The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 88.4K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 102

21.4K 471 61
By whixley

Chapter 102: Christmas and New Year Day

Habang dumadaan ang araw, hindi lang ako sa bahay na nanatili. Pumupunta ako sa bahay nila Phoenix minsan kasama pa ang kapatid ko. Pa-epal lang talaga si Darius kaya gusto sumama.

Palibhasa walang girlfriend kaya ganoon pero may nakakausap talaga siya sa IG. Iyong jejemon ang typings. Napangiwi naman ako.

Gusto akong maka-bonding ni Phoebe kaya iyon ang pinagkakaabalahan ko.

Naglalaro lang kami sa kwarto niya, tinuturuan naman niya rin ako kung paano mag-chess. Ang galing niya nga, e, kaso ako ay hindi. Hindi ko maintindihan kaya ang sabi ko ay ibang game nalang kaso pang-matalino rin.

Kawawa naman ang braincells ko kay Phoebe!

“Ang saya kapag may kapatid na babae, ‘no? Ang saya kasama ni Phoebe,” sabi ko habang nagtatali ng buhok.

Pauwi na ako ngayon para makapag-pahinga sa bahay. Kapagod makipaglaro! Ang energetic niya! Parang wala siyang sakit sa kinikilos niya. Normal lang ang ginagawa niya peo minsan kapag sobra pinapatigil na siya ni Phoenix dahil sa takot na baka sumumpong ang sakit niya.

“It’s really fun, but sometimes Phoebe is really stubborn.”

“Hindi naman siya stubborn, ha? Mema ka.” Pagtatanggol ko kay Phoebe. Hindi naman talaga siya stubborn! “Aray!”

“Sorry, I didn’t mean to squeeze your thigh.” Tumingin pa siya sa akin.

Masama ang tingin ko sa kaniya bago umayos ng upo. Nagdekwatro ako at pinatong ang bag sa hita ko.

“Damot...” Bulong niya.

Ingudngod ko kaya siya sa manibela niya?

“Kain muna tayo,” pag-iiba ko ng topic. Kumalam na rin ang sikmura ko.

Sa sobrang pag-e-enjoy ko nakalimutan kong kumain. Kasi naman, e, isusubo ko pa lang ‘yong waffle ay hinila na kaagad ako kaya hindi ko na kain. Si Preston ang kumain ng waffles ko kasi hiningi niya rin, e.

“Where do you want to eat?”

“Sawa na ako sa kinakain ko. Ikaw, ano mo bang gusto mong lunch? Ayoko na ng steak, bal.” Gusto ko naman ng ibang pagkain.

“Your lips. I want to taste those lips, is it okay with you? Because I badly want it.”

“E, kung ipatikim ko kaya sa ‘yo ‘yong sandals ko nang malaman mo ang lasa, gusto mo? Sakto nakaapak ‘to ng shit kanina,” sabi ko at bigla naman siyang napatigil.

“Fuck. You get in our car while you have that freaking shit?” tanong niya na parang gusto niya ihagis ang sandals ko.

“Joke lang naman!” Bawi ko kaagad nang makita ang itsura niya. “Naalis ko na kasi kanina. Ang dami nga, e, inalis ko gamit ang stick.” Hindi ko napigilan ang pagtawa.

“Darlene, you are making my head hurt.”

“Alin ba sa dalawa?” Tanong ko kaya napasinghap siya bago ituon ang paningin sa harap. “Biro lang.”

“You’re not innocent anymore...” Mahinang sabi niya.

“Sino kaya ang nag-alis?” Tumingin ako sa kaniya pero hindi niya ako nilingon. “Mag-sushi tayo, bal.”

Iyon ng ginawa namin. Pumunta kami sa bilihan ng sushi. Iyong bake sushi ang pinili ko, gusto ko lang ‘yon i-try. Tapos iba’t-ibang style. Trip ko talagang kumain nito.

Naglunch kami sa condo niya dahil mas maganda kung kaming dalawa lang. Marami rin kasing tao sa japanese restaurant kaya doon na lang talaga kami.

Wala kaming magawa nang makarating sa condo niya kaya niyaya ko siyang mag-bake ng cupcake.

Ayaw niya dahil hindi siya marunong kaya ang sabi ko, tuturuan ko siya kaso mas lumala lang noong kaming dalawa ang gumawa.

“Hala, bal, nasayang ang ingredients. Mas malala pa tayo kay Mama. Sunog na sunog, o.” Turo ko sa lagayan ng cupcake.

Ang kalat sa buong kitchen. Nagkalat lahat ng flour, at mga gamit. Sinabuyan niya ako ng flour sa mukha kanina kaya sobrang puti ng mukha ko.

Ginawa ko namang pulbo ang flour sa mukha niya.

“Look at you...” tinuro niya ako at natawa.

