The Girl in Worst Section (Co...

whixley tarafından

3.8M 89.2K 17.6K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... Daha Fazla

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 72

24K 578 143
whixley tarafından

Chapter 72: Fire

Hindi mawala sa isip ko ang batang 'yon. What if Miranda talaga siya?

Bakit kasi hindi niya sinabi kung sino ang nanay niya? Ayoko namang tanungin si Kuya, baka mabatukan ako no'n nang wala sa oras. Masama pa naman ang timpla ng mukha niya.

Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa!

Tumawag sila Papa kagabi para kumustahin kaming tatlo kaso si Kuya lang ang kinausap ni Mama ng matagal.

Favoritism!

Sinubukan pa namin makinig ni Darius pero umalis si Kuya at umakyat sa kwarto niya. Pero hindi kami tumigil, sinundan namin siya para makinig kaso wala rin! Nainis na rin si Kuya kaya tumigil na kami ni Darius. Baka kasi lalo pa siyang mainis sa amin kagabi.

Hindi rin ako makatulog ngayon. May audition pa mamayang hapon. Tangina, hindi ko pa alam ang kakantahin ko! Bahala na si batman.

Kinuha ko ang cellphone ko para kulitin si Phoenix. Pero baka tulog na ang ugok na 'yon, alas-dos na ng umaga. Sa messenger ako nag-chat, nakita kong online si Finn.

Finnley Marquez:
Hoy, bakit gising ka pa?

Darlene Miranda:
Wala lang.

Finnley Marquez:
Sus... Ka-chat mo si Nix 'no??? Ayie. Sana all.

Darlene Miranda:
Gago hindi. Tulog na 'yon.

Mabilis naman nag-reply ang gunggong.

Finnley Marquez:
Okayyyy.

Darlene Miranda:
Finn, balita ko kasali ka sa Gang?

Finnley Marquez:
Matagal mo ng alam na kasali ako sa Gang 'di ba?

Darlene Miranda:
'Gang tingin lang.

Natawa ako sa sarili kong chat.

Finnley Marquez:
Ampucha! Hanggang dito ba naman?! kahurt. Ayoko na! Matulog ka na rin.

Darlene Miranda:
Haha joke lang.

Sunod kong tininhnan ay kung online ba si Arvin. Kanina hindi siya active pero ngayon, oo. Online din si Renz, mukhang ka-chat ang sinasabi niyang crush niya. Ang harot, wala namang label.

Darlene Miranda:
Hi!!!

Nag-reply naman siya kaagad.

Marvin Cervantes:
Bakit gising ka pa? Matulog ka na, uy. Anong oras na, o.

Darlene Miranda:
Wait lang, may sasabihin lang muna ako sayo.

Marvin Cervantes:
Ano 'yon?

Darlene Miranda:
Kung ang english ng isa ay one.

Marvin Cervantes:
Okay?

Darlene Miranda:
Bakit ka niya ini-one?

Iniwan kasi siya ng kaniyang sinisinta.

Marvin Cervantes:
Aray. Grabe, tagos hanggang buto. Palibhasa may jowa ka kaya madali para sayo na sabihin 'yan. Hays, ramdam ko ang pagiging single ko.

Darlene Miranda:
Okay lang 'yan! Papansinin ka rin ng iyong sinisinta. HAHAHA.

Marvin Cervantes:
Hindi na kailangan. Makatulog na nga, nasira na ang umaga ko. BTW, good morning. Lagot ka kay Nix, hindi ka pa natutulog.

Nag-reply ako sa kaniya bago mag-proceed kay Renz.

Darlene Miranda:
UY.

Mabilis naman nabasa ni Renz ang chat ko.

Renz Cortez:
Yes?

Darlene Miranda:
Bilis mag-reply, ah? Halatang sanay sa mga chat-chat.

Renz Cortez:
Haha, syempre, si crush yata ang ka-chat ko palagi kaya sanay na ako, Darlene.

Darlene Miranda:
Wews, buti pa ako. May label na kami ng crush ko.

Renz Cortez:
Edi sana all. Teka, bakit ka pala nag-chachat?

Napangiti ako sa tanong niya.

Darlene Miranda:
May sasabihin ako sayo.

Renz Cortez:
Gago! Huwag mong sabihing magiging ninong na ako?! Willing naman ako.

Gago yata 'tong timang na 'to. OA! Mukha ba akong buntis?! Gago!

Darlene Miranda:
Gago! Hindi ako buntis! Ninong ka diyan! Ugok ampota.

