The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 86K 17K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 63

22.5K 581 109
By whixley

Chapter 63: Love

Hindi ako makapaniwala sa tanong ni Phoenix. Parang napipi ako at hindi nakasagot sa kaniya. Hindi rin ako nakasagot dahil tinawag ako ng maid, ni hindi ko nagawang mag-paalam sa kaniya at dire-diretso lang ang lakad papasok sa bahay. Ni hindi ko nagawang lumingon sa kaniya nang tinatawag niya ako.

'Courting isn't my thing' aniya pero kung gusto ko raw ay gagawin niya! Naupo ako sa sofa at hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko.

"Darlene." Napatingin ako sa nag-salita.

Si Papa! Ngayon nga pala ako lilitisin!

"H-Hi?" Tanong ko at umayos ng upo.

"I heard about you. You had a boyfriend," seryosong sabi niya. "It's that true?"

Lumipat ang tingin ko at nasa likod niya si Kuya na may hawak na kape at umagang-umaga, e, hindi maipinta ang mukha. Ano ba 'yan, bad mood kaagad.

"Ano kasi..."

"What?" Mabilis na tanong ni Kuya.

"Teka lang! Nagkaroon ako ng b-boyfriend!" Amin ko.

"Kailan 'yon nangyari?"

"Noong nasa Laguna ako! Ano, pinagsisihan ko nga na naging boyfriend ko siya dahil hindi ko alam na aabot sa ganito." Hindi ko alam na magkikita pa pala kaming dalawa.

"And your grandmother doesn't know about this?"

"Opo," tumango ako. "Pero, Papa, hindi ko na siya gusto ngayon 'no! Pero gago kasi 'yon, sinabi ba namang hindi pa raw?! Hiwalay na kami."

"I know. Darius told me. Ang hindi ko lang nagustuhan, ang sinabi niya tungkol sa 'yo." Tiningnan ako ni Papa. Naupo siya sa tabi ko, hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.

"Pati ako. Hindi ko nagustuhan 'yon," seryosong sabi ni Kuya. "How dare he say that? Hindi ka nga naming pinagsasalitaan ng gano'n tapos ang isang katulad niya lang ang gagawa?"

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa harap ko.

"You know what, Lin, having a boyfriend isn't forbidden for you. It's just that... don't hide it from me. I am your father and I deserve to know if someone wants to love or court you. You deserve to be loved by a man. And that man deserves your love too. Pero 'yong gano'ng lalaki," umiling siya. "No, he doesn't deserve you. A woman like you deserves better, remember, you are our baby in the family. At ang lalaking 'yon? He doesn't deserve anything from you."

Bakit ko ba kasi pinatulan 'yon?

"We gave you anything, at hindi ako papayag na ang ganoong lalaki ang makakakuha sa'yo," sambit ni Papa. "Phoenix, told me about him."

Ha?!

"He forced you for fuck sake!" Galit na sabi ni Kuya. "At mabuti na lang hindi mo ginawa ang gusto niya! He even said some unpleasant words towards you. Nabibwisit ako! Babasagan ko talaga ng mukha 'yon."

"Drake," saway ni Papa.

Hindi nagsalita si Kuya pero bakas pa rin ang inis sa mukha niya.

"You know, that's why, I don't like him for you. Kaya rin gusto ko na nasa paligid mo si Alexis," sabi ni papa. "I really prefer Nix as your boyfriend."

Napaismid si Darius at Kuya.

"Papa naman, 'yon ang gusto niyo?" Tanong ko. "Gusto mo maging son-in-law si Velasquez?"

"Yeah, why not? We already know him from the beginning and I can see you two looks good together," tango niya. "Is he courting you?" Nasamid ako.

Hindi! Hindi ako nakasagot sa kaniya kanina kaya hindi!

"Hindi," iling ko.

"Okay," umayos siya ng upo. "Ako ang maghahatid sa 'yo mamaya. I have doubts that your ex-boyfriend is following you. Hindi malabong masundan ka niya pati sa eskwelahan."

At syempre pati si Kuya at Darius gano'n rin ang sinabi kaya matapos ang paglilitis dumayo kami sa dining para kumain. Mabilis na kain lang ang ginawa ko kahit madami 'yon. Pumasok ako sa bathroom para maligo.