“Tingnan mo rin ang sarili mo.”

“Mas malala ka. You look like an espasol.” Hindi niya napigilan ang malakas na pagtawa. “Let’s add more.” Kinuha niya ang flour at naglagay sa palad niya, ginawa niyang pulbo ang flour para ipahid sa mukha ko.

“Ayoko na! Pinagtitripan mo ako!” Sa kaniya ko pinahid ang harina.

Tinawanan niya lang ako sa itsura ko. Daig ko pa nga ang may white facemask sa mukha.

Umuwi rin ako kinabukasan no’n. Nagmovie marathon lang naman kami tapos nag-order na lang siya ng pagkain kasi ayoko siyang palabasin. Gusto ko sa tabi ko lang siya, at ginawa naman niya ang gusto ko.

“Tita, I wonder why Mommy is mad to Daddy.” Biglang pumasok si Amir sa kwarto ko. Pumunta siya sa kama ko at naupo sa tabi ko. “Is Mom don’t love Daddy anymore?”

“Love pa ‘yon ng Mommy mo. Gano’n talaga kapag jontis, minsan iyong mga asawa nila ang pinaglilihian nila,” ngumiti ako. “Ayos lang ‘yan, Amir. Masasanay rin si Kuya, ganiyan talaga ang life. Charot.”

Hindi pinansin ni Amir ang sinabi ko kaya napanguso ako. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko! Ano bang mayroon sa akin? Mali ba ako? Pangit ba ako? Charot.

“Ay, nga pala, nakita mo na ba ang regalo ko sa ‘yo?”

Sunod-sunod naman siyang tumango. “Yeah! I love your gift, Tita.”

Napangiti naman ako. “Edi maganda! Next time ibibili ulit kita ng gusto mo.”

Hindi ko alam ang gusto niya! Bahala na lang.

“I want a nerf gun,” aniya.

Ayan naman pala.

“Sig—”

“Can we buy now, Tita? Please?” Ang cute! Ang hirap tumanggi! “I’m bored here. Daddy is busy pleasing Mom. My ears are tired hearing their voices.”

Jusmiyo naman... kaugali niya nga si Kuya. At totoong bored siya, boses pa lang, e.

“Can we go to the mall?”

Sino ba naman akong mabait na Tita para tumanggi sa pogi kong pamangkin? Pumayag ako sa request ni Amir. Nagpaalam naman siya sa parents niya at gano’n rin ako kila Mama, hahanapin na naman ako no’n! Lagot pa ako.

“Ano namang gagawin niyo sa Mall?” Tanong ni Darius.

Siya kasi ang gusto kong magda-drive sa amin.

“Matutulog,” pamimilosopo ko.

“Nakakatuwa ka, ‘no?” Irap niya.

Tumawa ako. “Syempre, mamamasyal! Wala akong driver kaya ikaw na lang.” Naka-day off pa rin ang mga helpers at driver namin para sa holidays nila.

“Nix was your driver last time. Bakit hindi na lang ‘yon ang gawin mong driver ulit?” nagtaas siya ng isang kilay.

“Ayoko, kailangan rin naman ng sariling oras ng tao.”

“Nix can make his own time when it comes to you. I’m busy talking to someone and it’s important. Take care of both of you,” aniya at bumalik sa kausap.

Awit naman, o! Pumasok na lang rin ako sa kwarto ko kung saan naghihintay si Amir. Napatingin siya sa akin.

“Amir... Pwede next time na lang?” Sabi ko nang makalapit.

“Why?”

“Kasi walang drivers, nasa Families nila,” sagot ko. “Ayoko naman kay Tito Nix mo, kailangan niya rin ng pahinga. Minsan na nga lang siya magkaroon ng oras sa sarili niya tapos mauudlot pa? Promise, next time.”

Tumango naman siya. “Okay... Next time buy me two toys, huh? For me and for my baby brother.”

“Brother? Wala pang gender, ‘di ba?” six weeks pa lang, e.

“It’s just my instinct. I know it’s a boy and I want a baby brother also so... I know it’s a boy.”

Ibang klaseng bata! Sana all may instinct! Hindi ko nga alam kung mayroon ba ako no’n! Jusmiyo.

---


Malapit nang sumapit ang Christmas day kaya pumunta na kami sa Boracay since doon namin ice-celebrate ang pasko. Nagpabook ng limang hotel room si Papa.

“Darlene, ang tagal mo naman!” Reklamo ni Darius.

Papunta na kasi kami ngayon sa baba para maglunch. Tanghali na kami nagising lahat dahil late na rin kaming nakarating sa Boracay.

Naka-bikini ako pero pinatungan ko ng white flowy dress na hanggang taas ng tuhod ko. Tinali ko ang buhok ko gamit ang claw clip bago lumabas dala-dala ang cellphone ko. Kanina pa nga text nang text si Phoenix, hindi ko lang nirereply-an dahil busy ako.

