The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.3K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 41

31.1K 685 184
By whixley

Chapter 41: Rax

Kahit masakit ang paa ko patuloy lang kami sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Naaninag ko ang isang lalaki na may hawak ng baril kaya hinila ko si Lara para magtago.

Sumenyas ako na huwag siyang magsalita. Hindi muna kami umalis sa pwesto dahil halatang may hinihintay ang lalaki.

“Darlene, mukhang wala ng tayong choice…" biglang sabi ni Lara. "Mukhang kailangan kong mag-sacrifice…"

Nagsalubong ang kilay ko. "Sacrifice? Walang magsasacrifice, Lara." Umiling ako dahil alam ko ang balak niya.

"Hindi, Darlene… kailangan ko itong gawin," ngumiti siya. "Maiiwan ako dito, at ikaw, tumakas ka na…” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Umalis ka na…”

Umiling ako habang patuloy sa pag-iyak. “Ano ka ba… magbest friends tayo kaya hindi kita iiwan…” Sambit ko habang umiiyak. “Abi.. ayokong mawala ka. Hindi kita pwedeng iwan d-dito. Kasama kitang makakaligtas.”

“Pero papatayin nila tayo, Michelle. Papatayin ka nila at hinding-hindi ko ‘yon hahayaan na mangyari kasi mahalaga ka sa akin. Ayaw kitang mawala…” Nanginig ang boses ni Lara, hindi niya napigilan na yakapin ako nang mahigpit. “M-Michelle, mahal kita bilang kaibigan at para na kitang kapatid kaya hindi kita kayang mawala. Kaya sige na, umalis ka na bago ka pa nila makita.”

“P-Papatayin ka nila, Abi… alam mo ba ‘yon, ha! Kapag hindi nila ako nakita, ikaw, ikaw ang mawawala. We feel the same feeling. Ayaw kitang mawala. Ayokong mawalan ng kaibigan, Abi. Hindi ko kayang maiwan ka dito kaya please… sumama ka sa akin.”

"No… kailangan ko silang iligaw."

Natigil ang pag-uusap namin nang marinig namim ang putok ng baril. Kinagat ko ang ibabang labi para matigil sa paghikbi.

"Michelle, umalis ka na. Babantayan pa rin naman kita at ikaw pa rin ang kaibigan ko. Pero si Darius… maiiwan… pero ayos lang kasi nandyan ka naman, e. Hindi mo naman pababayaan ang kapatid mo 'di ba? Alagaan mo nalang siya para sa akin at syempre mahalin rin…" inalis niya kaagad ang luha sa pisngi niya. "Also, before I leave… please, tell him that I love him. M-Mahal ko ang kapatid mo… s-sobra pa sa gusto niya iparamdam," tinatagan niya ang boses kahit sobra na ang panginginig

"A-Abi… please, huwag ganito…" umiling ako.

"Sige na nga, ako nalang aalis. Ililigaw ko sila, basta tumakbo ka, ha! Mahal na mahal… kita, Michelle… sobra…" Isang halik sa pisngi ko ang pinakawalan niya bago ako bitawan at mabilis na tumakbo palayo.

"Hey, wake up, Darlene. You're dreaming, Darlene. Wake up, please. Darlene..." may tumatapik sa pisngi ko kaya napilitan akong magmulat ng mata.

Humawak ako sa dibdib kasabay ng paghinga ng malalim. Napahawak ko sa pisngi nang maramdamang basa. Umiyak ako?

"A-Ano 'yon? Bakit?" Taka kong tanong nang maalala ang pangyayari sa panaginip ko.

Lara... siya si Abi?

Iyong kasama ko? Iyong babae na nagsasalita sa panaginip ko, siya 'yon? Siya 'yong kaibigan na sinasabi ni Kuya, siya 'yong kasama ko sa lahat. At siya 'yong dahilan kung bakit ako buhay... pinatakas niya ako.

Siya... siya 'yong kaibigan ko. Iyong tanging kakampi ko, na nadamay dahil sa nangyari noon. Hindi masyadong malinaw pero iyon ang alam ko, siya nga ang kaibigan ko. At si Darius, siya 'yong tinutukoy na 'him', ang kapatid ko pala 'yon.

Iyon ang paalala niya sa akin bago niya ako iwanan. Siya ang lalaking mahal ni Abi, iyong kaibigan ko. Kaya ba nagalit sa akin si Darius dahil iyon ang dahilan?

"Lin, are you okay?" Tanong ni Darius na nasa harap ko pala.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas at niluwa doon ang magulang ko, sa likod ay si Kuya. Nagmamadali akong nilapitan ni Mama.

