The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 87.8K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 69

24K 632 77
By whixley

Chapter 69: Anniversary

Nasa labas na kami para magpaalam na aalis na. Six na ng gabi at masyado na rin kaming pagod pero masaya naman.

"Maraming salamat sa inyo," ngumiti si Sister sa amin. "Huwag kayong mag-alala, hindi sa wala mapupunta ang mga dinonate niyo para sa orphan na ito."

"Walang anuman po. Saka, nag-enjoy po kaming kasama sila," sobrang saya kahit nakakapagod.

Binalik ko na si Ellice kay Sister. Unti-unting namula ang pisngi niya at nauwi sa pag-iyak.

"She wants you..." sambit ni Phoenix.

Halata nga. Ngumiti nalang ako at nagpaalam. "Hala, mas lalo siyang umiyak."

"Kami na po ang bahala sa kaniya. Tatahan rin po siya," sambit ng babaeng kasama ni Sister.

"Bye po! Ingat po kayo!" sambit ng mga bata.

Kumaway kaming lahat sa kanila. "Bye!"

"'Wag kayong mag-away-away," paalala ni Tricia.

"Opo!" Sagot nilang lahat.

Tumingin ako kay Ellice. Ang pula-pula ng pisngi niya dahil sa iyak. Babalikan kita, baby. Babalikan kita para makita ulit kita.

"Mauuna na po kami." Ngumiti ako sa kanila bago tumalikod kay baby Ellice.

Kumaway pa muna silang lahat bago tumalikod at sumunod sa akin. Narinig ko pa ang pag-iyak ni baby Ellice bago kami makarating sa parking lot.

"You wanna adopt her?" Tanong ni Phoenix.

"Ano, umiiyak kasi siya. Ayoko siya iwan," sagot ko.

"Hindi pa kayo mag-jowa sa lagay na 'yan, ah?" Puna ni Gianna.

Nakahawak kasi ako sa kamay ni Phoenix habang nasa balikat ko ang braso niya. At para kaming ewan kung maglakad.

"Hindi niya yata alam na asawa kita," bulong ni Phoenix.

Siniko ko siya. "Gago ka."

"Straight from asawa na pala."

Hindi namin siya pinansin at naglakad na lang.

Magmula nang malaman ni Darius na nagvi-visit kuno si Lara sa orphan ay hindi na siya matahimik. Parang may kung ano na ang pumapasok sa isip niya. Alam kong gusto niya makasigurado.

Ayaw rin naman ipabukas ng parents ni Lara ang hukay niya. Sila ang magulang kaya wala kaming karapatan para pigilan ang gusto nila.

Alam kong may gagawin si Darius. At tulad ko, alam kong gusto niya malaman kung paano na nabuhay si Lara. Saka, ang sabi ni Kuya sa akin, nang makarating sila kung nasaan kami naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

"Gusto ko naman magsaya!"

"Saan tayo?" tanong ni Andrei.

"Edi sa Rax!"

Sumang-ayon naman sila.

"Pero teka lang muna. Pahinga muna tayo rito. Napagod ako." Naupo sa gather si Harvey, gumaya naman ang iba sa kaniya.

Sa loob naman ako ng van naupo.

"Pagod rin kaya kami," sumandal si Gavin sa poste.

Napatingin ako sa bandang kaliwa ni Phoenix nang may mapansin. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang babaeng nakita namin sa resto. Anong ginagawa niya rito?

Diretso rin ang tingin niya sa akin. Nagulat pa siya nang makita na nakatingin ako sa kaniya. May tinago siya sa likod at mabilis na sumakay sa kotse bago patakbuhin ng mabilis palayo sa lugar kung nasaan kami.

"You saw her too."

Tumingin ako kay Phoenix. "Alam mo?"

"Yeah, kanina ko pa siya napapansin diyan. She's looking at you and I think she have plans to killed you her," sagot niya. "Hindi niya lang magawa kasi marami kang kasama."

"Bakit hindi ka man lang nagsasalita."

"It's so obvious. Her presence is obvious. She didn't know how to hide. Basta-basta na lang siya kumikilos, hindi malabong mamatay ang babaeng 'yan," aniya.

"So, true," sang-ayon ni Laureen.

"Alam niyo rin?" Tumango silang lahat.

"Hindi siya marunong mag-tago ng maayos kaya madali siyang nakita. Tapos doon pa sa may kitang pwesto kung saan ka niya babarilin." Mahinang tumawa si Dash. "Tanga."

"Actually, someone's following our cars."

Hala, 'di ko man lang napansin.

"Bakit naman kasi gusto ka nilang patayin?" Tumingin sa akin si Gavin. "Ano bang myroon sa 'yo, Darlene?"

