The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 88.5K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 57

26.3K 650 252
By whixley

Chapter 57: Falling

Kinabahan ako bigla kanina. Parang tanga ba naman kasi, e, nagmamadali kaya kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Nahahawaan na yata ako ni Gael.

"Are you okay?" Taka niyang tanong.

Mabilis akong tumango. "Oo naman!" Hindi ko lang talaga keri.

"You sure? You're sweating."

"Nakapatay kasi 'yong aircon. Pakibukas naman, ang init, e," palusot ko.

Mabuti na lang talaga nakapatay ang aircon kaya 'yon ang nagamit kong palusot. Kinuha niya ang remote ng aircon para buksan. Umupo ako sa sofa, malapit sa piano na sa tingin ko ay kay Phoebe dahil maliit ang style.

Inalis ko ang pawis sa noo ko. Inikot ko na lang ang paningin ko sa loob Ang ganda nitong music room kumpara sa akin. Ang daming instruments tapos may mga pictures rin kaso pagmumukha nila Harvey ang nakikita ko. May mga hawak silang trophy at lahat sila ay nasa pictures.

Kaso ang lungkot ng mga ngiti nila. Tamlay, amp. Mukhang kinulang sila sa kain at tulog ng panahong 'to.

"Kailan 'to?" Kinuha ko ang picture frame. "Mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa."

"Last three months. Battle of the bands and we're champion," sagot niya.

"Talaga? Eh, bakit parang pinagsakluban kayo ng langit at lupa? Dapat masaya kayo kasi nanalo kayo. Hindi ko rin gets 'yong mga emosyon niyo, e." Ngiwi ko.

Tinignan ko ulit ang mga pictures nila.

"That's the time when we all found out that she's fooling us." Natigil ako. "We just not happy that time because our song is dedicated to her but we found out her plans."

Gano'n? Tangina naman 'yon. Nasaan kayo 'yong Iris na 'yon? Nang masampal ko.

"Sa bagay, magmukha ba naman kayong tanga. Sino ang hindi lulungkot. Pero sana naman nilagyan niyo ng sigla, 'di ba? Mukha kayong tanga dito. Tingnan mo si Finn, mukhang tanga rin. Itong si Harvey parang nawalan ng pamilya sa itsura."

Inalis ko ang ilang mga dumi sa mga picture frames para naman gumanda-ganda. Pero mas maganda kung nandito ako. Charot, hindi bagay ang ganda ko sa ganito.

Tumingin na lang ako sa ibang mga instruments na nasa harapan ko.

"I-If you were her would you do what she did?" Tanong niya.

Iyong ginawa ni Iris ang tinutukoy niya.

"Hindi syempre," kaagad kong sagot.

Bakit ko naman 'yon gagawin? Ano ako tanga? Paano ko 'yon gagawin sa kanila? Kahit malakas silang mang-asar madalas ay hindi ko 'yon gagawin. Minsan na 'yong nangyari sa kanila kaya bakit ko gagawin? Hindi naman niya ako katulad, e.

"Why?"

"Anong why? Ang simple lang ng sagot ko. Hindi ko 'yon gagawin kasi sa paraan na 'yon kayo naloko, ayoko ng maulit. At ano namang dahilan para gawin ko 'yon? Ano, mananakit ako ng walang dahilan?" Ayokong manakit, hindi ko kaya.

"You're not like her."

"Hindi talaga. Mukha ba akong nanakit? Maganda lang ako pero hindi ako gano'n." Hinawakan ko ang mukha.

"You're so damn confident." Napailing siya.

"Aba, syempre, sayang naman 'yong ganda ko kung hindi ko ilalantad, 'di ba?" Hinawi ko ang buhok sabay angat ng tingin sa kaniya bago ngumisi.

Para siyang na estatwa sa kinatatayuan. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa pumitik ako at napakurap naman siya. Umiwas siya ng tingin.

Kinuha ko saglit sa bulsa ang cellphone dahil tunog nang tunog. Pangalan agad ni Darius ang nakita ko sa screen. Pa-epal talaga ang Darius na 'to.

From: Darius
Nasa bahay ka raw ni Phoenix? Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nandyan? Umalis ka na diyan.

Marami pa siyang sinasabi.

To: Darius
Nagpapaturo ako mag-drums. Huwag ka ng mag-reply! Wala na akong load.

