Chapter 34: Niece
Kakatapos lang ng exam namin ngayon kaya papunta kami sa mall para ibili ng gamit sila Lucy. Tapos libre nila ang mga gamit na bibilhin namin dahil 'ninong' daw sila nila Lucy. Para nga silang tanga, e, tapos si Harvey, bibili daw ng crib. 'Yong iba naman sinasabayan ang kagaguhan niya.
Tinawagan ko si Alexis para dalhin 'yong van dito, ang akala ko hindi siya susunod dahil may pinapagawa pa ako pero buti na lang! Mabait na anghel 'slight' si Alexis. Kasama niya rin si Kier sa pagdala ng kotse.
"Sino ba itong lalaking 'to?" Inis na tanong ni Dash habang nakatingin sa lalaking papalapit sa pwesto namin.
Si Kier ang tinutukoy niya.
Nasa parking lot kami ngayon. Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang susi sa kamay niya. Nilagay niya naman ʼyon bago tingnan ang mga nasa likod ko. Tumigil ang paningin niya kay Phoenix pero isang matalim na tingin lang ang natanggap niya.
"What's with the death glare?" Mahinang tumawa si Kier. "Anyways, I can't find the—"
Tinakpan ko ang bibig niya.
Sikreto ko nga lang muna 'yon. Baka magalit si Phoenix kapag nalaman niyang nawawala. Sentimental ʼyon, 'no! Bigay niya ʼyon... I mean ʼyon ang unang bigay niya sa akin at syempre kailangan ko ʼyon pahalagahan kahit nawawala.
Mahahanap ko din 'yon.
"Can't find the...?" Tanong ni Phoenix.
Umiling si Kier. "Nothing."
Ngumisi si Kier sa akin kaya hindi maipinta ang mukha ni Phoenix. Mas lalo yata siyang nainis nang akbayan ako ni Kier.
Ano bang trip niya sa buhay at naiinis siya? Binigay ko kay Rafael ang susi dahil siya ang magda-drive. Sa isang sasakyan na lang siguro ako, hindi naman kami kasya lahat sa van.
"Sa mall na lang tayo magkita-kita," sabi ko at kinuha si Lucy kay Phoenix. "Ikaw nang bahala kay Ziggy at Kissy."
"Huh?" Tanong ni Kier.
"Anak namin 'yon, bakit?" Maangas na tanong ni Phoenix.
Narinig kong tumawa sila Harvey. Napailing na lang ako sa kanila. Agad akong sumakay sa BMW ni Kier pero akala ko kaming dalawa lang pero may sabit pa. Si Phoenix at Trevor, hindi na raw kasya sa van kaya dito makikisakay.
Tahimik lang kami sa loob at mga walang balak mag-salita. Dalawang kotse ang nakasunod sa amin. Una ang kila Rafael at ang nasa likuran niya ay sina Alexis. Akala ko aalis na sila, hindi pala. Magpapalibre na naman sila panigurado.
Napatingin kami nang tumunog ang cellphone ni Kier. Hindi niya 'yon pinansin pero tumunog na naman. Inuutusan niya akong i-declined kaya ginagawa ko kaso ring talaga nang ring.
"Ang ingay naman niyan," komento ni Phoenix. "Ibabato ko ʼyan."
Ano bang problema niya? May galit ba siya sa pinsan ko?
"Hoy, grabe ka!" Lumingon ako sa kaniya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago tumingin sa bintana. Tumingin ako kay Trevor, nag-tatanong.
"May topak," bulong niya.
Daig pa may babaeng may toyo.
Tumunog na naman ang cellphone ni Kier. Pati ako naiinis na. Inutusan niya akong sagutin ang tawag kaya ginawa ko.
"Yow—"
"[Damn it, Kier! Where are you?! I was texting and calling you pero hindi mo sinasagot! Pinagmukha mo akong tanga sa baba ng lobby! Inumaga ako dahil kakahintay sa 'yo!]" Narinig ko ang pag-hikbi niya.
Masama kong tiningnan si Kier nang huminto ang babae. Pinaghintay niya ang babae at pinag-mukhang tanga?
"[Kasama mo na naman ba siya?]" Pigil na iyak na sabi niya.
Sino raw? At sino ang babaeng 'to?
Tumikhim ako at nag-salita. "Hello? Ano... kasi." Natahimik ang kabilang linya.
"[Sino ka? Babae ka ba niya? FUBU ba kayo?]" Nawala ang iyak niya at galit na ngayon ang boses.
"Huh?"