Nag-shrugged ako. "Hindi ko alam," sagot ko. "Kung alam ko lang, edi sana matagal ko ng sinabi, 'di ba, kaso wala. Ni tungkol nga sa Organization na sinasabi niyo, eh, wala akong alam. Ngayon ko nga lang nalaman ang tungkol diyan."

"Seryoso?" Hindi siya makapaniwala na tumingin sa akin.

"Oo, hindi ko alam kung ano ang Black Forum, konti lang ang sinabi ni Papa sa akin." Sumandal ako sa upuan ko. "Kayo ba alam niyo? Iyong Satyr at Forelli alam niyo ba 'yon? O parte ba kayo do'n?"

"Oo naman, 'no! Parte kami doon kaso sa Satyr Organization kami, iyong Organization na hinahawakan ni Darius."

"Huh?" Tanong ko, naguguluhan na naman ako.

"Alam mo kasi, Darlene." Tumikhim si Gianna. "Iyong Black Forum, isang mafia group 'yon. Isa sa pinakamalaking organization sa Australia. Maraming gustong kumuha ng kapangyarihan ng Organization na 'yon pero dahil magaling si Tita Serine at Tito Dylan ay hindi nadudungisan ang Organization."

Putangina, seryoso? Mafia... Pucha! Anak ako ng mafia? Wews.

"Since the Organization is too big, our mother is divided into two. Forelli and the Satyr. The holder of Forelli is Kuya, and the members are your classmates."

Mas lalo akong nagulat. Ah, kaya pala 'yon ang pinag-uusapan nila. About sa code-code name na 'yan. Parte pala talaga sila noon kaso kailan pa?

"While the Satyr is me, and the members are Gianna and them." Tinuro niya ang mga kaibigan niya. "Pero marami pang kasapi ang Satyr at Forelli, hindi lang kami. Pati sina Devin at ang ibang pinsan natin ay kasama sa Organization. Teka, nasaan na nga pala sila Jin? Hindi ko nakikita ang gago na 'yon."

"Sa pagkakaalam ko nasa hideout. May pinapagawa ang Mama mo sa kaniya kaya ayon busy na busy ang gago. Katulong niya yata si Agatha," si Gavin ang sumagot.

"Pero bakit hinati sa dalawa?" Tanong ko na naman.

"Masyado kasing malaki ang Black Forum, Darlene. Marami ang panunungkulan at mga miyembro na nakapaloob. At since marami nga, hinati-hati iyon. Iyong main ogranization ay nasa Australia, iyon ang pinaka-hideout ng org. At itong Satyr at Forelli oragnization ay dito sa Pilipinas. Actually, matagal na rin kaming magkakilala lahat, eme-eme lang 'yong away namin inside the underground," natawa si Gianna.

"Tangina, seryoso ba? Kasi noong sumugod kayo sa School namin, e, binugbog niyo sila Rafael," hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kaya nga pagdating sa hideout, e, nalagot kami kay Drake, e, tsaka bago pa namin makilala ang kapatid mo sa Hospital, e, kilala na namin siya. Matagal na," sambit ni Finn. "Hindi ka ba nagtaka noong nasa Hospital tayong lahat?"

Ah, iyon ang nadamay ako sa away nila.

"Nagtaka dahil parang kilala na niya talaga si Phoenix no'n," sagot ko naman. "Iyon pala magkakilala na talaga." Napakamot ako sa noo. "So, continued na tayo sa pinag-uusapan."

"So, iyon nga nahati ang organization, may kaniya-kaniya kaming kinabibilangan. May kaniya-kaniya kaming ginagawa if may inuutos si Tito Dylan o Tita Serine sa amin."

"Okay, gets, paano naman kayo nasali sa mga ganito?" tanong ko ulit.

"Dahil sa parents namin na part rin ng organization. Kaya nga kilala ni Tita Serine ang mga magulang namin, e. Nasali kami dahil binigyan nila kami ng black invintation, at first we don't know each other. Kaya pala kami dito in-enrolled ni Dad sa SHS dahil nandito ang mga members ko. At since si Sir. Lazarus ay part rin ng organization, ginawa niyang pagsama-samahin kami."

"Part din pala ang Daddy mo, Mavis!" Nabibilib talaga ako kapag naiisip na Teacher ang Daddy niya. "Ah, so kaya pala hindi na nabago ang section name niyo, also kaya hindi kayo naghihiwalay dahil hawak kayo ni Sir. Lazarus at kaya siya ang advider niyo even before!" Pumitik ako.

"Tumpak, Darlene. Kaya hindi kami mapaghihiwalay lahat dahil kahit sa organization ay magkakasama kami," sambit ni Gael.