Renz Cortez:
Ay, HAHAHAHA. Gano'n ba? Sorry naman, na-excite lang. HAHAHA.

Baliw amp!

Darlene Miranda:
May sasabihin nga ako!

Renz Cortez:
Ano ba ang sasabihin mo? Baka mabigla ako!

Darlene Miranda:
Kung ang english ng kampana ay bell.

Renz Cortez:
Tapos??

Darlene Miranda:
Bakit wala pa rin kayong label?

In-angry niya ang chat ko kaya hindi ko napigilan ang matawa.

Renz Cortez:
Tanginang 'yan! Tagos hanggang lungs!

Darlene Miranda:
HAHAHAHAHAHAHA.

Nang matapos ako kay Harvey pumunta ako sa GC namin para tingnan kung may gising pa. At lahat sila online. Except kay Phoenix na active 5 hours ago. Tangina, akala ko ba matutulog na si Finn? Eh, bakit online pa rin? Scammer amp, sabi nila matutulog na sila?

Ang GC namin ang pinindot ko. Picture ko pa ang icon ng GC namin at ang pangalan ay 'Darlene pretty'.

Darlene: Hi!

Mabilis naman silang nag-response.

Renz: 'Yan ka na naman.

Arvin:  Ano na naman 'yang dala mo?

Finn: Hindi ako makatulog dahil sa chat mo!!

Natawa ako sa mga chat nila.

Gael: Anong meron? Bakit gising pa kayong lahat? Atsaka, anong chat?

Dash: Matulog na kayo mga gago.

Trevor: What's up?

Harris: I can't sleep.

Mavis: Baka may umiisip sayo?

Owen: Ang ingay ng GC.

Dice: Hindi rin ako makatulog.

Harris: And who's that person? I can't sleep. We still have an audition later at 5 p.m right?

Dash: Yeah.

Finn: Baka 'yung may gusto sayo ang umiisip sayo @Harris. Ayiee!!

Harvey: Sana all.

Finn: Tangina, sa ibang relasyon na lang ako kinikilig.

Darlene: HAHAHAHAHA. KAWAWA WALANG JOWA!

Finn: Namemersonal 'to, oh! Wala rin kaya sila!

Dash: Tss, ikaw lang 'yon.

Trevor: I have mine.

Darlene: HOY TEKA MAY SASABIHIN AKO SA INYO.

Hindi ko nakikita ang pangalan ni Phoenix kaya sure akong tulog siya.

Arvin: Ayoko niyan!

Dice: Ano 'yon?

Harvey: Gagi, anong sasabihin mo?

Ay wow, hindi na siya jeje.

Dash: What is it?

Trevor: Tell us, now.

Darlene: Matatalino kayo 'no?

Finn: Naman.

Dash: Of course.

Dice: Kami pa ba?

Gael: Men, top yata 'to!

Owen: Matalino ako!

Darlene: Matalino? Eh, bakit kayo bumagsak sa maling tao?

Renz: Ayaw ko na!

Arvin: Matutulog na ako! Masyado ng masakit ang puso ko.

Harris: Sila lang 'yon.

Mavis: I'm safe.

Natawa ako sa mga chats nilang lahat.

Gael: Mga pre, laro tayo.

Renz: Ano na naman ʼyan?

Arvin: Game ako!

Rafael: (2)

Harris: (3)

Dash: (4)

Lahat sila nag-game.

Gael: Hulaan niyo ang isesend ko, ah? Paunahan sa chat!! 😂

Darlene: Anong kagaguhan na naman 'yan?

Gael: Chill ka lang! Game na!

Owen: Ge!

Gael: 👉👌💦 😎

Gael: HHAHAHAHA.

Trevor: The fuck?!

Dash: Gago! HAHAHAHA.

Dice: Amp!

Mga nag-react sila. Hindi ko maintidihan kaya nag-chat ako.

Darlene: Ano 'yon? Hindi ko gets...

Harris: Tangina nito ni Gael! May babae rito.

Mavis: The heck... bastos.

Napakamot ako sa noo. Hindi ko maintindihan! Hindi ko na lang pinansin at nag-off na sa GC. Sa conversation na lang naman ako ni Phoenix.

Sayang tulog siya, yayayain ko sana siyang mag-drive thru ngayon. Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa mga iniisip ko.

Darlene Miranda:
Hindi talaga ako makatulog.

Hindi siya nag-reply kaya tulog na siya.

Darlene Miranda:
Tulog ka tol? Tol? Tulog ka tol? Tol. HAHAHA.

Gago, haha. Lakas ng tama ko. Napanood ko lang 'to sa facebook.

