The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

71

38 1 0
By Lady_Mrg

"You may take your lunch. See you later class." Nag-uunahan pang lumabas ang mga bata dahil nasa labas ng classroom ang mga parents nila dala ang lunch boxes nila.


"Teacher, can I stay here?" Hawak ni Jianna ng lunch box niya at nakatayo malapit sa table ko.


"Of course, nasaan ang parents mo?" Tanong ko.


"Mommy went out for shopping with my grandma." Sagot niya.


"How about your Dad? Bakit hindi ka nila puntahan? Where's your yaya?"


"Daddy fired my yaya because she's always letting me go to school without eating breakfast and she's reasoning that I'm always late even though I'm more early than her. Daddy will come here and I'm waiting for him po."


Naupo muna si Jianna kasama si Faye habang hinihintay ang Daddy nya. . . . Ang Daddy nilang dalawa.


"What's in your lunch box?" Pakinig kong tanong ni Jianna kay Faye. Nakaupo lang ako sa upuan ko habang naghihintay na dumating ang Daddy ni Jianna. Hindi ko naman sya pwedeng iwan mag-isa dito dahil doon kami kumakain ni Faye sa faculty room ko.


"Papa prepared sinigang na shrimp and rice. I also have these chocolates." Masayang ipinakita ni Faye ang nasa loob ng lunch box niya.


"Wow! That looks good!" Nakangiti si Jianna.


"Papa's cook is always good! Share tayo sa sinigang na shrimp." Napangiti pa ako nang mahuli kong inaayos ni Faye ang buhok ni Jianna.


"No. . .  I can't eat shrimp." Biglang lumungkot ang mukha ni Jianna kaya maging ako ay nagka-interest malaman kung bakit biglang nagbago ang mood niya.


"But you eat shrimp before, we shared food when I came to your house 'diba? The buttered shrimp?" Tama nga naman si Faye. Naikwento ni Faye na binigyan nya si Jianna ng buttered shrimp at sarap na sarap raw ito dahil first time nakakain ng hipon.


"I don't know that I'm allergic to shrimp. Mommy and Daddy fought that time because I ate shrimp. Nag-away sila kasi Daddy let's me eat shrimp." Mas lalong nalungkot ang bata at tila ba maiiyak na ito.


Allergic si Jianna sa shrimp habang si Faye ay paboritong-paborito ang hipon at iba pang seafoods. Kung si Francis ang allergic sa hipon malamang ay maging allergic din si Faye pero hindi, siguro ay si Janaih ang allergic sa seafoods at iyon ang namana ni Jianna.


Habang abala ako sa pakikinig sa usapan ng dalawang bata hindi ko na namalayaan na dumating na pala ng Daddy ni Jianna at nakikinig lang rin sa usapan ng dalawa na wala ring kaalam-alam na nandito na ang hinihintay namin.


"Jianna inherited her Mom's allergy to shrimp." Napatingin ako sa gilid ko at halos malaglag ako sa upuan ko dahil sa gulat nang makita ko si Francis na nakaupo na sa tabi ko at ilang hakbang lang ang pagitan ng kinauupuan namin.


Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya dahil hindi ko pa kayang kausapin sya ng diretso lalo na't alam ko na alam na nya ang totoo tungkol sa pagkatao ni Faye. Alam kong sa oras na sumagot ako sa tanong nya at humaba ang usapan ay bigla niyang bubuksan ang topic tungkol kay Faye kaya mas mabuti nang hindi ko pansinin ang mga sinasabi nya.


"Jianna, your Dad is here." Sambit ko na lang at nang lumapit na si Jianna sa Daddy nya, tumayo na rin ako at nagpunta na kami ni Faye sa faculty room.


"Mama sabay na natin sila Jianna para po may kausap si Tito Francis, kawawa naman po sya lang mag-isa." Itinuro pa ni Faye mula sa bintana ang mag-amang si Francis at Jianna na tila hindi nagkikibuan.


"Ikaw ang bahala." Sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagkain habang kausap ko sa phone si Andy.


"Mag-lunch ka na, mamaya mo na tapusin 'yan." Tinutukoy ko ang mga papers at report na ginagawa ni Andy sa office. Palagi nyang inuunang tapusin 'yon kaysa kumain kaya minsan kapag hindi nya tapos hindi rin sya nakaka-kain.


