The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.1K 17.6K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 9

36.6K 884 196
By whixley

Chapter 9: Clean

Nakakahiya talaga. Feeling singer ako kanina tapos may nakikinig pala. Maganda naman ang boses ko pero nakakahiya pa rin dahil si Phoenix ang nakarinig.

Weekend na bukas, finally! Ang gagawin ko lang ay ang mag-aral. Pakiramdam ko kasi wala pa rin akong natutunan kahit nakinig naman ako ng todo. Paano, hindi na nawala sa isip ko 'yong sinabi ng Teacher namin kanina.

Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari noon. Tsaka, gusto kong malaman if bago ako, may pumasok na dito at tinuring talaga nilang isang tunay na kaibigan.

Tapos na ang klase pero pinaalala ng Teacher na linisin raw ang buong room. At ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan nilang magkalat? Pinagtataob pa nila ang mga upuan. . . sa bagay, sila naman ang maglilinis niyan, e, hindi ako.

Inayos ko na ang gamit ko na ang gamit ko para makauwi na. Baka naghihintay na si Kuya sa labas. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako pero papunta palang ako sa pinto, e, may humawak na sa kamay ko kaya mabilis akong nag-angat ng tingin.

Ang pagmumukha ng Phoenix na 'to ang bumungad sa akin. Binawi ko ang kamay ko at matalim na tumingin sa kaniya. Nilagay niya ang walis at dustpan sa kamay ko.

"Para saan naman 'to?" Inis kong tanong.

Huwag niyang sasabihin na ako ang. . .

"Clean up the whole room," ngumisi siya.

"Ano ka sinuswerte?" Tanong ko. "Bakit ako lang maglilinis?"

Kapal ng mukha?! Ano, nag-hintay talaga sila ng taong mag-ta-transferee para lang linisin ang kalat nila? Wow naman!

"Kasi babae ka, kaya bilisan mo na kung gusto mong makauwi ng maaga," sabi niya at lumabas.

Tumaas ang kilay ko. Dahil babae ako?! Excuse me, how about gender equality?!

Padabog kong binato ang bag ko sa upuan. Bwist kang Phoenix ka! Ipangsasabong kitang kinginamers ka! Ibon!

Ngayon ko lang napansin na ako na lang ang mag-isa at ang mga hamog ay nasa labas, hinihintay akong matapos. Kung bakit ba kasi ayaw nila akong tulungan nang matapos agad tutal ang sabi ni Ma'am 'linisin niyo' NIYO! Ang sabi ni Ma'am. Hindi lang ako ang ang tinutukoy niya, pisting yawa.

Inis akong nagwalis pero nawala din naman kaagad dahil napapasayaw ako, may tugtog kasi. Masaya maglinis kapag may music.

"'Cause I know we be so complicated, but we be so smitten, it's crazy. I can't have what I want, but neither can you..." Sinabayan ko ang kanta.

"Oh... that's hot." Napaangat ako ng tingin.

Nakasandal sa may pinto si Phoenix at parang kanina pa ako pinapanood.

Napatigil naman ako. "Gago, k-kanina ka pa diyan?" Namula ang pisngi ko.

"Yeah... continued dancing..." kumindat pa ang hayop bago umalis.

Halos maging tambol naman ang puso ko dahil sa nakita niya. Humawak ako sa dibdib ko bago magpatuloy sa pagwawalis. Nakita niya pala ako!

Ginilid ko muna ang mga lamesa at upuan, nagsimula akong magwalis sa likod papunta sa harap.

Buti na lang may basahan para hindi ako mahirapan, mayroon din spin mop at sabon na powder. Kumpleto lahat, tamad lang talaga sila maglinis kaya sila nasisita. Nang matapos akong magwalis, 'yong kisame naman ang winalis ko dahil sobrang dami ng agiw.

"Ay, putang ina!" Sigaw ko nang muntik akong malaglag sa upuan.

Katangahan alert!

"Pwede bang 'wag kang sumigaw?!" Sita ng mga tao sa labas.

"Pakyu! Ulol! Mga anak ng deputa!" Sagot ko. "Kayo kaya mag-linis rito?! Mga bwisit! Akala mo may mga katulong, letche!"