Kaso may nag-text at may pumasok na isang libong load sa cellphone ko.

From: Darius
May load ka na. Ngayon mag-reply ka na. Hoy! MICHELLE.

Hindi na ako nag-reply. Pinatay ko na cellphone ko at nag-angat ng tingin kay Phoenix na nakatingin na pala sa akin. Umayos siya ng tayo at ni-ready ang drumset. Pinapanood ko lang ang ginagawa niyang pagre-ready.

"Why do you want to know how to play drums?"

"Kapag na-bwisit ako doon ko ihahagis si Darius," biro ko.

"I'm serious."

"Oh? Akala ko ba ikaw si-bro lang," bawi ko nang tumalim ang tingin niya sa akin. "May sasalihan kasi akong drum and sing competition sa-" Napahikab ako. "Plaza tapos may price na 15k kaya ibibigay ko kay Stella. Nalaman ko kasing pinalayas siya tapos mag-isa lang siya kaya kailangan kong matuto para may ibigay ako sa kaniya. Nakakahiya naman kung kay Papa ako manghihingi."

Sa Facebook ko lang nakita ang competition na 'yon pero nag-register na ako. May audition pa at sa sabado na 'yon kaya kailangan kong matuto. At siya lang ang makakatulong sa akin para rin makatulong ako kay Stella.

Umupo siya sa upuan na kasing taas lang ng drumset. Kinuha niya ang drum stick at inikot sa daliri niya. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan akong mabuti.

Ay, shit naman, ang pogi.

"Ano?" Tanong ko dahil nakatitig siya sa akin.

Nakakailang ang tingin niya kaya iniwas ko ang sarili ko. Para akong natutunaw sa mga tingin niya, sa bawat titig niya.

"Come here," sinenyas niya ang isang daliri.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. I mean, medyo malayo pala sa kaniya kaya bahagyang nag-salubong ang kilay niya.

"Lapit pa," binasa niya ang ibabang labi. "Come on, Miranda."

Tumikhim ako at ginawa ang sinabi niya.

"Okay na?" Tanong ko pero umiling siya.

Hinila niya ang isang kamay ko kaya napaupo ako sa pagitan ng hita niya. Hindi kaagad ako nakapag-salita sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw.

"G-Gago ka ba? May upuan pa do'n, doon na lang ako uupo." Patayo na sana kaso pinulupot niya ang braso sa baywang ko.

"What's wrong with this position?" Inamoy niya ang buhok ko sabay pikit.

"Wala lang... Basta! Doon na lang ako!" Tinanggal ko ang kamay niya pero niyakap niya ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you palpitating again?" Lumabas ang mapang-asar na ngiti sa labi niya.

Tangina, narinig niya ang pagkabog ng dibdib ko.

"What's your shampoo?"

Pati ba naman 'yon gusto niyang malaman?

"Dove pink," sagot ko.

Inamoy niya ang buhok ko. "It's smell good." Hinawi niya ang buhok ko at nilagay sa kanang balikat ko. "I bet your cologne is Bench." Mahina siyang tumawa matapos maamoy ang damit ko.

"Tanga, ang bango kaya no'n! Lalo na 'yong color pink. Favorite ko 'yon. Since grade school ako 'yon na ang gamit ko hanggang ngayon."

Pinapaligo ko 'yon sa sarili ko kapag hindi ako nakakaligo kapag papasok.

"Alam ko."

Lumingon ako sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin sa alam ko?"

"I always smell your scent whenever you pass in front of me. Just like when your first day. You smell so damn good." Naramdaman kong nilandas niya ang kamay sa baywang ko. "Ginagawa mo bang pang-ligo ang pabango mo?"

"Parte na kaya ng pagkatao ko ang pagiging mabango. Nasa tiyan pa lang ako mabango na ako."

"Really?" Sinakyan niya ang trip ko.

"Naman. Ang daming na-inlove sa akin sa sobrang bango ko," ngumisi ako. "At sa ganda ko!"

Nag-iba naman ang timpla ng mukha niya. "Who's your ex-boyfriend?" Tanong niya bigla.

"Eh, bakit?"

"I just want to know." Kinuha niya ang kamay ko para ipulupot sa batok niya.

"M-Matagal na 'yon, Velasquez. Hindi na naman kailangan malaman. Saka, wala na naman akong pakialam doon."