"Darius, ako pala ang d-dahilan kung bakit nawala ang taong mahal mo..." Nanginig ang boses ko. "Hindi ko siya napilit na sumama sa akin noong gabing 'yon kahit pa na... sinabi niyang umalis na ako. Hindi ko naipilit na sumama siya sa akin para pareho kaming mabuhay noong hinahabol kami ng lalaking gusto kaming patayin. A-Ako pala ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin ang mga magulang niya at ako rin ang may kasalanan sa lahat. Kaya pala galit na galit sa akin dahil iniwan ko s-siya..." sunod-sunod na luha ang lumandas sa pisngi ko. Mas lalong bumigat ang paghinga ko dahil sa sinasabi.

Naglapat ang labi ni Darius dahil sa sinabi ko. Bahagya siyang napaatras dahil sa narinig. Nakatingin lang naman sa akin sina Mama.

"Kaya pala, galit na galit ka sa 'kin dahil ako pala talaga ang dahilan kung bakit siya namatay," suminghap ako para pigilan ang pag-hikbi.

Sandaling umiling si Darius. "No, stop..." halos bulong niyang sinabi. "It's not your fault. Please, stop."

"Pero iyon ang totoo—"

"No, Darlene. It's not your fault!" sumabat na si Kuya. "It's their fault! Hindi mo kasalanan. It's those fucking bastard's fault. Hindi ikaw o ang kaibigan mo dahil in the first place, you and her are the victim."

"Your brother's right, sweetheart," hinaplos ni Mama ang pisngit ko. "Hindi mo kasalanan. Pareho lang kayong biktima, ang masakit lang ay nawala siya."

Hindi ako sumagot. Pero nasa akin pa rin ang sinisi ng iba.

"I'm so sorry..." biglang sinabi ni Darius. "Sorry if I blamed you that day, tama si Kuya, hindi mo kasalanan pero ikaw pa rin ang sinisi ko. Ikaw ang sinisi ko sa lahat kung bakit nawala si Abi. My mind was closed that day dahil sa lahat ng nangyayari. I was came from a comatose then after waking up, malalaman ko na wala na siya. Ang nasa isip ko lang noon ay kasalanan mo lahat," bahagyang nanginig ang boses ni Darius.

Naalala ko na, comatose rin pala si Darius noon dahil sa nangyaring aksidente sa kaniya.

"Stop thinking that it was your fault 'cause it's not, okay?" Naramdaman ko ang pagtapik ni Papa sa balikat ko.

"Aw, Papa, may tama ako ng baril d'yan," sambit ko. "Pero nahuli na ba ang may gawa no'n?"

"Yes and I already killed them for you, Darlene. Noong gabing iyon, binalik ko sa kanila ang trauma na nakuha mo mula sa kanila," malamig na sinabi ni Papa.

Halos manlamig naman ako doon. Hindi ko talaga kinakaya kapag nagseseryoso si Papa.

Iniwan kami nila Papa dahil gusto raw ako makausap ni Darius. Tahimik lang ako habang nagbabalat ng prutas hanggang sa marinig ko ang sinabi niya.

"M-Mahal ko siya, Darlene. At malaman na wala na siya ang pinakamasakit sa lahat. I can't even look at her coffin when it's her damn last day. I can't even threw a damn flower because for me she's not dead."

"Alam ko naman 'yon, masakit mawalan ng minamanal, Darius, pero alam kong ganoon rin siya sa 'yo."

"I know," bulong niya. "Kaya kahit noong may nagawa siya sa akin, handa akong patawarin siya."

"Huh?"

"Wala, don't mind it," iling niya. "But I am really really sorry. Ikaw ang sinisi ko. I even prayed na sana ikaw nalang ang namatay, so I am really sorry. Dahil doon ay nagkalayo tayo, you know, I can't even start my day without thinking of her and you. Si Abi dahil wala na talaga siya at ikaw naman, hindi ka nga wala... hindi naman tayo okay. Kaya nga, humingi na ako ng sorry dahil ayoko na no'n, I want to be with my sister now."

Pinahid ko ang luha sa pisngi. "Ganoon rin ako.  Para kumpleto na tayo nina Kuya."

"We are complete now and I am starting to move in, actually," ngumiti siya. "So, before anything else, can I have a hug from you?"

"Pilitin mo muna ako," biro ko. "Charot, go na. Bilis!"

Ni-hug naman niya ako agad kaya nabatukan ko siya. "Aw! What was that for?" Lumayo siya habang hawak ang batok.