“Oo na. Nand’yan na.” Lumabas ako.

“Magla-lunch lang kailangan nakaayos pa,” basag trip niya nang makita ang ayos ko.

“Kung gusto mo mag-ayos, mag-ayos ka rin! Inggit ka lang,” umirap ako.

“Mukha ba akong nagdedress at nagbibikini?”

Aba! Masama yata ang timpla ng brother ko!

“May regla ka ba ngayon, ha?!”

May pumulupot na braso sa bagwang ko kaya nilingon ko. “Love, may regla si Darius.”

“When did you get your menstruation, Darius? I thought you’re menopause,” gatong ni Phoenix.

Nagtaas ng middle finger si Darius. “Fuck you. I’m not a girl to have a freaking menstruation. Bahala nga kayong dalawa,” inis niya kaming iniwan.

Tinawanan lang namin siya bago sumunod. Nasa buffet sila. Maraming mga pagkain sa lamesa pero isa lang ang nagustuhan ko. Sinigang na baboy lang! Ayoko ng isda lalo na ‘yong malaki ang mata.

Nasa magkabilang gilid ko si Phoenix at Phoebe. Wala pa sina Mama at Papa dahil nasa harap at kinakausap.

Nakatingin lang ako sa isdang nakatingin rin sa akin ng diretso. Nakahiga siya sa plato at parang sinisisi pa ako ng mata niya kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon.

Wala akong kasalanan! Iyong mga nanghuli ‘yon! Sila ang dapat sisihin.

“Why are you staring at the fish?” Tanong ni Phoenix.

Pati si Darius, Amir, Preston, at Phoebe ay napatingin sa akin.

“Para kasing sinisisi niya ako kung bakit siya nakahiga sa plato at handa ng kainin. Iyong mga nanghuli ‘yon. Sila ang may kasalanan, hindi ako,” sagot ko at nilapit ang isda sa akin. “Kawawa ka naman... nahuli ka nang walang kalaban-laban. Siguro nagtatrabaho ka para sa pamilya mo kaso nahuli ka, eh,” umiling-iling ako.

Nakatitig ako sa isda.

“Hayaan mo na. Ganiyan talaga ang buhay parang life. Namamatay lahat ng isda ang nakakalungkot lang do’n ay nauna ka,” dagdag ko.

Napasapo si Phoenix at Darius sa noo.

“You’re crazy...” mahinang tumawa si Preston.

“She’s literally crazy,” sang-ayon ni Darius.

“She’s not crazy. It’s true, what if the fish has a own family? For sure they’re worried for their family fish members.” Nagulat kaming lahat sa pagsinghot ni Ate Anya. May luha pang tumutulo sa mata niya.

Hala, umiiyak siya.

“Why she’s crying?” tanong ni Phoebe.

“Pregnancy thing. Stop crying, love,” awat ni Kuya.

Grabe namang pagbubuntis ‘yan! Hindi ako magiging ganiyan!

“Pero, bal, hindi ka ba naaawa? Tingnan mo—” Nilagyan ni Phoenix ng cupcake ang bibig ko para hindi matuloy ang sasabihin ko.

Kinain ko ang cupcakes. Nang dumating naman si Mama at Papa nagsimula na kaming kumain.

Ngayon at bukas kami mag-e-enjoy sa Boracay. Gusto namin mag-try ng snorkeling ngayon kaya nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami. Naroon pa rin sina Mama sa loob kung saan kami kumain.

Lumabas lang ako dahil mainit. Ayaw pa rin naman lumabas nila Darius kaya iniwan na lang namin doon.

Nasa beach na kaming dalawa ni Phoenix. Maraming tao ngayon. Iyong iba nagsi-swimming at nagkukuhaan ng litrato.

“Bal, pahawak nga.” Inalis ko ang flowy dress ko at binigay kay Phoenix.

Akala ko ipapasuot na naman niya pabalik sa akin ang dress, e. Naiinitan na talaga ako.

“Dude, your tummy is still flat even though you ate a lot,” sabi niya. “Still sexy and gorgeous.”

“Grabe sa a lot? Hindi naman. Konti lang kaya ang kinain ko.” Konti lang naman talaga ang kinain ko dahil nga kita ang tummy ko dahil naka-swimsuit ako.

Inayos ko ang tali ng buhok ko dahil nililipad ng hangin.

“Okay, kunyari naniwala ako.” Ouch, ha. Grabe naman talaga. “But, later put on this to cover your chest and back. Some guys are looking at you.”

Ka-conscious nga, e. Kaya rin nasa tabi lang ako ni Phoenix at para malaman rin nila na may boyfriend na ako! May babae rin naman na panay titig kay Phoenix at iyong iba panay ang kuha ng picture sa kaniya.