"I want to know his name, Miranda," pilit pa niya.

Tumikhim ako bago sumagot. "Ano... Si Jude."

"Tss, pangalan pa lang halatang pangit na." Komento niya.

"Hoy, hindi, ah! Gwapo rin 'yon. Sikat 'yon sa dati kong school."

Tumaas ang isang kilay niya. "Then, why did you two split up?"

"'Di ba nga niloko niya ako? Tapos gusto niyang ibigay ko ang sarili ko sa kaniya? Ew. Ayoko nga! At dahil ayokong gawin ang gusto niya, humanap siya ng gagawa sa gusto niya."

"Did he force you?" Tanong niya, salubong ang kilay.

"Oo, pinilit niya pa nga akong pumunta sa hotel pero umayaw ako." Pag-amin ko. "Umuwi na lang ako no'n kasi hindi talaga ako komportable na nandoon ako. Tapos kinabukasan nalaman kong niloko niya ako, nalaman ko sa mga fans niya. Natakot nga rin ako noon, e. Dahil baka pilitin niya ako lalo at gawin ang gusto niya ng walang permiso ko. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. Baka kasi... alam mo na.... baka gahasain niya ako..." Humina ang boses ko.

Hindi naman sa judgemental pero kasi ayon ang nararamdaman ko. May kutob na ako kaya ginawa ko na makipaghiwalay.

"That fucker," bulong niya. "He doesn't deserve you."

"Oo, kasi deserve kita," ngisi ko at tumitig naman siya sa akin. "Joke lang."

"I don't like your jokes," sumimangot siya. "Lakas mong bumanat tapos babawiin mo? You're weak."

"Wow! Hiyang-hiya ako sa 'yo!"

Mayabang siyang tumitingin sa akin. "Sige nga, sabihin mo sa akin kung kailan ko binawi lahat ng sinabi ko?" Hamon niya.

Hindi ako makapagsalita. Kailan ba? Hindi ko maalala o wala talaga?

"See? Nothing!" Mayabang niyang sinabi.

"Edi ikaw na!" Tanging nasabi ko.

"Kayang-kaya nga kitang pakasalan kagaya ng sinasabi ko kanina."

"Ulo, magpakasal ka mag-isa mo," sagot ko sa sinabi niya. "Hanapan pa kita ng judge, letche, para mag-isa kang-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatingin siya sa labi ko.

"Darlene, I want to kiss you," walang pasabi ay hinalikan niya nga ako.

Inayos niya pa ang upo ko at hinarap sa kaniya. Mas lalong lumalim ang pag-halik niya. Humawak ako sa buhok niya at sinabayan ang halik niya. Halata sa mata niyang matinding pagpipigil ang ginagawa niya. Pumikit siya sandali at mabilis na bumitaw sa akin. Binaon niya ang mukha sa leeg ko bago ako yakapin.

"Shit, sorry," dinig kong bulong niya. "I have a lot of respect to you. Sorry for that kiss. And the kiss when we were on my car. Tangina, kasi hindi ko mapigilan pero ngayon mag-pipigil na ako. I-I'm sorry..."

Biglang lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Ngumiti ako at tumango kahit hindi niya nakikita.

"Turan mo na ako mag-drums." Sabi ko at tumayo pero hinila niya ulit ako paupo sa kaniya pero nakaharap na sa drums.

"I'm sorry." Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "Hold this." Binigay niya ang drum stick sa akin.

Kinuha ko 'yon sa kamay niya at hinawakan.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya dahil occupied ang utak ko. Panay tango na lang ang ginagawa ko sa bawat sinasabi niya. Hindi rin ako makapag-focus dahil nakayakap ang dalawang braso niya sa baywang ko habang nakapatong ang baba niya sa kaliwang balikat ko.

Balak ko sanang umalis kanina nang lumuwag ang pagkakahawak niya kaso hinigpitan niya kaagad. Nakatingin lang rin siya sa akin habang nagsasalita.

Totoong nakakailang ang tingin niya pero pinilit kong mag-focus.

Tinuro niya ang iba't-ibang uri ng nasa harapan ko para hindi ako malito. Kailangan raw kabisado ko ang rhythm at mga tempo. Tapos kailangan alam ko ang first beat ng song na tutugtugin ko gamit ang drum. Kailangan kabisado ko lahat para kapag tugtugan na, hindi ako malilito o makakalimutan.