Darlene Miranda:
Ang ganda ko. Akalain mo 'yon? Ang ganda ko. Sa sobrang ganda ko, nahulog ka. #AkoLangToAngMahalMo

Maka-banat nga.

Darlene Miranda:
Hoy, alam mo kung anong favorite routine ko? Ang haroutine ka.

Ang harot ko. Sa bagay, routine ko nga pala ang haroutine siya. Tangina, corny ko, baka iwan ako nito sa sobrang corny ko.

Darlene Miranda:
Sa dinami-dami ng bagay sa mundo... mas bagay pala tayo.

Hindi talaga ako makatulog, pagpasensiyahan mo na Phoenix. Idedelete ko rin lahat ng messages ko mamaya. Sleep ka lang diyan, my love.

Darlene Miranda:
Ikakagalit ba ng mama mo? Kung dadagdag ako sa pamilya niyo?

Biglang humangin ng malakas kaya napataklob ako ng kumot. Joke lang po 'yon, Tita Rica! Huwag niyo po akong dadalawin. Biro lang po!

Darlene Miranda:
Saan mo ba gusto? Sa mang-inasal o sa akin ikasal?

Ayoko na nga! Ang boring mukha akong tanga, mas maganda kapag may ka-text ako. Napatingin ako sa screen ko nang lumabas ang pangalan niya.

Phoenix Ryler Velasquez:
Sayo ikasal habang kumakain ng inasal sa higaan.

Akala ko ba tulog 'to?!

"Pucha..." Bulong ko.

But, wait, medyo hindi ko gets ang sinabi niya. I mean, hindi ko talaga gets! Hays, pabayaan na nga.

Umayos ako ng higa bago mag-reply sa kaniya. Hindi pa pala siya natutulog katulad ko, may ginagawa raw siya at mukhang importante. Tumawag pa siya sa akin, mga six minutes lang yata ang tawag na 'yon dahil nagpaalam na rin siya.

"[I love you...]" Ramdam ko sa boses niya ang pagod nang sabihin niya 'yon. "[I love you... mahal.]" Dagdag niya bago patayin ang tawag.

Puro usap lang namin ang laman ng tawag na 'yon kaso hindi ko rin mapigilan ang pag-aalala sa kaniya, hindi naman siya gano'n kagabi. Dapat na siyang matulog para may lakas siya.

Sa tingin ko, hindi rin ako makakatulog ng maayos dahil sa sinabi niya. Darating raw ang Lola niya galing London kaya kinakabahan ako, baka kasi ipilit ng Lola niya ang kasal na 'yon. Kakaroon lang namin ng label tapos babawiin agad? Grabe naman. Hindi ko pa nga napaparamdam sa kaniya kung paano magmahal ang isang Miranda, katulad ko.

Pakiramdam ko rin, may problema si Phoenix. Kasalanan 'to ng Lola niya kung bakit siya namomobroblema. Ano bang mangyayari kung mayroong arranged marriage? Kagaya lang ng kay Tricia, e.

Akala naman nila, sasaya ang tao kapag ginawa nila 'yon. Saka, hindi naman sila ang makakasama ng tao kaya madali para sa kanilang gawin 'yon. Try nila sa ganoong sitwasyon para malaman nila.

Tumayo ako sa pagkakahiga para bumaba. Nauuhaw kasi ako tapos kukuha rin ako ng brownies. Tulog na naman siguro 'yong mga tao? Madilim sa ibaba pero bukas ang ilaw sa counter bar ng bahay.

Palagi talaga 'yan nakabukas para may konting liwanag bukod sa ilaw sa labas kung nasaan ang pool at sa garden. Wala ang mga men-in-black rito.

Dahan-dahan lang ang lakad ko habang papunta sa ref.

"Ay, tangina!" Gulat kong sinabi habang nakahawak sa dibdib.

"Stop cursing!" Napatigil ako nang marinig ang boses ni Kuya.

"Ano kasing ginagawa mo diyan, Kuya? Alam mo ba kung ano'ng itsura mo habang nandiyan ka? May usok-usok tapos nasa dilim ka pa. Mukha kang si kamatayan."Binatukan ako ni Kuya. "Aray ko!" Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa batok niya.

"Hindi ako si kamatayan!"

Daig pa ang babaeng may regla.

"Kuya, nireregla ka ba—Aray ko! Ang hilig mo akong batukan!"

"Do I look like a girl to ask me that question?" Mas lalo yatang nadagdagan ang irita ni Kuya.

