The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 88.5K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 44

25.6K 613 18
By whixley

Chapter 44: Ganti

Hindi naniniwala sila Papa na nagjo-joke lang ako! Papansin rin kasi ang ibon na 'to! Oo, si Phoenix, isa siyang ibon! Letse siya! At hinding hindi ko makakalimutan ang trip niya! At higit sa lahat, nag-order ba naman ng flowers at cash on delivery pala!

Alam niyo bang panay ang panggagago ng ibon na 'yon! Si Darius at Kuya ang inaasar niya at 'yong dalawa naman galit na galit. Ako naman naiinis sa kaniya, lalo na 'yong sabihin ni Papa na magpapakasal raw kaming dalawa?! Pakyu ka, Ibon! Pakyu!

Sinabi ng doctor na walang nakitang intercourse between sa ano. Tangina kasing Velasquez 'yon, e. Bwisit, isinilang lang yata ang isang 'yon para mang bwisit. Pinag-take pa ako ng pregnancy test!

Tapos nag-chat sa GC namin ng 'Guys, I'm having a baby soon with my Darlene.' Hindi ko alam kung sinadya niyang lagyan ng 'my' 'yon. Pinagmumura ko siya sa GC kahapon at panay naman ang tawa niya. Tapos 'yong mga kauri niya ay sumakay pa sa trip!

Wala kasi si Dash, e. Siya kasi ang nagpapatigil para hindi nila ako asarin. Mga punyetang nilalang. Atsaka, alam niyo ba, niyaya ako mag-ML ni Harvey. Tangina, ang bobo. Binuhat ng epic-charot, Mythic na kaya ako. Bumagsak lang ng Legend dahil kay Harvey! Pero binuhat naman ako paakyat ni Phoenix, hehe.

Men, may duo ako. Mainggit kayo, please.

Papasok na nga pala ako ngayon. Kaunting tiyaga lang. Magagawa ko na ulit ang gusto ko.

Tinali ko na ang sintas ng sapatos ko at tumayo sa harap ng salamin. Inikot ko ang buhok ko at tinali ng pa-bun katulad ng nakikita ko sa iba.

Lagi akong sinisita ni Mrs. Griffin dahil naka uniform ako pero naka-converse na sapatos. At sanay ako sa ganitong sapatos, komportable sa paa. Kinuha ko na lang ang bag ko at pumunta sa kwarto ni Darius.

"Hoy, Darius!" Sinipa ko ang pinto ng kwarto niya. "Darius Gunther Miranda! Gumising ka!"

"Stop kicking my door! And for your information, I'm already awake!" Sigaw niya sa loob bago bumukas ang pinto.

"Mukha kang tanga," puna ko.

Naka-uniform siya nang lumabas at kunot noo siyang nakatingin sa akin.

"Wow, coming from you," sarcastic niyang sabi.

Umirap ako. "Nasaan na 'yong crinkles ko?"

Napatigil naman siya sandali. Huwag niyang sabihin nakalimutan niya. May sinabi siya sa akin na bibigyan niya ako ngayong umaga ng crinkles dahil inubos nila ang pagkain ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangako niya! Pagkain 'yon at favorite ko!

"I forgot to buy some."

"Scammer. Sabi mo, ngayon mo ibibigay?" Pinanliitan siya ng mata.

"I forgot, okay? Kay Kuya ka na lang magpabili mas maraming pera 'yon. Kaya kang bilhan ng factory ng crinkles." Sinara na niya ang pinto ng kwarto niya.

Hindi naman ako uto-uto pero... totoo kaya? Kayang kaya ako bilhan ni Kuya ng gano'n? Bumaba ako, saktong nasa dining sila at nag-aalmusal. Nakapalumbaba si Kuya habang may tinitingnan sa laptop. Nagkakape naman sila Mama at Papa.

"Hindi mo ba talaga gusto ang babaeng 'yan, Drake?" Tanong ni Mama.

Umirap si Kuya. "I don't like her."

"Ayan ba 'yong Anya, Kuya?" Pang-aasar ko.

Lumingon sila sa akin.

"Anya Roosevelt pala pangalan no'n?" Tanong ko nang lumapit kay Kuya. "Kunyari ka pa Kuya, hindi mo gusto? Eh, halos titigan mo nga."

"I don't like her. I don't date like her. She's a party girl. And always get in trouble. Tss, nah. Maingay rin tapos kasing ugali ni Darlene? Parang nag-aalaga ako ng bata, Mama. Sakit na nga ng ulo si Darlene tapos dadagdagan pa nito?"

