The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

10.1K 357 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

69

43 4 0
By Lady_Mrg

"Ang bango naman... Anong niluluto mo?" Tanong ko kay Andy na ngayo'y abala sa pagluluto.


Kakatapos ko lang maghilamos at dahil kagigising ko lang rin. Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay niyakap agad ako ng mabangong amoy na iyon kaya agad kong tinungo ang kusina.


"Buttered shrimp, para sa lunch ni Faye." Nakangiting sagot niya at ipinakita pa sa akin ang lunch box ni Faye na laging naka organize ang pagkain. Dinadaig pa nito ang mga bento box.


"Oo nga pala ngayon maglalaro si Faye at Jianna. Nakabihis na ba si Faye??" Agad na hinanap ng mata ko si Faye pero hindi ko sya nakita sa paligid.


"Talaga bang ayos lang sa'yo na pumunta si Faye sa bahay nila Jianna? Si Francis? Baka mapalapit sya kay Faye.." Agad na umiwas sa akin ng tingin si Andy. "Hindi naman sa pinagdadamot ko pero---"


"Pumayag akong maglaro si Faye doon dahil nag-usap na kami ni Janaih. Sinabi rin nya sa'kin na wala doon si Francis dahil may inaasikasong mga papeles. Hindi naman ako papayag na pumunta don si Faye kung naroon si Francis. Hindi ako hibang para gawin 'yon." Pagpapaliwanag ko para rin mabawasan ang pag-aalala o ano mang iniisip niya.


"Mabuti naman kung ganon..." Bumuntong hininga siya. "Oo nga pala, si Faye nasa bakuran lang kasama 'yung yaya nya, nabihisan ko na rin si Faye dahil maaga kong pinaliguan at inayusan."


Ngumiti na lang ako at sumilip sa bintana para makita si Faye. Nandoon sila sa playground at nakikipaglaro sa yaya nya.


Suot nya ang binili kong light pink na dress at sandals. Naka-braid ang buhok niya at alam kong ang Papa nya ng gumawa non. Ilang linggong inaral ni Andy ang pagtitirintas ng buhok dahil ayaw nyang nakikitang mukhang bruha si Faye lalo na kapag naglalaro eh nakasabukot ng buhok.


Ako ang palaging nag-iipit sa buhok ni Faye noon pero nang maging busy ako sa trabaho minsan pony tail na lang ang ginagawa ko at hindi na braid, ang gusto ni Faye ay braid kaya tinatanggal rin nya ang ginagawa kong pony tail. Kapag hindi ko natitirintas ang buhok nya nagtatampo sya at 'yon ang ayaw ni Andy na nagtatampo sa'kin si Faye kaya inaral nya ang pagtitirintas para raw kahit busy ako at hindi ko ma-braid ang buhok ni Faye ay siya na lang raw ang gagawa.


"Mahal, sasama ka ba sa paghatid kay Faye?" Napabaling ulit ako kay Andy nang marinig ko ang tanong niya.


"Hindi na, tinatapos ko pa ang mga grades pasahan na namin sa monday after non syempre aayusin ko pa para sa bigayan ng card sa wednesday. Ang dami kong trabaho." Naupo ako sa counter chair at nagtimpla ng kape ko. 10:30 am na at ngayon lang ako nagising dahil alas tres na ako ng umaga natulog kaka-check ng test papers.


Habang umiinom ako ng kape pinapanood ko si Andy kung paano magluto at kung paano niya ayusin ang lunch box ni Faye. Nilagay nya sa lunch box ang isang cup ng rice, buttered shrimp, tuna sandwich, pretzel at fresh orange juice sa tumbler ni Faye.


"Ako ang maghuhugas lahat ng ginamit ko, 'wag mong gagalawin 'yan ihahatid ko lang si Faye tsaka ko aayusin lahat 'yan." Tinuro ni Andy lahat ng hugasin sa lababo. "Kumain ka na rin dyan dahil hindi ka nakapag-breakfast, tanghali ka na gumising." Humalik pa siya sa noo ko bago tinawag si Faye.


"Bye Mama!" Tumakbo palapit sa akin si Faye at humalik sa pisngi ko at muling tumakbo pasakay ng kotse kasama ang yaya at Papa niya.


"Bye! Enjoy your day with Jianna. See you later!" Nakangiti kong sabi at kumaway pa ako habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan nila.





Third person's POV.

Nang makarating sila Faye at ang Yaya niya sa bahay nila Jianna ay agad silang sinalubong ng kaibigan niya.