FUBU raw? Ano ʼyon? Ang alam ko lang, e, ʼyong branded na damit, ʼyong FUBU? 'Di ba? 'Di ba?! Iyon 'yon!
"[Fuck buddy, Girl! Ano ba?! Sabihin mo sa akin babae ka ba niya?! Kasi kung, Oo, magsama kayo ng tanginang lalaking na 'yon!]" Muli kong narinig ang pag-iyak niya.
"Hindi! Pinsan ko 'yong tanginang sinasabi mo," inis na sabi ko. "Hello? Ano ba ang ikinagagalit mo?" Pinilit akong uminahon dahil umiiyak siya.
Tarantado ako pero hindi ko ugaling dagdagan ang sakit na nararamdaman ng mga tao.
"[Uh... ano... We didn't use... uhm... protection last time kaya...]"
Ano daw? Protection raw? Para naman saan?
"Protection saan?" Tanong ko, ramdam ko namang tumingin si Kier, Trevor, at Phoenix sa akin. "Pwede bang deretsuhin mo na lang? Hindi kita maintindihan." Kinamot ko ang kilay ko dahil sa frustration. Wow, frustration raw?
"[I'm pregnant at si Kier ang ama...]" Halos lumuwa ang mata ko.
"Joke yan, 'no?"
"[Hahanapin ko ba siya kung nag-jo-joke ako? Pero mukhang ayaw niya... wala naman daw kasi sa bokabularyo niya ang mag-anak kaya natatakot rin akong sabihin. Pero lagot ako sa parents ko kapag nalaman nila. Baka palayasin nila ako. Natatakot ako. Kaya sana please... tulungan mo ako.]"
Tumingin ako kay Kier na nakatingin lang sa kalsada.
"O-Ok! Ite-text ko 'yong number ko, okay?"
"[S-Sige! Pero ako ang magsasabi sa kaniya, huwag mong sasabihin, please? Thank you. I'm Stella, by the way.]"
"Ah... sige... bye!" Pinatay ko na ang tawag at i-tinext sa kaniya ang number ko. Agad ko din dinelete nang mabasa agad ni Stella.
Pabato kong binigay kay Kier ang cellphone niya.
"What the..." Gulat na sabi ni Trevor nang muntik ng tumama ang cellphone sa bintana.
"Ang gago mo! Pinaghintay mo ang babae sa lobby?! Tapos inumaga siya doon? Hindi mo man lang binaba kahit saglit?" Kunot noo kong sabi.
Lumingon siya sa akin bago paandarin ang kotse.
"I wasn't there, Lin. I was with Kael and Reid at Cascades," katwiran niya.
"Kahit na! Edi sana tinext mo na lang, mamaya kung ano ang nangyari sa kanya doon... buntis pa naman siya..." pahinang boses na sabi ko kaya hindi niya narinig.
"What?" Naguguluhan na tanong ni Kier.
"Ang gago mo!" Inis na sabi ko.
Naiinis talaga ko sa kaniya. Hindi niya dapat ginawa 'yon. Gusto lang naman makausap ni Stella si Kier pero hindi man lang nagpakita o nag-text.
Mag-ina niya ʼyon, e.
Nang makarating kami sa mall, agad kaming bumaba at pumunta sa pet shop. Buti na lang may nakita kami sa bungad lang. Nakasunod lang sa amin sila Kier at ang iba. Una naman kaming nag-lakad nila Trevor.
"Sino ba 'yong tumawag kanina?" Tanong ni Trevor.
"Jowabels niya yata," sagot ko.
Tumango naman siya sa sagot ko. Nag-uusap kaming dalawa ni Trevor dito ng maayos. Mahilig din siyang mang-asar tulad ng mga kauri niya. Pero at least ʼyong asar niya ay mild lang hindi katulad ng iba dyan!
Natawa ako nang muntik na siyang kagatin ni Lucy.
"She's pretty, right?" Tanong niya.
Mahina akong tumawa para kasi siyang tanga na kinakausap ang aso.
"But she's prettier," ngumisi si Trevor sa akin.
Bahagyang pumula ang pisngi ko dahil sa kaniya. Tinawanan niya naman ang itsura ko. Masama ko siyang tiningnan nang hindi pa rin siya tumitigil. Natigil lang kami dahil umepal si Phoenix.
"Akin na nga ang anak ko." Kinuha niya si Lucy sa akin at dala-dala niya ang tatlo.
Bahala siya, siya naman mahihirapan mag-buhat ng mga gamit. Kaso talagang epal siya dahil binigay niya sa akin ang cart para pabilihin ako ng pagkain.
