The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

66

35 4 1
By Lady_Mrg

Ilang araw na akong hindi mapakali at hindi makatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa pagbabalik nya.


Bakit pa sya bumalik!


"Mahal, nag-aalala na 'ko, ilang araw ka nang ganyan, para kang aligaga, may problema ba tayo?." Bumunggo ako sa dibdib ni Andy, hindi ko na sya napansin dahil ang lalim masyado ng iniisip ko.


"Mahal, nakita ko sya, bumalik na sya.." Mahinang pagkakasabi ko.


Ang dami kong naiisip at kung ano-ano pa ang pumapasok sa isip ko. Bumalik na sya at estudyante ko ang anak nya, ibig sabihin ay hindi malabong makita nya si Faye...


Anong gagawin ko?...


"Sinong tinutukoy mo?" Nakakunot noong tanong niya.


"Ang Daddy ni Faye."


Hindi manlang siya nagpakita ng ibang reaksyon at nanatili siyang kalmado at parang wala lang ang sinabi ko.


"Andy bumalik na si Francis at gusto nya akong makausap. Andy ayoko! Baka kuhanin nya sa'tin si Faye!" Nag-unahang bumagsak ang mga luha ko.


Ang dami kong tanong mula noong nakita ko sya sa hospital. Na paano kung makita nya si Faye? Paano kung magbago ang isip niya at kuhanin nya sa'kin si Faye?


Pero hindi ko naman ibibigay ang anak ko. Kahit angkinin nya pa ngayon ang batang tinanggihan nya noon ay hinding-hindi mapupunta sa kanya si Faye dahil ako at si Andy na ang magulang niya.


"Anong ibig sabihin non? Babalik ka sa kanya? Isasama mo si Faye at iiwanan nyo 'ko?" Normal lang ang tono ng pananalita niya pero nang tumingin ako sa mga mata niya ay nakita kong may namumuong mga luha ang nagbabalak na pumatak. "Ano nga bang karapatan ko? Hindi naman ako ang tunay na ama." bago pa man iyon pumatak ay tumalikod na si Andy at naglakad paakyat sa kwarto namin.


Sinubukan ko pa syang sundan at tawagin pero humingi sya ng kaunting oras para mapag-isa. Nagi-guilty tuloy ako na sinabi ko pa sa kanya pero may karapatan rin naman syang malaman...


Hindi ko naman sya iiwan at isa pa bakit ako babalik sa taong minsan na akong tinulak palayo? Hindi naman ako tanga at higit sa lahat ay hindi na ako ang dating Fana na naging tanga sa pag-ibig at naging bulag sa katotohanan. Masyado ko lang syang minahal noon kaya ko nagawa ang mga katangahang 'yon, pero ngayon na burado na sya sa sistema ko ay malabo pa sa malabo na lumapit ako sa taong 'yon.


Masaya na kami kay Andy at kay sakanya ko naranasan na magkaroom ng sarili at buong pamilya kaya kahit anong iharap na pagsubok sa akin ay hinding-hindi ko iiwan ang lalaking hindi ako iniwan sa panahon man na meron at wala ako.


"Mama, where's my Papa?" Tanong ni Faye. Nasa bakuran lang sila ng mga kalaro nya, may sariling playground si Faye sa bakuran na si Andy ang gumastos para raw hindi na lumayo at dyaan na lang si Faye, mas nababantayan pa namin.


"Natutulog pa, anak." Pagdadahilan ko dahil sigurado akong iisipin nyang inaway ko ang Papa niya kapag nakita nyang umiiyak si Andy.


"We're hungry..." Sumimangot pa siya at yumakap sa hita ko.


Si Andy madalas ang nagluluto sa bahay dahil ang galing at ang sarap nyang magluto kaya naman si Faye ay palaging ginaganahan kumain. Kahit anong pagkain basta ang Papa niya ang nagluto ay paborito niya kahit pa simpleng scrambled egg lang ang iluto ni Andy tuwang-tuwa na si Faye..


"Call your friends, na-prepare na ng Papa mo ang foods nyo kanina, iinitin ko lang." Masigla siyang tumango at nagtatakbo pabalik sa laruan nila para tawagin ang mga kaibigan nya.


Simpleng egg sandwich at corndog lang ang niluto ni Andy kanina pero ang lasa non ay parang 'yung mga nasa restaurant. Kapag dito ka sa bahay kumain para ka na ring kumain sa five-star resto dahil sa galing magluto ni Andy.


Nang maihain ko na ang pagkain ng mga bata ay mga tuwang-tuwa ito habang patuloy pa rin naglalaro. Binigyan ko sila ng fresh strawberry shake at nagustuhan rin naman nila.


Hindi na bago na ipagmalaki ni Faye ang luto ng Papa niya kaya sa tuwing naririnig ko na kinukwento nya sa mga kaibigan nya  kung gaano kasarap magluto ang Papa niya ang natatawa na lang ako. Sobrang inosente pa niya at ayaw kong mabahiran ng maduming nakaraan ang magandang pagtingin niya sa mundo.


