The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.2K 17.6K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 14

34.5K 856 148
By whixley

Chapter 14: Ex

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga lintek sa harap ko. Ano ba ang ginagawa nila dito? At talagang pinapakialaman pa nila ang kusina namin. May hawak na spatula si Dash at mukhang nagluluto, si Harvey nag-ayos ng mga plato sa lamesa.

Teka, ano ang akala nitong si Harvey, nakalimutan ko na ang ginawa niya si GC? Aba, hindi, 'no! Yari 'to sa 'kin.

Napatingin ako sa kabila. Nahuli kong may ginagawa rin Trevor at Gael. Nilalagyan nila ng harina 'yong chicken. Mukhang 'yon ang niluluto ni Dash. Bahagya pang tumalsik ang mantika kaya inangat niya ang hawak na payong.

Napailing nalang ako sabay baling kay Phoenix na nakatulala. Luh, mukhang tanga, ah? Ano ang nangyari dito?

"Ano ang meron dito?" Tukoy ko kay Phoenix.

"Ehem, hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang nabasa niya sa chat, lalo na 'yong huling nag-chat sa kaniya? Shoot na shoot!" Halakhak ni Finn.

Natigilan naman ako. Iyon ba ang chat ko kagabi? Akalain mo nga naman may impact pala 'yon sa kaniya. Gusto kong matawa sa itsura niya kaso napatingin ako sa iba.

"Ano ang ginagawa niyo sa bahay ko?" Kalmado kong tanong.

"Your house, really?" si Phoenix nang makabawi, nakaupo na siya sa tapat ng bar counter at may iniinom na kape.

Ang kapal talaga nito. Ang yaman-yaman tapos kape hindi pa makabili at dito pa talaga dumayo.

"Sus. . . wala na 'yong kilig niya," pang-aasar ni Finn.

Kaagad na binato ni Phoenix ng kutsara si Finn. "Shut up and you. . . shut up." Tumingin siya sa akin.

"Tumahimik ka rin, baka mabato ko 'to sa 'yo nang wala sa oras," sabi ko at itinuro ang kawali.

Tumahimik naman siya at uminom ng kape niya.

Hinanap ng mata ko si Harvey dahil biglang nawala at saktong nakita ko siyang tinatago ang sarili kay Dash na halatang bwisit na bwisit na. Nakahawak pa sa damit ni Dash na animo'y parang bata at ayaw mahiwalay sa nanay niyang kailangan magtrabaho. Iritadong hinawi ni Dash ang kamay ni Harvey.

"Hoy!" Tawag ko sa kaniya at lumingon siya. "Ibubura mo ang video o ingungungod kita dito?" Tinuro ko ang sandamakmak na harina sa lamesa.

"Kasi naman! Remembrance 'yon!" Sabi niya at bahagyang ngumuso.

"Remembrance para saan?"

"In your stupidity," sabat ni Phoenix dahilan para tumawa ang iba.

"Akala ko ba tatahimik ka ng letche ka? Tahimik!" Sabi ko at umirap naman siya.

"Malay mo mag-viral, 'di ba? E'di sikat ka na!" Pang-aasar ni Rafael. Halata pa rin ang black eye sa mata niya.

"Tapos 'yong title 'Babae sumubsob dahil sa sariling katangahan," si ni Finn habang may kinakalikot sa laptop.

Mukhang importante dahil hindi niya magawang alisin ang paningin do'n. Sinubukan kong tumingin kaso hinarangan niya ako. At sa hindi inaasahan nakita kong may ine-edit siyang video at 'yon ay ang video ko kung paano ako sumubsob! Mukhang balak pa yatang gawan ng remix.

"Tangina naman, oh! Buburahin mo ba 'yan o hindi?!" Pinanlakihan ko ng mata si Finn.

"Ayoko. . ." pang-aasar pa niya.

Umirap ako. Ang dali-dali lang naman ng pinapagawa ko. Ide-delete lang naman. Gusto pa yatang umiyak muna ako bago gawin. Hmp.

"Pabayaan mo na sila," sabi ni Arvin at binigyan ako ng fried chicken. "Kumain ka na lang. Hindi natin sila bibigyan."

"Napakakapal naman ng mukha mo!"

Kaniya-kaniya silang komento nang marinig nila ang sinabi ni Arvin. Ngayon ko lang napansin na ang daming pagkain sa lamesa. Tumulong ang mga helpers para maayos ang lahat dahil hindi marunong ang mga lalaking 'to na mag-ayos.

Nakaupo naman ako sa tabi ni Phoenix.