"Gets ko na kung bakit," sambit ko. "Alam ko na, kaya siguro ako mabilis na enrolled dahil kay Sir. Lazarus! Dahil kilala siya ni Papa! Pero bakit naman sa inyo?" Nilingon ko si Phoenix. "Bakit sa dinami-dami ng section, e, sa inyo talaga?"

"Baka dahil may balak si Tito Dylan?" Ngumisi si Finn sabay baling kay Phoenix. "Hay nako, boto talaga si Tito sa 'yo."

"It's not that, I know there's another reason. Maybe he knew that we can protect Darlene. Just like his favor on us."

"Ano na naman 'yon?" Tukoy ko sa favor na sinasabi ni Phoenix.

"To make you safe, he did us a favor. We need to protect you from those people who want your head."

Hay, ngayon alam ko na! At kaya pala palagi silang sumasama sa akin dahil kailangan pala nila ako bantayan 24/7. Naiintindihan ko na ngayon.

"Anong oras na?" Lumabas ako ng sasakyan kasabay ng paghikab.

"Magse-seven na," sagot ni Gael. "Punta na tayo sa Rax. Miss ko na ang mga alak ni Harvey na naghihintay mainom." 

Sumunod naman ang mga kalahi niya sa loob ng van.

"Ayoko na diyan, hindi kasya," sambit ko. "Sa van na lang ako nila Gianna sasakay."

"Huh? May kotse si Nix!" Sabat ni Owen.

"Gago, van lang ang—"

"Pinakuha niya kay Alexis 'yong sasakyan niya. Naghihintay na nga diyan—ayan na pala." Tumingin siya sa likod namin.

"Anong nangyari sa 'yo?" Sabay pa kami ni Gianna na nagtanong.

Nakatingin si Alexis kay Gianna. "Nakipag-habulan papunta dito. May sumusunod sa inyo kanina habang papunta kayo rito." Hinagis niya ang susi kay Phoenix at nasalo naman niya 'yon.

"Alam namin." Palihim na umirap si Andrei.

"Darius, sasama ka ba?" Pumitik pa ako sa harap niya.

"No. May aasikasuhin ako. Hoy, ihatid mo si Darlene sa bahay." Tumingin siya kay Phoenix. "Una na ako. Mag-ingat kayo kapag pauwi na kayo." Hinalikan niya pa muna ang noo ko bago pumunta sa kotse niya.

"First time kong makita ang caring side ni Darius," dinig kong bulong ni JP.

"Gago, syempre, kapatid niya 'yan. I-ke-care niya talaga 'yan."

Sinundan ko na lang ng tingin si Darius bago napabuga ng hangin. "Saan kaya ang punta no'n?"

Baka mamaya kung anong gawin niya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaibigan ko. Unang girlfriend niya 'yon at hinding-hindi magbabago 'yon dahil ang kaibigan ko lang ang mahal at mamahalin niya.

"Maghahanap ng katotohanan," si Gavin.

Hanggang sa makaalis ang sasakyan ni Darius doon ako nakatingin.

Napagkasunduan namin na umalis na sa lugar na 'yon. Iyong BMW na naman pala ang gamit niya, parang nandito na lahat ng gamit ko. Nandito ang bag ko, charger, at ang iba pa. Nakalagay lahat 'yon glove compartment.

Pumasok kaming dalawa sa loob at agad naman niyang pinaandar at umalis. Maayos akong naupo matapos mag seat belt.

Hay, Darius, sana naman ay ayos ka lang. Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Dahil dadagdagan ko talaga ang magiging sugat mo!

Namimiss ko na agad si baby Ellice. Naaawa ako sa kaniya kasi ayaw niyang bumitiw sa akin at kay Phoenix. Halatang gusto niyang sumama. Ang cute-cute pa naman niya.

Tinanggal ko ang seat belt at sumandal. "Huwag mong bubuksan ang pinto, ah? Baka bumaliktad ako." Paalala ko dahil nakasandal ako sa pinto ng kotse at ang kaliwang paa ko ay nakadiretso, nakapatong sa lap niya, at ang kanang paa ko ay nakapatong sa hita ko.

Kinuha ko ang cellphone para i-text si Darius na mag-ingat, hindi kaagad siya nakapag-reply kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko.

Lumingon siya sa akin. "I didn't notice. You're wearing a blouse and a skirt..."

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Napaayos tuloy ako ng upo nang tumingin siya sa legs ko.

"H-Hindi naman pangit, 'di ba?"

"Yeah, but your skirt is too short," puna niya.

"Magpapalit na lang ako mamaya," sabi ko naman. May extra naman akong dala.

"Why?" Tanong niya.