Humikab ako. Sa totoo lang inaantok ako sa mga sinasabi niya. Kanina pa kami rito at panay ang salita niya tapos english pa. Mawawalan talaga ako ng dugo sa kaniya minsan. Marunong naman siyang mag-tagalog pero nag-eenglish pa! Mahalin nga raw ang sariling wika, e, pero english siya nang english.

"Do you understand?" Klaro niya.

Pumipikit-pikit na ang mata ko. Ang hirap pala kapag nagpupuyat ka sa walang kwenta. Sumasandal na ang ulo ko sa balikat niya dahil sa antok.

"Miranda," hinilig niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Ha?" Napamulat ako ng mata at dumiretso ang tingin ko sa mata niya.

"You do not understand?" Tanong niya.

"May naiintindihan naman ako tulad ng..." Napaisip ako at napakamot sa noo. "Basta. Sa akin na lang 'yon. Mamaya mo na lang ulit ako turuan. Kuha mo nga ako pagkain," utos ko. "Tapos pupunta na ako kay Phoebe."

"How can I stand if you are in my lap? You're obviously enjoying it."

"Ang kapal mo! Hindi naman!" Tumayo ako at inirapan siya. Enjoy raw, edi wow. "Ikuha mo na ako ng pagkain, Velasquez." Bumalik ako sa sofa at doon naupo.

"Okay, fine. Wait for me, I'll get you a food." Kinuha niya ang cellphone at nilagay sa bulsa.

Lumabas siya sa music room para kumuha ng pagkain sa baba to. Sinundan ko siya ng tingin at hindi mapigilan ang mapangiti nang maalala ang sinabi niya kanina.

Velasquez, ang galing mo. Parang alam mo kung paano ako makuha.

Huminga ako nang malalim at dumiretso sa sofa. Nahiga lang ako at hihintayin lang sana si Phoenix kaso pumipikit-pikit ang mata ko kaya iidlip muna ako ng five-hindi ten minutes. Ten minutes idlip lang. Nag-alarm pa ako para magising ako at talagang tinapat ko sa tenga ko. Hindi kasi ako minsan nagigising sa sarili kong alarm.

Sana lang talaga magising ako ngayon.

***

Phoenix

Napasinghap ako nang makababa. Damn, I am still sorry for the damn kiss. You know, I just can't help it, but look, I stopped my self. Nakakaakit naman kasi talaga ang labi niya, it's red and really kissable, which make it more attractive. Pero hindi ko naman gagawin iyong ginagawa ng iba.

She's too innocent for that.

And about what she said, na pinilit siya ng ex-boyfriend niya? He's a damn fucker, real fucker. Imagine, forcing a girl to satisfy his needs? Tangina niya, right? And Darlene's decision is right, too. Tama lang ang desisyon na iwanan ang bwisit na 'yon.

Tss, pangalan palang no'n ay pangit na. I rolled my eyes. Hindi sila bagay dalawa. Bakit ba pinatulan ni Darlene 'yon? Dapat iyong mga pinapatulan niya lang ay iyong mga katulad ko. You know, I can giver her what she deserves. Kahit hindi niya hilingin, ibibigay ko.

I can give her the love that she didn't ask for more because I know, she deserves it. That girl deserves the whole word, she deserves a love and care.

"Kuya, where's Ate Darlene?" Phoebe asked, looking at me. Binaba niya ang hawak.

"She's in the music room. Hungry," I said.

Napatango naman siya. Nilingon ko si Preston na abala sa pagta-type. He was smirking, looking at his phone. He looks so interested from what he's doing.

"Who's that?" Huminto ako sa harap niya.

"Well, I'm just doing something," he licked his lower lip.

My forehead creased. Tumayo na siya at nagpaalam na aakyat na. Hinayaan ko na ang sinabi niya. You know, he's growing up, so hahayaan ko nalang.

Dumiretso ako sa kitchen para tumingin ng pagkain for Darlene. Our dish is seafood but she's allergic to that. However, Tita Grace cooked Tinola for me and iyon nalang siguro ang kay Darlene. Hindi naman siya maarte, she's eating different kinds of food. Bilib nga ako sa kaniya, siya lang ang babaeng nakita kong walang kaartehan sa katawan.

