The Girl in Worst Section (Co...

Autorstwa whixley

3.7M 87.7K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... Więcej

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 21

35K 885 413
Autorstwa whixley

Chapter 21: Sick

Patricia

I am at the rooftop with Rafael. We are here to talk. Nagulat pa ako dahil talagang inaya niya ako rito after the damn fight. I won't really forgive Edmark from what he did. And that Gianna girl?! Isusumbong ko siya kay Laureen. Masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Nilingon ko si Rafael. "Are you sure that you want to talk to my parents, Raf?"

"Yes, I will, Pat," sagot niya.

"Uhm, but how?" Tanong ko ulit bago gamutin ang sugat niya sa mukha.

He was wound on his face, hindi lang siya pati na rin ang mga kaibigan niya. Mga sumali kasi, e, dapat ay umawat nalang.

"Doing what Darlene's advice," ngiti niya.

"Darlene's advice like what?" Naguguluhan kong tanong.

He told me about his plans and it was Darlene's suggestion. I can't believe her... kakasabi ko lang kanina pero tutulong na agad siya. She's indeed a good-hearted woman. I liked her as my friend now

"I need to prove that I truly love you, Pat, that's all. Mahal kita at iyon ang patutunayan ko. Kung maaari ay pipilitin ko si Mommy na tulungan kayo o kung hindi naman, gagawa ako ng paraan. Kung against si Mommy at Dad sa gusto ko, labas na silang dalawa sa desisyon ko." Hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap. "I am so sorry, pinili ko ang iwanan ka—ang isa't isa. I'll be true, Pat, I got mad at you before because you chose to let go instead of fighting, that I thought I was the only one who's fighting... hindi pala. We were both fighting for our love. Pareho pala tayong lumalaban," he rested his chin on my shoulder as I felt his hands stroking my hair. "And this time, ipaglalaban ulit kita. Willing ako maubos kung ikaw ang kapalit."

Niyakap ko siya pabalik. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina bago maglunch break.

"I want to see Darlene." I heard Laureen.

Simula nang maging magkaibigan sila, bukambibig na niya si Darlene. Kesyo gusto niya daw makilala kaso paepal daw ang mga kaklase niya. 

"Anyway, Tricia, sure ka bang papakasalan mo 'yon?" Nginuso niya si Edmark na nakikipag-tawanan sa iba naming kaklase. "Yucky, babe, huh? Dapat iyong pinapatulan mo ay like Rafael or better yet, si Nix!"

"Ano ka ba, kay Darlene 'yon!"

"Ano ka rin ba? What I mean is like Nix or Rafael! Iyong mga katulad nila. And alam ko naman na kay Darlene iyon, inaasar ko na nga, e," natawa pa siya. "Anyway, huwag kang magpapakasal d'yan, babe, isusumpa kita, sige."

Hindi. Wala akong balak pakasalan si Edmark. May plano na ako kung sakaling matuloy iyon. Nasuway ko na si Dad noon kaya ko ulit 'yon gawin ngayon.

Nasa cafeteria kami kasama sila Laureen nang makita ko si Rafael na may hinihintay. Lumingon siya sa paligid at parang may hinahanap. Nang makita ako ay agad niyang nilapitan.

"He's damn here!" Siniko ako ni Kylie.

"Let's go girls." Yaya ni Laureen sa dalawa. "You can do that, bitch."

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinintay siya.

"Patricia," aniya. "Can we talk?"

Tumango ako. "Sure." Naupo kaming dalawa sa bakanteng upuan. "So, ano ang gusto mo pag-usapan?" Ngiti ko.

"Pat, I can stop the wedding," panimula niya. "I can't just stand while seeing you marrying that kind of shit."

Napatingin ako kaniya. "Huh?" I was too occupied.

"I said, I can stop the wedding. I'll stop the wedding. Hindi ko hahayaan na makasal ka sa lalaking 'yon. Baby, ako lang dapat." Hinawakan niya ang kamay ko. "I will fight for you. I will fight my love kahit ikaubos ko basta ikaw ang kapalit sa laban na gagawin ko, please, just love me again..."

"Sasamahan kita, and yes... I never stop loving you." I smiled. "We will fight this. Kung kailangan kong suwayin ang—" pinutol niya ang sasabihin ko.

"No, you don't have to do that. Hindi mo gagawin 'yon. I will just talk to them and prove my love," he said with full of sincerity. "Hindi mo sila susuwayin dahil paniguradong magagalit sila at isa pa magulang mo sila." He smiled. "And besides, I'm respecting them. Malay mo, one day magkasama tayong lahat sa iisang lamesa, 'di ba?"

Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.

Sobrang sakit ang naramdaman niya dahil sa magulang ko pero ito siya at iginagalang sila. I really love you, Rafael.

Napakurap ako. Humiwalay ako sa kaniya. I saw him smiled sweetly, his eyes were full of love and happiness while holding me.