[Malapit nang matapos 'to, mawawala ako sa focus kapag naputol ang ginagawa ko.] Sagot naman niya. Hindi ko sya nakikita dahil audio lang ang call namin, pero naririnig ko ang mga papel sa linya nya.


Nakapasok na si Faye kasama sila Jianna at kumakain sila sa table na hindi kalayuan sa table ko. Sobrang lapit nga lang eh.


"Tito, Jianna said you hate milk." Napatingin ako bigla kay Faye at Francis.


"Yeah. . . I hate milk." Naiilang na sagot ni Francis.


"Me too. When I was young I love milk but now I hate it, it taste so creamy and I don't like cream." Hindi ko mapigilan ng mahinang pagtawa ko dahil sa itsura ni Faye na akala mo ay matanda na kung magsalita. "Mama loves milk that's why we're not a like."


"Faye, you're spilling to much information." Natatawang sambit ko. Nginusuan pa nya ako kaya mas lalo akong natawa.


"Seven years ago, I remember your Mama always poisoning me by putting milk in my coffee." Natawa ako sa sinabi ni Francis pero bigla rin akong huminto at napaayos ng upo dahil hindi ako dapat nagpapakita ng ganoong expression sa kanya.


"Seven years ago? How come---" Pinigil ko na ang itatanong ni Faye.


"Ubusin mo na 'yang lunch mo." Seryosong sabi ko kaya naman kumain sya ulit at inubos muna ang lunch nya bago dumaldal ulit.


"May pinagmanahan sya pagdating sa kadaldalan." Bulong ni Francis. Napaiwas naman ako ng tingin.


"Hindi ako madaldal." Pagtanggi ko.


"Talaga? Kaya pala palagi kang napapagalitan sa klase." Napairap pa siya kaya inirap ko rin sya.


"Wala kang pake. 'Wag mo 'kong kausapin." Tumayo ako at niligpit na ang lunch box ni Faye.


"You know Jianna, I wish I have baby sister like you." Pumalumbaba pa sa mesa si Faye.


"My baby sister is so noisy, Jana never put me sleep because she's crying all day long!" Parang naiinis pa si Jianna na natatawa.


"Yeah, 'diba when we play sa room nyo umiiyak sya?" Sagot naman ni Faye.


"Oo, kaya don't wish to have a sister." Umirap pa si Jianna at sabay silang tumawa ni Faye.


"Nah, I still want a sister. I'm asking Papa nga eh pero he said he don't want Mama to get hurt in labor. Do you know what is labor? I'm really confused, I don't even know what 'labor' is." Ngumuso pa si Faye.


Para akong nasamid sa sarili kong laway nang marinig ko ang mga sinabi ni Faye na dapat ay matatanda lang ang nakakaalam.


"Sinabi ng Papa mo 'yan?" Taas kilay kong tanong.


"Opo. He even said that you also want another baby eh." Inosenteng sagot niya. Para akong ginigisa sa sarili kong mantika dahil naaalala kong sinabi ko 'yon pero pabiro lang naman! Nagkakatuwaan lang kami nung time na 'yon!


"Mamaya sa couch matutulog ang Papa mo, sa labas ng kwarto kaya 'wag mo syang hahanapin mamayang gabi." Nakangiti kong sabi at umirap pa 'ko kay Francis na chismosong nakikinig sa usapan naming mag-ina.


"I feel bad for him." Sabi ni Francis.


"Plastic mo." Sagot ko.


"Pangit mo sumagot." Barumbadong sagot nya kaya napatangin ako sa kanya.


"Mas pangit ka. 'Wag mo nga akong kausapin!" Inis kong sabi at narinig kong pinagtatawanan kami ng dalawang bata.


"Faye stop laughing, isasama kita sa Papa mamaya na sa labas matutulog." Pagbabanta ko pero tumawa pa rin siya. "At talagang pasaway ka ah." Lumapit ako sa kanya at kiniliti siya.


"Mama stop!" Humahagikgik na sa sabi niya. "Papa help me!" Sigaw pa niya. Tinigilan ko na ang pagkiliti sa kanya dahil baka masobrahan naman.


"Daddy, you and my Teacher Fana are friends?" Tanong ni Jianna. Sumagot ako ng hindi habang si Francis ay oo.


"Huh? . . ." Sabay na napakamot sa ulo ang dalawang bata.


"Time na, tapos na ang lunch. Babalik na tayo sa classroom." Pag-iiba ko na lang ng usapan at sabay-sabay kaming bumalik sa room.