"Darlene. . . you know. . ." Tumingin ako kay Phoenix. "Nakanganga ka pala kung matulog," mahinang sabi niya at bahagya pang natawa

"Ang kapal mo naman." Hindi ako nakanganga kung matulog!

"Nakanganga ka nga kung matulog."

Lakas talaga mang-asar nito.

"Ulol," sabi ko.

"Miss, inumin niyo raw po." Nagbaba ng gatas ang isang helper.

"Hindi na ako nag-gagatas." Ang laki-laki ko na tapos mag-gagatas pa ako?

"Sabi ni Mr. Miranda ay inumin niya raw po 'yan," umalis siya sa harap ko.

"Hindi na ako bata..." sabi ko.

"Drink your milk," sabi ni Phoenix.

"Okay, Kuya," biro ko.

Muntik na niyang mabuga ang iniinom dahil sa sinabi ko.

"What the fuck?" Hindi niya nagustuhan ang salitang 'Kuya'. "Don't call me that. Yuck."

Tinawanan ko lang siya.

"We almost did on the fucking cubi—" Nilagyan ko ng tinapay ang bibig niya.

"Ang gago mo naman," masama akong tumingin sa kaniya.

Nang matapos magluto ay inihain niya na ang pagkain sa lamesa. Naupo na rin ako sa vacant seat. Nasa pinakadulo ako nakaupo at ang mga nasa gilid ko ay sila Phoenix at Trevor.

Tahimik lang si Phoenix sa gilid ko at panay ang tingin sa bawat kilos na ginagawa ko. Para akong natutunaw sa titig ng lalaking 'to. Kung hindi ko pa siya inapakan ng mahina sa paa ay hindi pa siya titigil.

Tumingin ako sa iba. "Hep! Hep! Anong ginagawa niyo?"

"Kakain! Gutom na kaya kami, hindi pa kami nag-a-almusal."

"Alam ko 'yon!" Irap ko. "Hindi ba muna kayo magdadasal bago kumain?" Tanong ko dahilan para matigil ang lahat. "Pray in english."

Nakita ko ang pagluwa ni Renz ng pagkain mula sa bibig niya.

"Alam namin 'yon," sabi ni Finn.

"Iyon naman pala, eh. Magdasal muna kayo bago kumain, okay? 'Yon ang turo ng religion Teacher ko, magdasal daw muna bago kumain, matulog, pag-kagising, at bago umalis sa araw-araw na buhay," natahimik naman sila. "Velasquez, ikaw mag-lead," utos ko at tumingin sa kaniya, nagulat naman siya sinabi ko.

"Why me?"

"Huwag mong sabihing natatakot kang masunog?" Tumingin ako sa kaniya.

"Of course not! What do you think of me? A devil?"

"Ah, hindi ba..." sagot ko at nag-salubong ang kilay niya. "Biro lang. Dali na, gutom na ako."

"Okay, okay," sabi niya at nag-sign of the cross siya bago magdasal.

Nang matapos, wala man lang ni isa sa kanilang kumuha ng pagkain sa hapag.

"Oh, bakit ayaw niyo pang kumain?" Tanong ko.

"Bahala na nga kayo, gutom na talaga ako," sabi ni Finn at una nang kumuha.

Nagkakahiyaan pa nga.

Panay pa rin ang asar nila sa akin habang kumakain. Hindi maka-move on, amp. Hindi naman ako 'yong tanga, e, iyong skateboard nga.

"Bakit nga ulit kayo nandito?" Pag-iiba ko ng topic. "Pag ito nalaman ni Kuya panigurado na lagot kay—" pinutol ni Trevor ang sinasabi ko.

"He knows," sambit niya.

"Oh?"

"Before he left, he told us that you're not allowed to go outside," sabi naman ni Phoenix.

Huh? Sa bahay lang ako buong araw? Hindi ko yata kaya lalo na kapag hindi ako nababantuan ng sikat ng araw, pakiramdam ko ay nanghihina ako, nagkukulang ako sa gala. Pwede naman akong tumakas o kaya sabihin ko may project akong gagawin-ay hindi! Panigurado hindi 'yon maniniwala.

Bakit naman kasi kailangan pa 'to? Kala naman niya hindi niya naranasan ang mga katarantaduhan na ginagawa ko, if I know tinatakasan niya rin si Papa makagala lang.

"Tatanga lang ako sa loob ng bahay?" Tanong ko sa sarili.

"Hindi naman yata boring dito sa bahay niyo, Darlene."

"Anong hindi boring? Wala kaya akong kausap palagi kapag wala sila Papa," sabi ko.

"Ikaw lang mag-isa dito palagi?"