"Kasi naman! Daig mo pa ang nirereglang babae kung makaramdam ka ng inis!" Pati ako nahahawa sa inis na mayroon siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Puna niya.

Kumuha ako ng tubig at ininom bago humarap kay kuya para sagutin ang tanong niya. "Hindi kasi ako makatulog sa nakita ko—namin pala ni Darius, pustahan—"

"Tangina, ang sakit." Narinig ko ang boses ni Darius.

Nilingon ko siya kung nasaan siya. Pumunta siya kung nasaan kami, nakahawak siya sa noo niya.

"What the heck? Hindi ka pa rin natutulog?" Napatingin si Darius kay Kuya. "What the hell happened to you?"

"Nauntog ako sa pader, hindi ko nakita."

Malakas akong tumawa dahil sa narinig bago ituro si Darius. "Ang tanga! Bulag! Ang tanga-tanga mo, kapatid!"

Masama akong tiningnan ni Darius bago umirap sa akin. Tawa-tawa pa rin ako habang paupo sa counter chair. Dala-dala ko ang crinkles at brownies na binili namin kagabi ni Phoenix.

"It's already three in the morning. Why aren't you two sleeping yet?" Tanong na naman ni Kuya.

"Marami akong iniisip kaya hindi ako makatulog."

"I can't sleep because of something."

Wews, lagi talagang nakikisabay sa pag-sagot 'tong si Darius.

"Tss, ang dami niyong alam," sagot ni Kuya.

Tumingin ako kay Darius para sabihing tanungin si Kuya dahil sa nakita namin kahapon. Alam kong gusto niya rin malaman, may lahing chismoso rin 'tong si Darius kaya alam kong kating-kati na siyang malaman rin.

Sunod-sunod siyang umiling kaya pinanliitan ko siya ng mata kaso puro iling pa rin ang Darius na 'to. Halata sa mukha niyang ayaw niya kaya mas lalong nanliit ang mata ko sa kaniya.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?" Puna ni Kuya sa ginagawa namin ni Darius.

"Kasi may sinabi sa akin si Darius." Nag-salubong ang kilay ni Darius sa akin. "May nakita raw kasi siya sa mall na bata. Ang cute daw tapos tinatanong niya sa akin kung coincidence lang daw na—"

"What? Me?!"

"Totoo kaya!" Tumingin ako sa kaniya.

"Hey—"

"Kasi, Kuya, tinatanong ni Darius sa akin kung may anak ka na kasi may nakita kaming bata sa mall tapos kamukha mo! Sobrang kamukha mo Kuya! Tapos tanong nang tanong si Darius sa akin, sabi ko naman hindi ko alam! Kaso pinipilit sa akin ni Darius kaya gusto niyang itanong kaso hindi ko nga alam kaya—"

"Darlene, stop," putol ni Kuya sa sinasabi ko.

Masama ang tingin ni Darius sa akin pero nginisian ko lang siya. Nawala ang ngisi sa labi ko nang magsalita si kuya.

"You saw Amir?" Tanong ni Kuya na sobrang ikinasamid naming dalawa ni Darius.

"Fuck."

"Gago."

Pinag-untog ni Kuya ang ulo naming dalawa ni Darius. Napa-aray tuloy kaming dalawa ni Darius sa sobrang lakas.

"Stop cursing," saway ni Kuya. "So, you saw him? You saw Amir?"

"Ha? Kilala mo? Eh, wala ka naman doon," pa-inosenteng sabi ko.

Gusto ko lang talaga na sabihin niya mismo. Duh? Hindi ako tanga, 'no?

"How'd you know his name?As far as I remember you weren't there."

Napabuga ng hangin si Kuya. "I was there, Darius. And I saw how he talks to both of you. He even caressed your hair, right?"

Hala, nakita niya nga! Nandoon nga si Kuya!

"Hala, shit! Darius! Iyong batang 'yon! Pusta ko anak ni Kuya 'yon! Kaugali, e! Grabe! Kung maka-stupid! Tapos grabehan din 'yong words na lumalabas sa bibig no'n! Legit, Miranda 'yon!" Ngumisi pa ako.

"Why are you there? I'm sure there's a reason," tanging sinabi ni Darius.

"I thought he's missing 'cause his yaya called me. Amir's yaya is my spy to look after him because Anya can't watch over him. Because his Mom has a job."

Nanlaki ang mata ko sa nalaman. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa bawat nalalaman ko. Nadamay pa si Anya, na mommy pala ni Amir. Hay nako! Hihimatayin talaga ako.

"Why do you care about him?" Tanong ni Darius at halatang gusto na niyang malaman.