"Alam mong may sugat, e, kung maka-hug!" reklamo ko. "Gentle lang kasi, kingina."

"Fine!" Irap niya bago ako ni-hug. "Dalihin ko 'yan, sabihin mo, gawa."

"O, gawa, sige—" naputol ang sinasabi ko nang marinig ang sinasabi ni Kuya.

"How dare you two, you're hugging each other without me, really?" reklamo ni Kuya Drake nang lapitan kami. "I wanna hug you two." Ni-hug naman niya kami.

"Aray ko, tangina. Kuya, isa ka pa, e, masakit nga kasi ang sugat ko! Gentle lang kasi, alam na may sugat ang sister niyo, e," ako naman ang nag-reklamo.

"You should be happy because we are hugging you. Alam mo bang marami ang nagkakandarapa, mayakap ko lang?" mayabang na sinabi ni Kuya.

Napairap ako sa sinabi ni Kuya. Bumitaw naman sila. Tumingin ako sa pinto at naabutan kong nakangiti si Mama habang pinagmamasdan kami.

"So, sweet," napangiti siya lalo.

"Ako lang 'yong sweet, 'Ma. Maasim kasi sila," natawa ako sa sinabi.

"How could you?" Napairap iyong dalawa kong kapatid kaya mas lalo akong natawa.

Ngayon ay alam ko na. Best friend ko si Lara Abigail Mejia at siya 'yong nagpakilala sa akin noon. Siya ang kasama ko sa lahat. Siya ang sumisigaw para bitiwan ako. At siya rin ang babaeng nagsabi na tumakas ako dahil sasaktan nila ako.

Siya rin ang naging dahilan kung bakit ako nabuhay. Siya ang dahilan kung bakit ako narito pa ako sa mundo. Tinulungan at pinatakas niya ako noon kaya siya ang naiwan at namatay. Iniwan ko siya kaya siya namatay.

-

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag Facebook at pag-scroll-scroll. Gusto ko ulit dalawin si Dash sa kwarto niya.

Parehas lang ang nangyayari sa buhay ko sa nag-daang araw. Panay rin ang pag-bisita ng iba. Si Laureen at Tricia ay bumisita na rin sa akin. Pero pansin ko lang na parang hindi sanay si Laureen dahil narito si Gianna at parang naiinis pa nandito siya.

Nakakasuspicious, huh?

Katulad ng ginawa namin noong isang gabi. Nag-movie marathon kami. Wala na kasi sila Mama, umuwi para maligo at makapagpalit ng damit. Sa kinabukasan na yata ang balik nila para na rin makapag-pahinga.

Ang dalawang kapatid ko naman ay gano'n rin. Hinayaan muna nila ako sa mga hamog na 'to.

"Marunong ako mag-gitara," ngumisi ako.

"Weh?" Nag-taas pa ng kilay si Finn.

"Oo nga! Kulit nito! Hagis ko 'to sa 'yo, e." Umirap ako.

Nakita pa nga ni Phoenix ang pag-gigitara ko at narinig niya rin ang pag-kanta ko.

"Ano ang gusto niyong kanta?" Tanong ko sa kanila.

Nabored kami sa panonood ng mga movie kaya nagkunwari na lang kaming nagcacamping at nag lagay ng mga twinkle led lights sa kwarto. Nakapatay ang ilaw sa kwarto at 'yon lang ang nagsisilbing liwanag kasama ng malaking buwan na tumatama sa kwarto.

Ang shala, 'di ba?

"Crazier!" Pumalakpak pa si Laureen.

Napakamot ako sa noo dahil sa request niya. 'Yong kay Taylor 'yon, 'di ba? Maganda rin naman 'yon kaya sige! Madali lang naman kabisaduhin ang bawat chords no'n.

"Hindi mo naman pala kaya," sabi ni Harvey at sinubo ang fries sa bibig.

"Pakyu!" Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin.

"Baka nakakalimutan mo ang deal?"

"Huh? What deal?" Tanong ni Laureen at Tricia.

"Wala! Papansin lang ang mga 'yan." Pinangunahan ko si Arvin nang balak niya ng magsalita.

Nag-strum ako ng gitara bago i-ready ang mala-anghel kong boses. Charot.

"I'd never gone with the wind, just let it flow...." Kanta ko kasabay ng pag-strum sa gitara.

"Ang ganda pala ng boses mo?!" Saad ni Finn at nag-labas ng camera para mag-video.

"Let it take me where it wants to go. 'Til you opened the door. And there's so much more I'd never seen it before."

"I was trying to fly, but I couldn't find wings. But you came along and you changed everything."