Ang hirap talaga kapag may gwapo kang kasama. Isama mo na akong maganda.

“It bothers me a lot but it’s fine... because you’re mine.” Nilagay niya ang kamay sa baywang ko at hinalikan ako sa pisngi pababa sa panga ko bago umayos ng tayo. “I want to ask something.”

Iyong mga babae kanina parang naubusan ng pag-asa dahil sa nakita.

Akin lang ‘to. Hanap kayo ng sarili niyong Velasquez.

Lumingon ako sa kanya. “Ano ‘yon?”

“Does your family has a Royal blood? I mean, your Mom?”

“Mayroon...” sagot ko. Mayroon naman kasing Royal blood si Mama at syempre nakuha ko ‘yon sa kaniya. “Bakit mo natanong?”

“Nothing, pero hindi ba sumagi sa isip mo na maybe she’s a daughter of Queen or something?”

“Oo, once pero hindi ko rin naman alam ang sagot,” pag-amin ko.

“Damn, this question really hitting me...” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “What if you are a Princess?”

Paano kung isa akong prinsesa? Aba... hindi ko alam! Pero kung ako ang tatanungin... ayoko. Ayoko ng gano’n, ‘no!

“Hindi naman siguro,” tanging nasabi ko. “Saka, ayokong maging gano’n. Huwag na nga nating pag-usapan ‘to, lalong dumadami ang iniisip ko.”

Hindi naman na siya nagtanong.

Dumating na sina Mama. Nasa lounge wooden chair sila. Nandoon lang sila samantalang kami nila Phoenix ay nasa buhanginan. Nagpakuha ako ng picture sa kaniya bago kami naglalaro nila Amir sa buhangin.

Ginawa namin ang snorkeling kahit na ayaw ni Amir. Sumama pa rin siya.

Marami kaming ginawa ngayon kaya pagod kaming lahat. Nang makabalik kami sa kwarto ay agad akong nagbanlaw ng katawan. Nagsuot ako ng pajama silk tutal matutulog na ako.

Dapat ako lang talaga mag-isa sa kwarto ko kaso ang lonely kaya si Phoebe ang tinabi ko sa akin. Gusto ko may kasama ako sa kwarto.

Nagre-reklamo naman si Phoenix dahil si Phoebe ang kasama ko sa kwarto. Gusto kong kasama si Phoebe! Pero itong Kuya niya, papansin at nakikipag-agawan pa. Akala mo bata kung makipag-agawan.

Pinag-aagawan ako ng dalawang magkapatid!

“Phoebe, I’m with her. Stay with Tita Grace. She’s waiting,” pilit ni Phoenix.

Kanina pa sila nandito sa kwarto. Ang sarap nilang tawanan dalawa dahil kanina pa sila nagtatalo. Si Preston nasa sofa at panay rin ang panood sa dalawa niyang kapatid. Napapangiwi nalang rin siya dahil sa dalawang ‘to.

“I don’t want, I want to sleep here.” Tumabi si Phoebe sa akin at humawak sa braso ko bago tumingin sa Kuya niya. “Go there and leave. Hindi ko naman siya aagawin sa ‘yo. She’s still your girlfriend, Kuya, saka I’m not into girl.”

Tumawa ako sa sinabi ni Phoebe.

“Hindi ka naman ipagpapalit ni Ate sa akin, well if that happens, Kuya, kabahan ka na.” Umirap si Phoebe.

“I can’t believe you, Phoebe,” sabi ni Phoenix at hinila ako. “She’s mine, Phoebe.”

“No.” Hinila rin ako ni Phoebe. “She’ll sleep beside me.”

“No! She’s mine!” niyakap ako ni Phoebe sa baywang para hilahin.

“She’s my girlfriend, Phoebe,” si Phoenix.

Para akong manika na pinag-aagawan! Nakayakap sa bewang ko si Phoebe at ang Kuya niya naman ay nasa harap ko at panay rin ang hila.

Sumubsob ang mukha ko nang pwersahan niya akong hinila. Nakahawak pa sa batok ko ang bwisit.

“Ang sakit naman, bal!” humawak ako sa ilong ko. “Huwag niyo na kasi akong pag-agawan.”

“Para walang away, sa akin na lang siya.” Pati si Preston nakisali na. Hinila niya ako sa Kuya niya.

Nagsalubong naman ang kilay ni Phoenix.

“Now you and you leave,” si Preston.

Hindi ako makapaniwalang pinag-aagawan nila akong tatlo.

“Ih, Kuya doon na kasi kayo ni Kuya Preston! Babae kami, e. Tapos kayo boys kaya doon kayo,” si Phoebe naman ang humila sa akin.