One time when I visited her and give her a crinkles which is her favorite. She's only wearing a big shirt and a shorts. Ni wala pa nga yata siyang toothbrush at hilamos no'n tapos gulo-gulo pa ang buhok. Ni wala siyang paki kahit ako ang nasa harap niya.

"Phoebe, can you help kuya? Let's get Ate Darlene's food.

She nodded then took some other plate. We went upstairs, going straight to the music room. I knocked three times pero walang nagbukas. I put down the food on the floor so I could open the door. At babaeng natutulog sa sofa ang naabutan ko sa loob.

"She's sleeping?" My sister pouted. "I thought we could play."

Tumutunog na ang alarm niya pero hindi man lang niya pinatay pero binato niya sa inis ang cellphone at tumagilid bago matulog ulit.

"Is she mad?"

I shook my head. "No, just to your room and play with yourself first. Later after she wakes up, you two will play. Place the food over there." I pointed to the table.

"Okay." She said then went out.

I fixed the food and inserted it inside of the mini refrigerator.

I closed the door and sit beside her. "Tinulugan mo ako." I said.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nangunot bigla ang noo ko. Her hand was so cold. I turned off the aircon then slowly lifted her up. Hindi siya kasya sa sofa kaya doon na lang muna siya sa kwarto ko. Wala naman akong gagawin sa kaniya, she just need to sleep better.

Dahan-dahan ko siyang nilapag. Kumuha ako ng beer sa music room at mabilis na bumalik sa kwarto. Naupo ako sa sofa katapat niya at tinitigan siyang maigi.

She wants to join that competition because she wants to help. So damn kind. I hope she wins-no, she will win. I know that. She will win because I'm gonna teach her how to play the drums.

"Right, Lucy? Mommy will win." I carried our dog.

She barked.

"You are such a good momma." I chuckled.

I put her beside her mom because someone is texting me. I picked up my phone and read Finn's message.

From: Finn
Grabe! Naglo-long-drive ba kayong dalawa ni Darlene? At talagang ini-story pa, ah?! Kai-inggit, sana all. Tapos may pic pa!

I'm confused. What does he mean? I dialled his number to call him and he answered immediately.

"What do you mean?"

"[Nix, nakita kaya namin ang story mo na sa tingin ko ay ang baby mo ang may gawa.]" I heard his laughter. "[Sa IG!]" I heard Harvey's voice.

"Wait, I'll check it." I said and clicked my Instagram account.

Fuck, he's right. It was my picture while I was driving, Lucy is in the picture while in her Mom's stomach. The other picture was Darlene and I. Both of my palms were squeezing her cheeks and her hands were in my hair.

Ito 'yong pinilit niya ako kanina. It was a quick picture because I'm driving. Akala niya siguro labag sa loob ko but no. I was driving and someone shouted dahil hindi pa rin umuusad ang sasakyan.

I highlighted that picture on my profile. Oh, she posted a picture of Lucy while on her thigh. I swiped the picture and it was her's. She didn't know that her picture was posted, I guess?

She's beautiful here. She's smiling sweetly in this picture and it was blurred. It's also edited. The post gained a thousand likes and comments.

I won't delete this.

"[Nix, andiyan ka pa ba?]"

"Yeah." I answered.

"[Ayieee, kilig 'yan? Ayan, ah! Baka naman-]" Pinatay ko agad ang tawag bago pa marinig ang pang-aasar niya.

Naupo ako sa tabi ni Darlene habang natutulog siya. So peaceful. Tumayo ako para kumuha ng marker. Hinagis ko ang marker pagkatapos at nahiga. Nilagay ko sa gitna si Lucy at niyakap naman siya ni Darlene.

"I shouldn't have put you there," I muttered and she barked. "Kidding, baby momma." I slightly laughed.

When will your 8mom wake up? God, it's so damn boring here. Kawawa siguro ang magiging asawa nito, masyadong antukin at ang tagal pa gumising. Kawawa talaga ang future husband niya.

What I mean is, kawawa ako.

***

Harvey

Pumasok kami sa loob ng bahay ni Nix nang pinagbuksan kami ng helper. Dumiretso si Finn sa kusina. Naaninag kong nakatalikod doon si Tita at may ginagawa.

"What's up, Tita Grace!" Tarantado talaga 'tong si Finn.

Nag-hihiwa si Tita Grace ng gulay tapos bigla ba namang ginulat? Mabuti hindi siya nasaksak dahil nagulat si Tita Grace.