"Lakas talaga ng tama n'on?!" Sabi ko sa kanila.
Tumango silang lahat sa sinabi.
Napatingin ako sa may pinto ng shop. Nakatayo si Kier at parang tangang nakangiti. Huwag niyang sabihin na may kalandian siya habang kawawa ang mag-ina niya? Hmp!
May biglang tumawag sa kaniya kaya sinagot niya na pero sa nakikita ko parang hindi siya natutuwa. Parang may kaaway siya. Salubong ang kilay niya nang mababa ang tawag. Nang mag-tama ang tingin namin tinaasan ko siya ng kilay bago pumunta sa dog food.
Nag-vibrate ang cellphone ko kaya binasa ko kung sino ang nag-text.
From: Stella
Hi! I've decided.
Decided saan? Agad akong nag-reply para itanong kung ano ang ibig sabihin noon.
To: Stella
Huh?
Agad naman siyang nag-reply.
From: Stella
Can we talk personally? Nasa mall ako. Kakagaling ko lang sa check up.
Nasa isang mall lang pala kami kaya nang matapos ang pagbili namin, nag-paalam akong may kikitain. Ayaw pa nilang pumayag.
"Saglit nga lang ako!" Sabi ko pero umiling sila. "Isasama ko si Alexis!" Tumingin sa akin si Alexis. "Important 'to!"
Thank goodness pumayag sila.
"Subukan niyong sumunod! Pagbubuhulin ko kayo!" Banta ko.
Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, e, alam ko ng may balak silang lahat. Nakakaramdam ako, e. Pinandilatan ko sila ng mata bago tumalikod. Nasa starbucks si Stella kaya doon ko siya pupuntahan. Nakita ko naman siya kaagad. Nakangiti siya habang may tinitingnan sa papel. Pumasok ako sa loob at tumayo siya nang makita ako.
"Ako 'yong kausap mo kanina," sabi ko at tumango siya.
Umupo ako sa harap niya at inalalayan ko siyang maupo.
Pina-order ko si Alexis ng drinks namin.
"Ang ganda mo pala, 'no," ngumiti siya. "Ang cute mo!" Pinisil niya ang pisngi ko.
"Baka ako paglihian mo, ah?" Mahina akong tumawa. "Ang pangit naman kung ang first born third gen ng Miranda ay kaugali ko."
Tumawa siya.
"Mag boyfriend-girlfriend ba kayong dalawa?" Tanong ko.
"Oo," sagot niya.
Napatango naman ako Pangarap niya ang mag-model at bagay naman sa kaniya. Matagal na sila ni Kier pero balak makipag-hiwalay ni Kier at hindi niya alam ang dahilan. At sinabi niya sa akin na hindi gusto ni Kier na magkaroon ng anak. Sinubukan niyang kausapin si Kier pero lagi siyang dinededma. Nakakaasar! Naiinis ako kay Kier! Girlfriend niya ay hindi niya kayang panagutan.
Hay nako kapag ito nalaman ni Tito Amcel, hindi 'yon matutuwa sa inaasta ni Kier.
"Sinubukan ko lahat-lahat kaso wala talaga. Kanina nakausap ko siya pero sinabi niyang hindi raw to sa kaniya." Tumulo ang luha niya. "Siya lang naman ang umangkin sa akin."
Hinawakan ko siya sa kamay. "Okay lang 'yan. Gago siya, tandaan mo. Kung ayaw niya, edi 'wag. Nasa huli naman ang pagsisisi. Kapag pinalayas ka ng parents mo, tutulungan kita."
May condo ako, 'di ba? Kung sakaling mangyari man ʼyon, doon ko muna siya patitirahin. Hindi ko pwedeng pabayaan si Stella at ang baby niya. Pamangkin ko 'yan, e.
Dumating si Alexis na dala ang order ko.
"Salamat." Ngumiti siya at may kinuha sa bag. "Tingnan mo ang ultrasound."
Kinuha ko 'yon at tiningnan.
"Ano ʼyan?" Nakisilip rin si Alexis.
"Ultrasound ng baby niya," sagot ko.
"Saan dito 'yong baby? Bakit walang kamay?" Tanong ni Alexis.
"Weeks pa lang kasi ʼyan!"
Natawa si Stella sa amin.
Kung ayaw ni Kier, ako gusto ko! Kahit nag-aaral pa ako kaya kong tulungan si Stella. 'Yong perang naipon ko, pansamantala kong ibibigay sa kaniya para may magamit siya kung sakaling itakwil siya ng pamilya niya.