Gusto ko na ngang sundan sa kwarto si Andy pero walang magbabantay sa mga bata, mahirap na baka lumabas sila ng bakuran at maglaro sa kalsada. Nasa bahay ko ang mga bata at responsibilidad ko sila, pananagutan ko ang kung ano mang mangyayari sa kanila.


Nakaupo lang ako sa hammock sa terrace at pinapanood ko ang mga bata na naglalaro. Sobrang saya nila lalo na si Faye na humahagikgik pa at hindi mawala ang ngiti.


Napangiti ako nang kumaway siya sa akin at nag-flying kiss pa. Napatawa rin ang ng mahina dahil ginaya sya ng mga kalaro niya at kumaway rin sa akin.


"Dahan-dahan lang! 'Wag takbo ng takbo at baka madapa kayo!" Sigaw ko dahil naghahabulan sila habang hawak ang kani-kaniya nilang mga laruan.


Siguro kung nabubuhay si Fionna ay kasing likot at kasing talino rin sya ni Faye. Baka puno na ng laruan ang buong bahay kung nagkataon. Ano kaya ang pakiramdam na mapanood ko ang kambal ko na naglalaro at naghahabulan? Ang saya-saya siguro...


Ang sarap siguro sa pakiramdam na dalawang magkaparehong pares ng damit ang bibilhin ko tapos pareho kong ipapasuot sa kanilang dalawa. Mas nakakawala ng pagod siguro kung makikita kong dalawa silang sasalubong sa akin sa tuwing galing ako sa trabaho. Sobrang saya siguro ni Faye kung masama nyang naglalaro ngayon ang kakambal nya...


"Fana, hindi naman ako nagalit, bakit ka umiiyak?" Naupo siya sa tabi ko, maluwag naman itong hammock at kasya pa nga kung uupo kasama si Fionna at Faye.


"Hindi ko naman sinabing galit ka ah." Pabalang na sagot ko. Mahina siyang natawa at pinunasan ang mga luha na hindi ko na namalayan kaninang pumapatak na pala.


"Si Fionna ba?" Tumango ako at sumandal sa dibdib niya. "Sigurado ako na kung nasaan man si Fionna, masaya na sya ngayon. Malay mo mas marami palang kalaro ang baby natin doon." Alam kong pinapagaan lang nya ang pakiramdam ko kaya tumatawa siya pero alam ko rin na maging siya ay nalulungkot rin na wala na si Fionna.


"Kung nandito si Fionna hindi na kita mayayakap sa gabi." Sabi pa niya at nakatitig kay Faye habang naglalaro.


"Bakit naman?" Walang kaide-ideyang tanong ko.


"Eh paano naman kaya, kung si Faye pa lang nahihirapan na akong sumingit paano pa kung dalawa sila?" Tumawa siya at maging ako ay natawa rin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Oo nga't matutulog kaming magkatabi ni Andy at si Faye ay doon sa sarili nyang kama pero tuwing kalagitnaan ng gabi ay magigising si Faye at papagitna sa amin ni Andy.


Nakayakap si Andy sa'kin tuwing matutulog kami kaya s tuwing gigitna si Faye sa akin ay wala na syang magagawa kung hindi ang yakapin ang unan o hindi naman kaya ay hihintayin nyang makatulog si Faye at iuusog nya para makalipat sya ng pwesto sa kabilang gilid ko para makayap rin sya.


"Mas gugustuhin ko naman na nandito silang dalawa, bahala ka sa buhay mo kung paano ka sisingit basta ba dalawa silang yayakap sa'kin kahit sa sofa ka na matulog okay lang." Pagbibiro ko.


"Oo ba, basta masaya ka kahit sa sahig pa'ko matulog." Nakangiting sagot nya.


"Nagbibiro lang ako!" Tumawa ulit ako sabay tapik sa kamay nya na gumagapang sa kung saan.


"Aray, joke lang naman..." Nakasimangot niyang hinimas ang kamay niyang pinalo ko.


"May mga bata, mahiya ka naman." Umirap ako at umalis sa hammock para kumuha ng mga towel. Pawis na pawis na kakalaro si Faye at ang mga kalaro nya, baka matuyuan sila ng pawis sa likod at magkasakit kaya mabuti na ang nag-iingat.


Silang apat ay nilagyan ko ng towel sa likod at pinunasan ko rin ang mga mukha nila ng hiwalay at malinis na towel.


"Magpahinga muna kayo, tama na 'yang takbuhan na 'yan, delikado pa." Pinainom ko sila ng tubig at doon na sila ngayon naglalaro sa human size doll house ni Faye sa playroom sa loob ng bahay.


"Ang hirap talaga nang maraming bata sa bahay..." Bulong ko at isa-isang pinulot ang mga piraso ng lego blocks at manika na nagkalat sa sahig.


"Paano 'yan, nanghihingi na ng kapatid si Faye?" Kinindatan pa ako ni Andy at ang ginawa ko ay pinukol ko sa kanya ang hawak kong lego blocks. "Nagbibiro lang ako! Napakaseryoso mo!" Tumatawang sabi niya at tinulungan na rin akong magligpit.


