The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.3K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 128

19.9K 459 38
By whixley

Chapter 128: Purpose

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang papunta kami sa resto nitong lalaking katabi ko.

Napapansin ko namang tumitingin siya sa akin tuwing tumitigil kami dahil sa traffic. Wala rin nagsasalita sa aming dalawa. Nabibingi na rin ako sa sobrang katahimikan kanina. Mabuti na lang may kantang nagsisilbing ingay! Kaso halatang nananadya.

Bakit ba kasi ang traffic?

Nagugutom na talaga ako! Gusto ko ng kumain! Minsan nga makapagbaon ng snacks bago pumasok para hindi na ako nagugutom. Para kumakain ako habang nagkaklase. Kasalanan rin ni Darius kung bakit hindi ako nakakain! Masyado kasing nagmamamadali, tingnan mo gutom rin siya.

Saka, 'di ba 'yong crinkles sa akin? Kinain ni Darius! Kinain nilang lahat! Wala man lang natira para sa akin! Ay mayroon pala! Iyong powder ng crinkles ang natira sa akin. Ako pa pinagtapon, ha?

Habang traffic may kumatok sa bintana sa tabi ko. Binaba ko ang bintana at tumingin sa bata. May dala siyang basket at puro red rose ang laman.

"Bili na po kayong bulaklak para po sa Valentines."

"Valentines... valentines. Matagal pa 'yon," sagot ko. "Malalanta lang 'yang bulaklak na 'yan."

"Ang bitter niyo naman po. Hindi naman po kayo 'yong kausap ko, e. Siya po." Tinuro niya si Phoenix. "Bili na po kayo."

Ay... masyado akong epal sa part na 'yon.

"Ah... gano'n ba... okay." Nakakahiya.

Nakarinig naman ako nang pagtawa sa tabi kaya hindi ko napigilan ang mapalingon sa kaniya.

"What? Sagot ka kasi nang sagot. Hindi naman pala ikaw ang kinakausap."

Inirapan ko siya bago umayos ng upo. Tumingin ako sa bata nang magsalita siya.

"Bili na po kayo, Sir, para po sa girlfriend niyo," ngumiti pa siya.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig. Hindi niya ako girlfriend! Noon 'yon, hindi na ngayon! Dati lang! Dati!

"She's not my girlfriend..." sagot ni Phoenix.

Bakit ako masasaktan? Hindi naman niya talaga ako girlfriend? Hindi na lang ako nagsalita at na nanahimik na lang. Ayokong marinig ang boses niya. Gusto ko na talagang kumain.

"Because she's my wife," dagdag niya.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tanginang 'yan.

"Ah... okay po kahit hindi halata na asawa niyo siya," tumango-tango 'yong bata.

Bigla namang tumawa si Phoenix sa sinabi ng bata. Nakatingin lang naman ako sa bata, mas lalo siyang tumawa.

"Bili na po kayo para sa asawa niyo," sabi ulit ng bata. "Ano po bang pangalan ng asawa niyo po?"

"She's Darlene. She's beautiful right? She's only mine."

Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumigaw rito. Tangina, kalmahan niyo lang naman. Isa lang ako, oh! Isa-isa lang, baka atakihin ako dito kahit wala akong sakit sa puso.

"Ang ganda nga po. Kapag walang mukha."

"Ano ba naman 'yan!" Sabi ko sa bata kaya tumawa.

"Biro lang po."

Rinig ko pa ang tawa ni Phoenix bago magsalita. "Give me one." Nagbigay naman ang bata ng isa at binayaran siya ni Phoenix kaya nakaalis na rin agad ang bata.

Umandar na rin ang sasakyan nang mawala ang traffic.

"For you..." Binigay niya sa akin ang bulaklak.

Dumapo ang paningin ko sa bulaklak na nasa harapan ko. Dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang bulaklak. Iniwas ko ang mukha ko nang tumingin siya sa direction ko.

"I missed you..." Halos bulong na sabi niya. "...so much."

"Alam ko," sabi ko.

"Alam mo?"

"Oo... ilang beses mo kayang sinend sa akin 'yan," ang dami kaya sa IG.

"I haven't received any messages from you," aniya.

"Hindi naman kita miss."

Napatigil siya bago dahan-dahan tumango.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit?" Tanong ko.

