The Girl in Worst Section (Co...

whixley tarafından

3.8M 89.2K 17.6K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... Daha Fazla

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 2

51K 1K 203
whixley tarafından

Chapter 2: Welcome Home

Kung pwede lang sunugin ang kotse na 'to, nagawa ko na kanina pa. Asar na asar ako habang pilit na pinapaandar ang sasakyan. Nagmamadali akong lumabas ng bahay kahit hating gabi na, hinintay ko pa umakyat sina Papa sa kwarto para makatakas tapos biglang hihinto ang sasakyan na 'to. Halos magpaka-spiderman ako tapos ganito?


May code ang gate namin para makalabas at sila Papa lang ang may alam ng code kaya ang ginawa ko, nag over-the-bakod ako, na palagi kong ginagawa kapag trip kong huwag pumasok. At bawal daw akong lumabas sabi ni Papa, ito raw kasi ang parusa ko. Susundin ko naman dapat sila, eh, kaso nademonyo ang paa ko... kusang lumabas kaya ito! Nasa labas ako!


"Hay talaga," bulong ko nang hindi pa rin nag-start ang kotse.


Ang ganda ganda ng sasakyan tapos sira? Sunugin ko kaya 'to?


Kinuha ko ang gamit ko sa tabi para maglakad. Aabutin ako ng siyam-siyam kung maghihintay ako ng grasya at himala kakahintay na umandar ang kotse. Sinuot ko ang hoodie at nagsimulang maglakad.


Tinext ko muna ang kaibigan ko para kunin ang kotse. Baka gilitan ako ng leeg ng Papa dragon ko kapag nalaman niyang tinakas ko ang kotse niya.


Ang lamig talaga sa probinsya lalo na kapag hating gabi. Napayakap ako sa sarili. Napabuntong hininga ako. Tuwing naalala kong babalik na ako sa Manila para akong nanlulumo. Gusto ko dito lang ako. Simula noong nanirahan ako dito kasama si... Lola parang ayaw ko ng bumalik doon.


Dead na kasi ang aking Lola. Sumama na siya kay San Pedro.


Hindi ko alam kung paano namatay si Lola, basta paggising ko na lang wala na siya. Hindi ko alam kung ano, eh, wala naman siyang sakit na nararamdaman kaya paano siya matetegi. Ano 'yon biglaan? 'Yong tanging kakampi ko, iniwan ako. Kapag ako ang sinisisi ng lahat nandyan siya para ipagtanggol ako kaso wala na siya kaya hindi na ulit mangyayari 'yon.


Pumasok na ako sa 7 eleven. Pumunta ako sa mga drinks para kumuha ng chuckie, kumuha din ako ng dalawang chichirya. Binilhan ko din si Kuya ng dalawang cadbury. Paborito niya 'to! Kaso baka isipin niya sinusuhulan ko siya para siya ang magsabi kay Papa at para hindi pumayag si Papa.


Nasa 320 rin ang nagastos ko. Tatlong libo na lang ang mayroon ako kailangan ko ng tipirin 'to dahil next week pa ako bibigyan ng gunggong na 'yon. And also, hindi si dragon ang nagbibigay sa akin ng allowance dahil siya mismo ang nagtanggal no'n. At si Kuya ang nag suhestiyon no'n, deputa din minsan si Kuya, eh.


Nanatili ako para magpalipas ng oras. Binilisan ko na ang pagkain ko dahil tumunog ang cellphone ko kaya sinilip ko kung sino 'yon.



Father Dragon is calling. . .



Halos takbuhin ko na ang daan makarating lang sa bahay namin.


May sasakyan rin na nakaparada sa gate. Hindi ko alam kung kanino 'yon pero sa nakikita ko, parang lalaki ang nasa loob. Hindi rin kasi tinted ang salamin kaya nakikita ko. Lalapit sana ako kaso umalis na, mukhang may kinuha lang siya sa loob ng bahay namin.


Sino kaya 'yon? Hindi ko na pinansin. Dumaan ako sa likod para hindi mahuli. Nakabukas na ang ilaw kaya panigurado ng nagising sila.