"Tanginang 'yan. Ang korni niyo!"

Napatingin kami sa pinto nang may magsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dash at Darlene sa pinto.

"Istorbo!" Sigaw ni Rafael.

"Sorrrehh!" Nag-peace sign si Darlene. "Pero seryoso ang korni niyo."

"Tawagan ko na ba si Nix?" Rafael smirked. "Para naman mawala ang bitterness mo."

"Ulol. Hindi ko 'yon gusto."

"Wala naman siyang sinasabi na gusto mo si Nix, e," sambit ni Dash nang makalapit kay Darlene. He was looking at her.

"Kaya nga," ani Darlene. Nagsimula na siyang ligpitin ang mga kalat sa sahig ng rooftop, nagpicnic yata sila rito. "Gago 'yon, so, noooo way."

Napatango naman si Dash. Pinanood niya lang ang ginagawa ni Darlene, he was watching her. Rafael and I looked at each other, both curious. Binalik ko ang tingin kay Dash, napangiti siya habang pinapanood ang babae.

"Crush mo si Darlene, 'no?" Rafael suddenly whispered, smirked, teasing.

"Gago, hindi, ah." Dash shook his head but his face blushed a bit.

I know if Dash is lying and he's lying right now!

I smirked. "Kakabago palang niya sa class niyo tapos crush mo na?"

"Hindi ko nga kasi crush si Darlene," sobrang hina ng boses niya. "Hindi."

Rafael laughed so hard. Napalingon sa amin si Darlene.

"Kay ganda ba naman," Rafael whistled. "It's fine, Dash. Paghanga lang." Inakbayan niya si Dash. "Ayie. Crush mo si Darlene," mahina niyang pang-aasar.

Inis na inalis ni Dash ang kamay ni Rafael bago itulak. "Hindi nga kasi! Kulit mo, 'no?"

Natawa si Rafael nang malakas. Nilingon ko si Darlene na abala na pala ulit.

"Gusto kong isama si Darlene mamaya," pag-iiba ko ng topic bago pa mapunta sa kung saan ang usapan. "Darlene, can you go with me?"

"Okay!" Sagot niya dahil alam niya kung saan kami pupunta.

Napansin kong nakaatingin sa akin si Rafael kaya nilingon ko siya at binigyang ng isang ngiti.

Sana lang talaga maayos ang resulta nito at sana maintindihan nila Mommy at Daddy na hindi ako ang sagot sa pagbagsak ng kumpanya namin.

***

Darlene

Nakakaumay ang kalandiang nitong dalawa. Kanina pa ako nakaupo sa harapan nila habang pinapanood ang kalandian nila.

Wala namang label.

Napairap ako.

At hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit ako kilala ng babaeng 'yon. At talagang sinabihan niya akong maldita?! Totoo naman pero hindi pa rin 'yon sapat para sabihan niya ako no'n! Tangina rin, sino 'yong 'he' na tinutukoy niya?

Napahawak ako sa tiyan ko nang kumalam. Gutom na naman ako. Tapos, bwisit, mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip ko ngayon.

Nasaan na ba kasi 'yong mga gunggong? Ang sabi nila bibili lang sila ng ice cream para hindi sila mabored habang naghihintay.

"Bitter..." narinig kong bulong ng katabi ko.

"Hindi kaya." Inirapan ko si Phoenix.

Hindi naman ako bitter, ah? Ang sakit lang kasi parang pinapamukha nilang single ako. Grabe 'yong gano'n.

"Gutom na ako," sabi ko.

Pinatong ko ang kamay ko sa lamesa at doon dumukdok. Nakaupo na nga ako tapos hindi pa rin ako makahinga! Tanginang sipon 'to.

"Sa bahay ka na lang mag dinner," sabi ni Tricia.

Niyaya niya ako na sumama sa bahay nila kaya hindi ako tumanggi. Ang sabi niya rin kasi masarap magluto ang nanay niya, kahit inis ako doon um-oo na lang ako. Pagkain 'yon, e.

"Hoy." Siniko ako ni Phoenix.

"Oh?" Nilingon ko siya.

"Drink your water." Binigay niya sa akin ang tubig.

Kinuha ko 'yon at ininom.

"Sus, kayo rin naman pala," sambit ni Rafael, nakatingin sa aming dalawa ni Phoenix.

"Edi wow," sagot ko.

Kanina pa sila nang-aasar, e. Noong nasa rooftop kami parang ewan 'tong si Rafael. Inaasar ako kay Dash tapos 'yong mga ugok, inaasar ako kay Phoenix.

Mga baliw!

"Bakit ka naman nagkasipon? Sa pagkakaalam ko ay umuwi ka na kahapon bago pa umulan."

"Eh... kasama ko kasi siya." Tinuro ko si Phoenix. "Kagabi 'tapos nasa ulanan pa kami." Oh, shit. Nasabi ko!