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil titig na titig si Phoenix sa akin, idagdag mo na ang tingin ni Trevor. May laman ang bawat tingin nila sa akin.

"You lift my feet off the ground, spin me around. You make me crazier, crazier. Feels like I'm falling and I am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier."

Tangina.

You make my heart crazier, Phoenix! Parang nababaliw ang puso ko sa bawat tingin mo.

Napuno ng kagaguhan ang gabi namin dahil nagsama ulit kami. Mas masaya kami kaysa sa unang pagsasama namin pero mas masaya siguro kung nandito si Dash. Mas masaya kapag nandito siya.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang makalabas ako ng hospital. Maayos na rin ang pakiramdam ko at pwede na rin akong pumasok. Kahit nasa bahay ako, hindi ko mapigilan ang pag-aalala kay Dash.

Sa loob rin ng dalawang linggo, nagawa na ang operation niya kaso hindi pa rin siya gumigising. Nandoon kaming lahat para mag-hintay ng magandang balita mula sa Doctor. Pinagdasal rin namin si Dash at ang bait talaga ng diyos, dahil sinagot niya ang dasal namin na sana maayos lang ang kalagayan niya.

At sa loob rin ng dalawang linggo napapansin kong ang bait ni Phoenix sa akin. Ampota, bumisita pa nga sa bahay at araw-araw, ah!

Alam niyang favorite ko ang crinkles kaya ayon, binili ako ng hayop. Kaso ubos na, e. Kaming dalawa lang rin ang kumain. Ang cute niya lang. Ampotek, laging may dalang pagkain.

Tapos lagi akong isinasama sa mga trip niya. At sa pag-gagala niya. Nakakahalata yata 'yong mga gago at inaakalang kami.

Suspicious din tuloy 'yong dalawa kong kapatid. Kesyo nanliligaw daw kahit hindi naman.

Nasa ibang bahay na pala kami. I mean, parang mansion dahil sobrang laki nito. May pool at garden. Sobrang lawak rin ng buong lugar.

Matagal na pala itong bahay na 'to. Matagal ng binili ni Papa, hindi lang nagagamit dahil may tinitirhan pa kami. Nandito na lahat ng gamit ko at maayos na rin nakalagay sa lagayan.

Alam ko rin ang village na to kaya hindi ako nalilito. Isa rin 'to sa exclusive village na alam ko kaya sure akong walang makakapasok na iba rito.

Kakatapos ko lang din mag-ayos ng damit kaya nakahilata na lang ako sa kama. Pati ang mga teddy bears ko at ang mga anak ko kasama ko rin.

Nasa tabi ko sila at parang tanga na kinakausap. Pero, girl, nakakaintindi kaya sila kaya hindi ako nagmumukhang tanga.

"Alam niyo may crush ako." Hinaplos ko ang ulo ni Lucy at dinilaan naman niya ang mukha ko. Tumingin rin ako kay Kissy at Ziggy. "May crush ako kay Phoenix."

Nag-tweet naman silang dalawa. Kinuha ko sila mula sa cage nila at pinatong sa white container bago pinatong sa kama.

"Arf!" Tahol ni Lucy.

"Oo, mayroon akong crush sa kaniya pero secret lang natin apat 'yonn, ah? Gago kasi 'yon, pangbibwisit lang alam. Alam niyo ba nung nasa hospital pa ako, tangina, puro deal 'yong iniisip? Pakyu siya."

Nag-tweet naman sila Kissy.

"Secret lang natin na crush ko siya, ah?" Paalala ko ulit.

Binalik ko na sila sa cage para makapag-pahinga sila at si Lucy naman ay nasa kama at katabi ko.

Nagugutom ako.

Hindi pa kasi ako nagla-lunch. Nagluluto pa si Mama sa baba at ang dalawang kapatid ko naman ay nasa kabilang kwarto, may pinapagawa si Papa sa kanila.

Gusto ko nga doon, e, kaso ayaw ni Papa. For mens lang raw. Mukha bang men si Darius? Tsk, mukha nga ng babae 'yon, charot. Pogi kaya si Darius at matangkad rin. May pagkakahawig lang kami sa ilong at mata.

Matangkad rin si Darius. Magkasing-tangkad sila ni Phoenix. Ang height ko ay 5'8 kaya ang height nila siguro ay nasa 6'2.

Sinubukan ko pang mag-ala spiderman para makita lang ang ginagawa nila mula sa bintana kaso nahuli ako ni Papa at puro bawal ang sinasabi, aapila sana ako pero hindi natuloy dahil binigyan niya ako ng crinkles kanina kaso hindi pa rin 'yon sapat dahil may kahati ako.