"Gago ka talaga, Marquez." Binatukan siya ni Owen.

Umupo kaming lahat sa sofa at nagsisiksikan. Tumayo na lang si Trevor at Dash para hindi na makipag-siksikan sa mga gagong kasama namin.

"Sorry naman! Sorry, Tita!" Akmang yayakap si Finn pero pinigilan siya ni Tita.

"Hay nako, Finn! Huwag ka nang yumakap, pawisan ako!" Mahinang tumawa si Tita Grace. "Ano nga palang ipinunta niyo rito?"

"Si Nix po," sagot ni Arvin. "Nandiyan 'yong kotse niya kaya sigurado po kaming nandito po siya."

"Engot mo, Arvin, dami-daming sasakyan n'on, e!" si Dice. "Malay ba nating BMW, Mustang, o Mercedes ang gamit ni Nix."

"Tanga, naglolong-drive pa 'yon kasama si Darlene."

Napairap si Trevor at Dash dahil sa sinabi ni Finn. Ano bang mayroon sa dalawang 'to? Isama na natin si Nix. Ang gulo nila. Ni hindi man lang nila pinapansin ang isa't-isa noong nasa bahay kami nila Darlene. At alam kong pati si Darlene ay napansin din 'yon.

Kaya nga ako nag-yaya na lumabas kaming lahat para naman mag-usap-usap ang tatlo kaso wala rin. Wala si Nix, ito namang dalawa tipid na tipid sa pagsasalita pero halatang ang daming iniisip.

Nakita nga rin namin 'yong IG story ni Nix! Pucha, ang cute nilang dalawa doon kaso kawawa si Darlene, pinipisil ba naman 'yong pisngi? Siopao pa nga.

"Nasa taas si Nix pero si Darlene baka inihatid na pauwi," sambi ni Tita Grace, itinaas niya ang isang kamay. "Isa pang pero, ang sabi ni Phoebe ay nasa music room."

"No, they're not." Lahat kami ay tumingin sa nag-salita.

Si Phoebe may hawak na baso at sa isang kamay ay libro. Sa likod niya si Preston na may hawak na laptop, may earpods pa sa tainga.

"It's already six in the evening, Tita. Do we have a food po ba, Tita?" Tanong ni Preston.

"Here, I bought a food." Binigay ni Harris ang isang paper bag na tinanggap naman agad ni Preston.

"Thanks." Ngumiti si Preston.

"Darlene wasn't there, maybe Nix took Darlene home," sambit ni Tita Grace.

"Gano'n po?" Tanong ni Renz.

Sumandal ako sa sofa.

"Pwede po bang makikain sa dito?" Tanong ko. "Gutom na po kasi sila."

"Totoo po 'yon. Gutom na kami."

Putangina, akala ko mahihiya ang mga hayop na 'to.

Mahinang tumawa si Tita. "Sure! Sure! I'll finish cooking it first." Tinapos niya na ang lulutuin niya.

Dumiretso sa amin 'yong dalawang kapatid ni Nix at umupo sa pang-isahang sofa. Tangina, mayroon palang gano'n? Dalawang 'yong sofa na mahaba tapos mga nakikipagsiksikan pa.

"I have a question." Tumingin kaming lahat kay Phoebe. "I'm so confused. Is Kuya and Ate Darlene are in a relationship?"

"Ate? Kilala mo, Phoebe?" Tanong ko.

"Yeah! They're here! Nasa music room nga po sila kanina, e. They are playing drums earlier," sagot niya. "I am not sure if Tita's right. Kuya and Ate Darlene are here pa."

Biglang nagkaroon ng TB ang mga kasama ko.

"Uh... Saan?"

"Sa kwarto ni Kuya." Naubo ako.

"Are you all sick?" Mabilis kaming umiling.

"Uh, hindi naman. Nagulat lang kami," ako na ang sumagot.

"Ano bang ginagawa nila doon?" Tanong ni Arvin, kinakabahan.

"Sleeping. Kanina kumatok ako kay Kuya at pinapasok niya ako sa kwarto niya kaso nakakainip doon kaya lumabas na lang ako. And before I went to my room, I peek to them and they are both sleeping na."

"Ano?" Salubong ang kilay ni Trevor.

"I saw it, naka-hug pa nga si Kuya sa kaniya, e. They cuddling each other."

