The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 88.6K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 18

33.1K 865 172
By whixley

Chapter 18: Necklace

Hindi maganda ang desisyon kong sumakay sa kotse nitong gunggong na 'to. Dapat pala kay Dash na lang ako nakisakay o kaya kay Harvey.

"Tangina, kapag hindi ka pa tumigil ingungod kita d'yan sa manibela mo!" Tinapunan ko ng masamang tingin si Phoenix.

Panay ang panggagago niya sa akin. Akala mo naman close kami. We just kissed, okay, pero hindi kami close, 'no!

"Anyways, what did you and Laureen talk about?" Bahagyang sumeryoso ang boses niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko. Ang sabi sa akin ni Laureen huwag ko daw ipapaalam sa kanila ang napagusapan naming dalawa kaso demonyo ang nagtatanong sa akin.

"Tungkol sa..." Ano kaya ang magand palusot? "... inyo! Oo, sa inyo." Umiwas ako ng tingin.

"You're lying."

"I'm not lying, I'm Darlene," pamimilosopo ko.

"I'm serious." Umayos agad ako. "Did you ask about Iris?"

Teka nga, paano niya nalaman? O bakit ba siya nagsu-suspense? Ano may mata na rin siya sa buong school?

"Hey!" Tawag niya.

"Curious nga kasi ako," inis kong sabi.

Curious kung ano ang nangyari noon. Gusto ko lang naman malaman, e. Tsaka, gusto ko lang malaman kung mahalaga ba 'yon sa kanila at sa kaniya? At sa nakikita ko naman, e, mahalaga 'yon sa lalaking kasama ko.

Nakakagalit lang dahil after lahat ng nangyari ay umalis siya na parang walang kasalanan. Dapat alam nila na kahit gago sila, e, deserve rin nila ng love ans care kahit hindi nila girlfriend, kumbaga as a friend lang.

"You don't have anything to be curious about. She's just nothing."

"She just nothing pero mahal mo. . . ano kaya 'yon," sambit ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sabay tingin sa akin. Hindi siya nagsalita at nag-drive nalang papunta sa food court. O, 'di ba, tama ako. Mahal niya pa rin 'yon. Pero wala naman akong pakialam sa kanila, e, buhay naman nila 'yon.

Pero kung ako 'yon... hindi ko siya sasaktan. Hindi ko sasaktan ang katulad ni Phoenix, imagine katulad ni Phoenix ang magmamahal sa akin? Gago, para kang nanalo sa lotto. Ang pogi kaya niya tapos halatang caring and loving, hindi niya lang inilalabas ang true side niya.

Pero more week, tingnan mo... lalabas ang true side n'yan. Lalabas ang caring ang loving side niya. Sus, ako pa ba? Lahat yata minamahal at iniingatan ako. Pero syempre, hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya!

Bakit naman mangyayari 'yon? Bigyan niyo nga ako ng malalim na rason kung bakit. O 'di ba, wala? Kaya never mangyayari 'yon.

Pumikit na lang muna ako para umidlip tutal traffic sa daan. Hinilig ko ang ulo sa bintana. Habang nakapikit may naririnig ako na may sinasabi siya kaso hindi ko maintindihan. Hinayaan ko nalang.

"Ay, putangina." Napahawak ako sa noo ko nang nauntog sa harapan. "Bakit ba basta-basta ka humihinto?"

Ang sakit!

"Fasten your seat belt, Miranda."

Ginawa ko na lang ang sinabi niya para hindi na kami magtalo.

Nang makarating kami sa food court, una akong bumaba, maghahanap pa kasi siya ng parking. May tinitingnan ako sa cellphone habang papunta kung nasaan sila.

"I'm sorry, Miss," sambit ko nang mabunggo ko ang babae sa harap ko.

"Ayos lang." Umalis agad siya pero sinundan ko siya ng tingin.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Wala pa masyadong tao sa food park. Nagkanya-kanya silang bili ng pagkain. Ang sabi nila, ililibre daw nila ako ng pagkain, hindi na ako tumanggi dahil masamang tumanggi sa grasya.

Mga nag-lapag sila pagkain sa harap ko.

"Ang yaman niyo, ha. Baka ibili niya ako ng mansion," biro ko.

"Grabe naman 'to, binili ka lang ng pagkain, e, biglang humiling ng mansion," komento ni Rafael.

Natawa ako pero agad rin tumigil. Pakiramdam ko ay may mali. Pinilig ko ang ulo ko at hinayaan ang mabigat na atmosphere.