"Kapal mo!" Masama ang tingin ko sa kaniya. "Masakit talaga sa ulo?! Parang hindi naman."

"Remember, you always gets in trouble? You always expelled. Ni hindi ka nga nagtatagal sa eskwelan na pinapasukan mo," sabi ni Kuya sabay patay ang laptop.

Kasalanan ko bang lapitin ako ng away? Masyado nila akong mahal at ayaw pakawalan kaya sila lapit nang lapit. Atsaka sila ang nagsisimula. Katulad kay Allan na nanahimik ako sa isang tabi tapos nag-hamon at biglang hinatak ang uniform ko.

"Gano'n talaga kapag maganda ka." Naupo na ako.

"Ano'ng connect?" Tanong ni Darius na kabababa lang.

"Maganda lang ako, bakit? May reklamo ka?" Umiling naman siya at naupo sa tabi ni Kuya. "'Yon naman pala, e. Shut up ka na lang diyan."

Narinig kong tumawa si Papa at Mama. Nagsimula na kami mag-almusal. Puro kaartehan ni Darius ang naririnig ko kaya panay ang irap ko sa sinasabi niya. Ayaw akong bilhan ni Kuya ng factory ng Crinkles! Afford niya pala 'yon? Bakit hindi ko 'yon alam?

Nang matapos kaming kumain tumayo na ako. Syempre nag-toothbrush muna ako bago lumabas ng bahay kung saan naghihintay si Alexis para ihatid ako sa school.

"Ang tagal mo," reklamo niya.

"Sorry naman! Kasalanan ko bang ang lawak nitong bahay?" Pumasok ako sa passenger seat ng kotse niya.

Akala ko siya ang papasok sa driver's seat pero si Darius. Gulat pa akong nakatingin sa kaniya habang nilalagay ang bag sa back seat.

"Ano ang tinitingin-tingin mo?" Tanong niya.

"Anong ginawa mo rito? Nasaan si Alexis? Siya ang maghahatid sa akin at mag—Aray!" Humawak ako sa noo ko nang pitikin niya. "Bakit ka ba namimitik, ah?!"

"Wala lang. Inutusan siya ni Mama kaya ako ang maghahatid sa 'yo." Nilabas niya ang kotse mula sa garahe.

Kusa namang sumara ang gate matapos naming makalabas. Nakatingin pa ako sa gate namin. Ang gara naman no'n! May pa-ilaw ilaw effect pa.

Lumiko siya at mabilis na umandar dahil walang katao-tao sa daan.

"Saan ka ba nag-aaral?" Tanong ko.

"Kapag sinabi ko ba kung saan ako nag-aaral, lilipat at iiwanan mo ba ang section mo at ang School na 'yon?"

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Mas okay kaya doon. Kahit puro kagaguhan nila ang sumasalubong sa akin masaya silang kasama. Kaya hindi ko iiwan ang section ko." Tinuon ko ang paningin sa daan.

Hindi naman siya nagsalita at tahimik lang na nag-maneho.

'Di ba nga, ang sabi ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita o naririnig ang kagaguhan nila. Parte na sila ng araw ko sa araw-araw.

"Hoy." Tawag ko sa kaniya.

"I have a name, you know."

"Hay, gusto ko lang magtanong, okay? Alam ko naman na part ka ng isang gang at medyo... enemy kayo ni Velasquez. E, nagtataka kasi ako, bakit ba nag-off ang friendship niyo?"

Sandali siyang tumigil. "Bakit gusto mo malaman?"

"Wala lang, curious... basta, sagutin mo nalang!"

"I don't want to tell you, okay? Sa kaniya ka magtanong. Tsaka, Darlene, I know that you and Nix are already close to each other, but remember... don't trust too much. Hindi mo siya kilala ng sobra, he can do anything he wants, he can hurt you. Kaya ka niyang paglaruan."

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"He can play your heart. He can play with your feelings. He can do what he wants," dagdag niya.

"H-Hindi niya naman siguro gagawin 'yon..." Bulong ko.

"Who knows?"

Napatingin ako sa kanto nang mapadaan kami. Sasakyan ni Phoenix 'yon, ah? Anong ginagawa niya do'n?

"Darius, itigil mo! Bilis!" Tinapik ko ang braso niya. "Itigil mo! Darius! Itigil mo! Si ibon nakikipag-away!"