Habang naliligo hindi ko mapigilan ang hindi isipin ang tanong ni Phoenix. Anong isasagot ko? Hindi naman kasi siya mahirap mahalin! I mean, halos mag-aapat na buwan na ako sa klase nila at napapansin ko namang bumait siya sa akin at nakakausap ko na siya ng matino, hindi kagaya noon na tipong nakatingin lang ako masama na agad ang tingin sa akin.

Mas lalong nadagdagan noong na Hospital ako dahil sa mga kinginang lalaking bumaril sa akin sa likod tapos noong dahil kay kinginang Allan. Doon nagsimula.

Tangina, parang nabusog ako sa lahat ng sinabi ko. Hanggang crush daw. Busog na busog ako! Grabe, kain na kain ko ang mga salita ko.

Hays, bahala na nga si Batman.

Binilisan ko na lang ang pag-ligo ako para matapos agad. Nag-uniform kaagad ako at inayos ang sarili. Binalik ko sa daliri ko ang singsing bago bumaba. Lumabas ako at dumiretso sa garahe dahil nandoon sila Papa.

"Ang tagal mo naman," bungad ni Kuya.

"Sorry, ah, mukhang excited kaya yatang makipagkita kay Anya, eh."

Balak sana niyang magsalita pero pumasok na ako sa loob ng kotse at sumunod naman sila. Nasa tabi ko si Darius at sa harap naman namin ay si Kuya at Papa habang langhap na langhap ko ang usok ng sigarilyo ni Kuya.

Nakapatong pa ang siko niya sa bintana. May tinitingnan siya sa cellphone kaya sinilip ko. Nakita niya ako kaya kaagad niyang pinatay. Hindi ko man lang nabasa!

Ito namang si Darius nagve-vape at parang walang pakialam kahit nandito si Papa. Ako nga, takot, e. Kahit nasa akin ang vape ni Phoenix hindi ko pa rin ginagamit.

"Nagtitinda ba kayo ng barbeque diyan?" Tanong ko kay Darius.

"Why?"

"Para kasing nasa ihawan tayo! Grabeng usok 'yan!" sumimangot ako.

"Tss, arte mo parang hindi ka gumagamit nito," sagot niya na ikinatahimik naming lahat.

"You're using a vape?" Tanong ni Kuya.

"Try lang 'yon!" Sabi ko na parang itinatanggi sa kaniya ang bagay na 'yon.

Hindi siya nagsalita gano'n rin si Papa. Akala ko magagalit sila!

Nang makarating kami sa School naaninag ko ang mga gunggong na kakarating lang sa school. May nalagpasan kaming itim na mercedes na sasakyan. Sinundan ko pa ng tingin 'yon bago kami huminto sa gate ng sasakyan.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan para naman makalanghap ng matinong hangin! Hindi 'yong puro usok ng sigarilyo at vape.

"Tangina, nakalanghap rin ng maayos na hangin!" Sabi ko.

Bumaba si Darius at Kuya. Naiwan naman si Papa sa loob. Napansin ng mga timang na 'to na nandito ako kaya hindi natuloy ang pagpasok nila sa gate. Bumalik sila rito at napansin kong wala pa si Phoenix kaya mas lalo akong nakahinga ng maluwag!

"What happened to your face?" Tanong ni Trevor, nakatingin kay Darius.

"Someone bugged Darlene," sagot ni Darius bago tumingin kay Alexis. "Stay with her." Tumango naman si Alexis.

"Sino?" Tanong nila.

"Someone who is part of her past." Umirap si Kuya.

"Arte! Ex-boyfriend na lang sabihin niyo!" Ngumiwi ako.

"Eh, nasaan naman 'yon?"

"Nasa paligid," sagot ni Alexis. Tumingin kaming lahat sa kaniya. "Alam kong gwapo ako," sabi niya bigla.

"Ulol," sagot ko at tumawa naman siya.

"Anyways, Papa and I need to go now. Alexis, stay with Darlene. Huwag na huwag mong hahayaan na lumanding ang kamay no'n miski daliri." Ulit ni Kuya sa sinabi ni Darius. "Darius, let's go."