Dalawang subject lang at pinag-aralan namin at nagbigay ako ng assignment na gumawa ng recycle plant at next week pa naman ang pasahan kaya may oras pa para mag-isip sila ng ideas na gagawin sa halamang gawa sa recycleble materials like diaryo, plastic bottles, mga balat ng chichirya at iba pa.


Uwian na at naghihintay kami sa labas ng school dahil parating pa lang si Andy.


"Mama, Chan-chan gave me this again." Ipinakita ni Faye ang bago nyang hair tie na hindi ko napansin kanina dahil si Andy ang nag-braid ng buhok nya at hindi ako.


"It's pretty." Sagot ko lang at ngumiti sa kanya.


Natatanaw ko na ang sasakyan ni Andy pero may huminto pang itim na kotse sa harap namin at sila Jianna pala ang sakay.


"Bye Faye! Bye Teacher! See you tomorrow!" Kumaway pa si Jianna na nakaupo sa backseat ng sasakyan. Bumukas rin ang bintana ng front seat.


"Bye Faye, Bye Ms. Santa Cruz." Nakangising sabi ni Francis at parang natutuwa pa na hanggang ngayon Santa Cruz pa rin ang gamit ko at hindi apelyido ng iba.


Nang makaalis sila Jianna saktong nakalapit na ang sasakyan ni Andy. Nagtatakbo si Faye at sinalubong pa ang Papa nya na kakababa lang ng kotse.


Humalik sa noo ko si Andy habang buhat na niya si Faye ngayon. Ito talagang bata na 'to basta makita ang Papa nya nagpapabuhat eh kalaki-laki na nya.


"Tapos na lahat ng trabaho ko, malinis na ang schedule ko nang halos buong buwan." Ramdam na ramdam ang saya sa boses niya kaya napangiti na lang rin ako. Mabuti naman kung ganon dahil mapapahinga rin sya sa trabaho.


Nasa bahay na kami at kumakain ng hapunan. Medyo nawiwirduhan ako kay Andy dahil panay ang haplos niya sa palasing-singan ko. Pinalo ko na nga ang kamay nya para sawayin pero hindi pa rin sya tumitigil.


"Ano bang problema sa daliri ko?" Tanong ko dahil hindi na sya nakaka-kain ng maayos dahil abala sa kung anong ginagawa sa daliri ko. May papel pa sya at sinusukat ang palasing-singan ko.


"Wala lang." Nagtaas-baba pa ang kilay nya at nakangiti. Medyo hindi na'ko natutuwa dahil hindi ko magamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak hawak nga niya.


"Papakasalan mo na ba 'ko at panay hawak ka sa daliri ko? Hindi ka kumain nang kumain, hindi 'yang kung ano-ano ginagawa mo! Pinaghihintay mo ang pagkain, kaya ka ginagaya ni Faye eh." Inis na sabi ko. Pinagalitan ko pa siya bago sya kumain kaya ang ending hanggang sa matutulog na kami ay hindi nya ako kinikibo.


"Mama, Papa is sulking." Natatawang bulong ni Faye nang makitang tahimik na nagnonood ang Papa nya.


"Hayaan mo sya." Sagot ko naman. Para ganong bagay lang magtatampo sya agad, napakababaw.


At talagang pinanindigan nyang hindi ako kausapin. Napatulog ko na't lahat si Faye hindi pa rin sya tumatabi sa'kin at busy sa kakanood. Ni hindi nya nga pinapansin ang mga sinasabi ko.


"Patayin mo na 'yang TV, matulog ka na." Sabi ko pero para lang akong nagsalita sa hangin.


Napabuntong hininga na lang ako at nahiga na sa kama namin. Nag-phone ako habang hinihintay syang mahiga sa tabi ko pero nakatulog na ako at nagising lang sa madaling araw wala pa sya sa tabi ko. Natagpuan ko syang natutulog at nakasiksik sa maliit na kama ni Faye at magkayakap pa ang mag-ama.


Ang sabi ko kanina papatulugin ko sya sa couch dahil galit ako pero bakit parang ako pa 'yung may kasalanan na iniwan nila akong dalawa sa malaking kama na'to?


"Ano? kasalanan ko pa ngayon?"



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 62.7K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
6.5K 368 45
Season 2 ongoing 'Dating with a gangster'
96.2K 332 13
As the title says
1.6K 144 39
Time machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.