"Why?" Tanong niya.

"Wala lang," sagot ko. "I miss you." Ginaya ko ang last message niya sa akin.

Natawa siya ng ma-realize ang sinabi ko. Tumigil ang sasakyan sa harap ng resto niya. Papansin agad ang mga tao dahil kanya-kanyang sigaw ang mga bwisit sa labas. Inaakala tuloy ng mga tao, baliw sila.

"Hoy! Baba na kayo!" Sigaw ni Gavin sa labas.

Ang lakas ng boses ng bwisit na 'to.

"Joke lang ang sinabi ko kanina. Ginaya ko lang ang message mo."

Tumango siya nang mabagal. "Can we talk later?" Tanong ni Phoenix.

Dahan-dahan akong tumango. "Mamaya siguro," sang-ayon ko. "O baka bukas."

Hindi na kami nag-tagal sa loob ng kotse dahil bumaba na kaming dalawa. Sabay kaming nag-lakad papunta sa resto niya. Hawak-hawak niya ang bag ko, ako naman hawak ko ang bulaklak nang pumasok kami sa loob.

Napatingin kaagad ang mga bwisit sa amin.

Ngumiti nang nakakaloko si Laureen sa akin. "So, you guys are back together now?"

"Yeah," sagot ni Phoenix.

Napatingin ako sa kaniya. "Hindi 'yon totoo," kontra ko at tinuon ang paningin sa mga kasama namin.

Sa iisang lamesa lang kami naupo. Sa tabi ko si Laureen at Darius, at ang nasa harapan naman namin ay ang mga ugok. Ang pumuntang waitress ay ang nagserve sa amin noon. Mabuti na lang at hindi siya nagsalita.

"Ano ba naman 'yan, puro salad na nga ang kinakain ko doon pati ba naman dito?" Tanong ko.

"Kaya ka pala pumayat," sagot ni Gianna.

Kinuha na ng waitress ang order naming lahat. Pasta na lang ang inorder ko tapos sa kanila mga steak at 'yong mahal pa. Alam kasi nilang libre kaya inis na inis si Phoenix sa kanila. Buti pa ako, simple lang ang inorder.

Medyo matagal pa raw 'yon kaya nag-hintay pa kaming lahat.

"Nga pala, anong ginawa niyo sa Spain? I mean 'yong pinaka-pakay niyo do'n."

Nakatingin ako sa cellphone ko kaya hindi ko alam kung sino ang tinitingnan niya sa aming dalawa. May text na galing kay Mama, sa bahay na raw kami magdinner lahat.

"Grandmother Serica wants to meet Darlene," sagot ni Darius. "She didn't meet Darlene when she was a baby. Mama hid Darlene from her."

Very true. Akala ko taguan lang ng anak ang nangyayari, pati pala taguan ng apo.

"Pero bakit?" Tanong ni Gianna.

"How can I explain?" Napakamot sa ulo si Darius.

"Ang tanga mo naman. Ayan ba napala mo sa halik ng babaeng 'yon? Tigilan mo kakaisip doon, ah? Natatanga ka na naman."

"Shut up," inis na sabi ni Darius. "I'm trying to explain everything here."

Madali lang naman 'yon i-explain pero hirap na hirap siya.

"Kay Mama na lang kasi."

"E, gusto ko sabihin, e. Huwag kang epal."

"Okay, mga kiddo. Nasa hapag po tayo," awat ni Gianna.

Hindi na lang ako nagsalita at gano'n rin si Darius.

"Tingnan mo, Laureen," pinakita ko ang picture ng mga pinsan ko noong nag-swimming kami. Tapos sabi niya kung may picture daw ako, e, kaso wala. Kaya ito na lang.

"This one was hot, huh?" Turo niya kay Jacob. Saling pusa lang si Jacob dahil hindi naman siya part ng Family. "And this one too." Turo niya kay Georgio.

"Mas lamang 'to," turo ko kay Cedric.

Ang gagwapo ba naman ng pinsan ko? Tangina, kung hindi ko lang pinsan ang mga 'to baka nagkaroon ako ng crush sa mga ʼto kaso hindi, e. Pinsan ko. Nakaka-ew, incest 'yan.

Saka, mababait sila.

"Yeah..." Tumango-tango pa siya.