Lumagpas kami ng tatlong kanto at alam kong si Phoenix 'yon! May taong bagsak sa harapan niya kaya siguradong siya mismo ang nagpabagsak no'n. Pero putakte may mga kalaban pa yata sa harapan niya.

Putangina.

Agad na inapakan ni Darius ang preno at kunot noong tumingin sa akin. "What the heck?"

"Si Ibon nakita ko may kaaway!" Tinanggal ko ang seat belt ko. Lalabas na sana ako pero ni-lock niya ang pinto.

"Who the hell is ibon?"

"Si Phoenix!" Sagot ko. "I-unlock mo na, bilis! Baka kung anong nangyari doon. May kaaway ang ibon na 'yon at ang dami."

"How do you make sure it's Phoenix?" Nag-taas siya ng kilay.

"Ano... 'yong... basta!" Kinalampag ko ang pinto ng kotse. "Tulungan naman natin siya, Darius!"

Mabilis siya in-unlock ang pinto kaya agad akong bumaba pero napahinto dahil nahawakan ni Darius ang kamay ko. "Stay here, Darlene."

"Ayoko!"

"Oh, edi ayoko rin." Ini-start niya ulit ang sasakyan.

"Oo na! Dito lang ako!" Naupo ulit ako sa passenger seat at siya naman ay lumabas. "Awatin mo lang, ah?! Huwag kang sasali, ako mismo sasapak sa 'yo kapag nakisali ka! O kaya tulungan mo siya."

"Okay, boss," sabi niya at may tinagong bagay sa likod. "Stay here. I'll help him because you said."

Sinarado niya ang pinto at pumunta doon.

Baka kung anong mangyari kay Ibon at Darius. Gago, ito ang unang beses na makaramdam ako ng sobrang kaba. At dahil hindi ako mapakali, lumabas ako at dumiretso sa malapit na bakery.

Kailangan ko ng pampalamig at pang-parelax. Bumili ako ng coke at tumingin tingin ng mga pagkain. May crinkles sila!

"Ate! Magkano 'yong crinkles niyo?" Tanong ko.

"Tres isa."

Bumili ako ng fifteen piraso para pagkain ko ngayon at mamaya habang nagkaklase. Umupo ako sa silyang malapit sa bakery. Natatanaw ko pa rin naman ang kotse rito kaya kita ko ang pagdating nila. Ang tagal naman ni Darius at Ibon.

"Miranda?!" Nag-angat ako ng tingin sa nag-salita.

Nanlaki ang mata ko at napatayo. "Allan?!"

Putangina! Pumasok lang sa isip ko ang isang 'to kanina tapos nagpakita na?!

"Akalain mo nga namang dito pa tayo nagkita?" Sabi niya at halata sa boses ang pagiging sarkisto. "Baka may nakakalimutan ka..."

"Nakakalimutan? Wala naman akong nakakalimutan. Hindi ko nga nakakalimutan kung paano kita pinabagsak." Ngumisi ako.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya agad na hinablot ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko at tinulak siya papalayo. Masyadong malakas ang ginawa ko kaya napahiga siya sa kalye.

"Lampa, ampota," sabi ko at tinawanan siya.

Nagalit siya sa sinabi ko kaya agad siyang sumugod. Muntik na niyang masuntok ako sa sikmura mabuti at nahawakan ko ang kamay niya. Sinuntok ko siya sa mukha.

Pumutok ang labi niya dahil sa suntok na ginawa ko. Pinunasan niya ang labi at masamang tumingin sa akin.

"'Yan na lang muna ang ibibigay ko sa 'yo may kailangan pa kasi akong puntahan." Tinalikuran ko siya. "Tangina, aray!" Sigaw ko nang hablutin niya ang dalawang kamay ko at inilagay sa likod. "Putangina! Bitawan mo ako!"

Pwersa niya akong hinila sa likod ng van.

Kingina, mababalian ako ng buto dahil sa putanginang 'to! Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya mas lalong nanakit ang likod at balikat ko.

"Letche naman!" Sigaw ko.

Tinulak ako ni Allan dahilan para mapasandal ako sa pader. Malakas niya akong sinampal.

"Ang saya mo makita habang nasasaktan, Darlene!" Ngumisi siya at muli akong sinampal sa pisngi.

Nangangatal ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Tangina, pasalamat ka ganito ako ngayon! Maghintay ka lang at bubugbugin kitang gago ka! May tinawagan siya at hindi nag-tagal ay may dumating na lalaki at parang pamilyar sa akin.