“Kaya nga, bal, dito na lang siya. Doon ka na sa kwarto niyo,” sabad ko para matigil na silang tatlo sa pag-aagawan. “Tabi na lang kayong dalawa,” tinuro ko si Preston. “Matutulog na kaming dalawa. Layas na.” Hinalikan ko muna sa pisngi si Phoenix bago lumayo.

Magkatabi lang naman kami ng kwarto! Si Darius nasa kabila rin, ayaw niya raw ng may kasama. Ang arte, akala mo naman aanuhin siya kapag may kasama siya.

“Layas na raw!” tinulak ni Phoebe si Phoenix at Preston palabas ng kwarto. “Good night, Kuyas!”

“Babe! I want to—” Sinarado bigla ni Phoebe ang pinto kaya hindi niya natuloy ang sasabihin.

“Kuya is so loud!” humarap si Phoebe sa akin. “Paano ka ginayuma ni Kuya?” natawa siya. “Grabe, Kuya is getting crazy when it comes to you.”

Pati ako natawa sa sinabi niya. “Baliw talaga ang Kuya mo sa akin, tingnan mo ayaw akong bitiwan. Pati sa pagtulog gusto kasama ako.”

Kinuha ko ang isang blanket para ibigay sa kaniya. Malaki ang kama, kasya siguro ang limang tao rito pero ayaw ni Phoebe na may kasama kaming dalawa. Gusto niya ako lang at siya.

“By the way, thank you for the gift,” aniya at ngumiti. “Look, oh! I’m wearing it na.” Pinakita niya ang kwintas na bigay ko sa kaniya.

Vefruit butterfly gold necklace ang gift ko sa kaniya noong Christmas party. Nabanggit niya sa akin na favorite niya ‘yon kaya ganyan ang binigay ko sa kaniya. Hindi lang basta necklace dahil binigyan ko rin siya ng bracelet! Twinning kaming dalawa.

“Wala ‘yon! Mabuti nga’t nagustuhan mo, eh,” ngumiti ako.

Naupo siya sa kama kung nasaan ako.

“Alam mo, Ate, you are the best gift ever we received this Christmas,” sabi niya at ngumiti rin.

“Bakit naman? Hindi ba best ang Christmas gift niyo noon?” Tanong ko at nilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.

“It’s best, yes, but this year is different. This is the first time I saw Kuya happy unlike those years. Sobrang saya ni Kuya ngayon because of you. We are complete yet unhappy. Our Christmas is happy but our hearts wasn’t. Because we aren’t complete. Mommy and Daddy wasn’t here,” sagot niya.

Hindi pa rin pa ba nila alam na deads na ang parents nila?

“Kaya nga thankful ako kasi dumating ka sa buhay namin at sa buhay ni Kuya. If you wasn’t came to our lives for sure our life and Christmas is unhappy again unlike this... we are so happy. Because even though our parents wasn’t here at least you’re here. You fulfilled our unhappy hearts.” Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

Inalis ko ang luha ko sa pisngi nang bumitiw siya sa akin.

“Sana hindi kayo maghiwalay ni Kuya. I want you for Kuya, pero kung nandito rin si Mommy sigurado akong gusto ka niya rin para kay Kuya,” ngumisi siya. “Ang swerte ni Kuya!”

Natawa lang ako sa sinabi niya bago kami mahiga sa kama. Hindi pa kami natulog dahil nanood pa kami ng Disney movie na Princess.

Sumagi tuloy sa isip ko ang tanong ni Phoenix.

Paano kung prinsesa ako?

Naunang nakatulog si Phoebe sa akin kaya pinatay ko na ang laptop ko. Tinabi ko na ang laptop at at ang cellphone ko naman ang kinuha ko. May text messages agad akong natanggap kay Phoenix.

From: bibi
Baby... I want to hug you.

To: bibi
Okii lang ‘yan, kaya mo ‘yan. Love you!

Pinatay ko na ang cellphone ko. Natulog na lang rin ako para bukas may lakas ako.

Masaya ang kinabukasan namin bago sumapit ang Christmas day. Sinubukan namin lahat ng pwedeng gawin sa Boracay. Bumili na rin kami ng mga pwedeng pasalubong dahil puro parinig si Laureen! Kesyo pasalubong niya raw kaya ayan, bibigyan ko.

“Thank you for coming Ma’am and Sir.” Kinuha ko ‘yong hawak ng babae kanina.

Napatingin si Darius sa akin. “Bagay sa ‘yo,” aniya. “Hold this also.” Bunigay niya sa akin ang mga paninda.

“Gusto mo ako pa pumalit sa kaniya, e!” Tinuro ko ‘yong babae na inaasikaso ang mga bumibili.

“Ay, ‘wag naman po. Mawawalan po ako ng trabaho,” tawa ng babae.