"Kasi sabi mo maiksi." Iniwas ko ang tingin ko.

"It's fine, I don't tolerate you to wear other clothes. It's your body though, you can wear what you want. It's your decision. Ikaw lang ang nakakaalam sa pakiramdam mo o bagay sa 'yo. Problema na nila kung babastusin ka nila, but, I won't let that happen."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hala, bakit sa simpleng salita niya ay nahuhulog ako? Hindi ko na marinig ang sinasabi niya dahil shit, ang lakas ng tibok ng puso ko. Nababaliw na naman.

"Miranda..."

Tumingin ako sa kanya. "Ha?" 

"Are you gonna drink tonight?"

"Hindi ko sigurado kung oo o hindi. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Hindi, babantayan kita. Baka maglasing ka na naman. Baka sukahan mo na naman ang sasakyan ko."

Napanguso ako. "Marami lang talaga ang nainom ko no'n kaya hindi ko napigilan."

Naalala ko, sa sobrang hilo ko at sa sobrang pag-baliktad ng sikmura ko sumuka ako sa Ferrari niya. Ramdam ko 'yong inis sa boses niya noong nangyari 'yon.

"Nandito pa rin pala ang baril mo," sambit ko nang makita ang baril niya sa compartment. Kinuha ko ang baril niya at tiningnan. "May bala ba 'to?"

Umiling siya.

"Mas maganda pa ang baril ko sa 'yo. May diamond sa gilid. Hindi ko nga alam kung pwedeng ibenta 'yon. Kagaya ng hikaw mo, pwede ba ibenta 'yan?" tukoy ko sa suot niyang diamond earring.

Napalingon siya sa akin. "No way."

Napasimangot ako. "Okay, pero mas makinang pa rin ang sa kapatid mo. Bet ko 'yon."

"What?" Napakunot ang noo niya.

"Iyong hikaw! Iyong hikaw ang bet ko," paglilinaw ko.

Binalik ko ang baril. Hindi siya sumagot sa sinabi ko dahil may tumawag sa kanoya. Sinagot niya ang tawag at dahan-dahang huminto sa gilid. Sinabi kong ako magda-drive kaya nagpalit kami ng pwesto.

"Hello?" Aniya.

Pinaandar ko ang kotse at tinahak ang Rax. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin habang nagmamaneho ako.

"I'm a busy person, Bryce. I don't care about your traditions. Fuck your traditions." Iritado niyang binaba ang cellphone.

"Sino 'yon?" Galit na galit kasi siya sa kausap niya, ramdam na ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Some bullshit," sagot niya.

Hindi na lang ako nagtanong baka kasi mainit ang ulo niya, nag-iba kasi bigla ang timpla ng mukha niya. Sinira ang good mood niya, hay. Nagfocus na lang ako sa pagda-drive hanggang sa makarating kami sa Rax ay gano'n pa rin siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang makababa kami.

Kinuha niya sa kamay ko ang susi bago ipulupot ang braso sa baywang ko.

"I'm okay." Tango niya. "Let's go."

Nandito na pala sina Harvey at ang iba. Pumasok kami sa loob at mga nagpa-party agad ang bumungad. Iba 'to sa unang punta ko rito. Lahat ay nandito na sa baba.

Napatingin ang ibang kababaihan sa kasama ko pero parang walang pakialam ang kasama ko. Dumiretso kami kung nasaan ang iba. Nasa taas sila at may mga alak agad sa baso.

Wala si Harris dahil nasa baba at nagbibilliard. Kalaban niya ay isang lalaki at hindi ko kilala kung sino 'yon. Maraming nanonood sa kanila, kasama na doon sila Finn na nangunguna sa pustahan.

"Harris, galingan mo! Sampung libo pinusta ko!" Rinig kong sabi ni Owen.

Napailing ako sa kanila. Naupo kami sa couch. "May babae ka agad na katabi?" Tanong ko kay Gavin.

"Siya ang lumapit sa akin!" pagtatanggol niya sa sarili. 

Pinasadahan ako ng tingin ng babae.

"Darlene! Sali ka sa billiard!" Sigaw ni Finn mula sa baba.

"Pakyu!" Sagot ko.

Hinanap ng mata ko si Laureen at ayon, may kausap na kaagad kaso mukhang close friends niya. Umalis sina Trevor rito at nakisali roon sa baba, pati si Gavin at ang babae niya. Kaming dalawa ni Phoenix ang naiwan rito.

"Anong klase ng alak 'to?"

"Whiskey and black label," sagot niya at ininom ang nasa baso.

Kinuha ko ang nasa tabi ng baso niya. Mukhang orange juice lang naman 'yon kaya diniretso ko kaso tangina parang nahihilo ako. Ang dami no'n.