"Uh, hindi. Galing kasi ako sa Lola ko sa Laguna. Kakauwi ko lang noong isang linggo yata? Ewan, hindi ko maalala." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para mag-check kung may message ba pero wala naman.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Finn.

"Doon ako sa mansyon ng Lola ko nakatira noon, sa Laguna 'yon. Siguro mga three years akong nasa kaniya, hindi na rin ako nakakabisita dito dati kahit may event si Papa. Hindi rin alam ng lahat na may anak na babae si Papa at ako 'yon."

"Kaya pala..." bulong ni Phoenix.

"Ano'ng kaya pala?" Lingon ko.

"Oo nga pala, Darlene. Nasaan nga pala ang Mama mo?" Biglaan tanong ni Arvin.

"Ah... ewan ko," nagkibit balikat ako at kumain para makaiwas sa tanong niya.

At mukhang hindi niya talaga alam ang salitang iwas dahil panay ang tanong niya.

"Wala dito 'yon. Iniwan kami ni Mama noong two years old pa lang ako," sabi ko na nagpatahimik sa kaniya. "Baka nasa Australia si Mama ngayon o sa London... yata? Sa Spain siguro? Ewan, hindi ko sure kung nasaan siya."

Hindi naman masama ang magtanong at totoo naman ang tungkol do'n. Masakit lang talaga, ikaw ba naman iwanan, e. Hindi ko alam kung paano nakayanan 'yon ni Papa. Imagine, iniwan siya ng asawa niya, 'di ba? Pero kahit na ganoon ay hindi ako pinabayaan ni Papa. Kahit pa laging sumasakit ang ulo niya sa akin at hindi ako sumusunod sa kaniya madalas. Mahal niya ako, silang dalawa ni Kuya Drake. Ayaw ko man sabihin dahil ayoko ng term pero. . . princess treatment talaga ako lagi kina Papa at Kuya, e.

"Tangina mo ka kasi, tanong ka nang tanong," inis na bulong ni Dash.

"Nacurious lang ako. Kasi sa picture do'n sa salas parang kulang."

"Okay lang 'yon," sabi ko.

Hindi na namin pinansin ang sinabi niya at kumain na lang ulit.

"But you don't have any brother?" Tanong ni Trevor.

"Mayroon kaso nasa ibang universe yata. Ewan ko kung nasaan 'yon, baka kasama ni Mama." Baka nag-e-explore?

Hindi naman na sila nagtanong. At sa tingin ko rin hindi maganda ang kakalabasan ng breakfast na ito dahil puro sila asaran sa isa't isa. Nakisali na rin sila Trevor dahil sinali silang dalawa sa usapan.

Panay ang usapan nila hanggang mapunta ang usapan sa mga ex's ng bawat isa. Nanahimik lang ako dahil wala naman akong sasabihin, I mean, oo, may naging ex ako pero hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil nag-iinit lang ang ulo ko sa lalaking 'yon.

"I don't have an ex," sagot ni Harris at tumingin sa amin.

Wews, seryoso sa poging niyang 'yan? Mukhang maraming babae ang naghahabol sa kaniya. Lumipat ang tingin niya kay Rafael at nagtanong.

"Nagkaroon ako ng ex-girlfriend isa," sabi niya.

"Si Tricia ang ex-girlfriend niya," bulong ni Arvin.

Nagulat ako at napatingin kay Rafael, kaya pala hindi gusto ni Tricia si Edmark dahil sa kanya at naging sila! Pero bakit sila nagkahiwalay? Hindi naman sa pakielamera pero gusto kong magkabalikan sila. Sa itsura niya, mukhang mahal pa niya sa Tricia pero wala siyang ginagawa at dinadaan sa pambabae.

"Totoo?" Gulat kong tanong at tumango naman siya. "Kaya pala..." bulong ko sa sarili.

"Ikaw naman, Darlene . May naging ex ka na ba?" Tanong nila.

Tumingin sila sa akin, hinihintay ang sagot ko.

"Ah... ano... mayroon," sagot ko.

"Weh?" Tanong ni Arvin.

"Oo nga!" Bored kong sagot.

"Maniwala ako? Sige nga, ilan kung gano'n?" Tanong niya ulit.

"Isa." Isa lang naman talaga tapos sikreto pa.

"Paano? Ginayuma mo?" Tanong ni Harvey.

Sinamaan ko siya ng tingin pero agad siyang tumawa, sinabayan pa ng mga hayop na 'to.

"Tarantado ka ba?" Inis kong tanong. "Syempre hindi, 'no!"