Pinunasan ko lahat ng mga bintana at lamesa para naman mawala ang mga alikabok. Inayos ko rin ang likod para naman hindi makalat. Bubuksan ko na sana ang aparador kaso naka-lock at wala akong susi. Nilibot ko ang paningin ko sa aparador at kinalkal ang ilalim baka sakaling may susi akong makita. At pinagpala ako dahil may nakita akong susi.

Bago ko buksan ang aparador siniguro kong naka-lock muna ang pinto ng classroom para hindi sila makapasok.

Sinusi ko na ang aparador at bumungad ang sandamakmak na mga kahon. Isa isa kong sila kinuha. Puro pictures, letters, gifts, at maliliit na teddy bear ang nasa loob. Sino kaya ang nagbigay ng mga 'to? Kinuha ko ang isang sulat at binasa. Napangiwi ako nang makita ang mga sulat puro tungkol kay Irene Sophie pero Iris ang tawag sa kaniya, ayon sa nabasa ko.

Dear Princess of Class 8,

Hi, Iris! Bumalik ka na. Miss na kita—namin. Noong umalis ka, nalungkot ang lahat. And I know, Nix missing you too. Mahal ka noon kaya gano'n talaga, nagtataka lang talaga ako kung bakit mo 'yon nagawa and worse magkakilala pala kayo ng dating kaibigan ni Nix. Hindi ko talaga maintindihan pero kahit na ganoon, nag-iisa ka lang. Syempre, Princess ka namin, ano.

- Arvin a.k.a pogi

Si Arvin ang nagsulat. Kasing kapal talaga ng libro ang mukha niya. Sunod kong binasa ang nasa pink na sobre.

Dear Princess,

Hi, Iris, miss ka na namin. Alam mo, kahit iniwan mo kami, wala akong galit sa 'yo, sa ginawa mo. . . oo. Tampo siguro dahil hindi ko inakala na nagawa mo 'yon dahil lang utos ng dating kaibigan ni Nix. At kahit na nagawa mo 'yon, umaasa pa rin akong magkikita ulit tayo. At sana rin ay hindi ka makahanap ng bagong kaibigan dahil ganoon rin kami, ikaw ang first and last ng section na 'to. ♡ At naalala ko pa noong una mong pasok sa amin sobrang saya mo at gano'n din kami, ni ayaw nga ni Nix na mabatuhan ka ng papel at matapunan ng slime. Sana talaga bumalik ka na.

- Harvey

Natigilan ako. Dating kaibigan ni Phoenix? Sino? At may ginawa ang Iris na 'to kay Phoenix at sa iba? Ano kung ganoon?

Sunod kong binasa ay ang nasa ibabaw na sulat. Binuksan ko iyon at binasa. Galing naman kay Dash.

Dear Iris,

Iris, I hope you're happy from what you did. I just hope na hindi mo 'to pagsisisihan. You broke our friendship, ang pagsasama naming magkakaibigan. Your decision on leaving us is the good choice. Tama lang na umalis ka dito, dahil kung ako ang tatanungin, you're not belong to our friendship. Someone is better than you. Kung sila gusto kang bumalik, iba ako. 'Wag ka na sanang bumalik para hindi na ulit kami magkasira.

- Dash

Napakunot ang noo ko. May galit ba si Dash sa Iris na 'to? Ibang-iba kasi sa dalawang sulat na nabasa ko. Prinsesa prinsesa pang nalalaman. Sino ba kasi si Iris? Tiningnan ko ang mga pictures. Sobrang saya nila pero hindi ko makita ang picture ng babae dahil ang blurred at natatakpan ni Trevor.

Akala ko ba first time nilang magkaroon ng kaklaseng babae? Ano, nagsinungaling sa akin? Siguro sobrang halaga ng Iris na 'to sa kanila, 'to the point na ayaw nilang umalis 'to at gusto pang pabalikin.