"Gago, ano 'to?" Turo ko sa ininom ko. "Orange juice 'yon, 'di ba? Bakit gano'n?" Nilasahan ko pa ang ininom ko.

"It's an orange juice but it has vodka."

"In fairness, ang sarap. Pa-try pa nga." Try lang  pero dunod-sunod na order ang ginawa ko.

Hindi naman ako nahilo, umikot lang ang paningin ko nang tumayo. Bumaba kami dahil pinapababa kami ni Finn.

Natalo si Harris kaya ayon medyo pikon sila. Bumaba kaming dalawa ni Phoenix kung nasaan sila. Ang sama ng tingin nila sa lalaki habang nakatingin doon. Nandito na silang lahat at parang competition ang pinapanood nilang lahat.

"So, what now, Harris? You lost... again," ngumisi ang lalaki.

"Huwag kang mayabang. Ngayon mo palang siya natalo!" rebat ni Owen.

Nasa table sila at nanonood. Hawak ni Phoenix ang bag ko nang dumiretso sa kanila.

"One on one..." Napatingin silang lahat sa akin. "Kapag natalo ka lalayas ka rito, ibabalik mo lahat ng nakuha mo kay Harris. Kapag ikaw nanalo, ikaw bahala."

"What the fuck?" mura ni Phoenix.

Tiningnan ako ng lalaki, halos pasadahan na niya ako ng tingin. "Deal," ngumisi ang lalaki.

"Tangina, kinakabahan ako!" Komento ni Arvin. "Paano kung hilingin niya na maki—"

"Shut your fucking mouth!" si Phoenix.

Inayos ni Harris ang mga bola at ako naman kinuha ang cue sticks sa kamay ni Dice. Kumindat pa siya sa akin kaya halos batuhin siya ng tissue nina Phoenix.

"Ladies first," sambit ng lalaki.

"'Yon lang pala, e," yumuko ako.

Nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Phoenix. Napaiwas pa ng tingin. Umayos rin ng upo ang iba habang nanonood.

Tinulak ko ang cue stick. Umayos ako ng tayo at tiningnan ang mga nahulog. Ngumisi ako. Nagulat ang lalaki nang makita ang tatlong bola na nahulog. Umikot ako at sa kasamaang palad mga lalaki ang nasa likuran ko.

Sumipol 'yong isa.

"Sexy legs," komento ng isa.

"Damn, sexy legs."

Iyong tingin ng isa ay nasa hita ko pataas sa dibdib ko. Biglang nag-tayuan sina Phoenix at pumunta sa likod ko.

"May sinasabi ka ba dito?" Maangas na tanong ni Gael.

"Halatang gustong mawalan ng kinabukasan."

"Fuck you." Hinarang ko sila gamit ang cue sticks nang balak nilang lapitan ang mga lalaki

"Tangina niyo naman kasi." Akma kong ihahagis sa mga lalaki 'yong cue stick. "Sampalin ko kayo."

Pinabalik ko na sila Phoenix kung nasaan sila dahi mukhang inip na ang kalaban ko. Masamang tingin pa muna ang binigay nila bago ibalik ang tingin sa akin. Tumira pa ulit ako ng isa at hindi pumasok. Parang nagwagi naman 'yong mukha ng kinginang 'to pero hindi ko pinansin.

Pinag-aaralan ko ang bawat galaw ng kinginang 'to. Bawal akong sumablay dahil kapag nangyari 'yon, yari ako sa aking mahal. Kaya dapat kong alamin ang number.

May sinabi si Harris na magaling raw ang lalaki kaya hindi ako pwedeng magkamali. Sumablay siya kaya nag-palakpakan sina Harvey. Tangina, akala ko matatalo na ako!

Lumapit ako sa puting bola at maayos na pinwesto ang cue stick. Hindi ako pwedeng sumablay! Tumira ako at sinundan ko ang bolang pumasok, muntik na ako doon, ah?

"Kapag sumablay ka diyan, talo ka na," si Harris na nakasandal sa pader, naka-cross arms pa.

Si Kingina ang tinutukoy niya.

"As if," mayabang na sagot ng kingina at mukhang nagdadalawang isip pa siya kung ipapasok niya sa dulo kahit malayo, o kung sa gitna dahil iikot ang bola kapag doon niya pinasok.

Tanga. Hindi nag-iisip. Hindi pumasok ang bola dahil masyadong mahina ang pagtulak niya sa cue stick. Hindi na lang ako nag-komento at umikot na lang para i-shoot ang natitirang bola.

"Tangina, nawala 'yong kaba ko!" Pumalakpak si Arvin nang na-shoot ko ang bola.