"This one is more hot and handsome." Ini-swipe niya ang picture kaya lumabas ang mga stolen picture ko kay Phoenix. Hindi naman siya pangit. Pogi nga niya sa picture.

Iyong pinakita niya ay 'yong nagdadrive si Phoenix. Nakahawak sa manibela habang ang isang kamay ay nasa hita ko.

Trip ko lang siyang picturan. Pogi, e.

"'Di ba?" Ngumisi siya.

"Pogi nga," sabi ko at nag-swipe ulit.

Ramdam ko namang kanina pa nakatingin si Phoenix sa akin.

"Nix, relax." Parang tanga naman si Laureen. "Ikaw ang tinitingnan ni Darlene."

Nilipat kagaad ni Phoenix ang paningin sa akin. Binaba ko ulit ang paningin sa cellphone para mag-text kay Mama pabalik.

Sinabi kong mamaya na lang sa bahay dahil may dinner kami doon. Sumang-ayon naman silang lahat. Dumating na rin ang pagkain naming lahat, nagsimula na kaming kumain. Binilisan lang namin dahil may klase pa kami at tatlong subject pa 'yon.

Nagkwekwentuhan lang kaming lahat habang kumakain at nang matapos nanatili kami sandali sa resto.

"Hindi ko talaga maintindihan kung ano bang mayroon kay Laureen at Gavin."

"Landian lang yata mayroon kayo," nilingon ko si Laureen.

"Nagtatagal naman," sabi ni Gavin.

"Tingnan mo si Nix at Darlene, may label nga hindi naman nag-tagal." si JP.

Pasmado talaga ang bibig nito. Lagyan ko kaya ng tape minsan?

"At least sila nagkaroon ng label, e, kayo? Mamamatay ka na lang yatang walang label tapos hindi pa mahal," sabi ni Mico.

"Ouch, tangina, tagos hanggang buto," sabi ni JP habang masama ang tingin kay Mico na panay pang-aasar ang ginagawa.

"Okay lang 'yan. Si Darius nga-." Nilagyan ni Darius ng tissue ang bibig ko na agad akong tinanggal. "Kadiri ka naman masyado!" Pinunasan ko ang bibig ko.

Nang lumipas ang halos ilang minuto nagdesisyon na kaming bumalik sa School. Sa sasakyan ulit ako ni Phoenix nakisakay. Pinagtutulakan kasi nila akong lahat papunta sa kaniya. Hindi naman nila kailangan gawin 'yon, kusa akong sasama.

Taray... kusang sasama.

Nasa loob na kami ng sasakyan at walang nagsasalita sa amin.

Gusto ko na siyang tanungin kung ano ba ang pag-uusapan namin kaso ayokong mag-first move. Siya na ang mauna, tutal siya ang makikipag-usap.

"Darlene..." Tawag niya.

Magsasalita naman pala, pinapatagal pa.

"Ano?" Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"I'm sorry..." Hanggang kailan ba siya hihingi ng sorry? Hindi naman niya kailangan humingi ng sorry! Ayos na 'yon!

"Huwag ka nang mag-sorry." Lumingon ako sa kanya. "K-Kalimutan na lang natin 'yon... Sawa na akong umiyak at marinig ang sorry niyo. Huwag niyo na lang ulitin ulit iyong ginawa niyo kahit 'yon lang ang gawin niyo. Huwag na kayong mag-sorry." Binalik ko ang tingin sa labas.

"How can... How can I get your trust again?" Tanong niya.

Ang hirap naman ng tanong niya.

Pero... ang gusto ko kalimutan na lang 'yon dahil may banta pa ngayon sa buhay ko. Gusto kong masaya lang ang lahat. Gusto kong iwan na lang lahat ng 'yon kung sakaling... may mangyaring hindi maganda.

"Hindi ko alam..." Konting tiwala na lang ang natitira sa akin.

Hindi kaagad siya nakapag-salita. "How can I fix our broken relationship?"

Iyon lang.

"Try natin lagyan ng super glue baka sakaling maayos..." sagot ko at tumingin sa kaniya. "Haha, joke lang," bawi ko nang makitang seryoso ang mukha niya.

"You never changed. I'm asking you sincerely." Tinabi niya ang sasakyan sa parking lot ng School.