Napakamot ako sa noo. “Hindi ko naman aagawin ang trabaho mo, Ate.” Tumingin-tingin na rin ako ng pwede ipangpasalubong.

Marami naman akong nabili. Iyong iba pang decorate sa kwarto ko.

Saka, nagsurfing rin kami! Hindi naman siya mahirap. Sa una, oo, kasi hindi ko magawang mabalance pero habang tumatagal ay pagaling ako nang pagalint. Charot. Pero totoong na kaya kong magsurfing!

Tawa-tawa pa sina Darius dahil hindi ko raw makakaya pero tingnan mo nga naman! Mas magaling pa ako sa kanila.

“Bobo pala, ha?” Nginisian ko sila.

Inismiran ako ni Phoenix at Darius.

Nagjetski rin kami! Solo ko lang ang isa. Ayoko ng may kasama. Hindi ako mag-eenjoy. At hindi rin pala sa wala ang ipinunta namin sa bilihan ng pasalubong.

Bumili rin kami ng pwedeng ipangregalo sa isa’t-isa for Christmas day! Kahit hindi mahal basta regalo at halatang in-effortan.

Nang dumating naman ang noche buena day masayang-masaya ang lahat. Naghanda lang kaming lahat rito ng mga pagkain. Sa beach kami magce-celebrate. Naglagay ng mahabang table para doon nakalagay ang mga pagkain.

Naglagay rin ng mga Christmas light at mga candlelight sa buhangin.

“Ate! Kuya is looking for you!” Katok ni Phoebe sa labas.

Nasa bathroom pa ako para maligo, tapos na ako kanina pa. Nagtotoothbrush na lang ako, kakatapos ko lang rin magblower ng buhok.

“Teka lang, Phoebe!” Sagot ko.

Nakarinig lang ako ng takong ng sapatos niya. Papalayo ang tunog kaya wala na siya sa labas ng bathroom.

Sinuot ko na ang white puff bubble chiffon dress na bili ni Mama. Lumabas na ako pagkatapos para hindi mahuli.

Nasa labas si Phoenix habang nakaupo sa kama, hinihintay ako. Nakablack polo sleeve siya at nakatupi ‘yon hanggang siko niya, nakabukas rin ang first two buttons ng polo niya. Simpleng casual shorts na white rin ang suot niya sa ibaba.

“Bal, ang pogi mo. Pahingi twenty.”

“I can give you a twenty kiss,” aniya at hinila ako para halikan sa labi. “Nineteen more.” Dinampian niya ulit ng halik ang labi ko.

“Ayokong mawala ang labi ko.” Nilayo ko ang mukha ko. “Next time na ang eighteen-seventeen pala.” Kiniss ko kasi siya labi ngayon. “Tara na sa labas!”

“Fine... later.”

“Sabi ko next time! Hindi later,” pabiro akong umirap.

“Later, Darlene, later.” Pinaningkitan ako ng mata ng hayop.

“Kung saan-saan napupunta ang kiss mo,” mahinang bulong ko.

“What?”

Agad akong umiling at umiwas. “Wala!”

Nakarinig naman ako ng tawa mula sa kaniya.

Nang makababa kami sa beach ay nandoon na silang lahat. Panay ang kurot ni Darius sa pagkain kahit mamaya pa kami kakain. Hindi naman siya napapansin ni Mama kaya tuwang-tuwa ang timang.

“Merry Christmas, everyone!” Si Amir nang saktong mag-twelve ng December 25. “Merry Christmas, Daddy, Mommy, and baby....” bati ni Amir sa Mommy at Daddy niya. “Merry Christmas, Mommyla, Daddylo, Tito, Mama Grace, Ate Phoebe, Kuya Preston.”

Natawa naman ako sa pagmamadali niya pati sina Mama ay gano’n rin. Binati naman rin nila si Amir pabalik. Pero ang daya... bakit hindi ako nabanggit?

“Merry Christmas, Tita, Tito Nix,” ngumiti si Amir sa akin at kay Phoenix.

“Merry Christmas sa ‘yo.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “Bal, Merry Christmas.”

“I don’t have a kiss?”

“Hindi araw-araw pasko,” sagot ko.

“But today is Christmas.” Wow, naisip niya pa ‘yon, ha.

“Tita Lala, Tito Jin, Merry Christmas.”

“Merry Christmas, Baby,” sagot ni Lala.

“Merry Christmas, Bab—” Pinutol kaagad ni Lala ang sasabihin ni Jin.

“Siya ang tinutukoy ko!” Tinuro ni Lala si Amir. “Masyadong epal.”

Hindi naman maipinta ang mukha ni Jin ngayon.