"I'm glad you're here! Kanina pa kita hinihintay eh!" Masiglang sabi ni Jianna at agad na hinila papasok ng bahay nila ang kaibigang si Faye.


Manghang-mangha si Faye nang makita ang kabuuan ng bahay nila Jianna. Malawak ito at napakaraming gamit. Higit na malaki ito sa bahay nila.


"It's beautiful here..." Bulong ni Faye sa kaibigan ngunit pilit na ngumiti si Jianna.


"Yeah... It's beautiful here but sad." Malungkot na sabi ni Jianna at nagpatuloy maglakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa backyard kung nasaan naroroon ang Mommy Janaih niya.


"Mommy, Faye is here." Nakangiting nagmano si Faye kay Janaih.


"Feel free to ask me kapag may kailangan kayo, okay? Enjoy playing and avoid the swimming pool area, 'wag kayong lalapit don at baka hindi kayo mapansin ng mga maid." Bilin ni Janaih habang hindi maalis ang tingin niya nakangiting si Faye.


Hindi maitatangging anak ito ni Francis dahil mula sa pag-ngiti at sa itsura ay nakuha rin nito ang pagiging matalino ni Francis.


"Napakagandang bata..." Mahinang sabi ni Janaih sa sarili habang nakatingin sa mga batang naglalaro hindi kalayuan sa pwestong inuupuan niya.


Kamukhang-kamukha ni Faye si Francis at ang tanging nakuha nito kay Fana ay ang mata.


Palihim na nakangiti si Janaih habang iniisip ang mga pagkakapareho ni Faye at Francis mula sa panlabas na itsura. Papasa na ngang kambal si Faye at Jianna, medyo may katapangan lang ang mukha ni Jianna na nakuha nito Mommy niya.


Matapang ang mga mata ni Jianna at nagdala pa ang kilay na pang-matapobre pero kabaliktaran iyon sa ugali ni Jianna. Napakabait na bata at masiyahin, palaging nakangiti kahit pa minsan ay malungkot sya.


"Nasaan si Jianna? May pasalubong akong laruan." Agad na napalingon si Janaih sa may living room nang marinig niya ang boses ni Francis.


Agad siyang nag-panic dahil nangako siya kay Fana na hinding-hindi makakalapit si Francis kay Faye at tutuparin niya ang pangako nyang iyon dahil maging siya ay may napapansin kay Francis.


Noong isang gabi ay ginamit niya ang laptop ni Francis at nakita nito sa recently searched ang pangalan ni Fana at na-view niya lahat ng pictures ni Faye. Hindi iyon pinansin ni Janaih dahil inaasahan na niyang mangyayari iyon pero ang bagay na hindi maalis sa isip niya ay nang makita niya ang photos sa phone ni Francis na mayroong mga stolen pictures ni Faye habang naglalaro sa playground ng school. Dahil doon ay nagkaroon na siya ng kutob na may ginagawa si Francis para malaman ang pagkatao ng bata.


Agad na nilapitan ni Janaih si Francis at nilibang ito sa pamamagitan ng pagtanong-tanong ng kung ano-ano.


"A-akala ko mamayang gabi ka pa makakauwi??" Tanong ni Janaih at kumapit pa sa braso ni Francis para hilahin ito papuntang kusina at para malayo sa glass door na tanaw na tanaw ang mga batang naglalaro.


"Wala namang traffic at isa pa kahapon pa 'ko tapos, dinoble check ko lang kaya napabilis ako." Sagot ni Francis at hinuhubad ang suot niyang polo. "Nasaan si Jianna? Dala ko na 'yung laruan na pinapabili nya sa'kin, gusto kong makita ang reaksyon nya." Medyo natawa pa si Francis habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ni Jianna dahil sinabi niya rito na hindi niya bibilhin 'yon dahil mahal pero binili pa rin niya, hindi naman nya matitiis ang bata.


"N-naglalaro... Mamaya mo na lang ibigay 'yan, kumain ka muna." Pag-iiba ulit ni Janaih sa usapan. "Doon ka muna sa kwarto, dadalhan na lang kita ng pagkain."


"Hindi ako gutom. Sakto pala kung naglalaro sya, ibibigay ko na 'to, nasaan na ba ang prinsesa ko?" Tumayo si Francis mula sa pagkakaupo sa couch at hinanap ang anak niya habang si Janaih ay nakabuntot kay Francis at hindi mapakali. "Jianna? Daddy's here, may dala akong pasalubong!"