Pinapatagal pa kasi!

"Well that's because he's Miranda. Of course, I cared for my son," sagot ni Kuya.

"Puch—" Tinakpan ko ang bibig ko nang kamuntikan nang mag-mura.

Anak niya si Amir, anak niya ang batang nakita namin sa mall!

"What the freak?! Are you serious? How?"

"Do you want me to analyze what happened?" Umirap si kuya.

Mabilis namang umiling si Darius.

"Pero, Kuya, 'di ba hindi naman kayong dalawa? Ni ayaw mo nga sa kaniya kaya paanong may anak kayo? Paano ʼyon?" Tanong ko. "'Di ba nga? Tuwing nirereto ka ni Papa sa kaniya, ayaw mo? Ayaw mo sa katulad niya tapos dinamay mo pa ako. Ang sama mo."

"It wasn't true." Umiling siya bago ibuga ang usok ng vape. "She was my classmate back then and she's the only girl I can talk to when we're both in high school and college. And yeah, after months and years being with her, I found myself falling for her too. Anya and I were in a relationship for almost six years but after we graduated from college, we separated because we both know she'll leave and go to another country to do her job."

May pa-storytelling si Kuya.

"Wow, that was a strong relationship." Comment ni Darius.

"Oo, kasi ikaw hanggang one year lang e," sabi ko na inirapan niya.

"And I didn't know that her job was to be an assassin. I found out when Mama let me handle the Organization. Also, alam ko na rin na pregnant siya dahil noong nakita ko siya, her tummy's big. Pero kahit na ganoon, I still left he organization kahit na ayoko dahil sa 'yo, Darlene. I have to look after you, kahit ayokong bumalik dito para lang samahan siya."

"Darlene, it's your fault. Kaya umalis si Kuya," paninisi naman ni Darius.

"Bakit ako?!" Turo ko sa sarili.

Gagong 'to, sisihin ba naman ako?!

"It's no one's fault. I still have source to make sure she's okay at that time. Amir's yaya is my spy. Anya doesn't know about this. Hindi niya alam, alam ko ang sikreto niya. Kaya nga kapag titingin lang ako sa loob ng bahay niya, kinakabahan na kaagad siya," ngumisi si Kuya at mahinang napailing. "She's nervous all the time. Tss, parang hindi niya naman pinapagamit ang pangalan ko kung kabahan siya ng sobra."

Wow, ang galing ni Kuya. Alam niya! Kaya pala parang may iba sa kanilang dalawa. Pero in fairness, ha? Hindi halata kay Anya na may anak na siya. Ang ganda niya pa rin.

"So, that means he's the first born of our family. Kier's child is the second," sabi ni Darius.

Hala, oo nga! Ang akala ko ay ang anak ni Kier ang first born, hindi pala. May anak pala ang aking mahal na Kuya. Mali rin ako sa iniisip kong wala pa siyang anak! Teka si Mama.

"Hala, lagot ka kapag nalaman ni Mama 'yan." Nag-hand gesture pa ako.

"Our mother knows about this. She just wanted to make sure so she hired a private investigator to find out the truth. Hindi niya rin alam, alam ko na."

Tangina, ito pala 'yang truth na 'yon! Kawawa naman si Mama! Naunahan ni Kuya sa totoo. Sayang lang pera.

Nagpalumbaba ako sa lamesa. Minsan kapag may baby o kaya buntis akong nakikita, hindi ko maiwasan isipin kung paano 'yon ginawa.

"What are you thinking?" Tanong ni Darius.

"Iniisip ko lang kung paano nagagawa ang bat—"

"Darlene," saway ni Kuya, salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Stop saying those words and stop asking questions," sagot ni Kuya.

"Iniisip ko lang naman kung paano—"

"Darlene! I said stop," putol ni Kuya.

Iniisip ko lang naman 'yon, e.

"Hindi, kasi ang nabasa ko sa internet na—"

"Darlene! Stop!" Pati si Darius naki-epal. "You must stop reading those shits on the internet. They're ruining your innocence."

Innocence?

Nag-facepalm lang ako sa kaniya.

"Umakyat na nga kayo at matulog," utos ni Kuya.

Tumayo na ako at naglakad. Inaantok na rin ako. Matatahimik na rin ako ngayon dahil alam ko na. Ang isa na lang problema ay hindi alam ni Amir! Hindi niya kilala si Kuya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at balak na sanang ipikit ang mata pero nang makita kong umilaw ang cellphone ko agad kong kinuha. May text na galing kay Phoenix, nag-reply muna ako bago matulog.