Si Kuya at Darius, sila nga ang nakaubos. Hindi nga nila ako tinirhan. Kaya dapat ibili nila ako!Magpabili kaya ako kay Phoenix?

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para magpalipas ng oras. Magbibiro lang ako sa kaniya. Sa IG ako nagdm.

darlene.michelle:
uy.

velasquez_phoenix:
What?

Ngumisi ako.

darlene.michelle:
bakit 'yung inihaw, iniihaw?

darlene.michelle:
tapos ang bbq ikaw.

Seen lang? Ayaw mo mag-reply, ha.

darlene.michelle:
nix, star ka ba?

Akala ko hindi magre-reply, e.

velasquez _phoenix:
what?

darlene.michelle:
tinatanong ko lang kung star ka kasi I feel something bituin us.

Hindi nag-reply! Sama ng ugali! Siniseen lang ang isang katulad ko?

darlene.michelle:
arte puro seen lang... seen lang nang seen sana hindi ka na magising.

darlene.michelle:
Joke lang. Pakopya na lang ako sa genmath.

GenMath kasi kami ngayon! Ayoko n'on, e. Pang-matalino, jusko hindi ko makaya. Nagsend siya ng sagot sa akin with matching solution pa 'yon! Ang bait! Bilis mag-send ng answer.

darlene.michelle:
hinulog ka talaga ng langit para sa akin!

Lagi na lang akong nasiseen mga mare! Hindi ko na lang pinansin at hinayaan siya. At dahil may twitter ako, nag-tweet ako nang nag-tweet pero bago 'yon, may nag-dm sa akin na anonymous kaya tinignan ko kung ano.

Ano raw ang type ko sa lalaki tapos i-tweet ko raw. 'Yon lang pala, e.

Naka follow sila Finn sa akin at nag dm pa na i-follow back ko kaya ginawa ko. Pati kay Phoenix, tinignan ko ang account niya at shala ang daming followers at karamihan arista. Matagal ko nang alam na may twitter siya, madalas niya ngang i-view ang mga fleets ko tapos noong nagpaparinig ako sa twitter. Lagi ko rin siya dini-dm sa twitter minsan siya.

Darlene Michelle @darling_
boring ng life ko...

Darlene Michelle @darling_
may nagdm sakin. Ano raw type kk sa lalaki? walaaa. gusto ko lng nang magbbigay sakin ng makakain.

Nakita kong nagretweet si Harris at ang iba.

Mavis @itsmavis
i think that's me?

Trevor @trevor.cordova
i think not, are you reffering to me?

Harvey @quintosharvey
gago, ako talaga yon. marami kaming stock dito.

Hindi ko na pinansin ang mga tweets nila. Nag-tweet ulit ako ng bago.

Darlene Michelle @darling_
Nangsiseen yung nagpapawala ng boring sa buhay ko. Sana saniban para magreply...

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa huling tweet ko. Pinatay ko na ang cellphone. Lumabas ako ng kwarto para bumaba. Huminto muna ako sa harap ng pinto kung nasaan sila Papa.

Nakaawang ng konti ang pinto kaya sinilip ko.

"I know how to used that!" Narinig ko ang boses ni Darius.

Hindi nagsalita si Kuya o si Papa pero may nilabas na kung ano si kuya.

"How about these?" Tanong ni Kuya.

"Uh... Can you just teach me how to use that gu—"

Napabahing ako bigla kaya mabilis akong umalis doon. Mabuti na lang at dala ko ang cellphone ko para kunwari may kausap ako.

Nakarinig ako ng yabag malapit sa pwesto ko.

"Sorry! Na hatching kasi ako!" Mukha akong tanga.

"Sinong kausap mo?" Lumingon ako kay Darius nang marinig ang boses niya.

Sarili ko.

"Si... Laureen!" Sagot ko.

"Ah, Laureen... kaya pala baliktad ang cellphone mo." Malakas siyang tumawa.

Tinignan ko ang cellphone ko at putang ina, baliktad nga! Masama ang tingin ko sa kaniya dahil panay ang tawa niya.

Gago, nakakahiya!

"Umalis ka nga rito!" Inis na sabi ko.

Tawa lang ang sinagot niya sa akin.

Baliw, amp.

Tawa nang tawa.

"Isusumbong kita kay Mama," banta ko at tinalikuran siya.

Syempr, joke lang na isusumbong ko siya. Ang babaw lang naman no'n. Atsaka, baka hindi ko siya ma-uto mamaya na ibili ako ng crinkles kapag ginawa ko 'yon. Nasa hagdan palang ako pero naamoy ko na ang niluluto ni Mama pati ang boses niya.