Hindi naman ako makagalaw!

Napatingin ako sa pwesto ni Dash. Kanina pa siya nakatingin sa akin, at hindi ko alam ang rason... at saka kanina namumula siya noong nasa rooftop kami. Nalipat ang tingin ko sa kabilang table kung nasaan si Trevor, Harris, and Mavis. Hay, ano ba talaga ang mayroon at lagi nila akong tinititigan?

Natuon ang paningin ko kay Tricia. Ngumiti siya ng nakakaloko at si Rafael naman tumingin kay Phoenix.

"Hindi pala nilapitan," ngumisi si Rafael.

Inirapan lang siya ni Phoenix.

Dumating na sina Harvey na may dalang ice cream. Nanatili kami sa food park ng ilang oras bago maisipan na umalis. Sa Ferrari ulit ako ni Phoenix nakisakay. Actually, nagpresinta si Mavis kaso umepal talaga ang isang 'to.

"Pwede bang lakasan mo ang aircon?" Tanong ko.

Ang init kasi! Ang ganda ng sasakyan, ang tipid sa aircon.

"Kiss me first," sabi niya.

Aba gago 'to.

"Baka gusto mong hampasin kita."

Nawi-weirduhan ako sa mga ikinikilos niya. Ang strange. Charot.

"Sinisipon ka na nga tapos mag-a-aircon ka pa," bahagya nang sumeryoso ang boses niya.

Sabagay... inang ulan kasi 'yan. Ang tindi! "Hindi na nga ako maliligo sa ulan. Tangina, lalagnatin yata ako." Bigla niyang hinawakan ang noo ko kaya natigilan ako.

"You are quite hot." Itinigil niya sandali ang sasakyan. Lumingon siya sa akin, panay ang tingin niya sa akin! "Are you cold?"

Wow, Velasquez... ang caring, ha!

"Medyo pero gusto ko naka-aircon." Hinilig ko ang ulo sa saradong bintana.

"No. Baka magtuloy-tuloy ang lagnat mo," kontra niya saka may kinuha sa backseat. "Take that as your blanket for a meantime, so you don't get cold." Nilapag niya sa akin ang manipis na tela.

Para siyang kumot pero medyo maliit. Hehe, cute!

Pinatay niya ang aircon at ibinaba ng konti ang bintana para may hangin na pumasok sa kotse. Ginawa ko na lang ang sinasabi niya. Binigyan niya ako ng pagkain para magkaroon daw ng laman ang tiyan ko at matapos ay pinainom niya ako ng gamot.

Hindi nga ako makapaniwala na mayroon siyang biogesic, e.

Tumawag pa si Trevor dahil ang tagal raw namin. Mabuti na lang talaga at dumating na kami sa bahay ni Tricia dahil hindi ko kinakaya ang pagiging ganito niya.

Ang caring niya masyado, hindi ako sanay. Sanay ako sa pagiging gago niya.

"Are you sure you want to go outside?"

Tumango ako. "Oo."

Nasa labas lang sila para maghintay. Hindi ko alam kung ano ang trip nila at sumama pa sila.

"I love you." Muntik na akong sumuka ng maghalikan sina Rafael at Patricia sa harap ko. "I love you too."

Nasa tabi ko si Phoenix.

"Nahiya 'yong label sa inyo," sabi ko bago dumiretso sa loob. "Tigilan niyo na 'yan. Pinapamukha niyo talagang wala akong love life." Kawawa naman ako, o! Walang bebe!

"Ay, baka nasa tabi-tabi lang ang love life mo," sagot ni Tricia.

Sinilip ko na lang ang bahay. Maganda rin ang bahay nila tapos may garden rin. Actually, parang mansion na nga. Napabalik lang ako sa pwesto ko kanina nang may tumahol na aso. Napahawak ako sa braso ni Tricia.

"Hoy! May aso!"

Tumawa si Tricia bago ako hilahin papasok sa bahay nila. Isinara niya muna ang gate bago dumiretso sa loob.

"Mom!" sigaw ni Tricia. "Upo ka muna, Darlene."

Umupo ako at inikot ang buong tingin sa buong lugar. May mga antique vase sila at marami ring picture.

Wala man lang juice? Or something? Hehe.

"Patricia." Bumaba sa hagdan ang isang babae.

Nakasuot siya ng simpleng dress. Maganda rin ang babaeng 'to at hindi halatang kontrabida sa love story nila Rafael at Tricia.

"Mom, this is my friend, Darlene," pakilala ni Tricia. "Darlene, this is my mother."

Ngumiti ako sa babae at siya naman ay nakipagbeso sa akin.

"Nice to meet you, hija," sabi niya.

"Nice to meet you too po," ngumiti ulit ako.

Bahagyang siyang ngumiti sa akin bago humarap sa anak.

"Magpapahanda lang ako ng merienda," aniya. "Feel at home, hija."