"Okay, bossing," sagot ni Alexis.

Paalis na sana sila nang tawagin ko si Darius. "Pabilhin mo ng pagkain si Gianna tapos sabihin mo dito siya mag-lunch." Sabi ko at tumango naman siya. Lumingon ako kay Alexis at ngumisi.

"Gago." Mura niya.

Pumasok kami sa loob ng gate para makapunta sa classroom. Wala pa rin silang tigil sa side comment kay Jude kahit ako! Nananakit pa rin ang palapulsuhan ko dahil sa kaniya! Nauuna silang maglakad at kaming dalawa ni Trevor ay nasa likod.

Wala pa rin si Phoenix, kanina ko pa siya inaantay.

"Trevor, ano bang pwedeng sagot kapag may taong nag-tanong sa'yo kung pwede ka ba niyang ligawan?" Tanong ko sa kaniya.

"What do you mean?"

"Eh, kasi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya.

"Someone ask you to court you, am I right?" Tanong niya at tumigil sa paglalakad.

Tumigil rin ako sa paglalakad. "Ah, ano kasi... oo," sagot ko. "Ano bang pwedeng sagot?"

Nag-shrugged siya. "I don't know. It's your choice. Wait, do you love him?"

"Noong una akala ko crush lang tapos iba na pala 'yong ibig sabihin no'n."

"Then you know the answer already if you feel like that." Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Pero alam mo, Trevor, dati... dati 'to, ah?" Tumango siya. "May crush ako sa 'yo." Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"What?" Gulat na sabi niya.

"Oo, promise kasi 'di ba lagi kitang kasama madalas no'n? Pero crush lang naman 'yon." Which true, pero paghanga lang naman 'yon. Ang bait niya kasi sa akin at iba 'yong care niya.

Napatingin ako sa likod ko nang may mapansin at, tangina, nandoon si Phoenix. Seryoso ang mata niyang nakatingin sa akin. Nakatitig lang siya sa akin.

"Tss, tabi," bigla-bigla siyang dumaan sa gitna at nagdire-diretso ng lakad.

"Velas-." Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil nagtuloy-tuloy siya ng lakad hanggang umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya ng tingin bago ako lumingon kay Trevor. "Gago." Mura ko. "Trevor! Narinig niya ba ang sinabi ko?!" Tumango siya kaya napahawak ako sa ulo ko. "Gago! Dati 'yon, Trevor! Dati! Crush kita dati, hindi na ngayon!"

"Why are you-Fuck! Siya ba ang tinutukoy mo kaya ganyan ang itsura mo?" Tanong niya.

"Oo, tangina naman, e!" Mabilis akong sumagot. "Baka isipin niya may gusto ako sa 'yo!"

"Fuck, he will. I'm sure!" Parang natutuwa pa siya. "Damn."

"Para ka namang ewan, Trevor! Natutuwa ka pa!"

Mas lalo lang siyang tumawa. "At least you know how he jealous!" Natatawang sabi niya. "Gano'n siya umakto kapag nagseselos and believe me Darlene, he's jealous now. Ikaw ba naman malaman mo na ang balak mong ligawan ay may crush pala sa iba?" Humalakhak siya.

"Trevor, ang pangit mo ka bonding," tanging nasabi ko.

Naglakad siya at sumunod naman ako sa kaniya na iniisip pa rin 'yon! Parang nadagdagan lahat ng isipin ko!

Nang makaakyat kami sa taas bumungad ang malinis na hallway at mga classroom. Mga nasa labas ang ibang estudyante. Sa pinakadulong hallway ay nakita naming tumatakbo si Harvey, tumigil siya sa harap namin.

"Mainit yata ang ulo ngayon ni Nix! Wala siya sa mood! LQ kayo 'no?"

Hindi ako nagsalita at naglakad lang papunta sa classroom.

"Relax, Darlene!" Sabi ni Trevor.

Pumasok ako sa classroom at hindi siya pinansin.

"Mukhang LQ..." 'Yan agad ang narinig ko pagpasok ng classroom.

"Kailan pa nagkaroon ng LQ ang walang label?" Pa-inosenteng tanong ni Arvin.

Gago 'to, ah.