Nagsikuhaan sila ng upuan sa ibang table at pilit na pinagkasya ang mga sarili sa isang table. Syempre as girl, ako dapat sa gitna! Nakikinig ako sa usapan, I mean asaran nila.

"Nasa impyerno yata ako," biglang sabi ni Arvin at inirapan si Harvey.

"Bakit naman?" Tanong ko bago kainin ang isang barbecue.

"Para kasing demonyo itong kausap ko," sagot niya at masamang tiningnan si Harvey.

"Tumigil na nga kayo," awat ni Dice. "Nsisira ang ka-gwapuhan ko sa inyo."

Napangiwi ako. Ang hangin niya talaga! Ramdam niyo ba?

"Grabe sa kakapalan ng mukha," sabad ni Owen.

Napatigil ako sa pagkain nang may mapansin. Tumingin ako sa kaliwa't kanan pero malayo naman ang tao. Pakiramdam ko kasi may nanonood sa amin. Baka guni-guni ko lang 'yon.

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Rafael.

Umiling ako. "Wala."

Kinain ko na ang natitirang pagkain pero napapikit ako nang may mag-flash na liwanag sa harapan ko. "Rafael, ang sakit sa mata!"

Hinawakan ko pa ang mata ko. Tiningnan ko si Rafael na may hawak ng camera at nakatutok sa akin. Tinulak ako ni Phoenix papalayo sa kaniya para hindi makuhaan ng larawan. Muntik pa akong mahulog sa ginawa niya pero nahawakan naman niya ang palapulsuhan ko. Masama ko siyang tiningnan pero hindi niya ako pinansin. Binawi ko ang kamay ko at umayos ng upo.

Naramdaman ko nang nasa likod ko na silang lahat at panay ang hawak sa buhok at pilit na tinatayo. Ano bang akala nila sa buhok ko? Alambre?! Sinundot ni Trevor ang pisngi ko kasabay no'n ang pag-click ni Rafael sa camera.

"Smile!" Sigaw niya.

Hay nako, para silang tanga. Ine-experiment yata nila ang buhok ko. Napapatingin ang ibang tao sa amin. Dumarami na rin ang tao sa food park kaya ako ang nahihiya ang ginagawa nila.

Hindi ko po sila kilala!

Nakakahiya talaga sila minsan kasama.

"Ano ba!" Inalis ko ang mga kamay nila sa ulo ko.

Napapikit ako nang sunod sunod na magflash ang ilaw ng camera! Ang pangit ng itsura ko! Malakas ang tawa ni Rafael habang tinitingnan ang lahat ng picture.

"Patingin nga!" Inagaw ko ang camera. "Sasakmalin ko kayo kapag ito pangit!"

Kinuha ko ang camera sa kamay niya para tingnan lahat ng picture. Napakunot ang noo ko nang makita ang itsura ko. May larawan na nakapikit ako at sumisigaw. Mayroon din na picture na tinulak ako ni Phoenix at muntik akong malaglag, si Trevor naman na tinusok ang pisngi ko. At 'yong mga gunggong na pinaglalaruan ang buhok ko.

Blurred ang picture na 'yon pero kita ang mga mukha namin. May naka-bad finger rin sa taas ng buhok ko at dalawa pa, ah?! Parang sungay tuloy ang datingan. At higit sa lahat may stolen pictures ako!

"Napakasama mo." Masama akong tumingin kay Rafael pero tinawanan niya lang ako.

"Next time sa Amusement Park tayo," suhestiyon ni Owen. "Sa EK tayo!"

May memories ako doon, eh. Doon ko kasi unang nakita ang aking twin-brother after namin maghiwalay noong dalawang taon ako.

"Sige ba. Basta libre mo."

Kaagad na umayaw si Owen. "Pakyu!"

Pinanliitan ko ng mata ang mga gunggong habang pinagtatawanan ang stolen pictures ko. Binato ko ng plastic cup si Dash sa sobrang lakas ng tawa niya.

Napatingin kami kay Phoenix nang bigla siyang tumayo at hawak hawak ang cellphone.

"I need to go home." Umalis nalang siya bigla.

Luh? Saan siya pupunta?

"Ano ang nangyari doon?" Tanong ko.

Si Trevor ang sumagot. "Emergency sa bahay nila."

Anong klaseng emergency naman 'yon? Nilingon ko na lang ang sasakyan niyang papalayo.