Nagising ako ng bandang five dahil kay Phoenix, dito siya sa kwarto ko nanatili. Inaantok pa rin ako kaya bumalik ako sa pagtulog kanina. Maaga pa rin naman 'yon. Nasa tabi ko siya, mahimbing ang tulog.

Ramdam ko ang yakap niya. Nagmulat ako ng mata. Nakahiga siya at pantay lang sa dibdib ko. Nakayakap naman ang isang kamay niya sa tiyan ko.

Tiningnan ko ang mukha niya pababa sa labi niya. Ang ganda ng mata niya. Tangina, sana all maganda 'yong lashes. Sakto lang ang haba ng lashes niya, reddish ang labi niya at matangos ang ilong. Hays, ang pogi.

"Sana talaga mawala na lahat ng problema mo ngayon. Matatapos din ʼyan, tiwala lang kay Lord." 

Nilandas ko ang mga daliri ko sa buhok niya. At mas lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin na parang bang mawawala ako kapag bumitiw siya sa akin.

Ang galing niya rin magtago ng emosyon. Parang unti-unti na niyang binabagsak lahat ng problema niya at sinisimulang ayusin. Tutulungan ko siyang ayusin lahat ng problema niya para lang sa kaniya.

Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa buhok niya habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ang satisfy palang gawin 'to sa buhok ng lalaki? Sheez, mukhang may gagawin na ako minsan kapag bored ako. Iyong buhok niya ang pagdidiskitahan ko.

"Nix..." Tawag ko sa kaniya at hinalikan ang buhok niya.

"Uhm..." Umayos siya ng higa saka niyakap ako ulit.

Niyakap ko ang leeg niya at inamoy ang buhok niya. Tangina, ang bango! Ano kaya ang shampoo niya? Amoy imported ang buhok niya, grabe!

"Velasquez, ano'ng shampoo mo?" Tanong ko.

"I don't know..." Rinig kong sagot niya. "But, that's Harvey's products."

Huwaw! May binebenta si Harvey na ganito? Mayroon kaya siyang product na pang-girl?

"Ang bango..." Comment ko at inamoy ulit ang buhok niya bago inilandas ang mga daliri ko. "Bakit ka nga pala nandito? Alas-sais pa lang nandito ka na."

"I want to go home..." Sagot niya.

"Huh? Nasa bahay mo na ikaw kanina, 'di ba?"

"No, my home is you. You're my home. Ikaw lang ang uuwian ko." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kaya ako pumunta rito."

"Ano bang ginawa mo kaninang hating gabi?" Tanong ko sa kaniya.

"I was talking to my Dad's family. They told me about going here in the Philippines this month. I don't know the exactly date..." Sagot niya at tumingin sa akin. "Tita Grace told me about having a party because they'll come, but, I don't think I can do that. "

"Gawin mo na lang ang sinabi ni Tita saka pamilya naman ng Dad mo 'yon. Baka kung ano pang sabihin nila sa 'yo o kay Tita kung sakaling hindi mo gawin 'yon."

Gano'n kasi minsan, e. Kapag hindi nila nagustuhan ang ugali mo, sisisihin nila ang nagpalaki sa 'yo.

"Okay, I'll do it but in one condition." Tumabi siya sa akin nang makatayo ng maayos. "You'll be with me. I'll introduce you to my Dad's family. If they doesn't like you, then that's their problem. I don't care about them anyway." Binaon niya ang mukha sa leeg ko.

"Gago, may kiliti ako sa leeg." Nilayo ko ang leeg ko pero sunod-sunod niyang hinalikan ang leeg ko. "May kiliti ako sa leeg, Velasquez! Gago naman nito!" Mukha akong tanga dahil namimilipit ang leeg ko dahil sa kiliti. "Phoenix! Sisipain kita!" Umalis ako sa kama nang makatayo.

"Ang hirap mo palang halikan sa leeg. May kiliti ka. I want to kiss your neck, you know."

Kasalanan ko bang may kiliti ako doon?

"I'm hungry. " Tumingin siya sa akin.

Baka kung ano naman 'yang hungry na 'yan. Tumingin rin ako sa kaniya bago manliit sa kaniya ang mata ko.

"What?" Natawa siya. "I don't like your stare," ngumisi siya.

"Hindi ko rin gusto ang pag-ngisi mo."

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Baba na tayo, gutom na ako," sabi ko matapos hawiin ang kurtina ng balcony. "Pero maghihilamos muna ako at toothbrush." Wala pa akong hilamos! Tinali ko ang buhok ko para hindi sagabal.