Masayang naglalaro ang dalawa nang pareho silang mapatigil nang marinig ang boses ng Daddy ni Jianna.


"That's my Dad! He's here!" Masigla at tuwang-tuwang nagtatakbo si Jianna palapit sa Daddy niya. Agad siyang yumakap at nagpabuhat rito.


"Check this new doll." Nakangiting pinisil ni Francis ang pisngi ng anak.


Sa kabilang banda, tahimik na nakasilip si Faye sa may pintuan at taimtim na nakangiti habang pinapanood na masaya ang kaibigan niya.


"She must be so happy..." Bulong ni Faye sa sarili.


Nakatayo at nakahawak siya sa gilid ng pintuan at sinisilip ang kaibigan niya. Nakangiti rin si Francis habang nakikitang masaya ang anak na si Jianna nang mahagip ng paningin niya ang batang nakasilip sa may pintuan at kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang batang pinapa-imbestigahan niya kaya madalas siyang wala sa bahay, at uyon din ang papeles na inasikaso niya kanina.


"Nandito pala ang kaibigan mo." Mahinang sabi ni Francis at itinuro si Faye.


"Faye come here! Look at my new doll! I'm so happy!" Agad na ipinakita ni Jianna ang laruan niya.


"I have one too, my Papa bought me one.." Mahinhing sabi ni Faye.


"Really? Wow! we're partners!" Sigaw ni Jianna.


Nagmano si Faye kay Francis. Hindi naman maalis ang paningin ni Francis kay Faye at tila napako na ito dahil inuusisa niya kahit maliliit na detalye sa mukha ng bata.


Sa isip-isip niya ay kahit hindi na niya basahin ang resulta ng pagpapa-imbestiga niya sa bata dahil ngayon pa lang na kaharap niya ito ay masasabi na niyang 'Kaniya' dahil sa hindi nga maitatangging magkamukhang-magkamukha sila.


"Can you tell me your full name?" Maamong tanong ni Francis sa bata.


"Francis hayaan mo na silang maglaro." Sabi ni Janaih na hindi na talaga mapakali.


"Yes po." Nakangiting tumango-tango si Faye. "My name is Faye Andrea Santa Cruz! I am six years old turning seven next month and my Papa is the best cook ang my Mama is the best teacher!" Mahinang natawa si Francis sa katalinuhan ng bata.


"I only asked your name pero ayos lang, atleast I know you more." Hinaplos ni Francis ang pisngi ni Faye at nang sandaling dumampi ang palad niya sa malambot na pisngi ng bata ay may kung anong kirot ang gumuhit sa dibdib niya.


Hinayaan na niyang maglaro si Faye at Jianna. Nagkulong na lang siya sa opisina niya sa bahay at doon binasa lahat ng nakalap ng private investigator na kinuha niya.


Nakasandal si Francis sa upuan at nakade-kwatro habang binabasa ang nasa papel. "Faye Andrea Santa Cruz. Mother: Fana Santa Cruz, Father: Unknown StepFather: Andre Dyne Twazon. Age: 6, Born in. . . . ." Marami pa siyang binasa tungkol sa bata at ngayon ay napapatanong siya sa sarili niya na paano nya itatanong kay Fana ang tungkol kay Faye.


"No, I need more." Naging desperado na si Francis na malaman na sa kaniya talaga si Faye kahit pa nararamdaman na niyang anak talaga niya ang bata. "I just need a DNA sample, just a hair..."


Kumakain na ng lunch ang mga bata at ang bantay lang ng mga ito ay ang mga yaya nila.


"Wow this is so yummy!" Rinig ni Francis na sabi ni Jianna habang kumakain ng lunch.


"I told you my Papa is the best in cooking!" Proud na proud na pinagmamalaki ni Faye si Andy. "Here, try more!"


"Smells good." Sabi ni Francis nang makalapit siya sa dalawa.


"Daddy, her lunch is so good!" Sabi ni Jianna.


"Papa cooked my lunch." Proud at malapad ang ngiting sabi ni Faye. "I really love my Papa!"



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 107 39
Bully Series #1 Ziana, an highschool student who always got bully because of Drake and Brittany which is Drake's ex. What if she will fell inlove wit...
193K 5.2K 97
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
17.9K 629 107
This story is all about Love story OF two PEople WHO sacrifices theirselves even they were hurt just let him/her happy. And the happiness that they e...