"Alla—Pamilyar kang babae ka!"

"Pamilyar ka rin sa akin." Irap ko.

"Naalala kita! Ikaw ang dahilan kung bakit na ospital sila Rico!" Turo ng lalaki sa akin. "Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mong babae ka!!"

"Kilala niyo 'tong babaeng 'to?!"

"Hindi pero kilala ko ang mukha niya! Siya 'yong babae sa plaza na sinasabi namin sa 'yo! Siya ang dahilan kung bakit na-ospital si Rico," sagot ng lalaki.

Sila 'yong sa plaza! Sila rin 'yong mga bastos! Magkakakilala pala ang mga gagong 'to?!

Hinawakan ni Allan ang dalawang braso ko at pinagkrus 'yon sa likod.

"Aray ko! Kapag ako nakawala sa pagkakahawak mo sisiguraduhin kong mababaog ka talaga." Bwisit, hindi ako makaalis.

"Mayabang ka talaga, ano?!"

Shit, nasikmuraan niya ako. Tangina. "Ugh!"

"Wala ka yatang lakas ngayon?" Ngumisi siya at hinawakan ang pisngi ko. Malakas niya akong sinampal ng dalawang beses ng bitawan niya ang pisngi ko.

Namanhid ang pisngi ko dahil sa ginawa nilang pagsampal. Nag-angat ako ng tingin at masama siyang tiningnan. Sinipa ko siya sa paa kaya agad siyang napadapa sa kalye. Pinilit kong sumigaw kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Pwersa kong hinila ang kamay ko kay Allan at hinawakan ang sikmura ko. Matalim kong tinignan si Allan at ang mga kasama niya. Tangina, hindi kaya ng katawan ko. Hindi ko kayang lumaban ngayon. Naunahan nila akong sumugod.

"Nice legs by the way..." Manyak na sabi ng isa at akmang hahawakan ang binti ko. Sinipa ko siya mismo sa mukha. "A-aray...."

"H-Huwag m-mo akong hahawakan!" Saad ko dahil agad na nag flashback sa utak ko ang panaginip ko.

Mas lalong nanginig ang katawan ko kasabay ng pagmamanhid nito. Nandidilim na rin ang paningin ko. N-natatakot ako!

"N-Naka ganti na kayo! Paalisin niyo na ako." nanghihina na ako.

"Nag-aaral ka pala sa SHS!" Tinayo ako ng lalaking sinipa ko sa paa.

Nakita niya ang ID ko kaya niya nalaman. Ano naman ngayon sa kanila kung doon ako nag-aaral.

"Kagaya mo pala sila Velasquez! Ay, baka mag-classmate o schoolmate kayong dalawa?"

Si Phoenix? Kilala niya?

"Sino na naman 'yon?!" Rinig kong tanong ni Allan.

"Edi ang lider ng Knights! Sila ang umubos sa grupo natin. Siya mismo! Dahil may binangga raw tayong hindi naman dapat at kasali kaya ganon! Hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin o kung anong sinasabi niya."

Panay ang tanong nila sa akin at tuwing hindi ako sumasagot ay sinasampal niya ako. Sobrang sakit na ng pisngi ko. Maging ang sariling dugo ko sa labi ay nalalasahan ko na dahil sa ginagawa niyang pag-sampal.

Wala akong balak ipahamak sila kaya hindi ko ipinaalam ang madalas puntahan nila Ibon. Balak nilang pag-gantihan ang Knights dahil sa ginawang pag-ubos sa kasamahan nila. Kaso dahil sa ginagawa ko, ako ang nasasaktan. Hilong-hilong na ako at gusto ng pumikit ng mata ko.

"Ikaw ba ang babaeng kasama nila Velasquez sa food park?" Tanong ng lalaki sa harapan ko nang mapatigil siya at may maalala.

Hindi ako makasagot kaya hinawakan niya pisngi ko at pabagsak na binitawan.

"Nakaganti na ako sa 'yong babae ka kaya bahala ka sa buhay mo." Ngumisi si Allan.

"Gano'n rin para kay Rico. Masyado kang mayabang babae ka." Muli akong sinikmuraan ng kasama niya.

Iniwan nila akong hinang-hina. Wala na akong lakas para tumayo at maglakad pero pinilit ko. Inayos ko ang sarili ko at hilong naglakad pabalik sa sasakyan. Namataan kong nandoon si Darius at Phoenix at kanina pa problemado. Malapit na sana ako sa kanila pero agad na nandidilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
738K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancΓ© ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...