Sinilip ko rin sa may garahe kung nandiyan pa ang kotse ng aking mahal na Kuya at wala na. Pero 'yong kay Darius, oo. Mukhang tulog pa ang kapatid kong 'yon. Minsan lang mapuyat 'yon kaya pagdating ng kinabukasan ay halos hapon na kung magising.

"Kahit 'wag na." Rinig ko ang pag-sagot niya. "What a beautiful lady." Sabi niya nang humarap ako.

Lumingon ako sa kaniya, at kinukuhaan niya pala ako ng larawan. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ba 'yan mukha akong tanga..." Iniwas ko ang mukha. "Ni wala akong hilamos." Lumapit ako sa kaniya.

Kinulong niya ako sa braso niya nang makalapit ako. Tiningnan niya ang picture at gano'n din ang ginawa ko. Nakatalikod ako habang naghahawi ng kurtina at 'yong humarap ako sa kaniya.

"Ang ganda mo." Hinalikan niya ang pisngi ko. "Sobra." Niyakap niya ako mula sa likod.

May kumatok sa pinto kaya sabay kaming napaangat ng tingin. "Miss Darlene, gising na po ba kayo? Tanghalian na po. Nasa telepono rin po ang Mama niyo," dinig kong sabi ng helper sa labas ng kwarto. "Gigisingin ko lang po si Sir. Darius. Bumaba na po kayo, Miss."

Tulog pa nga ang kapatid ko.

"Okay!" Sagot ko. "Baba na tayo." Kinuha ko ang cellphone sa vanity table at umalis sa kama.

Sumunod naman siya sa akin. Binuksan na niya ang pinto pero hindi pa siya lumabas dahil hinihintay pa ako. Mabilisang toothbrush at hilamos lang ang ginawa ko.

Lumabas na ako sa bathroom. Dapat ay pababa na kami kaso napatigil ako sa kwarto ni Darius para gisingin siya.

Pumasok ako sa loob at tulog pa nga! Parang mantika naman kung matulog ang isang 'to. Nakatopless pa siya, at tanging jogger pants ang pang-ibaba.

"Tangina, ang lamig-lamig walang pang-itaas, ampotek," niyugyog ko si Darius. "Hoy, Darius, gising. Gising! Magdamit ka rin!" Kumuha ako ng t-shirt sa closet niya. "Magdamit ka, Darius. Pangarap mo yatang magkaroon ng Pneumonia."

"Teka lang..." Mahinang sabi niya bago takluban ang mukha.

"Magdamit ka nga kasi!"

"Teka nga lang," hikab niya.

"Bahala ka diyan, gutom na ako. Bumaba ka na lang doon." Lumabas ako ng kwarto niya.

"Okay."

Kinuha ko kay ate Josa ang telepono nang makababa.

"Hello, Mama?"

"[Darlene? Ang tagal mo naman.]"

"Sorry, okay?"

"[Ang Kuya mo? Nakaalis na ba?]"

Wala akong nakitang kotse kaya wala na siya diyan. "Wala rito ang kotse niya kaya sure akong nakaalis na siya."

"[Sige. Si Darius?]"

"Tulog pa rin , e. Para ngang mantika, e!"

"[Gisingin mo siya at sabihin mo ay pumunta siya sa company. Siya ang inaasahan ng board members dahil ang alam nila ay nasa Cebu ako kasama ng Papa mo. Importante 'yon pero siya na muna ang bahala.]"

"Ako? Ayaw mo?"

"[Hindi naman sa gano'n. Pero si Darius, gisingin mo 'yon. Sige na, ibababa ko na. I love you, anak.]" Binaba niya na ang linya.

Sa bagay hindi nga pala ako marunong ng mga gano'n. Pinagising ko nalang si Darius.

Dumiretso na ako sa kusina dahil nandoon si Phoenix. Napansin kong walang pagkain sa lamesa.

"Bakit wala pong pagkain?" tanong ko.

"Naubusan po ng stocks sa Ref kaya papunta pa lang po ako sa grocery para makabili. Pero may luto naman po diyan kaso bacon lang. Mayroon pa po na bacon kung naubusan po kayo kay Josa na lang po kayo magpaluto. Pasensya na po, ah?"

Tumango ako. "Ayos lang po," ngumiti ako.

"Pasensya na po talaga."

"Ayos lang po! Sige po, mauna na po kayo baka matraffic po kayo."

"Sige po," ngumiti siya at bago lumagpas sa akin.

Tumingin ako kay Phoenix na nasa counter chair na nakaupo, nakatingin din siya sa akin at parang may iniisip. Ngumiti siya.