Binati ko ng Merry Christmas si Mama at Papa gano’n rin ang mga kapatid ko. Pati sina Tita Grace, Phoebe, at Preston. At syempre dahil nag-iisang magandang anak na babae ako may regalo na naman sila para sa akin. Tinabi ko na lang muna ‘yon para makakain ng maayos.

Maraming pagkain sa plato ko dahil kay Phoenix. Akala mo bibitayin ako sa sobrang dami. Kinain ko na lang tutal masarap naman lahat.

“Chelsea greeted you a Merry Christmas,” sabi ni Ate Anya kay Amir.

“Iyong girlfriend mo?” tanong ko kay Amir kaya napatingin siya sa akin.

Binatukan ako ni Kuya.

“Ayie, ikaw, ha!” Kantyaw ni Lala. “You have a girlfriend na pala!”

“I don’t have like that!” Tanggi ni Amir at tinuon ang paningin sa cake, bahagya pang napanguso at namula.

“Daig mo pa si Tito Darius! Walang girlfriend,” sabi ko kaya si Darius naman ang bumatok sa akin. “Aray naman!” sinangga ko na ang kamay niya nang babatukan niya ulit ako.

“You’re too young for that.”

“No girlfriends, study first,” dagdag ni Papa.

“She’s just a friend of mine!” nguso ni Amir.

“Sus... ganiyan rin si Kuya. Kaibigan, sus—aray!” nabatukan na na naman ako ni Kuya!

“Don’t teach him nonsense!” si Kuya.

“He’s still a kid, Darlene,” sabad ni Phoenix bago ibigay sa akin ang mango juice.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang panay ang kwentuhan namin. Inabot siguro kaming lahat rito ng one ng umaga. Nagpicture rin kaming lahat at balak kong i-post sa Instagram.

Tiningnan ko ang picture at bahagya pang napangiti. Nasa gilid kami ni Phoenix dahil kumakain pa siya no’n, hinila ko lang siya kaya medyo nabigla pa siya pero maayos naman ang hitsura niya.

Sa isang picture pinipisil niya ang pisngi ko.

Nagsimba rin kami noong December 25 dahil kinabukasan uuwi na kami.

---


Nang mag-New Year naman nasa Tagaytay kami. Three days lang kami dahil kailangan na magready ni Mama! Aalis na naman kasi siya ng bansa.

Nakakainis nga, e. Dapat ginawa niyang next year na lang ulit.

Kakabalik niya nga lang noong December tapos aalis na naman siya? Ginagawa nga talagang magkapitbahay ang iba’t-ibang bansa. Iba talaga kapag may sariling eroplano, pwede ka mamasyal.

Kapag mayroon rin ako no’n? Gago, pupunta ako ng South Korea tapos kikidnapin ko si Lee Jong-suk at Song Joong-ki tapos papakasalan ko sila pareho! Kahit ayaw nila, dadaanin natin sa kidnapan. Charot. Joke lang ‘yon.

“Alam mo, bal, malapit ng mag New Year. Tumayo ka na diyan!” Naka-polka dots dress ako ngayon. “Hoy, Velasquez! Isusumbong kita kay Tita Grace kapag hindi ka pa tumayo diyan.”

“I’m so fucking tired,” dinig kong sabi niya.

“Saan ka naman napagod?” tanong ko. “Wala ka ngang ginagawa kung hindi mahiga at panoorin lahat ng ginagawa ko.”

“That’s the reason. My eyes are tired watching you,” pagdadahilan niya.

Wala pang twelve midnight nakakarinig na ako ng mga fireworks sa labas.

“Tumayo ka na kasi para makaligo ka na.”

“Help me to get up.” Tinaas niya ang dalawang kamay. “My body needs a hug. And it’s cold here.”

“Maliligo ka ba o hindi.” Tumayo ako at lumingon sa kaniya.

“Maliligo.” Tumayo na siya at pumunta sa closet para kunin ang damit na isusuot niya.

“Bilisan mo,” paalala ko.

“Mabilis akong gumalaw,” aniya.

“Kumilos tawag do’n, engot.” Hinagis ko sa kaniya ang extra towel.

“I can move faster and faster—”

“Maligo ka na nga lang! Ihahagis ko na sa ‘yo itong cellphone mo kapag hindi ka pa pumasok sa bathroom.” Dinampot ko ang cellphone niya at akmang Ihahagis.

“Okay! Okay! “ Pumasok siya sa loob ng bathroom pero may binulong pa siya. “You’re so bossy.”

“Ano?”

“Nothing!” Sagot niya.

Inayos ko na lang ang mga gamit namin. Bukas uuwi na rin kami. Noong una namin rito sa Tagaytay naghanda lang kami for New Year’s eve. May pool rin pala sa rest house na ‘to kaya nag-swimming sila kahit malamig.