"Putang ina! Hanapin niyo! Find those motherfuckers!" Nagulat ako sa malutong na pagmumura ni mama. "I want them to pay! My daughter is scared to her fucking nightmares! Dahil sa kanila kaya hindi mapakali ang anak ko!"

Ako ang tinutukoy ni Mama. Pero pakshit lang, ang lutong magmura ni Mama! Siya nga talaga ang aking ina.

"Yes, I'm going back to Australia next week."

Napatigil ako dahil sa narinig. Babalik ulit siya. Tama nga ako. Iiwan niya ulit ako. Babalik ulit siya sa Australia at next week na mangyayari 'yon.

Saktan ko kaya ang sarili ko para hindi na siya umalis? 'Di ba gano'n naman ang ginawa niya? Noong nalaman niyang isinugod ako sa hospital at nabaril ay agaran siyang umuwi dito sa Pilipinas.

Kaso nagmumukha akong tanga no'n. Umalis na lang siya kung gusto niya baka parte talaga ng trabaho niya ang pag-alis. Hindi ko na lang siya pipigilan.

Dahil saktong dumaan ang isang maid sa harap ko inutusan ko siyang ikuha ako ng tempura na chichirya at isang chuckie sa ref. Mabilis niya namang sinunod ang utos ko kaya nag-thank you rin ako sa kaniya.

Nakita ko ang susi ng kotse ni Mama sa lagayan kaya agad kong kinuha. Dahan-dahan lang ang labas ko at ang pag-bukas ko ng gate.

Mabuti na lang sa labas ang kotse kaya hindi ko na ilalabas mula sa garahe. Agad akong sumakay sa loob at pinaandar. Sinilip ko pa muna ang bahay kung may nakakita.

Wala!

Binuksan ko rin nag chichirya ko at kinain habang nagda-drive.

Mabuti na lang talaga marunong ako mag-maneho ng sasakyan. Walang katao-tao sa kalsada, kaunti lang at ang iba ay mga batang naglalaro.

Sayang hindi ko nakuha ang wallet ko, bibili sana akong ice cream o kaya ng halo-halo. Ang init pa naman kahit October.

Kinuha ko ang chuckie ko para makainom. Ilalagay ko na sana ang straw kaso dumulas sa kamay ko kaya yumuko ako para kunin ang straw sa ilalim.

Nang makuha ko 'yon agad akong nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang makitang didiretso ako sa isang sasakyan.

"Shit!" Mabilis kong inapakan ang preno nang may biglang sasakyan na lumabas mula sa garahe.

Tangina! Muntik ko nang masagasan ang sasakyan niya! Ay hindi muntik lang, mukhang nagasgasan pa yata ang kotse niya. May narinig kasi akong tunog, e. Shit, ang ganda pa naman ng nasa harapan ko.

Kinakabahan akong bumaba ng sasakyan pati siya ay napatigil at sa tingin ko ay bumaba rin ang driver sa loob.

Sinilip ko ang sasakyan ni Mama kung may gasgas at mayroon nga! Lagot ako kay Mama nito! Pati ang sasakyan na nasa harapan ko ay may gasgas rin.

"Putang ina, yari ako kay Mama nito!" Napakagat ako sa labi.

May gasgas ang harap ng kotse.

"Don't you know how to look at the road?" Napatigil ako dahil sa pamilyar na boses. "Damn it." Naiinis ang boses niya.

"Trevor..." Sabi ko.

Pumunta sa direksiyon ko si Trevor at gulat rin ang mukha na nakita ako. Nawala ang inis niya sa mukha.

"Darlene.... what are you doing here?" Tanong niya.

Tinignan niya ang kotse niya bago ulit mag-angat ng tingin sa akin. "My car has a scratch." Hinawakan niya ang gasgas.

"Hala, sorry." Paghingi ko ng tawad. "May kinukuha kasi ako kaya yumuko ako. Wala kasing katao-tao rito kaya...."

Kinamot niya ang kilay at tumayo. "It's fine. I have another car, so it doesn't matter if it has a scratch or not."

Ay wow.

Yaman.

"Sorry talaga..."

"Uh, what about you? What are you doing here?" Tanong niya ulit.

"Wala lang. Nag-iikot ang boring kasi sa bahay, e. Wala akong kausap sa kwarto atsaka kakalipat lang namin dito," ngumiti ako. "Ikaw, dito ka nakatira?" Turo ko sa malaking bahay sa gilid namin.

Tumango naman siya. "Yes, do you want to go inside?"