"Bakit?" lumapit ako sa kaniya.

"You know how to treat your maids..." Niyakap niya ako at dumiretso ang tingin sa akin.

"Siya kasi ang yaya ko noong bata palang ako." Tumingin ako sa kaniya ng diretso sa mata niya. "Konti na lang ang bacon. Gutom na ako."

"Let's cook, then," hinila niya ako papunta sa kitchen. "What will we cook?"

Naghanap ako sa pantry at may nakita akong pancake na nakalagay pa sa karton kaya 'yon ang kinuha ko. "Marunong kang magluto nito?" Tanong ko.

Mayabang siyang tumingin sa akin. "'Yan lang pala, e. That's basic, Miranda." Kinuha niya 'yon sa kamay ko.

"Maka-basic ka na naman." Umirap ako.

Kumuha ako ng bowl at pang-mix para magawa niya. Binuksan ko 'yon at binasa kung paano gawin. Ang sabi pour the pancake mix, tapos lagyan raw ng cup of water at egg.

"How many cup?" Tanong niya.

"One cup daw tapos ang sukat ay ¾ cup of water," sagot ko. "Tingin ka diyan baka mayroon."

Tumingin naman siya sa mga lagayan sa ilalim. May nakita naman siya kaya kinuha niya. Kumuha rin siya ng malinis na tubig.

Nakapalumbaba ako habang pinagmamasdan siyang gawin 'yon. Sa kaniya lang ako nakatingin kahit nag-hahalo lang siya.

"Ako magluluto. Marunong ako." Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Baka masunog mo pa. Wala pa tayong makain."

"Ay, wala ka bang tiwala sa akin?" Tanong ko.

"In cooking, yes."

Napairap naman ako. "Dali lang nito!" Sabi ko. "Madali lang 'to, ano ka ba! Sus, basic lang 'to para sa akin." Kumuha ako ng frying pan at nilagay sa may stove. "May butter ba dito?"

Nasa likuran ko siya at nakasandal sa sink. Ramdam kong lumapit siya sa akin.

"Here." Nagbaba siya ng butter sa harapan ko. "This pancake will be much better if you kiss me." Humawak siya sa bewang ko.

"Lakas mo naman," sambit ko bago buksan ang stove. "Makakain ko ba 'yang kiss mo?"

"No, but, I'm sure, you'll enjoy it."

"Asa ka." Dahan-dahan akong naglagay ng butter sa frying pan.

"Just one!" Pilit niya. "Come on. Smack kiss," ngumisi siya nang lumingon ako. "I love you so much." Hinawakan niya ang baba ko bago nilapit ang mukha sa akin.

Humawak siya sa pisngi ko bago ginilid ang mukha.

"Darlene!" Narinig ko ang palapit na si Darius.

Natulak ko nang wala sa oras si Phoenix dahil papalapit ang kapatid ko. Napalayo kaagad ako nang makita ang apoy sa tabi namin.

"Gago! Gago!" Ang lakas ng apoy!

"Fuck." Kumuha si Phoenix ng fire extinguisher sa dirty kitchen bago binugahan ang apoy.

"Putangina."

"Fuck." Sabay pa kaming dalawa na nagsalita.

Humawak siya sa braso ko para malayo ako doon. Gago, ang lakas ng liyab! Panay ang buga niya sa apoy hanggang sa mawala. Mabuti na lang, nawala agad ang apoy!

Nangamoy bigla kaya lumabas ang mga maids at nagtanong.

"Fuck! What's happening here?!" tanong ni Darius.

"Ano... fire...." Kinagat ko ang ibabang labi.

"What?!" Salubong na kilay na tanong niya.

"Slightly fire..." Sagot ko ulit.

Tumingin ako kay Phoenix.

"Slightly fire?! Apoy pa rin 'yon! Muntik nang masunog ang kitchen, hindi! Sunog talaga ang kitchen!"

Napakamot ako sa ulo bago tignan ang tinutukoy niya. Sunog ang kitchen at ang stove. Lagot ako kay Momshie. Tangina kasi sa sobrang paglalandian namin muntik nang magkasunog sa buong bahay. Kaya take note! Huwag maglalandian kapag may niluluto! Pucha, muntik na 'yon!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

115K 8.3K 52
[COMPLETE] high school is a time to make memories. hwang hyunjin has spent the vast majority of his life under the protection of his elder brothers s...
1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
270K 9.7K 46
Chaeyoung turned around and saw this girl all angry staring attentively at her from head to toe. Judging her look. "How are you a girl?" She demande...