Mas lalo silang naubo dahil sa narinig.

"Ma-gising nga." Tumayo si Finn.

Hinila siya ni Owen paupo. "Huwag ka ngang istorbo."

Hay nako. Unti-unti nang nabubuo. Siguro nga dapat na niyang itigil.

***

Marvin

"Ano bang trip niyo?" Tanong ko.

Parang mga timang. Nasa pinto ng kwarto ni Nix at parang may pinapakinggan.

"Ano ka ba, Cervantes. Huwag kang maingay," bulong ni Harvey.

"I'm out of this," sambit ni Mavis pero nakikinig naman sa pinto.

"Ako din. Nadamay lang ako dahil na demonyo ako." Nakigaya ako sa ginagawa nila.

Tinapat ko rin ang tainga ko kagaya ng ginagawa nila.

"Does it really hurt?" Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig.

Napahawak naman sa bibig ang mga kasama ko. Hinampas ni Renz si Dash na nakatingin sa pinto ng kwarto ni Nix.

"Aba oo! Aaray ba ako kung hindi masakit?!" Rinig na rinig namin ang sigaw ni Darlene.

Oh my god!

"Hala!" Tinakpan ni Owen ang bibig ni Finn.

"Fine, I'm sorry." Humihingi ba siya ng sorry dahil sa ginagawa niya?

Tangina!

"Gago, masakit. Baka gusto mong idahan-dahan 'di ba?"

Putangina!

Idahan-dahan raw! Masyado bang mabilis si Nix? Hala!

"Kailangan ko na yatang magpakumpisal," nlbulong ni Dice. "Hindi na akma 'to."

"Dahan-dahan na nga, o. But, do you think you can walk?"

Jusmiyo! Walk... Bakit hindi siya makakapag-lakad?

Magkakasakit yata ako sa naririnig ko.

"Oo, mawawala rin 'yan mamaya o baka bukas. Nawawala rin naman 'yung kirot kaya okay na. Velasquez, may wipes ka ba diyan?"

Nangunot ang noo ni Trevor at Dash. Balak ba nilang sugurin 'yong dalawa? Huwag naman sana! Baka lumabas lahat ng kinikimkim nila at magsuntukan pa rito!

"Mayroon, wait, I'll get it. Don't stand."

Masyadong bang marahas si Nix kaya gano'n? Hala!

"Ibang klase si Nix!"

"Basta ninong ako!" Tinakpan namin ang bibig ni Finn at Owen dahil sa ingay.

"Pre, tumahimik ka!" Mahinang bulong ni Harvey.

Natahimik ang nasa loob kaya kinabahan kaming lahat.

"Namumula siya. Ayaw matanggal! Ang gago mo kasi."

Nag-iwan ba ng marka si Nix?

"Then, wash! Mabubura din 'yan kapag naligo ka. Give me, I'll remove it. O 'di ba? It's gone. It's not permanent anyway."

'Lagay mo, tanggal mo' ba ang motto ni Nix?

"Hala, p're!"

"Rinig niyo ba 'yon?!" Tinapat pa namin ang tainga sa pinto.

Sabay-sabay kaming nawalan ng balanse nang bumukas ang pinto kaya bumagsak kami sa sahig. Nadaganan ako ni Harvey. Napaayos kami ng tayo nang makita si Darlene. Nagulat pa kaming lahat dahil nasa harapan namin siya at pati siya ay gulat rin.

"Bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong niya kaagad.

Hindi kami nakasagot.

Napatingin ako sa likod niya at nandoon si Nix na nakangisi sa aming lahat. Tinapon niya ang hawak niya sa trashbin bago lumapit kay Darlene. Hinawakan niya sa siko si Darlene para makadaan.

"What are you all doing here?" Tanong ni Nix at tinignan kaming lahat. Mas lalo siyang ngumisi sa amin.

Ano kayang inisip ngayon ni Nix? Halatang nang-aasar ang mukha niya.

"Darlene... seryoso ka ba diyan?" Tumikhim si Finn.

Naguluhan naman si Darlene at napakamot sa noo. "Seryoso saan?"

Uh? Hindi niya alam?

"'Di ba 'yong ano..." Sabi ni Renz kaya tumalim ang tingin ni Nix sa kaniya kaya hindi natuloy ang sasabihin niya.

Mas lalong naguluhan si Darlene.