"Huwag na!"

Baka mamaya may ginagawa sa loob o kaya may tao, nakakahiya.

Mahina siyang tumawa. "Okay, okay," aniya. "Did Tito Dylan knows that you left to your house?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako kaso may pa-epal.

"Hoy! Alisin niyo ang kotse sa daan!" Lumingon kaming dalawa sa sumigaw.

May sasakyan na padaan at sa tingin ko kanina pa siya nag-hihintay. Kunot noo ang lalaki bago tumingin sa wristwatch niya.

"Teka lang po!" Sigaw ko rin. "Pwede naman magsabi, e."

Nahuli kong tumawa si Trevor at napailing.

Sumakay ulit ako sa kotse ni Mama at tinabi sa gilid. Maayos na nilabas ni Trevor ang sasakyan niya at pinark sa gilid. Lumabas na ako, dala-dala ang kinakain ko.

"Mga abala!" Dagdag ng lalaki bago dumiretso.

Hinayaan ko na lang siya. Baka huli na siya sa trabaho niya kaya siya nagmamadali.

"Alam ba ni Tito—"

"Hindi niya alam o nila Mama." Putol ko.

"Hindi ka dapat umaalis mag-isa. I think they worried about you and where you are. You know someone wants your head, right?"

Napakamot ako sa ulo. "Exclusive naman to, e. Babalik din naman ako kaagad. Gusto ko lang mag-explore."

Napailing lang siya sa sagot ko. "D'yan ka mapapahamak sa pag-eexplore mo. God, You're really stubborn."

"Grabe. Hindi naman!" Ngumuso ako. "Saan pala ang punta mo?"

"Rax."

Kumunot ang noo ko. "Saan 'yon?"

Ngayon ko lang narinig ang lugar na 'yon.

"It's a Billiards place slash club and Harvey is the owner."

Nagulat naman ako pero agad rin napangiti. "Talaga? Sama ako."

Gusto kong mag-billiard!

"No," tanggi niya.

"Ha? Bakit?"

"Hindi ka na nga nag-paalam kay Tito na mag-iikot o mag-e-explore ka rito tapos sasama ka pa sa akin? Baka kung ano na ang naiisip nila sa mga oras na 'to. Baka isipin nila nawawala ka na," sabi niya. "Atsaka baka hindi ka nila payagan kung sakaling mag-paalam ka."

"Edi, ipag-paalam mo ako. Papayag naman sila kasi kilala ka ni Mama o ni Papa." Tinaas-baba ko ang kilay ko. "Sa 'yo na 'yang chuckie ko, hindi ko pa naiinom 'yan." Nakatingin kasi siya sa hawak ko.

Tinanggap naman niyo 'yon at ininom. "Fine, in one condition, you will never leave by my side and my sight."

Napangiti ako at sunod sunod na tumango. "'Yon lang pala, e. Tara na, susundan ko na lang ang sasakyan mo." Paalis na sana kaso hinila niya ako pabalik.

Para akong nakuryente nang dumapo sa akin ang kamay niya. "B-Bakit?"

"Mag-isang sasakyan na lang tayo. Iwan mo na lang muna sa garahe 'yan." Nilahad niya ang kamay. "Give me your keys."

Ang lapit niya sa akin. Ang bango ng bibig niya. Amoy mint.

"N-Nasa loob na." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-ngisi niya bago tumalikod sa akin.

Pinasok niya ang sasakyan sa loob ng garahe. Bumalik siya sa kung nasaan ako, dala-dala rin niya ang cellphone ko. Binigay niya sa akin ang cellphone ko bago kami lumapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong pumasok.

Umikot naman siya para makasakay rin.

"Darlene, your seat belt." Turo ni Trevor.

Nag-seat belt naman ako at umayos ng upo.

Ito ang unang beses na kasama ko si Trevor sa isang sasakyan. Nasanay ako kay Phoenix na sumasakay sa kotse niya kahit madalas akong bwisitin no'n, masaya siya kasama. Tapos madalas din 'yon manlibre sa drive thru. Nilibre niya nga ako noong sabado.

Teka... Bakit ko ba iniisip ang gagong 'yon?

Sinabihan ako ni Trevor na i-text si mama o si papa kaya ginawa ko. Shit. Umabot agad ng 74 missed calls si Papa, si Darius 67 missed calls, si Kuya 81 missed calls. Eh? Paano kaya nila ako natatawagan ng sabay-sabay? May mga texts rin galing kay Papa.

From: Papa
Darlene! Where the hell are you?!