Hay, kaya naman pala! Nandito itong gunggong na 'to, ang sabi ko, sa labas lang i-parada ang sasakyan.


"Where have you been?" tanong ni Papa sa kausap.


"Sa labas lang, Tito. Dinala ko nga pala ang sasakyan niyo kaso nasiraan ako."


Shoot! Ang galing talaga magdahilan nitong si Alexis. Kinuha ko ang pagkakataon para makaakyat. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. Pero akala ko ay nakaligtas na ako dahil bumungad sa akin ang nakakamatay na tingin ni Kuya. May dala siyang tubig at phone, mukhang pababa siya.


Napalunok ako.


"Where have you been? It's almost midnight, Michelle," tanong niya.


Kamot ulo akong sumagot, "Sa labas. Nagutom ako kaya bumili ako." Ipinakita ko pa ang plastic na naglalaman ng isang vcut at dalawang cadbury.


"Give me the cadbury." Pabagsak kong binigay sa kaniya ang chocolate bago niya hinila ang patilya ko kaya napasigaw ako sa sakit.


Ang sakit-sakit, gago! Hobby talaga ng dragon na 'to ang manakit! Saan ba siya pinaglihi?! Sa pananakit?!


"Labas pa!" Binitiwan niya ako.


"Taena mo..." naiiyak ako.


Sino ba naman kasing hindi iiyak, hilahin ba naman patilya ko. Ang sakit sakit kaya no'n parang hinila ang pagkatao ko. Nag-salubong ang kilay niya nang mag-mura ako.


"Gusto mo bang himasin ko ng sili 'yang bibig mo nang matigil sa pagmumura?"


Nanlaki ang mata ko. "Ang sabi ko, natatae ako." Dali dali ko siyang tinalikuran. Himas-himas ko pa rin ang patilya ko hanggang sa makapasok ako ng kwarto.


Hinila niya na nga ang kaluluwa ko dahil sa ginawa niya tapos gusto niya pang himasin ng sili ang bibig ko?


Patalon akong humiga sa kama ko. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nanood muna ako ng TV at nang ma-bored, ang cellphone ko naman ang pinag-interesan ko. Wala naman akong masyadong friends sa Facebook kaya ang boring.


Wala akong balak matulog ngayon pero dinadalaw ako ng antok kaya wala akong nagawa kung hindi ang matulog at siguro tama na rin para makabawi ako ng lakas.

-

Dalawang luggage ang dala ko dahil marami akong damit. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan pabalik sa Manila. Iba ang kotse na sinasakyan namin, hindi kagaya ng kagabi, naghihingalo na 'yon, eh. Mukhang kailangan ipadala sa hospital este talyer.


Maaga rin akong ginising ni Kuya with matching tubig. Ang ganda na ng panaginip ko, eh!


"Putangina!" Napabangon ako at napaubo. Nakanganga pa naman ako tapos bubuhusan ako ng tubig? Parang nainom ko yata, ang alat, e. Mukhang nasinghot ko ang tubig. Ang sarap sarap ng tulog ko tapos iistorbohin ng hinayupak na si... Kuya?!


"Get up! Male-late ako sa meeting ko!" Umalis siya sa kwarto ko matapos sabihin 'yon.


Tanga, talaga namang male-late siya dahil nasa Laguna siya at sa Makati pa ang meeting niya, base sa narinig ko. Hindi rin pala tumatawag kagabi si Papa dahil napindot niya lang. Bwisit, halos maging kabayo ako kaninang hating gabi para lang maabot ang bahay tapos aksidente lang pala niyang napindot.


Wala din siyang alam! Hindi ako nilaglag ng Kuya ko. Kaya labs ko si Kuya, e.


May pinag-uusapan silang dalawa ni Papa, hindi ko marinig dahil nakikinig ako ng music at naka airpods. Tumingin sa akin sa rear-view mirror si Papa. Nakita kong nakabukas ang bintana sa tapat ni Kuya at naninigarilyo.