"Matibay kaya 'yong super glue. Mas matibay pa 'yon sa mga may ka-relasyon. Malay mo maayos kapag 'yon ang gagamitin natin," sabi ko at mahinang natawa sa sarili kong kagaguhan. "Joke lang talaga."

"Darlene, please, be serious..." Tumingin siya sa akin.

"Ayokong maging si serious, papangit ako."

Napasinghap siya dahil sa frustration.

"Damn it..." dinig kong bulong niya. "I want you to be mine again."

Straight forward ang peg nito, ha?

"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko at pabirong nagtaas ng kilay.

"Then I'll kidnap you again, call a priest, and get married. Para hindi ka na makawala sa akin," sagot niya.

"Ayos lang sayo kahit masakal ako sa 'yo?"

"I won't do that to you. Hindi ko gagawin sa 'yo 'yon. You still have your own decision on your head. Kung anong gusto mo, iyon pa rin ang gagawin mo pero akin ka pa rin. You're still mine," tinitigan niya ako sa mata.

"Hindi nga?"

"Ayaw mong maniwala?" Tanong niya.

"Joke lang naman 'yon," bawi ko. "Ikaw... masasakal ko kapag nangyari 'yon."

Mahina siyang tumawa bago alisin ang seatbelt niya. "Let's go now."

Tinanggal ko ang seatbelt at unang bumaba kaysa sa kanya. Nang mapansin na hindi ko hawak ang bag ko, bumalik ako pero hawak na pala ni Phoenix.

Binigay niya sa akin 'yon bago ako hawakan sa kamay. Nagulat naman ako pero naglakad na lang papasok sa loob ng gate. Nakita namin na nasa quadrangle silang lahat kaya doon kami dumiretso.

"P're, may nag-comeback!" Sigaw ni Lian.

Sabay pa kaming nag-taas ng middle finger ni Phoenix. Binaba ko ang daliri ko para lumapit kay Darius na kumakain ng churros.

"Pahingi." Kumuha ako ng churros sa hawak niya.

Kinain ko na ang churros bago kami pumasok sa classroom. Biglang nag-bell kaya wala na kaming nagawa kung hindi pumunta sa classroom. Iyong crinkles ko kasi kinain, e.

Gano'n pa rin naman. Naging madaldal na naman sila habang ako nakikinig. Actually, malapit ng dumugo ang tainga ko sa tatlong tao na dumadaldal sa akin. Nang matapos ang klase doon lang sila tumigil. Grabe, mabuti hindi napagod ang bibig nila?

Since sa bahay may dinner na magaganap, doon kami dumiretso.

"Nandito pala ang mga gamit ko," sabi ko habang nagkakalkal sa compartment niya.

Iyong lipstick na regalo sa akin ni Mama nandito, iyong hairbrush ko, at pati wallet ko na may laman na five hundred nandito.

"You forgot those," aniya.

Tumango ako. Tinabi ko 'yon at sinara ang glove compartment niya. Bumaba ako agad sa kotse niya para pumasok sa loob ng bahay.

"Mama, gutom na ako!" Pag-pasok ko ng bahay 'yon ang bungad ko.

Kaniya-kaniya namang hanap ng pwesto ang mga friends ko para maupo.

"Wala pang pagkain, senyorita," sabi ni Mama.

"Ang bagal mo naman, alipin." Sinangga ko agad ang kamay ko nang balak niya akong hawakan. "Haha, joke lang." Tumawa ako at naupo sa pang-isahang sofa.

"Ano kayang makakain?" Pumunta si Mico sa kitchen. "Uy, may brownies. Pahingi ako, ha?" Bumalik siya na may dala-dalang brownies.

Kaniya-kaniya naman silang kuha.

"I bought some things for your friends," ngumiti si Mama. "Darlene, kunin mo sa taas."

"Darius, kunin mo sa taas ang things na tinutukoy ni Mama," utos ko kay Darius.

"Bakit ako?" tanong niya. "Ikaw inutusan."

"Ikaw na," sabi ko. "Ikaw malapit sa hagdan."

"Ako na! Nakakahiya naman sa inyong dalawa," si Mama at binaba ang hawak. Umakyat siya sa taas.

"Ayan, si Mama na pala kukuha," sabi ko. May humila sa tainga ko. "Aray! Sinong hay-hi, Pa." Ngumiti ako kay Papa.