Mga monoblock chair ang nandoon at wala ang mga upuan namin na may arm chair. Dumiretso ang tingin ko kay Phoenix na nakatingin rin sa akin. Na misunderstood mo ang narinig mo. Tangina kasi! Dapat nilagyan ko ng dati! Ikaw kaya crush ko!

"LQ kayo?" Tanong ni Finn kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya.

"Walang label, walang LQ. Tanga mo, Marquez."

Gago ang nagabi no'n.

Naupo na lang ako sa isang monobloc chair at hindi sila pinansin. Nasa harapan si Alexis at mukhang may binabalak. Lumapit siya sa akin bago may pinakita sa cellphone.

"Lin, kita mo 'yan?" Tanong niya at nakiusyuso naman ang mga hayop.

Ang ganda! Siguro ay kasal 'to ni Mama at Papa?! Halatang simple lang 'yon. Hala, ang gwapo ni Kuya! Ibang klase ang kagwapuhan niya. May solo picture si Kuya. Nakatuxedo rin siya, nakapasok ang isang kamay sa bulsa at diretso lang ang tingin sa camera.

Kinuha ko sa kamay ni Alexis ang cellphone at nag-scroll. Lumabas ang iba na puro si Mama, Papa, at Kuya. Minsan ay nasasama sila Lola at Lolo, ang magulang ni Papa.

"Kaunting lapit mo pa didikit na 'yong mukha mo sa akin," sabi ko kay Harvey.

"Ayaw mo no'n? Magkamukha na tayo."

"Gago, lugi ako." Umayos ako ng upo.

Tumawa naman siya at lumayo. Si Trevor naman ang nasa tabi ko at halatang nang-aasar ang mukha dahil tumitingin pa siya sa likod. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya sa akin.

"Halatang hindi brutal si Drake rito," komento ni Finn.

"Grabe ka. Hindi naman siya brutal! Mabait kaya si Kuya!"

"Sa 'yo, oo! Kasi ikaw kapatid no'n at turing sa 'yo ay prinsesa pero kapag nasa hide out 'yon! Hay nako! Condolence sa magtatangkang hawakan siya."

Sumimangot ako bago sila hawiin. "Hoy! Lumayas kayo sa likod ko! Ang init! Magsi-alis rin kayo sa harap ko!" Binalik ko ang cellphone ni Alexis.

"Teka lang naman! Bakit wala ka doon?" Tanong ni Arvin.

Napairap ako. "Syempre, wala pa ako niyan!"

Naglalakbay pa kaming dalawa ni Darius sa panahon na 'yon. Ang pinagsisihan ko sa aking buhay na nakipag-unahan ako kasama si Darius. Choz.

"Kailan ba ang pinaka birthday mo?" Tanong ni Gael.

"February 17," sagot ko.

Ang password ng cellphone ni Phoenix at pin ng card niya.

"Edi four months na lang pala. Birthday mo na? Malapit na ang birthday mo, I mean birthday niyo ni Darius!"

"Matagal pa 'yon," tanging nasabi ko.

Four months pa. Wala pa akong plano doon. Pero baka bonggahan ni Mama ang birthday naming dalawa. Next time ko na lang muna iisipin 'yon.

Ang kailangan kong gawin ngayon ay kausapin si Pheonix. Grabe, hindi ako pinapansin. Tinetext ko pero ayaw basahin, nakikita ko namang hawak niya ang cellphone niya. Tapos nakangisi habang nakatingin sa cellphone.

Sino kaya 'yon?

Inalis ko ang tingin sa kaniya at nakinig na lang sa mga kagaguhan nila Finn. Tuloy pala ang balak niyang panliligaw doon sa Solace. Hindi lang niya magawa ngayon dahil nasa probinsya pero babalik rin naman daw agad.

"Huwag ka ng malungkot. Kumain ka na lang ng kulangot." Sabi ni Arvin at tinapik ang balikat ko.

Tumawa naman ang mga kingina.

"Gago ka!" Nagpalumbaba ako. "Tangina nito."

"Why don't you just eat?" Binigay ako ni Trevor ng donut.

Wala naman siyang dalang ganito kanina, 'di ba? Kinain ko ang binigay niya sa akin. Bawal tumanggi sa grasya!