Bakit ko naman sila gagayumahin? Baka nga siya ang gumayuma sa akin dahil pinatulan ko 'yon. Ewness lang.

"Paano kayo naghiwalay?" Tanong ni Dash.

Seryoso? Tinatanong talaga nila? Wala sana akong balikan ang nakaraan na 'yon, eh, pero sige.

"Ano... niloko niya ako," sagot ko. "Pero wala na akong pakialam sa kaniya. Wala na nga akong pakialam kung mamatay siya ngayon mismo."

Natahimik sila.

"Gusto mo banatan namin para matuto?" Sabat ni Owen.

Hindi na kailangan dahil nasuntok ko naman na. Nasampal ko pa nga, e.

"Kahit 'wag na," sagot ko.

"Why? Because you still love him to the point that you don't want him to be hurt?"

Muntik na akong masuka sa sinabi ni Trevor.

"Ew. No way!" Maarte kong sabi.

"I just thought," bawi niya.

"Si Nix naman!" Sabi ni Arvin.

"I don't have an ex," mabilis na sagot ni Phoenix bago inumin ang kape niya.

Malamig na siguro 'yon?

"Maniwala?" Sabi ko kaya napatingin siya.

"I don't have an ex," ulit niya at tinitigan akong mabuti.

"'Yong totoo?" Paninigurado ko.

"Wala," umiling siya.

"Hindi niya kasi binigyan ng label," sabat ni Finn.

"Yeah..." Pag-kumpirma ni Phoenix. "I don't want to give them a label."

Ay, may takot.

Nakakatakot naman siya landiin, hindi kasi siya nagbibigay ng label. Ano 'yon? Landian lang talaga? Paano kapag tinanong siya ng tao kung anong status nila, sasabihin niya 'wala kaming label, landian lang' gano'n?

"Nakakatakot ka palang landiin. Hindi ka nagbibigay ng label," gusto ko may label, e. Gusto ko may karapatan ako na umangkin kung ano ang akin.

"Bakit? May plano kang landiin si Nix?" Tanong ni Dash.

"Mayroon," sagot ko at halos masamid sa iniinom si Phoenix.

"What the..." Tumawa si Trevor.

"Biro lang..." bawi ko. "Umasa ka naman." Inirapan ako ni Phoenix.

"Pero muntik na! Hindi ba Nix?" Panggagago ni Arvin kaya lumipad sa kaniya ang kutsara.

"Aray!" Daing niya. "Totoo naman, ah?! Muntik nang maging kayo ni Iris!"

Natahimik ang lahat nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Parang nagkaroon ng kuliglig dahil sa sobrang katahimikan. Agad namang natahimik si Arvin at napahawak sa bibig.

Inabot ko nalang ang water para uminom. Sandali akong napaisip. Sino ba talaga si Iris? At bakit parang ang laki ng impact niya kay Phoenix? At iyong old friend raw ni Phoenix, sino kaya 'yon? Hay, nakaka-curious naman.

Nawalan ako ng gana na kumain, nagbago rin ang mood ko. Pero nang matapos kumain, sila ang nagligpit at ako naman ay nag-stay sa sofa kung nasaan ang iba.

Hindi pa sila umalis kaya nag-stay sila dito pero inutusan ko si Phoenix na bumili ng makakain sa mcdo at ginawa naman niya. Pati drinks galing starcbucks at syempre, siya ang nagbayad.

"Ano'ng trip 'yan?" Tanong ko habang nakahiga sa sofa.

Nasa paanan ko naman si Phoenix.

"Hilutin mo naman ng maayos ang paa ko," utos ko sa kaniya.

Kanina pa niya 'to ginagawa kaya kanina pa rin ako nagrereklamo. Ang pangit niya kasing magmasahe!

"Para ka naman boss, madam," komento ni Finn.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawang pagkain. Nanonood rin ako ng Rapunzel habang kumakain.

Ang boring nga, e. Gusto kong gumala kaso bantay sarado ako ng mga 'to kaya wala talaga akong nagawa kung hindi ang manatili sa loob ng bahay.

"Ang angas! Nakagawa ako ng malaking building!"

Napatingin ako kay Arvin, may building nga siya... gawa nga lang sa paper cups.

"Masira nga..." Tumayo si Harvey.

"Hoy, 'wag!"

Napangiwi na lang ako sa kanilang lahat. Ang lakas kasi ng tama nilang lahat kaya nawawala rin ang pagiging bored ko dito sa bahay. Dapat yayain ko sila sa music room kaso nag-aya silang umalis bigla.

Hindi ko alam kung bakit.