Dumiretso lang siya kung nasaan si Darius. Wala pang ginagawa si Papa, bigla siyang tumayo at pumunta sa malayo. Nagtawanan sina JP.

"May kinatatakutan si Darius."

"Sakit." Humawak ako sa tainga.

Tumalim pa ang tingin sa akin ni Papa bago pumunta sa kitchen.

"Daya... ako lang nasaktan? Dapat si Darius din!"

"Safe..."ngumisi si Darius.

"Safe-in ko mukha mo, Darius," umirap ako. "Sundan mo si Mama do'n." Ginawa naman niya ang sinabi ko.

Umurong ako para makaupo si Phoenix sa tabi ko.

"Sure ba kayong hindi pa rin kayo?" Tanong ni Gianna.

"Hindi," sagot ko.

"Pero bakit sobra ang closeness? May sofa pa doon, Nix." Tinuro ni Mico ang nasa harap ko.

"I want to sit here," tanggi ni Phoenix at shuta hinalikan ako sa pisngi.

Lumayo naman kaagad ako dahil sa halik na 'yon. Hawak ko ang cheeks ko.

"Pakiss as a friend," si Harvey.

Hindi akong nakasagot dahil bumaba na si Mama at Darius na may dala-dalang paper bag. May names na 'yon kaya hindi na malilito. Tuwang-tuwa si Laureen dahil may Chanel bag na naman daw siya.

Iyong iba pinag-gastusan talaga. Swerte naman nila.

"I forgot to buy Phoenix a gift, but do you accept my daughter as my gift?" Ako na naman?! Bakit ba lagi na lang ako nadadamay diyan?! Jusmiyo naman.

"Anak ng tinola..." Sabi ko habang kumakain ng chocolate na hiningi ko kay Gia.

"Nuxs, gusto ka talaga nila Nix para kay bebe Darlene," asar ni Giovan.

"Because we all know Phoenix from the start kaya gusto talaga namin siya for Lin."

"So, ibig sabihin fetus palang siya kilala niyo na siya?" Pinitik ni Darius ang tainga ko. "Hilig niyong pitikin ang tainga ko! Buti hindi 'yong bagong butas ang hindi niyo pinipitik." Humawak ako sa tainga ko. "Pinagtutulungan nila ako, Nix..."

"Nagsumbong pa nga..." sabi ni Zay.

Inirapan ko lang siya.

Mabuti na lang talaga tumigil na sila sa mga pang-aasar nila kaya natahimik ako. Since hindi pa tapos ang cooking ni Mama, nag-stay muna kami sa sala. Nanonood ng kung ano sa laptop sina Dash. At laptop ko pa ang gamit.

"Shuta, ikaw 'to, Darlene?" Tanong ni Harvey, hinarap niya ang laptop sa akin.

Iyong pictures ko pala 'yon simula ng bata ako. Pinag-compile ko lahat para maganda.

"Ako 'yan. Ganda 'no?" Sabi ko.

"Hindi ako makapaniwala na ang taba ng pisngi mo noon," sabi ni Andrei.

Iyong tinitignan nila ay 'yong baby ako. Naka-pink dress ako at may pink na headband habang nasa sofa at may hawak na milk. Namumula ang pisngi ko at halatang galing sa pag-iyak. Ang taba nga ng pisngi ko.

"Siopao pa din naman pisngi niya, ha?" Pinisil ni Darius ang pisngi ko.

"Aray ko naman!" Hinampas ko ang kamay niya.

Grabe kung pumisil ng pisngi! Ang sakit! Pinanggigilan ba naman?!

Si Laureen naman nandoon sa kabilang sofa nakikipagharutan. Napapangiwi na lang ako sa kanilang dalawa ni Gavin.

At dahil nga tapos na ang cooking ni Momshie, pumunta kami sa dining. Saya, ha! Magdidinner kaming lahat.

Puro kagaguhan lang laman lahat ng sinasabi nila.

"Alam niyo ba si Darius-."

"Ako na naman nakita mo," putol ni Darius sa akin.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil halatang may sasabihin siya. Panigurado ng may i-aasar 'to sa akin. Minsan pa naman ang asar ni Darius makamandag.