Tumunog ang cellphone ko kaya nagpaalam akong sasagutin ko muna ang cellphone ko. Napalunok ako nang makita ang pangalan ni Kuya sa screen.

Oh my gulay.

"Kuy—" Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"[Where the fuck are you, Darlene?!]" Galit na bungad niya. Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Papa. "[Drake, don't shout at her, that's our number one rule—Okay, fine. Darlene, nasaan ka?]

Magkasama pala sila?

"Nasa food Park. Sa plaza," sagot ko.

"[I was waiting there! Tapos nand'yan ka lang pala. Kasama mo ba sina Nix mo?]" Napahawak ako sa tainga ko.

Nuxs, feeling close pala si Kuya kay Phoenix, eh.

"[Dra—]"  Hindi natuloy ang sasabihin ni Papa dahil mukhang lumabas si Kuya. Nakarinig din ako nang malakas na pagsara ng pinto.

"Oo," sagot ko.

"[Alright. May napapansin ka ba d'yan?]" Nagbago ang ekspresyon ng boses niya.

"Kanina, oo. Parang may nanonood sa bawat galaw namin," sagot ko ulit at inikot ang paningin sa buong lugar.

Pero guni-guni ko lang naman 'yon!

"[Umuwi ka na. May susundo sa 'yo d'yan.]" Mabilis niyang sabi bago ibaba ang linya.

Napakamot ako sa ulo habang pabalik sa pwesto namin. Nakatingin sila sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. May sasakyan na huminto sa harapan namin, lumabas si Rachel at hinihintay akong pumasok.

"Uwi na ako." Inayos ko ang gamit ko.

Halata sa itsura niyang ayaw nima pa akong pauuwiin.

"Salamat sa libre. Nag enjoy ako," ngumiti ako sa kanila.

Umalis na ako pero nakakailang hakbang pa lang ako ay agad nila akong pinigilan.

"T-Teka lang!" Pigil ni Harvey.

Tiningnan ko sila. May kinuhang dalawang maliit na paper bag si Trevor at binigay sa akin. Iniwas niya ang tingin. Kumunot ang noo ko pero kinuha ko pa rin sa kamay niya. Hindi na ako nagtanong at pumasok na lang sa kotse. Binuksan ko ang bintana at kumaway sa kanila.

Muntik pang maipit ang ulo ko nang biglang sinara ni mareng Rachel ang bintana. Kinuha ko na ang cellphone ko nang maka-tanggap ng mensahe.

From: Harvey Pangit
Darlene, Bksn m nlng s bhy mue yn.

Nag text lang ako sa kanya ng 'okay' at pinatay na ang cellphone ko. Pinagmasdan ko ang labas tatak ng paper bag. Pandora ang nakalagay pero iyong isa ay hindi ko alam ang tatak. Iba kasi ang language.

Nang makarating kami sa bahay. Nandoon si Papa at Kuya, may pinag-uusapan na mukhang mahalaga.

"I already talked to Mama," narinig kong sabi ni Kuya.

Si Mama? Ano ang pinag-usapan nila? Hindi muna ako nagpakita at nanatiling nagtago sa pader.

Hindi sumagot si Papa, ininom niya lang ang alak sa baso niya bago seryosong nakatingin kay kuya. "How about your brother?"

Oh, ang kapatid ko. Ang naririnig ko kay Tita Beatrice nasa Australia daw ang kapatid ko kasama si Mama. Ibig-sabihin kung nandito siya, nandito rin si Darius.

"Hindi siya kasama ni Mama," sagot ni Kuya. "Mama wants to meet Darlene, Papa, kaso ayaw ni Darlene."

Hindi naman sa ayaw. Hindi ko lang kasi kayang makita si mama. Alam mo 'yon? Ang sakit ng ginawa niyang pag-iwan sa akin tapos babalik siya parang hindi niya ako iniwan. Gano'n-gano'n na lang 'yon?

Pero sabi ko nga, hindi ako sakin sa pagpapatawad kaya patatawarin ko siya sa abot ng makakaya ko. Handa akong pakinggan ang lahat ng rason niya pero hindi pa kasi oras. Hindi pa ako handang makita siya. Nasasaktan pa rin ako kapag naiisip kong iniwan niya ako. Biruin mo ilang years siyang wala sa buhay ko, ilang years akong walang ina, ilang years akong hindi nakaramdam ng pagmamahal ng isang ina tapos noong finally nagkita kami, tinanggi niya ako sa lahat bilang anak niya?