"Pahingi ako," sabi ni Renz.

Mga nagsi-hingian naman ang timang na 'to pero hindi binigyan ni Trevor.

"Sa inyo ba 'to? Hindi naman, 'di ba." Nilayo ni Trevor ang box.

"Sus, kaya naman pala wala sa mood 'yong isa!" Parinig ng kung sino.

"Siguro kung nakakamatay lang 'yong tingin, Trev, baka patay ka na ngayon," sambit ni Harris.

"It's fine. Mamamatay akong masaya dahil kasama ko si Darlene," sagot ni Trevor, nang-aasar.

Para namang tanga si Finn na natatawa. "Condolence!" Hindi ko alam kung bakit niya 'yon sinabi.

"Actually, I'm planning to court Darlene."

Nasamid ang mga kingina sa narinig nila. Inis kong sinipa sa paa si Trevor.

"Gago mo!" Inis na sabi ko.

Ito namang mga gago 'to ginagatungan pa! Tangina naman, eh! Tangina, ewan ko pero kinakabahan ako! Kinakabahan ako na baka hindi ako pansinin ni Phoenix!

May tumunog na cellphone kaya napatingin kami kung saan 'yon at kay Phoenix. Tumingin pa muna siya sa akin bago lumabas ng classroom at doon sinagot.

"Naghahanap na 'yon ng iba," sabi ni Dash.

Napairap ako.

Iniba ko na lang ang usapan para hindi na sila mangulit. Bumalik na si Phoenix sa classroom na salubong ang kilay.

Daig pa may toyo.

"Oo nga pala, nasaan ang exam paper ko? Hindi pa ako tapos mag-exam 'di ba?" Naalala ko lang bigla ang exam ko. Hindi ako nakatapos mag-exam.

Nagtaas ng kamay si Dice. "Mayroon kang exam! Perfect pa nga lahat!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha?"

Paano naman nangyari 'yon?

"Pinagpalit ni Nix ang papel mo at sa kaniya! Nilagay niya ang pangalan mo papel niya at pangalan niya sa papel mo!" Sabay pa silang dalawa ni Owen na nagsalita.

"Gaya-gaya ka, Guevarra!"

"Pakyu, Acosta!" Sagot ni Dice.

Ginawa 'yon ni Phoenix? Dapat pala akong mag-thank you sa kaniya kaso paano, eh, hindi niya nga ako magawang tingnan.

"Mataas pa naman ang score ni Nix."

Paano na lang kung mababa ang nakuha ko sa unang exam, edi siya ang bagsak. Kailangan kong malaman kung ano ang score ko. Kailangan ko rin siya-I mean, makausap. Kailangan ko siyang makausap!

Nakakaasar naman kasi. Ang tanga ko kasi kanina! Hindi kumpleto ang sentence ko kaya ayon ang narinig niya. Dapat rin kasi hindi ko na lang sinabi 'yon kay Trevor, edi sana walang ganito!

Nakarinig ako ng kantahan sa likod kaya lumingon ako. Nakita kong inaasar nila si Phoenix pero nakatingin lang siya sa akin. Ngumisi lang sina Rafael, Renz, Harris, Mavis, at Trevor sa akin.

"Tangina niyo, tigilan niyo kakanta niya," itritadong sabi ni Phoenix.

Naguguluhan ako sa kaniya.

"Hi, Darlene and friends..." Lumingon kami sa pinto nang may mag-salita at si Laureen 'yon. "Our principal has an announcement to all of us. Sa quadrangle gaganapin at ngayon na mismo kaya pumunta na kayo."

"Ayaw namin."

"Edi 'wag. Huwag kayong kakain ng cupcake na binake ni Ms. Catalina doon, ah? Sige bye-"

"Ito na papunta na!" Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ang mga kingina.

"Masarap mag-bake ng cupcake si Catalina!"

Totoo! Natikman ko na ang cake at cupcake na nabake niya! At ang sarap! Grabe, heaven! Marunong din siya gumawa ng crinkles kaya nag-request ako sa kaniya na ginawa niya naman.

"Masarap ang cupcake!"

"Lalo na ang cupcake ni crush!" Napalingon silang lahat kay Gael.

Masama ang tingin nila kay Gael.