Ayokong maligo pero ang gagong si Phoenix tinulak ako. Halos magkanda-ubo pa ako nang makaahon.

Nahiga ako sa kama habang naghihintay kay Phoenix. Ang tagal maligo, daig pa babae. Nanood na lang rin ako ng movie.

“Michelle, gising.” Nagmulat ako ng mata. “It’s already 11:46 in the evening. Thirteen minutes more before the New Year.”

Nakatulog pala ako. Ang sabi ko hihiga lang ako pero nakatulog ako.

“Kakatapos mo lang maligo?” tanong ko. Basa pa kasi ang buhok niya.

“No, kanina pa ako tapos maligo. I was waking you up but you throwing me a pillow, so I let you sleep for a while.” Nahiga siya sa tabi ko.

Ginawa ko ‘yon?

“Kuya, Ate Darlene, Mama Grace and Tita Serine were looking at the both of you. Are guys sleeping?”

Tumayo ako para pagbuksan si Phoebe. “Paakyat na kami.” Pagkasabing-pagkasabi ko no’n ay agad siyang umalis dahil kay Amir.

Ayaw pang lumabas ng lalaking ‘to sa kwarto kung hindi pa ako nabwisit, hindi pa siya tatayo. Pumunta kami sa taas kung nasaan sila Mama.

Dumiretso ang mata ko sa mga ubas na nasa lamesa. Gusto ko no’n.

“Bal.” Lumingon si Phoenix sa akin. Nginuso ko ang ubas.

Nasa tabi ng pagkain si Mama, nakita kong pinitik niya ang kamay ni Darius nang balak pumitas ng ubas.

Bakit ba kasi bawal kumain hangga’t hindi nagsasaktong twelve? Lalamig lang ang pagkain, e.

“You want kiss?” Nabalik ang tingin ko kay Phoenix nang halikan niya ang labi ko. “You want more?”

“Iyong ubas ang tinutukoy ko! Ipitas mo ako ng isa-ay lima pala. Sa ‘yo ‘yong dalawa sa akin ang tatlo.”

“Ayoko nga.”

“Ako na nga lang.” Iniwan ko siya at pasimpleng pumunta kay Mama. “Happy New Year, ‘Ma!” Ngumiti ako pero ang kamay ko ay pasimpleng pumipitas. “Ganda ng suot mo, ha!”

“Oh, thank you. Your father gave me this,” ngumiti siya.

“Ganda sobra!” Hindi ko nabilang ang napitas ko. “Sige, doon na ako kay Phoenix.” Tumalikod na ako.

Nakatingin pala si Phoenix sa akin.

“May ubas na ako.” Ngumisi ako bago kainin ang isa. “Gusto mo?”

“Sumabog mukha ko?” pangunguna niya.

“Hindi naman ‘yon ang sasabihin ko! Bahala ka, ayaw mo.” Kinuha naman niya ang nasa kamay ko. “Sarap, ‘no?”

“Yeah, but you know what’s more delicious than that?”

“Ano?” tanong ko, naguguluhan.

“You,” ngumisi siya.

Binatukan ko siya nang mahina. “Lakas ng trip mo. Tigilan mo ‘yan.”

“You’re really a bossy.” Kinain niya ang ubas na kinuha niya sa akin.

Nagsimula na kaming mag-celebrate ng New Year. Nakapula rin pala si Phoebe! Twinning sila ni Mama.

Ten seconds na lang malapit na ang bagong taon. Kumuha ako ng sparkle stick. Kumuha rin naman sila at agad na sinindihan.

Puro mga tanging tunog ng paputok lang ang naririnig ko. Bukod sa hornpipe nila Amir.

“Happy New Year!” Bati nila nang saktong mag-twelve.

Samu’t saring fireworks ang naglabasan sa kalangitan nang magsimulang lumipat ang taon sa panibagong araw at buwan na mangyayari sa aming mga buhay.

Nakatingin lang ako sa langit pero ramdam kong sa akin nakatingin si Phoenix.

“Happy New Year, love!” Lumingon ako kay Phoenix at hinalikan siya sa labi. “Best New Year ever!”

“Happy New Year, love.” Mahigpit niya akong niyakap. “This is the best year I have ever had, because I’m with you and I will always be with you. I love you, love.” Bumitiw siya at hinalikan ako sa noo.

I hope our new year is full of love and happiness. Sana nadala ng nakaraang taon ang mga lungkot, hinanakit, at galit sa isa’t-isa para masasaya na lang ang manayig sa panibagong taon.

Continue Reading

You'll Also Like

163K 972 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
737K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
519K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
53.1K 1.5K 14
DISCONTINUED. It's never quite as it seems. ROY KENT x FEM!OC. SEASON ONE ╱ THREE. TED LASSO, 2020 ━ 2023. SPORADIC UPDATES. © 2023, @ez...