May parte sa akin na nalulungkot dahil ibang iba sila sa akin kumpara dito. Hindi nila nagawang batuhan at tapunan ng slime ang Iris na 'to samantalang ako halos ipaligo ko na ang lintik na slime na 'yon?! Aba, saan ang hustisya? Inayos ko na ang mga sulat dahil panay kalampag ang ginagawa nila.

Princess? Korni niyo tanga.

"Saglit lang!" Sigaw ko at halos isalampak ang ang lahat ng box sa aparador at dali daling ni-lock. "Putangina, sinabing sandali lang! Nagpupunas pa ako, tangina, kapag nasira 'yang pinto!" Sigaw ko dahil panay ang kalampag nila. "Ihahampas ko pa sa inyo!"

Kinuha ko ang mop at pinunasan ang sahig bago buksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ni Phoenix na nakasimangot. "Ang tagal mong matapos."

Inirapan ko siya. "Pasensya naman! Ang dami ho kayang kalat," sarcastic na sabi ko at nag-mop ng sahig.

Ingudngod ko kaya ang Phoenix na 'to sa sahig? Pawisan na ako dahil kanina pa ako nag-lilinis.

Nilibot niya naman ang paningin sa buong classroom bago humarap sa akin. "Pwede na," sabi niya. "Sa next Friday ikaw ulit ang maglilinis."

"Tangina, pagod na ako!" Iniwan ko siya para ibalik ang mop sa likod.

Tinanggal ko ang blazer ng uniform ko at inayos ang sarili. Pawisan na ang uniform ko kaya kita ng konti ang panloob ko. Natigilan ako, wala nga pala akong sando! Bra lang ang suot ko at itim pa, ah! Tumingin ako kay Phoenix na gulat ang mata, nasa dibdib ko nakatingin ang mata niya.

"Damn, fuck," bulong niya at lumabas.

Kumurap ako.

Binalik ko ang blazer ko sabay kuha ng bag at lumabas. Wala akong balak makipag-usap sa kaniya. Si Harvey ang kailangan kong makausap para itanong kung sino si Iris. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko kung bakit sobrang halaga niya sa mga lalaking 'to.

Gusto ko lang malaman ang lahat sa nakaraan nila at dating kaibigan ni Phoenix? Sino? Gusto ko malaman. Siguro. . . naging ex-girlfriend ni Phoenix ang babaeng 'to? Mahal raw ni Phoenix, e.

Napatigil ako nang makita ko silang lahat sa hallway at animo'y nanlilimos.

"'Oy tapos ka na ba maglinis?" Tanong nila.

Kaya nga ako nandito na, 'di ba?

"Oo, kaya uuwi na ako," sabi ko at nag-sitayuan naman silang lahat.

Gusto kong kausapin si Harvey pero hindi ako makahanap ng tiyempo dahil kay Arvin. Gusto kong tapalan ng duck tape ang bibig nito ng tumigil naman. Naglakad na lang ako at sumabay sa kanila. And take note, kumpleto kami. Nasa likod ko naman si Phoenix.

Hay, sino kaya si Iris? Please, gusto ko na malaman!

"Susunduin ka ba ulit ng Kuya mo?" Tanong ni Dash.

Sasagot na sana ako kaso tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan. Si Kuya tumatawag!

"Hello, Kuya?" sagot ko.

"[I can't pick you up.]" Sabi niya at halos ikatuwa ko.

Hindi niya ako susunduin! Yay! Makakagala ako!

"Bakit?"

"[Uh—something came up...]" Worried na sabi niya.

"Huh? Ano 'yon?" Tumigil ako sa paglalakad kaya naiwan ako.

May nangyari kaya na hindi maganda? Kinabahan ako bigla. Napaangat ako ng tingin nang tawagin ako nila Harvey, sumenyas ako ng saglit at nakuha naman niya.

"[Wala. Just be careful, okay? Huwag kang sasama kahit kanino unless kakilala ko o mo. Tumawag ka o mag text kapag nakauwi ka na. Huwag kang makikipag-away. Take care, okay? I love you, Lin.]" Sunod sunod na sabi niya bago ibaba ang tawag.

Hindi pa nga ako nakakapag-paalam, e. Bahala na! Hindi rin naman siya papayag kapag ginawa ko 'yon. At ang sabi niya naman, eh, kapag nakauwi na ako ay mag-text o kaya tumawag ako.