"Alam mo naman halos ikamatay ko ang pagle-labor sa kambal, sobrang sakit kaya! Nadala na ako! ayoko na!"


"Alam ko, halos madurog nga ang buto sa palad ko dahil sa higpit ng hawak mo noong pinapalakad ka ng doctor para bumaba 'yung sanggol." Tinatawanan pa niya ako.


"Sa susunod buhok mo na ang hihilahin ko para makalbo kang letse ka!" Inis na sabi ko.


"Paanong sa susunod eh ayaw mo na nga!" Tumawa siya ng malakas at inasar pa ako ng paulit-ulit.


"Ah talaga? Ayaw mo ba ng baby? 'Yung matatawag mong sa'yo talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay at bigla siyang nagseryoso.


"Syempre gusto ko pero ano ba si Faye? Anak ko naman sya ah, oo nga hindi sya sa'kin nanggaling pero anak ko sya. Tsaka nirerespeto ko ang desisyon mo na ayaw mo nang magbuntis, kuntento na ako sa bunso natin." Sabay kindat niya at pinisil ang kanang pisngi ko.


"Mama, Ryza needs to go na daw po." Napalingon ako dahil kinalabit ako ni Faye. "Her yaya is waiting outside the gate."


"Pagbuksan mo Andy, papasukin mo muna." Utos ko kay Andy. Pagmi-meryendahin ko muna dahil sigurado akong bumyahe pa 'yon para masundo ang alaga nya.


"Nako hindi na po Ma'am, nagmamadali rin ho kami dahil uuwi po ang mga kapatid nya galing maynila, kailangan pong maabutan nila sa bahay si Ryza." Naiintindihan ko naman kaya umalis na rin sila agad.


Ito kasing anak ko ang mga kalaro nya ay mga malalayo ang bahay. Kakilala ko naman ang mga Mommy nila kaya pinagkakatiwalaan nila ako sa mga anak nila. Hindi ko rin naman pinapabayaan ang mga bata.


"Sayang Mama, Jianna is not here..." Malungkot na sabi ni Faye at nagpakarga pa sa Papa niya.


"It's okay anak, next time baka nandito na sya, invite her again." Nakangiting sagot ni Andy habang ako ay pinepeke ko ang ngiti ko.


"Balikan mo na ang mga kalaro mo, may pag-uusapan lang si Mama at Papa, okay?" Ngumiti ako sa kaniya at pinanood siyang bumalik sa playroom.


"Naglalambing 'yung bata bakit mo naman pinaalis." Nakasimangot na sabi ni Andy at naupo sa tall chair sa may island counter.


"Hindi ko pa nasasabi sa'yo. Jianna is Faye's step sister. Andy hindi dapat sila magkalapit dahil sigurado akong pag-aawayan nila kapag nalaman nilang ang Daddy nila ay iisa." Pabulong kong sabi.


Bakas ang pagkabigla sa reaksyon ni Andy kaya't hindi siya nakapagsalita kaagad.  Ilang minuto ang lumipas bago siya nakabawi mula sa pagkabigla at agad akong pinukol ng sunod-sunod na tanong.


"A-ano?! Anak ni Francis si Jianna? Sinong nanay? Si Janaih o may iba pa syang babae?" Sunod-sunod na tanong ni Andy at medyo napalakas pa ang boses niya.


Napaniwala rin ako noon na magpinsan si Janaih at Francis, hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa akin non pero ang totoo ay habang kami ni Francis engaged na pala sya kay Janaih. Natigil lang ang engagement nang maging legal kami sa Mommy ni Francis.


Noong naghiwalay kami ni Francis wala na akong naging balita sa kanila, siguro ay tinuloy nila ang arranged engagement nila. Wala na akong balak na alamin ngayon dahil matagal ko nang binaon sa limot si Francis, pero hindi ang masasakit na salitang ibinato nya sa akin para lang matakasan ang responsibilidad niya kay Faye at Fionna.


"I don't want to be selfish pero kailangan, Fana, ayokong mawala si Faye, please ipangako mong hindi nyo ako iiwan dahil hindi ko kakayanin kapag nawala kayo ng bunso ko.." Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko at nagmamakaawang nakatitig sa akin.


"Kahit anong mangyari, pangakong ikaw lang ang uuwian namin ng anak mo." Tanging sagot ko na naging dahilan ng pag-ngiti at the same time ay pagluha niya.



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

21K 418 200
Promote random stories by aspiring author's. Hope it help!
95.3K 2.7K 24
"Hindi porket apo ka ni Lola Lourdes magiging mabait ako sayo"- Seth "Hindi porket anak ka ni ma'am Amelia magiging mabait ako sayo.You want war?Then...
7.2K 273 41
Kathryn Saavedra is the most well known not because of her wealth and beauty but because of being a bad girl!! All girls are afraid of her and no one...
28.3K 395 17
@KING DARK CALEX SANTILLAN King Dark Calex Santillan is a multi-billionaire man that well known in this country. Well isa syang kagalan...