Kaming dalawa nalang tuloy ni Phoenix ang naiwan dito sa living room. Nanonood pa rin ako at hindi pa ako tumatayo sa pwesto ko. Naaaninag kong gabi na. Hindi pa rin kami nagdi-dinner pero naaamoy ko na ang niluluto ng helper.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Lingon ko kay Phoenix.

"Why? Pinapaalis mo na ako?" Tanong niya pabalik.

Hindi naman sa gano'n. Ang saya niya nga kasama, e, kahit puro panggagago ang nakukuha ko sa kaniya.

Umiling ako. "Hindi! Uuwi na kasi si Papa..." Tumingin ako sa clock. "Baka kung ano ang isipin no'n kapag nakita ka niya dito." Baka isipin ni Papa nagpapasok ako ng lalaki sa bahay kapag wala siya o silang dalawa ni Kuya.

"It's not... relax." Balak pa niya akong hawakan pero lumayo ako.

"Ang kapal mo naman! Huwag mong ilagay ang kamay mo." Tinulak ko siya gamit ang palad ko.

"Gusto kitang hawakan. Your hand was really soft."

"Ulol, bitawan mo ang kamay ko," umirap ako.

"Ang arte mo... you want it too..." biro niya. "Tamad ka lang siguro kaya malambot ang kamay mo."

Ang kapal talaga nito!

"Hindi ako tamad, 'no! Sadyang hindi lang ako pinapagawa ni Papa ng gawain dito." Kinain ko ang fries. "'Saka, soft na ang kamay ko matagal na!"

"Change the movie. I don't want that," pag-iiba niya ng topic. "It's boring. That movie is boring."

Nanonood ako!

"Ayoko!" Kinuha ko ang remote.

"I hate that movie!"

"Masama bang manood ng princess?!"

Nanonood ako ng Princess Charm School!

"I'm not like you! Hindi ako nanonood ng mga princess na 'yan!" Sinubukan niyang kunin ang remote pero hindi ko hinayaan. Nakaangat ang kamay ko at nakahiga na ako sa sofa. Panay pa rin ang kuha niya.

"Isa!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Dalawa," nang-asar pa nga ang gago.

"Mahilig ka talaga mang-asar! Ayoko nga kasi! Bahay mo ba 'to, ha!"

Nakikinood na nga lang siya tapos gusto pang palitan ang palabas?!

"Kanina ka pa nanonood ng princess na 'yan."

"Umalis ka!" Shit naman! Ayaw pang umalis! "Aray ko, puta!" Bigla akong nawalan ng balanse kaya bumagsak kaming dalawa, nagulat pa ako nang bumagsak rin si Phoenix sa akin.

Hindi ako makagalaw.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas. Mas lalo akong nagulat nang makita ko si Papa. Na kay Phoenix ang paningin niya bago ilipat sa akin. Gulat ang mata niya habang nakatingin sa 'ming dalawa.

Nakuha ni Phoenix ang remote sa kamay ko. Umayos naman siya at umalis sa ibabaw ko. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin.

"What's wrong with the both of you?"

"Wala! Aalis na daw siya," pinagtulakan ko siya palayo. "'Di ba aalis ka na?"

"Why are you pushing him?" Tanong ni Papa.

"Pinapalayas ako ng anak niyo," sumbong ni Phoenix.

"Hoy! Hindi! Ano na lang... busy ka, 'di ba? May pupuntahan pa siya. Aalis na siya."

Baka ma-fake news pa ako dito.

"Let him here. Did you eat dinner?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa." Gutom na nga ako, e.

"Okay then... let's eat dinner," binaba niya ang hawak bago ako halikan sa forehead. Naupo naman siya sa sofa at saka binaling ang paningin kay Phoenix. "Nix, eat with us."

Wow! Kilala ni Papa si Phoenix?!

"Wews... kilala mo si Papa?" Tanong ko kay Phoenix.

"Uh... sort of."

Nanliit ang mga mata ko. "Sort of... anyway, aalis ka na, 'di ba?"

Alam kong aalis na siya.

"Darlene," saway ni Papa. "Bakit mo ba siya minamadali?"

Bakit parang magkakilala silang dalawa? Feeling ko lang naman.

"May gagawin pa kasi siya. Mag-aalaga pa siya ng bata," natawa ako sa palusot ko.

"Okay." Tumayo si Phoenix. "I'm leaving now."

"Biro lang. Kumain ka na raw dito." Hinawakan ko siya sa kamay.

"No, thanks."

Nagpaalam naman na siya na aalis bago dumiretso sa labas. Nakatanggap naman ako ng masamang tingin mula kay Papa pero nginitian ko na lang.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
1.1M 36.8K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...