Nasa may sala kaming lahat dahil may ibibigay na folder si Papa sa kanilang lahat. Hindi ako kasali. Madamot.

"Ano ba naman kasi 'yan... hindi na natapos ang habulan scenes na 'yan," pangunguna ko.

"They want you, Darlene," sabi ni Kuya.

"Ibigay niyo na lang kaya ako?" Sabi ko.

Ako ang gusto, 'di ba? Ibigay na lang nila ako para hindi na sila madamay.

"Gusto mong hindi na umabot sa birthday mo? They can kill you immediately."

Napakamot ako sa noo. "Nagbibiro lang naman ako."

"Kailan ba ang birthday ni Darlene?" Tanong ni Gianna.

"February 17," Sagot ni Kuya. "She's turning nineteen. I mean, she and Darius will turn nineteen."

Tumango kaming dalawa ni Darius para patunayan na birthday nga namin dalawa 'yon.

"But anyway to make sure everyone's life is safe, I want you all to just stay home. Don't go into the hideout because I know they're preparing for something. We all need to prepare because sooner or later this fight will end soon." Sabi ni Mama.

Ano ba 'yan. Gusto ko na ng tahimik na life. Pero may parte sa akin na kung ano... hindi ko lang mahuli kung ano.

Sana wala lang itong kaba at takot sa dibdib ko. Gusto ko ng saya lang. Ayoko ng lungkot, galit, o kung ano man.

"May napansin lang ako." Sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

"What is it?" Tanong ni Papa.

"Napansin kong sobrang ganda ko," ngisi ko.

Napailing na lang silang lahat. Natawa na lang si Ate Anya sa akin.

"Hindi, biro lang! May napansin lang ako. Dati kasi may kasama no'n si Kuya palagi, e, babae."

"What the fuck, Darlene?" Tanong ni Kuya.

"Iba kasi 'to!" Sagot ko. "'Di ba may kaibigan kang babae no'n? Sino 'yon?" Naalala ko lang bigla. Kusa lang pumasok sa utak ko.

Napairap si Kuya. "It was Anya." Tinuro niya si Ate Anya.

"'Di nga?" nagulat ako.

"It's true, Darlene. It was me. I thought you remembered me when you saw me but I was wrong. Baka hindi mo talaga maalala. Matagal naman na kasi 'yon," sabi ni ate Anya.

"Angas, friends to lovers pala kayo, Drake," sabi ni Lian.

Bakit hindi ko alam na siya pala 'yon? Ni hindi pumasok sa isip kong kilala ko siya noon at kung kilala nga siya noon pa man... bakit hindi sinabi ni Kuya? O nila Papa? For sure alam nila.

Bakit gano'n? Iyong mga inaakala ko na tao lang, e, naging parte pala ng buhay ko noon. At ako naman 'tong shunga, hindi maalala.

"And... Darlene when you were six, you met Nix. I think it was your birthday? His family was there," si Papa

"Ha..." sabi ko. Inaalala ko naman agad.

"Ano bang nangyari ng six birthday ko?" Tanong ko.

"Birthday, syempre," barumbadong sagot ni Darius.

"Alam ko birthday," umirap ako. "Anong klaseng birthday kasi!"

"Princess theme," sagot ni Kuya.

Ginawa ko 'yon?

"Ah... naalala ko na. Iyong nag-bigay ng regalo sa akin na kwintas! Iyong butterfly na may M na nakalagay sa pink paper bag. Tapos nakipagkamay at biglang namula? Naalala ko na. Ikaw pala 'yon?" Naalala ko parang tinanong ko siya kung anong pangalan niya pero hindi ko maalala kung ano ang sagot niya.

"Ay, meant to be nga kayong dalawa!" sabi ni Andrei.

"What the fudge..." gulat na sabi ni Phoenix. "That explains why you're familiar to me the first time I saw you."

"Mahina memory ko kaya hindi ako marunong mag-familiar na 'yan." Pero hindi ako makapaniwala na nakilala ko ang lalaking 'to. At mahina talaga ako sa pag-alala kaya hindi ko siya naalala agad. Ngayon palang. Ngayon ko lang ulit nalaman.

"And Darlene, transferring you to Manila and to another School has a purpose," sabi ni Papa kaya napatingin ang magaganda kong mata sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
4.8K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...