Dinala ako ni Tricia sa terrace ng bahay nila. May mga bulaklak sila. Ganda. Umupo ako sa kahoy na upuan bago ilapag ang bag ko. Gano'n din ang ginawa niya.

"What do you think of my mom?" Tanong niya.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Pero sa tingin ko... malupit siya, parang hindi mababali ang salitang sasabihin niya."

Tumawa siya. "'Yan ang dahilan kung bakit kontrabida ang tingin ko sa kaniya minsan. Lagi niya kasing pinapakialaman lahat ng desisyon ko sa buhay. Nakakainis siya, totoo. Ganoon din kay Dad, na kaya niyang magdesisyon ng kasalan para lang sa kumpanya."

"Sa true lang," sang-ayon ko. "Sana kasi pinag-iisipan muna 'yon. Magiging buhay mo kaya ang pinag-uusapan dito. Malay mo kapag kasal na kayo saktan ka niya? Tapos magsisisi sila sa huli kung bakit ka nila ipinakasal."

"Kaya nga ayaw kong matuloy ang kasal," aniya.

Kahit ako rin naman.

"Hindi naman kasi kasal ang kailangan para mapaangat ang company niyo. Kailangan lang nila magsumikap at magtiyaga. 'Yon lang! Masyadong padalos dalos ang magulang mo. Ako 'yong naiinis."

"Shh... baka marinig ka!" Saway niya.

Napairap ako. "Hay, iyon ang point!"

Napailing siya. "Tara, pasok tayo sa loob."

Tumayo ako at sumunod sa kaniya. Pareho kaming gulat nang makita si Rafael na nasa sofa at may kaharap na lalaki na sa tingin ko ay ang tatay nitong si Tricia. In fairness, ang pogi ng tatay ni Tricia.

Napatingin sila sa amin.

"Dad..." Lumapit siya sa tatay niya.

"Patricia." Hinalikan niya sa noo ang anak bago ako balingan ng tingin. "You reminded me of someone. Are you perhaps related to Dylan? He looks like a girl version of you. Angelic face but has fierce side."

Sabi nila kamukha ko si Mama pero bakit ngayon si Papa na?

"Ah, Father ko po si Dylan Miranda, ang CEO ng Miranda Formonix Industry. Kilala niyo po ba?" Ngumiti ako.

"Oh, so you are his daughter," ngumiti siya. "I bet your mom is... Serine?"

Tumango ako. "Opo, mother rainbow ko po 'yon. Hehe."

"Kaya pala... pinaghalong Serine at Dylan ang lahi at itsura mo, hija." Halatang nagagandahan si Tito sa akin. Nakita ko ang ngiti ni Tricia. "Dylan and Serine's child. Gandang dalaga, right, hon?"

"But mas kamukha niya si Serine."

Ang daming nag-sasabing kamukha ko daw si Mama, mas maganda naman ako doon.

"Anyway, let's change the topic. I've decided." Naguguluhang tumingin si Tricia sa tatay niya.

Lumapit ang nanay ni Tricia kay Rafael. "I'm sorry for everything, hijo. Wala lang kaming choice noon, but she's right." Lumingon siya sa akin. "Hindi namin kailangan ipakasal ang anak namin para lang umaangat ang bumagsak naming kumpanya."

Napaturo ako sa sarili. "Ako?! Bakit ako? 'Uy wala akong kinalaman r'yan."

Tumango siya kaya napatango rin ako. Iyon pala... at saka 'yon talaga ang point ko kanina pa. Kaya ko nilalakasan ang boses ko para marinig nila.

Mahinang siyang tumawa.

"After hearing your words, you made me realize that my choice is wrong," sabi ng tatay ni Tricia. "And I'm happy that you fight for my daughter at sinabi mo sa akin lahat ng nararamdaman mo patungkol sa kanya."

"Can we take that secret?" Tanong ni Rafael. "It's kinda embarrassing."

"Sure."

Napangiwi na naman ako nang yumakap si Rafael kay Tricia.

Hays... dito pa talaga.

"Ano ang sinabi mo kay Dad?" Tanong ni Tricia.

"That's a secret, sweetie." Tatay ni Tricia ang suamgot.

Wala ng nagawa si Tricia kung hindi ang yumakap na lang kay Rafael. Halik na lang ang kulang.

"So, wala ng kasalan?" Singit ko. Naupo ako sa sofa.

"Wala na, hija," sagot ng nanay ni Tricia.

Akala ko pa naman mag-iiyakan sila. Hindi pala. Pero kahit papaano masaya ako. Siguro kung hindi ko pa sinabi sa lalaking 'to ang dapat gawin hindi pa 'to kikilos.

Ang mahalaga wedding cancelled!

Hindi ako nakakain kila Tricia! Bigla kasi silang umalis at hindi ko alam kung saan pupunta, hindi naman kasi ako kasama para malaman pa. Pero ang narinig ko sa isang resto daw.