Tumingin ako sa lalaki at ngumisi. "Paano ba 'yan? Talo ka." May brasong pumulupot sa baywang ko.

"Fuck, I thought you gonna lose." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Phoenix.

"Galing-galing ko," sagot ko.

Hindi makapaniwala na tumingin sa akin 'yong lalaki.

"Si Darlene lang pala tatalo sa 'yo!"

"Tara, celebrate!"

Napasinghap ang lalaki.

"Ibalik mo na ang pera," utos ko sa lalaki.

"Another game," hamon niya.

"Sige, basta ba suntukan," si Dash ang sumagot na sinundan ng mga gunggong.

"Ano, game ka ba?" Tanong ni Finn.

"One on one suntukan," dagdag pa ni Harris. "Outside, are you game?"

Napilitan ibalik ng lalaki ang pera kaya tuwang-tuwa sina Owen! Umalis na rin ang lalaki sa Rax, sumunod naman ang mga kaibigan niya sa kaniya, na masama ang tingin kay Harris pati na sa mga kasama ko. Pero 'yong mukha nila Harvey nang-aasar sa kanila.

"Where did you know how to play billiards?" Tanong ni Phoenix.

"Kay Harris, tinuruan niya ako," sagot ko.

"She's a fast learner," si Harris.

"Sana all fast learners. Ako kasi fast lang." sabi ni Owen.

Bumalik na sila sa taas at ako naman naiwan rito. Gusto ko sana doon sa taas kaso hinila ako ni Laureen papunta sa mga kausap niya. Nasa taas rin si Phoenix at sure ako, umiinom 'yon. Puro mga babae naman ang kausap ni Laureen tapos may mga girlfriend.

Tangina naman, oh! Ang gaganda.

"This is my friend, Darlene." Pakilala ni Laureen sa akin sa mga kasama niya. "She cussed a lot."

"Ulol," sagot ko.

"See?" Tumawa si Laureen. "By the way this is Zarine, Issa, Clouie, and their girlfriend."

Ang gagandang dilag naman ng mga 'to.

Ngumiti sila sa akin kaya ngumiti ako pabalik.

"Ang ganda niyo tapos maganda rin gusto niyo." Sumandal ako bar counter.

Mahinang tumawa si Zarine. "Well, love's no gender. And you know we're almost five years." Tukoy niya sa girlfriend niyang nasa tabi niya.

"Sana all." Namangha naman ako. "Kayo? Ilang years na kayo?" Tanong ko kay Issa at sa girlfriend niya.

"Six years and this coming November seven." Ngumiti siya.

Tangina, sana all talaga.

"Wow," komento ko. "Ikaw Clouie? Kayo?"

"Four years."

"Gago, sana all. Pero alam ba 'yan ng parents niyo? Kasi 'di ba 'yung iba against sa relationship na ganiyan?"

"My father," sagot ni Issa. "He's against. Because I am the only daughter and only child. He expects me to have a child and a husband but you know... Hinding-hindi ako magiging masaya sa situation na 'yon if nangyari. Sayang lang ang marriage."

Sa bagay tama naman siya. Sayang lang ang kasal, iyong mga ginastos kasi mapupunta lang sa wala kasi hindi ka masaya. Sina Clouie at Zarine, hindi naman daw tutol ang mga parents nila sa relationships nila kasama ang mga girlfriend nila. Kung saan raw sila masaya 'yon ang susuportahan ng magulang nila.

"Pwede naman mag-adopt, 'di ba?"

Tumango sila. "That's our plan, actually."

Men, ang cute nila! Halata talaga sa mga face nilang mahal na mahal nila ang isa't-isa pati 'yung sincerity sa mga mata nila tuwing nagtitigan sila.

"Talaga? Gusto ko maging ninang," natawa ako.

"Sure! Ikaw ang ninang! Kayong dalawa ni Laureen." Sang-ayon ni Zarine. "'Di ba 'yon ang plano natin, bub?"

"Yeah, kaso hindi pa namin alam kung saan. Napagdesisyonan na naman namin 'to," sagot ng girlfriend niya.

Paano kung i-suggest ko si baby Ellice? Siguro naman magiging maayos ang buhay niya kasama sina Zarine 'no?

"I'm so ready to be a ninang na!"

"Huwag niyo siyang kunin." Biro ko kaya napairap si Laureen sa akin.

Natawa naman ang mga kasama namin.

"This is boring! Tara beer pong!" Yaya ni Issa at sumang-ayon naman ang mga kasama namin.

'Yan na naman sa beer pong na 'yan baka umuwi kami ng wala sa oras.

"Kayo na lang..." Naupo ako sa couch. Inayos ko ang blouse ko at sunod ay ang buhok.