"Anong ano?" Naguguluhan niyang tanong.

"Eh 'yong ano." Si Dice.

Nainis na 'yong mukha niya. Sigurado akong minumura niya na kami sa isip niya! Grabehan pa naman siya mag-mura. Malapit nang umabot ng one hundred ang listahan niya.

"Puta, ano 'yong ano?!" Sabi sa inyo, e. Maiksi ang pisi ni Darlene pagdating sa mga katanungan na ganyan.

"'Yong ano... se-" Mabuti na lang talaga tinakpan ni Harris ang bibig niya kung hindi baka patay na kami sa tingin ni Nix ngayon.

Sobrang sama ng tingin niya sa amin lalo na kay Gael. Putangina kasing bibig 'yan. Pinaglihi yata sa pagiging berde si Gael.

"Ano ba kasing ginagawa niyo diyan?" Ulit ni Darlene.

"Teka, bakit namumula ang paa mo?" Tanong ni Harvey.

Tinignan namin ang paa ni Darlene at namumula nga. Ano kayang nangyari?

"Nadulas kasi ako sa cr nito, e." Tinuro niya si Nix. "Tapos hinilot niya pero ang gago sobrang grabe kaya pinadahan-dahan ko ang paghihilot sa kaniya. Bakit?"

Naubo kaming lahat dahil sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin kay Nix na nakangisi sa aming lahat at nang-aasar na nakatingin sa amin. Tumingin sa kaniya si Darlene na salubong ang kilay.

"What are you guys thinking?" Tanong ni Nix.

"W-Wala!" Naubo pa si Owen.

"Akala ko pa naman. Hays, kinabahan ako doon, ah!" Nakahawak si Harvey sa dibdib niya.

"Akala ko talaga!" Parang tanga si Finn.

"Muntik na akong atakihin sa puso!" Si Renz.

"Damn, I thought..." Napailing si Mavis.

Hindi naintindihan ni Darlene kaya ibinalik niya ang tingin kay Nix na nakatingin mismo sa mukha niya. Wews, titig na titig yan? Napakamot na lang si Darlene sa kilay niya at nag-salita. "Bahala nga kayo. Hindi ko kayo ma-gets mga punyeta," Umalis siya.

Muntik pa siyang madulas buti na lang nahawakan siya ni Nix sa braso. "Hindi niyo kaya 'yon," aniya bago dumiretso sa baba.

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makababa siya. Tumingin kaming lahat kay Nix nang mag-salita siya.

"Thinking of some vulgar words, huh?" Ngumisi si Nix.

Napakamot si Harvey sa ulo. "Kasi naman..."

"Ano bang ginagawa ni Darlene sa kwarto mo?" Tanong ni Dash, may pagka-irita ang boses niya.

"Sleeping," sagot ni Nix at sinara ang pinto ng kwarto niya at doon sumandal.

"Kanina pa kayo magkasama?" Tanong naman ni Finn.

"Yeah," simpleng sagot ni Nix at kinuha ang cellphone. I can see the happiness in his eyes.

Ngayon ko na lang yata ulit nakita na masaya si Nix kahit hindi niya sabihin. Halata sa mata niya. Mas masaya siya ngayon kumpara noon.

"I'm teaching her how to play drums. She will join in the competition on... I don't know. She didn't tell me. I will ask her later."

Wala ni isang nag-salita sa aming lahat hanggang sa magsalita si Harris.

"Nix, nahuhulog ka na ba kay Darlene?"

Tumingin kaming lahat sa kaniya. "Dude, for the past few days. I noticed that you two are good together," dagdag ni Mavis. "It's not forbidden but..."

Akala ko ay ako lang nakapansin na magkasama silang dalawa noong unang beses na mabaril si Darlene.

"Ayos lang na mahulog si Nix! Halata namang gusto siya ni Darlene! Manhid lang hindi makakaramdam ng ginagawa ni Darlene." Tinapik ni Finn ang balikat ni Nix kaso napatigil. "Pero..." Umiwas ng tingin si Finn.

"You falling already?" Tanong ni Harris. "If you are then, we are not stopping you anymore, just... just stop the... You know."

Hindi sumagot si Nix at diretso lang ang tingin kung saan nagpunta si Darlene. Tumalikod lang siya at iniwan kaming walang sagot na nakuha mula sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
1.1M 36.9K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...