"Alis na po ako, Tita." Nginitian ko ang nanay ni Tricia.

Close na kami ni Tita! At hindi pala siya kontrabida, at mabait siya dahil binigyan niya ako ng crinkles. Favorite ko 'to kaya hindi ako tumanggi.

May sinabi siya sa akin na nakita niya daw ako somewhere kasama si Mama. At nakita niya daw si Mama sa Australia noon kaya tama ang chismis ni Tita Beatrice. Eh, never ko naman nakasama si Mama. Baka ang aking twin-bro ang tinutukoy niya.

Nakipagbeso siya sa akin at nagsalita. "Sige, mag-ingat ka, ah?"

Tumango ako at umalis na.

"Ingat ka, Darlene!" paalala ni Rafael.

"'Ge!"

Nasa bukana pa lang ako ng gate ay kita ko na nakaabang ang mga gunggong. At may hawak na camera si Harvey. Ano ang ginawa ng mga 'to?

"Ang pangit niyo," puna ko.

"Wow, ah! Unique kaya itong mukha ko!" Hinawakan ni Dice ang mukha niya.

"Ibig sabihin niyan wala nang makikitang kasing pangit mo. Kaya unique."

Natawa ako sa sinabi ni Owen. Hindi na talaga nawawala ang side comments nila. Pare-pareho naman silang may itsura kaya hindi na nakakapagtaka ng maraming babaeng naghahabol sa kanila. Lalo na si Phoenix at Trevor, plus si Dash. Alam mo ang pogi nila. Lahat naman sila, e.

Pero kung ipagkukumpara si Phoenix at Trevor sa pistura ng katawan, lamang si Phoenix, mahahalata mo ang biceps niya sa katawan. At ganoon din naman kay Trevor pero mas iba ang dating ni Phoenix. Mas matangkad si Phoenix kay Trevor. I mean, actually lahat sila.

Pero si Phoenix, oo. Mayroon siyang kissable lips.

"Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan."

Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Phoenix. Gago! Nakatitig na pala ako sa kaniya! Pinakyuhan ko siya bago umiwas ng tingin.

Si Dash na lang ang tiningnan ko, nginitan ko siya nang makitang nakatingin rin pala siya sa akin.

"Gago."

"Umay, lods," sabi ni Harvey habang nakatitig na sa cellphone.

Nakatitig rin pala ang iba sa cellphone kaya nakitingin rin ako. Pero halos manlaki ang mata ko nang makita ang picture ko! I mean namin, picture namin. Ito 'yong kuha ni Rafael at mukhang pinost nila.

"Tanginang itsura 'yan," sabi ko habang nakatitig sa picture.

Ang pangit din pumili ng picture ng mga 'to. Magpopst na lang 'yong blurred pa at higit sa lahat ay nakataas ang gitnang daliri ko. Hindi naman siya pangit dahil halatang inedit. Parang aesthetic tuloy ang datingan. Charot.

"Ang ganda nga, e!" Sabi ni Dash.

Agad akong nahiya! Hindi ako sanay na may nag-sasabing maganda ako. Like, you know? Lakas mong pumuri sa sarili mo tapos kapag sa iba... nakakahiya!

"Putangina talaga," mura ko nang bumuhos ang ulan.

Hinila ako ni Phoenix at tinakpan ang ulo ko gamit ang isang braso niya.

Kaniya-kaniya silang pasok sa mga kotse nila. Agaran namang binuksan ni Phoenix ang kotse niya para makapasok kaming dalawa.

"Wiped yourself and also your hair. It's wet. Baka magkasakit ka lalo."

Madali niyang pinaandar ang sasakyan paalis sa lugar na iyon. Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan.

"Pwede bang pumirmi ka?" Tanong niya.

"Manahimik ka muna." Ewan ko ba! Hindi talaga ako mapakali!

"Pumirmi ka nga! Baka mas lalong sumakit ang ulo mo."

"Mama mo!" Tanging nasabi ko.

Wala na ako masabi! Kapag wala akong mapang-asar iyan ang kahuli-hulihang alas ko!

"Magiging soon-to-be Mommy mo."

Malutong na mura ang binigay ko sa kanya. "Bwakangpakshit ka! Gago! Tangina mo! Hindi magandang biro 'yan!"

Wala akong balak maging law ang nanay niya, duh? Hindi ko nga alam kung paano magiging law ang nanay niya at isa pa hindi ko kilala nanay niya, 'no. Tsk. Asa siya!

Napairap siya dahil sa pagmumura ko at mabilis na inapakan ang gas. Tarantado rin ang hayop, ayaw mag dahan-dahan sa pagdadrive, umuulan pa naman at siguradong madulas ang daan. Aksidente yata ang hanap nito.

"Sabihin mo sa Papa mo ang kalagayan mo para makatawag siya ng Doctor at matingnan ka," sambit niya.