Hinila ako ni Laureen. "Come on! Don't tell me, Nix didn't allowed you to drink?" Nag-taas siya ng kilay.

"You mean si Phoenix?"

Tumango si Laureen sa tanong ni Clouie. "Her boyfriend."

Buti pa sila alam nila na boyfriend ko 'yon samantalang ako, hindi.

"Let's go!"

"Ten cups lang kasi! Grabe sa twenty cups! Hanggang ten cups lang naman 'yong beerpong pero kayo bente-bente." Tumayo ako. "Kaya pagkatapos hilo-hilo ako."

Tumawa si Laureen. "Mas maganda kapag twenty cups, Darlene."

"Tapos iba-iba pa 'yong nasa loob at kailangan tig-kalahati. Tanginang 'yan," dagdag ko pa.

"Hindi ka naman makakainom kapag nakashoot ka unless natalo ka." Sambit ni Zarine.

Dapat papunta na kami sa mga nagbe-beerpong kaso napatingin ako sa taas kung nasaan ang mga kingina. Kita rito sa kinatatayuan ko ang ginagawa nila.

Tinanggihan yata nila 'yong mga babaeng lumapit sa kanila. May tinuro pa si Phoenix sa pwesto ko kaya napatingin sa akin ang babae. Dumiretso ang tingin ko sa kaniya, tumitingin pa muna siya sa akin bago iniwas ang tingin at umalis.

Hinila na ako ni Laureen papunta doon sa mga nagbe-beerpong. Tumigil kami sa gitna.

"Tangina, huwag hard drinks," pinanood ko ang ginagawa nila.

"Mas masarap ang hard drinks."

Masarap nga, sasakit naman ulo ko kinabukasan.

Nang matapos sila ay pumwesto sa tabi ko si Laureen. Hay, twenty cups nga. Dalawang lalaki ulit ang kalaban ko tulad noon.

"Ako na!" Kinuha ko sa kamay ni Laureen ang ping pong ball. "Baka sumablay ka." Nag-shoot ang bola. "Oh, 'di ba?"

"Chamba," pagpaparinig ng kalaban namin.

Tig-kalahati sila ng laman. Binaba nila ang baso matapos uminom at nag-angat ng tingin sa amin. Ang daming nag-checheer sa kanilang dalawa at gano'n rin sa amin.

Sila naman ang tumira at nag-shoot nga. "Chamba," pagpaparinig ko rin.

Kinalahati ni Laureen ang nasa baso at matapos niyang uminom ako naman. Kailangan daw ubos kaya inubos ko pero umikot pati mundo ko.

"Tanginang black label 'to." Kumuha ako ng lemon.

Kailangan ko ng lemon.

"Game," kumuha ako ng ping pong ball at tumira. "Inom na, naghihintay na sa inyo," sabi ko nang nag-shoot.

"Damn, that fucking black label!" Komento ni Laureen.

Uminom nang uminom ang mga lalaki sa harap namin dahil panay ang shoot kapag ako ang tumitira. Pero nang ibigay ko kay Laureen, hindi nag-shoot! Kaya nakabawi ang dalawang lalaki sa harap namin.

"Putangina naman," sabi ko nang mag-shoot ulit. "Laureen, putangina."

"What? Kasalanan ko bang hindi nag-shoot," kinuha niya ang isa at ininom.

Binigay niya sa akin kaya agad akong inubos. Akala ko kami na ang makakashoot kaso hindi! Sumablay ako! Mayabang tuloy ang tingin sa amin ng dalawang lalaki. Nakakailang inom na kami ni Laureen kaya walo na lang ang baso namin!

Nahihilo na ako. Kaya ko pang tumayo pero nahihilo na ako. Si Laureen din, alam kong hilo na rin siya.

"Kapag ito talaga hindi nag-shoot may daya 'to." Kinuha ko ang ping pong ball. "Wala siyang daya, guys," sabi ko nang mag-shoot.

"Fuck you. Drink now!" Tinulak ni Laureen ang baso sa lalaki.

"Kanina pa kami umiinom rito kaya ubusin niyo 'yan." Humawak ako sa braso ni Laureen. "Gago, nasusuka ako," bulong ko sa kaniya.

Halo-halo na naman 'yong ininom ko. May rum, tequila, vodka, ang gago ng gumawa nito. Sabi ko isang alak lang, e. 

"F-Fuck, same. I think I'm gonna vomit anytime..." Namumula na ang pisngi niya.

"Beer pong pa, ah..." Binitiwan ko siya at humawak sa bibig ko. Nasusuka ako.

"Dude, I think the girls are wasted now." Kumuha ulit ng bola ang isa at nag-shoot na naman!