"I understand her," narinig kong sabi ni Papa. "Let's give her time."

Buti pa si Papa. Kaya labs ko 'yan, eh, kahit dragon siya minsan.

"Time? Hindi pa ba sapat ang oras na binigay natin sa kaniya?!" Inis na tanong ni Kuya.

Pa-epal talaga 'to! Umirap ako kahit hindi niya nakikita.

"Sige, kapag napilit mo siya. Papayag ako kaso kapag hindi, ide-date mo si Anya," sambit ni Papa at agad namang napamura si Kuya.

Hindi ko kilala ang Anya na sinasabi ni Papa. Pero ayon sa reaksyon ni Kuya, mukhang hindi niya bet ang babae.

Napangisi ako. May kaartehan din pala si Kuya sa babae.

Anya pala, ah.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa tinataguan ko. Napatingin sila sa akin nang umupo ako sa sofa.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Napahikab ako.

Kung makatingin kasi sila parang hinahanapan ako ng sugat o galos. At kung tatanungin niyo ako kung narinig ko ang pinag-uusapan niyo. Oo, ang isasagot ko.

"Nothing."

Nagkibit balikat na lang ako at hindi sila pinansin. Tumingin ako sa picture naming nasa harap ko. Hindi rin nagtagal ay tumayo ako para umakyat kaso nagtanong si Papa kaya tumigil ako sa harap ng hagdan at hinarap siya.

"Darlene, nagpakita na ba sa 'yo ang kapatid mo?" Tanong niya.

"Hindi," umiling ako.

Bakit naman siya magpapakita? At kung magkikita man kami baka hindi kami makapag-usap ng maayos. Hindi kami maayos. Galit siya sa akin... at hindi ko alam ang dahilan.

Nagpaalam ako na aakyat na para magpalit ng damit. Naligo na rin ako para matutulog na lang ako mamaya. Sinuot ko ang banana pajamas ko, ito ang regalo sa akin ni Kier noong debut ko may kasama itong pera sa loob. Ang yaman, 'no? Sana all.

Kinuha ko rin ang dalawang paper bag na bigay sa akin kanina ni Trevor. Una kong binuksan ang nasa Pandora na paper bag. Kinuha ko ang nasa loob no'n at binuksan para makita ang laman. Kumikinang na diamond bracelet ang nakalagay.

Mukhang pinasadya niya ang bracelet na 'to dahil may 'michelle' na nakaukit. Hindi lang bracelet ang nasa loob dahil may dalawa pang box. Binuksan kong pareho ang box. At napanganga nang makita ang dalawang pares na diamond earrings. Maliliit ang mga 'yon pero makikita ang kinang kapag natapatan ng liwanag.

Pinagmasdan ko ang hikaw sa salamin. Maganda ang hikaw pero hindi ako nagsusuot ng ganito baka kasi maholdap ako. Sayang naman, 'di ba?

Binalik ko na sa box ang bracelet at ang mga hikaw. Kinuha ko naman ang isang white paper bag na may kakaibang tatak.

Pagkabukas ko ng box isang necklace na may diamond pendant sa gitna. Pero may napansin ako sa likod ng pendant, parang may kakaiba. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yo. At sinukat ang kwintas. Sakto lang sa akin.

Kita ko ang pagkinang ng diamond sa salamin. Napansin ko ang sulat na nakadikit sa paper bag.

Always wear this, please.

- Nix.

Ayan ang nakasulat sa papel.  Nilukot ko 'yon at tinapon. Tinabi ko na rin ang kwintas. Alangan namang mag-kwintas ako sa bahay? Nilagay ko sa vanity table ang dalawang paper bag at bumaba.

Kumain lang kami nila Papa ng dinner. May pinag-uusapan silang event, hindi ko alam kung ano. Nakikinig na lang ako sa kanila at minsan sumasagot kapag tinatanong nila.

"How's your study, Lin?" Tanong ni Papa.

"Ayos naman daw siya," sagot ko at nginuya ang strawberry. "Medyo mahirap pero kaya naman daw niya."

Napailig si Papa sa sinabi ko.

Nang matapos kaming kumain, dumiretso ako sa music room para makapag-gitara kaso naburyo ako kaya pumunta na lang ako sa kwarto ko habang bitbit ang gitara.

Nahiga ako sa kama habang nag-i-strum. Tinabi ko na ang gitara ko at kinuha ang kwintas na bigay ni Phoenix. Sinukat ko ulit 'yon at tumingin sa salamin bago bumalik sa kama. Naghihintay ako ng oras para makatulog pero umabot ng alas-dose ng gabi, hindi ako dinalaw ng antok kaya kumuha ako ng pera bago bumaba.