Hindi ko alam kung paano nag-iba ang name niya sa contacts ko. Mas bet ko ang Father Dragon tutal minsan gano'n siya, tulad na lang nito.

From:Papa.
Darlene Michelle. I'm worried!

From:Kuya.
Darlene, where are you? Malapit nang bumuga ng apoy si mama rito. Kami ang binubugahan niya rito! We're fucking innocent for fuck sake.

Tumawa ako matapos mabasa ang text niya.

"Why are you laughing?" Tanong ni Trevor at tumingin sa akin pero agad rin binalik ang paningin sa daan.

"Wala lang." Nag-text ako sa kanila pero wala akong load. Ubos na ang load ko tapos mag-low battery na ako, 8 percent na lang.

"Wala na akong load." Tumingin ako kay Trevor.

"Try it on my phone." Binigay niya sa akin ang cellphone niya.

Walang password ang cellphone niya kaya mabilis na nabuksan. Dumiretso agad ako sa contacts niya at mabuti na lang nakaregistered ang number ni Papa sa kaniya.

Sinabi kong sa may Rax ako pupunta kasama si Trevor.

"Wala ka rin load?"

Kaya pala ayaw mag-send ng text ko kasi wala na siyang load.

"Huh? I don't know."

"Paano na 'yan?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Bumalik na lang tayo."

"It's okay. Hindi naman kita pababayaan and I'll explain to your father that we're together. Just don't leave my sight."

Tumango ako.

Wala naman sigurong mangyayaring masama. Galit na naman si Papa at Mama sa akin mamaya.

Kinalikot ko na lang ang cellphone ni Trevor dahil wala akong magawa.

"Mas maganda ang cellphone mo kaysa kay Harvey. Puro kagaguhan ang laman ng cellphone niya, e," komento ko.

Tumaas ang kilay niya. "You see his phone and other stuff on his phone?"

Tumango ako. "Siya naman mismo ang nagsasabi at okay lang raw."

Which is true, minsan ng pinahiram ni Harvey ang cellphone niya, same kay Dash. Kapag low battery ako, ang cellphone nila minsan ang hinihiram ko tapos nakikita ko rin minsan ang gallery nila. Puro stolen ko nga ang nandoon, e.

"They only do that once kahit noong..." Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"Kay Iris?" Tanong ko na ikinatahimik niya.

Ang swerte ng babaeng 'yon, sobra, pero dahil sa ginawang Iris na 'yon, nagbago ang pakikitungo ng mga 'to ko sa kaniya.

Siguro Deja vu ang nangyayari sa kanila. Dahil pakiramdam ko, nakikita nila si Iris sa akin, 'yong ginagawa nila kapag kasama nila si Iris ay ginagawa na rin namin lahat ngayon.

But, I'm different. Well, although, I was getting jealous to her sometimes because she's the reason why Phoenix is spacing out. Pinipilit niya lang makisama minsan kahit sa pisteng deal na 'yon. Malakas lang talaga siya manggago at mambwisit kaya siya gano'n.

Ano ba kasing dahilan bakit niya 'yon ginawa? Kagaguhan gano'n? At kung hindi man siya ang may pakana, sino?

"Yeah...." Mahina niyang sagot.

Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa malaking building sa harap namin. May nakalagay na 'Rax Hustlers'. Marami rin sasakyan na nakapark. Nauna akong bumaba sa kaniya at pinagmamasdan pa rin ang nasa harapan ko.

"Papasukin ba ako sa suot ko?"

Tumingin naman siya sa damit ko at dahan-dahang tumango bago mag-iwas ng tingin. "It's not vulgar clothes, so it's okay."

Naka-denim shorts at oversized big shirt ako. Actually kay, Papa to, e. Dinekwat ko 'to sa closet niya noong nagmall siya at isa rin ito sa binili niya.

Hindi niya alam na sa kaniya 'to. Hehe.

Nag-lakad na kami papasok sa loob. Puro mga college o kaya ay mga high school students mula sa iba't-ibang school ang narito at mga mukhang tumatambay lang.

"Nandito ba sila?" Sina Harvey ang tinutukoy ko.

"Not sure but I think... Harvey's here and his sister."

"Oh... may kapatid siyang babae?"

Tumango si Trevor bago ako hawakan sa braso. "Let's go there."

Pumasok kami sa elevator para umakyat. Nang makarating kami sa floor na pinindot niya agad kaming lumabas. May naririnig akong ingay mula sa loob ng malaki two doors. Pumasok kami at mga taong umiinom at nagbibilliard ang sumalubong sa mukha ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.9K 61
WATTYS WINNER When her fiancΓ© ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
751K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!