"Putangina," pilit akong hindi masuka.

Ayoko na. Nahihilo na ako. Nagdadalawa na sila sa paningin ko. Nasusuka ako. Mabuti na lang talaga at natapos na. Hilo hilo ako pero kaya ko pa. Kaya ko pang mag-party.

Tinaas ko ang baso ko at ginawa naman nilang lahat ang ginawa ko. "I see you winding and grinding up on the floor... I know you see me lookin' at you and you already know..." Tangina, hindi ko na alam ang ginawa ko basta ang alam ko lang halos sabayan ko ang trip nila Laureen.

Wild sexy dance while raising our glasses.

"Let's go, Darlene." May humawak sa braso ko. "You're wasted."

Nag-angat ako ng tingin.

"Velasquez..." Umalis kami sa gitna.

"Gavin, take care of Laureen," utos ni Phoenix kay Gavin na hindi ko makita dahil nahihilo ako at nanlalabo ang paningin ko.

"Ayokong nag-aalaga ng lasing..." dinig kong reklamo ni Gavin.

"Ayaw mo n'on? Makakasama mo ang iyong crush?!" Kantyaw ni JP.

"Nasusuka ako..." Bulong ko.

Naramdaman kong binuhat niya ako paalis sa loob ng Rax.

***

Phoenix

"Fuck, you're so heavy!" I said.

She's a thin woman but she's so damn heavy.

"M-Maglalakad na lang ako..." She muttered.

Dahan-dahan ko siyang binaba sa pagkakabuhat. I held her waist to support her as we walked to the parking lot where my car was.

Fuck that beerpong.

My girl now is drunk.

Tangina, hindi ko na talaga hahayaan na mag beer pong siya. Iba-iba ang alak na nasa baso kaya mas lalong sumakit ang ulo niya dahil iba-iba ang iniinom niya.

"Nix..." She called me.

I looked at her. "Yes, love?"

Her cheek flushed as I called her love.

I chuckled. "You're so pretty."

"Nix... alam mo... akala nila boyfriend kita..." She giggled.

Paano, lagi ko kasing sinasabi 'yon. Oo, binabakuran ko siya, that's why.

"Why? You don't like that?" I asked. She stopped walking then faced me. "Why?" 

"Hindi pa naman kita boyfriend, eh..." She put her hands around my neck. She looked up at me. "Okay? Hindi kita b-boyfriend... pero mahal kita..."

I love you more, Darlene.

"It's okay—" I didn't finish my sentence because she started kissing my lips.

She touched my hair as she pressed me harder on her soft lips. I can taste the alcohol she drinks. I was fucking stunned. Hindi ako sanay na siya ang unang humahalik sa akin.

And she's fucking aggressive. Just like what happened while we're in a restroom in the Hospital.

I kissed her back but I immediately turned my face to her. I kissed her forehead instead.

"Stop now, Miranda. We're still young baka kung saan pa mapunta ang halik na ginagawa mo." I kissed her forehead once again. "We both know that I'm a man and you're a woman and it's not possible to happen so we need to stop especially if you're drunk and I also drank."

We're still young and we need to grow. Marami pa kaming pwedeng pagdaanan dalawa and we need to enjoy our teenage life. And we need to graduate as well.

"Tayo na lang kaya?"

Mas lalo akong hindi makagalaw sa narinig ko.

"Miranda—"

"Mahal mo naman ako at mahal din kita... bakit hindi na lang tayo..." Her sleepy eyes looked at me. She sighed heavily. "Pakiramdam ko kasi nasasayang lang ang panahon, hindi natin alam kung may susugod sa bahay at wakasan ang buhay ko." That won't happen. Hindi ka mawawala sa akin. "Katulad na lang kanina... may gustong bumaril sa akin." Tears streamed from her eyes. "Ano kayang mali sa akin bakit nila 'yon gustong gawin?"

"You won't die... I promise." I wiped the tear from her cheek. "Let's go now. You need to rest."

"Wait lang, love. Tayo na lang" Pagpupumilit niya. "Sinasagot na kita, huwag ka ng manligaw. Araw-araw mo naman akong mamahalin, e, tayo na lang."

"You're drunk, Miranda. Tomorrow, you'll forget about this." 

I'm going crazy because of your words!

She shook her head. "Hindi ako lasing! Nahihilo lang ako pero hindi ako lasing. Tayo ng dalawa kaya markahan mo na ang October 15 dahil 'yon ang anniversary natin." She gave me a soft kiss.

Fuck.

"Promise hindi ako lasing," she giggled. "I love you."

No words came out of my mouth. Fuck, I was fucking shocked.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
162K 968 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
517K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...