Doctor talaga? Hindi ko kailangan no'n.

"Hindi ko na kailangan ng Doctor," sagot ko.

Hindi naman siguro matutuloy 'to.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para tignan ang mga post ni Harvey. Hindi ko kasi masyadong nakita kanina. At isa pa tinag niya ako. Siya lang yata ang friend ko sa Facebook wala ng iba. Sila Arvin in-add ako pero hindi ko in-accept dahil noong inistalk ko puro meme ang laman. At iba pang kagaguhan.

Famous na ba ako kapag umabot ng thousand likes ang picture ko? Marami rin comment. Hindi ko naman kilala, siguro gulat sila na may magandang katulad ko na nagpakita sa news feed nila.

Marvin Cervantes: Binebenta po namin siya. Ang issue laging nagmumura.

Rafael Miguel Ellis: PM lang sa may gusto.

Harvey Dale Quintos: Piem me!!

Sumama agad ang mukha ko sa nabasa. Punyeta na 'yan! Hindi po ako binebenta! Nakakaasar, mukha ba akong kabenta-benta? At saka, mahal po ang isang katulad ko.

May nag-notif bigla kaya binasa ko agad.

Gianna Wong: Hm????

Kumunot ang noo ko.

Gianna Wong?! Ito ba 'yong babae kanina na nagpakilala bilang Gianna? Ini-stalk ko ang profile niya at tama nga ako! Siya nga!

"Ano bang kinukunot ng noo mo diyan?" Tanong ni Phoenix habang nakatingin sa akin.

Nagcomment muna ako bago siya sagutin.

Darlene Miranda: Wala!!!! Sold out naaaa!!!!!! Bwisit.

"Wala." Itinago ko ang cellphone ko.

Ngayon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng bahay ko. Hindi na masyadong maulan kaya lumabas na ako sa sasakyan niya. Binaba niya ang bintana ng kotse niya. Nakatingin na siya sa akin.

"Salamat," sabi ko at tumango naman siya.

"Pumasok ka na. Bilis, baka maulanan ka pa. Uminom ka ng gamot mo kapag nag 9 PM tapos kumain ka rin," paalala niya.

"Oo na. Salamat ulit." Ang bait ni Phoenix, 'no? Ngayon lang 'yan, bukas wala na.

"Pasok na sa loob," ulit niya

Napatingin ako sa harap nang may bumusina. Nakasunod pala sila?

"Bye! Bye!" Sigaw nila habang nakadungaw sa bintana.

Inirapan ko si Arvin at Harvey nang magtama ang mga paningin namin. Akala nila, nakalimutan ko na? Ibenta daw ba ako? Pumasok na ako sa gate at dumiretso sa loob ng bahay.

Pagpasok ko agad kong nakita si Papa na nakaupo sa may counter bar may iniinom siyang alak at may kausap sa phone.

"Papa," tawag ko at lumingon naman siya.

Binaba niya agad ang tawag. "I'll call you back later."

"Have you eaten?" Tanong niya at humawak sa pisngi ko. "Sweetie, are you sick? Mainit ka." Hinawakan niya ang noo ko.

Umiling ako. "Hindi, Papa," sagot ko. "Busog pa ako pinagmerienda ako ni madam Faye kanina."

"Madam Faye?"

"Ah... 'yong Nanay ng schoolmate ko," paglilinaw ko. "Papa, sino si Anya?" Tanong ko nang maalala ng may binanggit siyang pangalang Anya.

Nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya o hindi. Umubo siya saglit bago mag-salita.

"Anya is your brother's schoolmate back then. May gusto si Anya sa kaniya pero mapili ang kapatid mo." Tumawa siya. "He doesn't like annoying woman like her."

Kahit ako natawa.

Akalain mong maarte talaga si Kuya sa babae? Gusto siya ang hinahabol. Kinginang 'yan.

"Naiinis siya kapag binabanggit ang babaeng 'yon," dagdag ni Papa.

Saglit kaming nagkwentuhan ni Papa bago niya ako paakyatin sa taas para makapagpalit ng damit. Paakyat pa lang ako ay nakasalubong ko na si Kuya na nabusangot ang mukha. May hawak pa siyang gatas.

Pumasok sa isip ko si Anya.

"Anya pala, ah?" Nginisian ko siya.

Masama niya akong tiningnan. "Where did you know that?"

"Kay Papa," sagot ko. "Akalain mong may nagkakagusto sa 'yo, Kuya?"

"I don't like her so shut up. And please, Darlene, huwag mong banggitin ang pangalan niya dahil nabibwisit ako." Umalis na siya sa harap ko.

"Shut up my ass!" sagot ko bago pumasok sa kwarto ko.

Hinubad ko agad ang sapatos ko at pabatong hinagis ang bag ko sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa nang mag-beep hudyat na may nag-text.

From: Unknown Number
Hi!! I'm so happy to meet you❤️

Tangina, sino 'to?