Dahan-dahan lang ang lakad ko para hindi marinig ang yabag ng paa ko. Hanggang sa makarating ako sa baba, gano'n ang ginagawa ko. Pati ang pagbukas ko ng gate ay dahan-dahan lang.

Nang makalabas ako sa gate agad akong nag-lakad papalayo. Alam ko may kainan ditong 24 hours, eh. May nagtitinda ng lugaw at inihaw ng ganitong oras sa village, angas, 'di ba? Sa amin lang mayroon nito.

Napatigil ako dahil umaambon! Malas talaga! Wala pa naman akong suot na hoodie basta-basta lang ako umalis! Maliligo na lang pala ako sa ulan kapag lumakas. Wala lang, trip ko lang maligo, ganorn.

Mas lalong lumakas ang ulan kaya tumigil ako sa paglalakad para magpaulan. Inangat ko ang dalawang kamay ko habang dinadama ang ulan sa balat. Nag-angat pa ako ng tingin sa langit pero agad rin pumikit.

May humawak sa kamay ko kaya nagulantang ako. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at pinasulong sa payong.

"Putangina! Bitawan mo ako!" Sigaw ko. "Tang—" May humawak sa bibig ko at hinila papunta sa may waiting shed.

"It's midnight and yet you're here? Tapos umuulan pa?" Napatigil ako nang marinig ang boses ni Phoenix. "Tapos feel na feel mo pa 'yong ulan, ano ka nasa commercial?"

Inalis ko ang kamay niya at humarap. "Gago, ano ang ginagawa mo rito?!"

"You, what are you doing here?" Nagtaas siya ng isang kilay.

"Hindi kasi ako makatulog!" Babalik na sana ako sa ulan kaso hinawakan niya ang braso ko. "Maliligo nga ako sa ulan!"

"It's cold!" Saway niya.

"Hindi ako nilalamig." Pumunta ako sa gitna ng ulan. "Joke lang 'yong hindi ako nilalamig." Biglang humangin nang malakas kaya nililipad ang buhok ko.

Binuksan ni Phoenix ang payong niya at naglakad papunta sa akin.

"Huwag ka ng mag-payong. Liliparin lang 'yan sa sobrang lakas ng hangin," sabi ko at naglakad para pumunta sa lugawan.

"Fuck!" Mura niya nang liparin ang payong niya nang wala sa oras.

Tinawanan ko ang itsura niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Stop laughing!"

"Ang arte mo kasi! Payong-payong ka pa, mababasa ka lang din naman," sambit ko, mas lalong lumakas ang ulan kaya nabasa kaming dalawa.

Tumutulo na ang tubig sa buhok niya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang isang kamay.

"Kapag ako nagkasakit, aalagaan mo ako!" Napahilamos siya sa mukha.

Tumaas ang kilay ko. "Edi wow!" Sagot ko. "Hindi ka ba marunong mag-alaga ng sarili mo?"

Hindi siya sumagot dahil tinatanggal niya ang wallet niya at nilagay doon sa waiting shed.

Napatigil kaming dalawa nang may marinig kaming kanta.

"Binibini 'yong kanta, 'di ba?" Tanong ko sa kaniya.

Iyong kay Zack Tabudlo? Huy, hala, favorite ko 'to! Tumango siya kaya napangiti ako.

"Let's dance?" Nilahad niya ang kamay.

"Sa ulanan? Ano 'yon joke? Tigilan mo ako, Velasquez," sagot ko.

"Ikaw ang maarte rito, Miranda." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at ang isa ay nasa baywang ko. "It's just a dance!"

Napilitan akong ilagay ang isang kamay ko sa balikat niya bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya ang tingin ko nang walang pag-aalinlangan. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon ko lalo na't siya pa ang nasa harapan ko.

Bahagyang nanuyo ang lalamunan ko. Normal lang ba na bumilis ang tibok ng puso mo habang isinasayaw niya ako sa gitna ng malakas na ulan?

Diretso lang ang tingin niya sa akin bago ko inikot ang sarili ko. Ginalaw niya ng mabagal ang katawan namin nang paikot, parang sakop namin ang buong gitna ng daan dahil sa sayaw na ginagawa namin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang pinagdikit niya ang noo namin bago niya halikan ang noo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
166K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...