sa paghihiwa nilagay ko sa gilid 'yon. Kumuha naman siya ng paglulutuan ng sinigang. Tamang nood lang kaming dalawa kung paano 'yon gagawin.

Panay pa ang pagtatalo namin dahil mali-mali raw ako. Eh, tama nga ako! Hindi nakikinig sa akin!

"Palambutin nga raw muna 'yong meat!" Giit ko.

"Okay, you're win!" Pagsuko niya at hinalikan ang pisngi ko. "Ang hirap makipag-away sa 'yo, lagi akong natatalo," panay ang halik niya sa pisngi ko.

"Ayan ka na naman, ah. Kapag natuyo 'tong sinigang."

"I'm just kissing your cheeks," natawa siya.

Naghintay pa kami para lumambot ang meat. Nasa sala kaming dalawa, nakaupo sa sofa. May ps4 siya dito kaya nag-one on one kami sa wrestling game. Kanina pa ako natatalo kaya panay asar ang ugok.

"Tangina, nandadaya ka yata!"

"You're just weak, babe," asar niya.

Nasa screen lang ang paningin ko habang nakahiga sa sofa at nakatagilid. Nasa paanan ko siya at nakaupo, nakapatong ang dalawang paa ko sa lap niya. Tumawa siya nang matalo ulit ako. Bumagsak ang character ko nang nagcombo siya.

"Ang tanga ng character!"

Tumawa siya lalo. "You're just weak."

"Makaweak 'to. Wala kang kiss sa akin," ngumisi ako sa kaniya nang lumingon siya.

Napatigil naman siya. "Ito na, magpapatalo na." Hindi na siya gumagalaw kaya natalo siya. "Do the combo now, babe."

Malakas akong tumawa dahil sa sinabi niya.

"Stop laughing."

Tumayo na lang ako para puntahan ang niluluto namin. Sumunod naman siya sa akin na parang bata. Ang kulit-kulit, parang nag-aalaga ako ng bata.

"Oh, 'di ba, ang galing ko," sabi ko nang makita ang sinigang.

"Sobra." Sang-ayon niya at kumuha ng kutsara para tikman. "Shit, maasim." Nilayo niya ang kutsara sa bibig.

"Shunga! Ikaw kaya naglagay niyan. Ang sabi ko, one sachet lang tapos nilagay mo dalawa! Alam mong ang konti lang niyan."

Napakamot siya sa noo. " Let's repeat this."

"Ayoko. Gutom na ako." Sinara ko na ang stove. "Pagtiyagaan mo na lang ang trip mo."

"Fine." Wala na siyang nagawa kundi ang kumuha ng plate at utensils para makakain na kaming dalawa.

Naghain muna ako bago kami kumain dalawa. Nang matapos naupo na kami sa lamesa, nag-pray at kumain.

Wala namang nangyari habang kumakain kami except sa panggagago niya sa akin. Nakakaasar amp. Parang hindi kumakain dahil sa mga pang-aasar niya.

Nang matapos 'yon, nasa sala kaming dalawa at naglalaro sa ps4 niya. Naglalaro kami ng sims 4. Hehe. Mag-asawa kami rito tapos kunyari may baby kami. Parang ewan nga 'yong character, e. Dinadala 'yong baby sa tubig.

"Put your baby girl's name." Basa ko sa screen.

Umay may pa-gano'n pa.

"What shall we put?" Tanong ni Phoenix, nakatingin sa screen.

"Ewan." Ano kaya ang maganda-ay, ako lang pala ang maganda dito.

"Okay, her name is Ewan."

"Parang gago! Hindi kasi 'yon! Denise na nga lang! Letche." Ewan daw pangalan.

"Alright... Denise." Natawa pa siya.

Naglalaro lang kami sa ps4 niya tutal wala kaming magawa. Maayos na naman ang lahat rito sa condo niya, at nakapaghugas na rin siya ng plato.

Nabored kaming dalawa kaya nanood na lang kami ng movie. Sinara namin ang kurtina para madilim May konting araw naman na pumapasok sa sala.

Hanggang sa mag-gabi 'yon lang ang ginawa namin. Ang manood ng mga movie habang kasama namin ang isa't isa. Mas maganda 'to. Movie date kahit sa condo lang.

Continue Reading

You'll Also Like

171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...