Hmm, saan kaya ako pwede pumunta ng hindi niya nalalaman? Siguro sa food park! Tama! Kakain ako doon, namiss ko rin mga pagkain do'n, e. Lalo na ang mga street foods.

Naglakad na ako papunta sa kanila pero napatigil ulit nang may mag text.

From: Kier
I already sent the money to your account.

Mas lalong nagningning ang mata ko. Good timing talaga si Kier magpadala ng pera, sakto wala na akong pera. Isang libo na lang ang natira, hindi ko naman ginagastos. Nagugulat na lang ako kapag tinitingnan ko ang wallet ko.

Excited na akong kumain at the same time mag-withdraw.

"Susunduin ka ba ulit?" Tanong ni Arvin.

"Uhm. . . hindi!" Ngiting sabi ko.

Ngayon na lang ulit ako uuwi mag-isa dahil kahit nasa Laguna ako noon at wala sila ay hatid-sundo pa rin ako dahil kay Alexis na parang CCTV. Laging ina-updated ang buhay ko.

"Talaga?" Tanong nila kaya tumango ako. "Nice! Sama ka samin kakain kami sa food park."

Wow, that's new! Niyaya nila akong kumain for the first time. Syempre, hindi na ako tatanggi tutal doon din naman ako pupunta. At owede ko na rin matanong si Arvin. Oo, si Arvin dahil mukhang mas marami siyang alam kumpara kay Harvey.

"S-Sige," sagot ko.

"Tara!" yaya nila at naglakad.

Hinila pa ako ng mga putaragis.

Malapit lang ang food park dito kaya hindi na kakailanganin ng sasakyan. Nilakad lang namin 'yon pero parang nagpu-prusisyon ang mga kasama ko, ang bagal bagal maglakad. Nauuna kaming tatlo nila Dash at Harvey sa paglalakad, iyong iba naman ay ang bagal. Nga pala, binigyan ako ni Dash ng gummy bear kanina!

May dumaan na sasakyan sa gilid ko, medyo malapit 'yon kaya bahagya akong nawindang.

"Akala ko makikita ko na si Satanas. . ." mahinang bulong ko sa sarili sabay hawak sa dibdib.

May humila sa akin palayo sa kalsada. Nag-angat ako ng tingin at ang pagmumukha ng Phoenix na 'to ang nakita ko. Lumipat si Phoenix kung nasaan ako kanina bago magpatuloy sa paglalakad.

"Hindi mo na makikita si Satanas," aniya.

"Hindi na talaga..." sagot ko. "Nasa tabi ko na, e."

Lumingon siya sa akin nang masama ang tingin. "So, you're saying that I'm look like Satanas?" May halong inis sa boses niya.

"Ay, ikaw nagsabi n'yan. Masyado kang guilty."

Mas lalong nadagdagan ang inis niya. Tinuon niya ang paningin sa daan.

"Tss, ang maldita mo talaga," inis na bulong niya.

"Okay lang. Totoo naman 'yon, e. Ikaw gwapo."

"What?" Napalingon siya sa akin.

"Ano, gago. Ikaw naman gago ka," pati ako napatigil sa sinabi ko.

Hindi ko na siya pinansin para hindi na rin siya magsalita.

Sa kalye kami dumaan para wala masyadong sasakyan at shortcut daw rito. Baka abutin ako ng gabi pero okay lang 'yan, may rason na akong sasabihin mamaya kay Kuya at Papa kung sakali.

"Tangina, ang laki-laki ng daan tapos kung makabusina wagas," inis na sabi ko.

Tumingin kaming lahat sa bumusina at halos itago ako ni Phoenix sa likod niya matapos hilahin mula kay Trevor. Nag-salubong pa ang kilay ni Trevor dahil sa ginawa ni Phoenix.

Ano ba naman 'yan! Ang laki-laki naman kasi ng daanan, eh. Tiningnan ko 'yong mga lalaki. Ngumiwi ako. Mukha silang tanga.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
1.1M 36.8K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
62.3K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...