"Marunong din mag-bake ng cupcake ang crush mo?" Tanong ko habang nakaupo pa rin.

Naubo si Dash. "Hindi ko alam kung ako lang ang ano dito dahil baka 'yong literal na cupcake talaga ang tinutukoy ni Gael."

"Ano ba kasing tinutukoy mo?" Tanong ni Harris.

"Iyong cupcake? Iyong nasa b-"

"Gosh, you guys are messing her head!" Sabat ni Laureen. "Doon na nga lang tayo sa quadrangle!" Nauna siyang umalis.

Heh?

"Huwag mo na lang isipin 'yon," paalala ni Finn at umiwas ng tingin bago dumiretso ng labas.

"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Naririnig kong kumakanta si Gael at natatawa kahit wala namang nakakatawa.

Nakisali naman ang mga kingina sa kanta niya.

Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa mapagdesisyunan kong tumayo at ayusin ang gamit ko. Pero napatigil dahil nasa likuran pa pala si Phoenix.

"Velasquez, hindi mo talaga ako papansinin?" Tanong ko sa kaniya.

Nag-taas siya ng isang kilay at tiningnan akong mabuti.

"Anong parte ba ang narinig mo?" Tanong ko pero hindi niya sinagot.

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?"

"Ano ba kasing problema mo?"

"Ayaw mo bang malaman ang sagot ko sa tanong mo kaninang umaga?" Tanong ko na nagpatigil sa kaniya.

Hindi pa rin siya sumagot sa mga katanungan ko.

"Bahala ka na nga, nagmumukha akong tanga. Wala akong kausap. 'Wag mo ako kakausapin, ah." Iniwan ko siya sa loob ng classroom.

Ang hirap palang manuyo ng dragon! Tangina.

Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang cellphone ko dahil panay ang vibrate.

"Sino na naman 'to?" Bungad ko sa tumawag.

Unknown number kasi.

"[Why don't you greet me, Darlene.]" Napatigil ako.

Tangina talaga nitong Jude na 'to! Hinding-hindi talaga titigil.

"Gago, greet mo mukha mong letche ka." Pinatay ko ang tawag.

Paano nalaman ng bwisit na 'yon ang number ko? Hindi ko pinagsasabi sa iba ang number ko. Binlock ko ang number niya para hindi makatawag o text! Para tahimik ang buhay ko.

Ayaw kasi akong pansinin noong isa! Naaasar ako!

Dumiretso ako sa restroom at doon nilabas lahat ng mga gusto kong sabihin. Sinilip ko kung may tao o wala.

"Nakakaasar!" Inis na sabi ko. "Hindi namamansin!" Tinanggal ko ang blazer ng uniform ko para hindi ako pagpawisan.

"Hindi yata alam ibig-sabihin ng dati sa ngayon. Saka, crush lang naman 'yong kay Trevor noon at hanggang noon na lang 'yon!" Parang tanga na sabi ko sa harap ng salamin. "Tapos hindi pa namamansin! At nagsasalita! May bibig naman siya. Ano kaya 'yon? Display lang?"

Tapos may pa-ngisi pa siya sa cellphone! Sino naman kaya 'yon? Ito namang si Trevor may pa hirit pang manliligaw raw siya! Tapos itong mga kingina naman, ginatungan pa!

"Tss, hindi niya yata alam na siya ang mahal ko." Pilit akong kumalma. "Oo, tangina, mahal kita tapos hindi mo 'ko papansin?!"

Hindi ko na nga lang sasabihin sa kaniya ang sagot ko sa tanong niya. Sasabihin kong hindi muna ako magpapaligaw sa kaniya kahit... alam ko sa sarili kong gusto kong ligawan niya ako.

"Oh? Do you really love me too?"

Napatingin ako sa pinto at halos mawalan ako ng hininga nang makita si Phoenix. Napalunok ako habang hindi alam ang gagawin dahil, shit, narinig niya ang huli kong sinabi.

Continue Reading

You'll Also Like

92.6K 2.9K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
11.8K 514 48
The goodbyes that I can't accept. The sunsets are so beautiful, but the meaning is painful. How can I move on if I always remind you when the sun goe...
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
7.4M 207K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...