From: Unknown Number
Btw, this is Gianna❤️.

Napanganga ako.

From: Unknown Number
Hindi ako naniniwalang sold out na. No one owns you. So pwede na ba kitang iuwi?

Mas lalo akong napanganga.

Seryoso ba ang Gianna'ng ito?

Pinatay ko ang cellphone ko at tinabi sa vanity table. Dumiretso ako sa bathroom ko para makapaglinis ng katawan at makahiga na sa kama. Nag-pajama ako dahil sobrang lamig talaga ng nararamdaman ko.

Pinatay ko rin ang aircon dahil nilalamig ako! Ang bigat ng ulo ko maging ang katawan. Antok lang siguro ang sakit ng ulo ko kaya itinulog ko na lang baka bukas wala na 'to.

Nagising lang ako dahil may humahawak sa noo at leeg ko. Nagmulat ako ng mata at si Papa at Kuya ang bumungad sa akin. Galing siguro siyang labas. Ang ayos ng dating niya, e. May hawak pa siya ng susi ng kotse.

"You're sick, Lin. Sobrang init ng katawan mo lalo na ng ulo mo." Marahan ang boses ni Kuya. "Eat your food first and drink your medicine."

"Masakit ang ulo ko, Kuya..." paos ang boses ko kaya napaubo ako.

"Hindi naman ang ulo mo ang kakain. Ikaw."

Kahit masakit ang ulo ko napairap ako. Ang pilosopo naman, e!

"Let me help you." Inalalayan ako ni Papa para makaupo. Kinuha ni Kuya ang bed table at nilapag sa harap ko.

Nilagay niya ang... hindi ko alam kung ano ang pagkain 'yon. Basta sabaw na may noodles.

"Come on. Eat this." Kinuha ni Papa ang kutsara saka sumandok. Hinipan niya 'yon at tinapat sa akin. "Here, sweetie." Kinain ko ang nasa kutsara.

Takte, dati pa nila 'to ginagawa sa akin tuwing nagkakasakit ako. 'Lagi pa sila sa kwarto ko natutulog noon.

"Bakit ka ba nagkasakit?" Tanong ni Kuya.

"Basta, Kuya," sagot ko.

"Bakit nga?" Ulit niya.

"Basta kasama ko si Velasquez," sagot ko na lang.

Nagsalubong ang kilay niya. "That shit."

"Drake," saway ni Papa. "Saan kayo nagpunta?"

"Uhm, naulanan ako, eh. Kaming dalawa. D'yan lang 'yon sa village."

Kinuha ko na kay Papa ang pagkain para ako na ang gumawa at para na rin makaiwas sa tanong ni Kuya. Napapaso ang dila ko dahil hindi masyadong nahihipan. Nang matapos kinuha ni Kuya at pinainom ako ng tubig.

"Did you drink medicine earlier?" Tanong ni Papa.

Tumango ako. "Kanina sa school, binigyan ako ni Velasquez ng gamot tapos kaninang six pinainom niya rin ako."

"Then, that's good," ani Papa. "Inumin mo na rin 'to." Nagbaba siya ng gamot.

Ininom ko na lang 'yon para makahiga na ulit ako. Nag-paalam na may kukunin lang si Papa sa kwarto pero babalik rin siya. Si Kuya naman kinuha ang laptop niya, mukhang hindi pa siya natutulog dahil may ginagawa pa siya. Bumalik na rin naman siya agad.

Dinampot ko ang cellphone ko nang tumunog. Mukhang sa telepono lang tumawag 'to. Napatingin pa si Kuya sa akin. Nag-alangan tuloy akong sagutin.

"Hello?" Sagot ko.

"[Miranda, did I wake you up?]" Boses agad ni Phoenix ang narinig ko.

"H-Hindi. Gising naman ako, bakit?"

Kunyari pa 'tong si Kuya. Kunyaring may ginagawa pero ang totoo n'yan, nakikinig sa usapan namin ni Phoenix.

"[I want to ask. Did you take your medicine? It's almost ten in the evening.]"

"Oo, nagising kasi ako dahil kay Kuya at Papa."

"[Why?]"

"Nilagnat kasi ako pero nakainom na ulit ako ng gamot kaya medyo maayos na ako. Pinainom na nila ako."

"[Then, you should rest now.]" Aniya. "[I'll hang up now, Miranda. Good night and take care.]" Agad niyang binaba ang tawag.

Tinabi ko na lang ulit ang cellphone ko at nahiga ng maayos. Mabilis naman akong nakatulog kaya hindi na ako nahirapan.

Nagising ako alas-dos na ng hapon. Hindi ako nakapasok pero sinabi pala ni pala kay Ms. Catalina na nilalagnat ako. Sinabi niya namang magpahinga ako kaya ayon ang ginawa ko sa buong maghapon.

Nasa loob lang ako ng kwarto. Nakatanggap ako ng mga chats galing sa mga gunggong kaso hindi ko mareplyan. Wala namang nangyari bukod sa pag-aalaga nila Papa sa akin. Idagdag mo na si Phoenix na maya't maya ang tawag para kumustahin ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga para tingnan ang nasa labas ng balcony. Medyo kinakabahan pa ako kasi panay ang katok.

"Ang tagal mo naman."

Nagulat agad ako nang marinig ang boses ni Phoenix. Nilingon ko kung nasaan siya, nasa railing ng balcony at doon nakasandal.

"Tangina, anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko. "Kapag ikaw, nakita ni Papa rito! Lagot ka! Paano ka nakaakyat?"

"Hindi mo ba alam?" Tanong niya.

Nagsalubong ang kilay. "Ano'ng alam?"

Tumayo siya nang maayos saka ako tiningnan ng maigi. "May kapangyarihan akong lumipad kaya nakaakyat ako rito ng walang kahirap-hirap. At nakarating rito ng walang kahirap-hirap."

Napaatras naman ako sa sinabi niya. "G-Gago? Totoo?" Paninigurado ko.

Bigla naman siyang tumawa nang malakas kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.

"Gago ka. Ang ingay mo." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinalubong naman niya ang tingin ko.

Napatigil naman ako dahil ang lapit niya sa akin. Tinanggal ko ang kamay ko at umayos.

"Darlene!" Nakarinig kami nang pagbukas ng bintana sa kwarto ni Kuya!

Magkalapit lang ang kwarto namin!

"Ang ingay mo, Darlene! Sino bang kausap mo diyan?"

Lakas ng pandinig ni Kuya!

"Tangina!" Taranta kong sabi at pumasok sa loob, hindi siya sumunod kaya hinila ko siya papasok sa kwarto ko. Isinara ko ang sliding door ng balcony. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"I want to make sure if you're okay," sagot niya at inikot ang paningin sa kwarto ko.

"Okay na ako!"

"No, you're not. Mainit pa ang katawan mo nang hawakan mo ako kanina, naramdaman ko," kontra niya. "Your room has a lot of stuffs." Naglakad siya sa mga picture frames. "Wait, is this you?"

Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang tinitignan niya.

Baby picture ko 'yon! Nakapink headband ako na may white ribbon sa gilid tapos nakadapa sa color pink na higaan. Nakasuot ako ng pink na paldang manipis para matakpan ang ibaba ko. Nakasubo ang isang kamay habang nakatingin sa camera.

Ang puti ko noong baby ako!

"Ako 'yan."

"Panahong hindi ka pa marunong mag-mura."

"Namamakyu na kaya ako niyan." Napalingon siya sa akin. "Biro lang." Mahina akong tumawa.

Kinuha ko sa kamay niya ang picture. Iyong debut picture ko naman ang kinuha niya. Bahagya siyang napatigil at napatitig sa picture ko.

"Oh, baka gusto mong kumuha?" Biro ko. "Remembrance para sa kagandahan ko. Para hindi mo makalimutan."

Napairap siya. "Mas gusto ko 'to." Tinuro niya ang isang picture na nakawhite dress ako at may hawak na puting bulaklak.

"'Wag 'yan."

"Why?"

"'Yan na lang ang matino kong picture na naka-ganiyan. For purposes 'di ba? Malay mo kailanganin ko." Tinalikuran ko siya at iniwan siya roon sa may mga picture.

Nahiga ako sa sofa ko kahit may kama naman.

"Then I prefer this one." Kinuha niya ang baby picture ko.

Humikab ako.

Tangina, ano'ng oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi para silipin ang oras at alas-sais na! Parang kakatingin ko lang kanina ay maliwanag pa noong lumabas ako tapos medyo madilim na ngayon?

"By the way, did you take your medicine?" Tanong niya saka lumingon sa akin.

"Oo, kani-kanina lang," sagot ko. "Kakatapos ko nga lang rin kumain."

"Talaga lang, ah."

"Hoy, lumayas ka sa kama ko." Nahiga kasi siya do'n tapos feel na feel pa. "Kapag ikaw nahawa sa akin."

"Edi aalagaan mo 'ko," simpleng sabi niya.

"Ano ka chicks? Hindi mo nga ako inaalagaan tapos aalagaan kita." Matapos kong sabihin 'yon ay tumayo siya.

"'Yon lang pala ang gusto mo. E'di, aalagaan kita," aniya at binuhat ko.

"Gago ka! Ibaba mo ako!"Hiniga niya ako sa kama at kinumutan.

"Matulog ka na. Ako ang mag-aalaga sa 'yo habang may sakit ka," ngumisi siya.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

735K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
48.5K 1K 62
[Book 1] This fanfiction is about Bellatrix Mikaelson, The original heretic and half-sister of Kol, Klaus, Elijah, Freya, Henrik and Finn Mikaelsons...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...