Lakas ng loob manigarilyo sa harap ni Papa. Isa kang alamat, Kuya!


"Nga pala father and brother, sino 'yong lalaking nakita ko kaninang umaga?" tanong ko habang nagmumuni-muni.


"It was Nix," sagot ni Kuya.


Angas naman ng pangalan no'n.


"Pangit ng pangalan, pusta ko pangit rin 'yon," sabi ko. Malay mo pangit, 'di ba?


"Really, huh?" sarcastic na sabi ni Kuya, na para bang kinaiinisan niya 'yong Nix.


Hindi ko na sila pinansin. Tinuon ko ang tingin sa daan. Pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tinulak ako ni Kuya palabas ng sasakyan kaya nagising ako at dumiretso sa maduming kalsada.


Masama ko siyang tiningnan pero hindi niya ako pinansin. Nagdiretso lang siya papasok sa bahay habang dala-dala ang mga maleta ko.


Shit mo! Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Buhusan ko kaya siya ng zonrox nang mawala ang kademonyohan niya, ano?


Pagpasok ko pa lang bumungad ay sa akin ang mga katulong sa bahay. May pa confetti at tarpaulin pa sila. Sa likod ang mga Tita ko na malaki ang ngiti sa akin.


"Welcome home, Miss Darlene!" sabay-sabay nilang sinabi.


Maka-welcome home naman sila para akong galing Hospital or something pero na appreciate ko naman.


"Hehe... salamat," pilit akong ngumiti.


Ngayon ko lang napansin na may pagkain na ganapan. Inaaya ako ni Tita Beatrice pero tumanggi ako. Gusto kong gumala sa bahay! Kahit papaano na-miss ko rin ito. Tumingin ako sa picture na malaki. Kaming tatlo 'yon nila Papa.


At sa tingin ko... noong debut ko ang picture na 'yon. Sa gitna nila akong dalawa at walang nakangiti sa aming tatlo. Nakasuot ng black tuxedo si Kuya at nakapamulsa habang hawak ako sa isang balikat gano'n rin si Papa. Enrande pa naman 'yon kaso ang lungkot ko no'n, parang may kulang.


Umakyat ako sa kwarto ko at halos halikan ko na lahat ng gamit ko doon.


"Hmm, miss niyo ba ako?" tanong ko sa mga teddy bears ko.


Hindi sila sumagot kaya niyakap ko silang lahat. Namiss ko 'to lalo na 'yong nagbigay.


Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng kwarto ko at gano'n pa rin. May kumatok sa pinto kaya dali dali akong tumayo para buksan. Bumungad si Papa, may hawak siyang brown envelope.


"Oh, bakit, Papa?" tanong ko.


Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtatanong ko. "Here." Binigay niya sa akin nag brown envelope kaya kinuha ko. "I already enrolled you, bukas ang first day mo."


Napanganga ako.


"Kumain ka na rin sa baba, Darlene." Ginulo niya ang buhok ko.


Halos mapapadyak ako. Grabe talaga si Papa, bukas agad ang first day? Hindi pa ako handang pumasok! Tinatamad ako! Hindi pa nga ako nakapag-relax, charot.


Dapat naman ginawa niya na lang Monday. Nakakaasar din si Papa, e. Ayos sana kung siya ang nahihirapan. Kagaya ng sinabi ni Papa, kumain ako sa baba. Marami rin akong nakain dahil tomguts ako. Pagkatapos noon ay umakyat na rin ako sa kwarto para maligo.


Balak ko rin mag-gala ngayon sa freaking plaza para mag-aliw. Na miss ko rin ang Manila, 'no! May event yata rito. Nagpaalam naman ako kahit papaano.


Kasama ko si Alexis kahit na ayoko baka kasi mapagkamalan akong babae nito. Like, duh? Parang kapatid ko na 'to!


"Darlene, mabuti ay pinayagan ka ng lumabas," si Alexis.


Tumitingin-tingin ako ng kung ano habang nasa likuran ko siya. "Alangan hindi," sabi ko. "Boring sa bahay."


"Nga naman... baka tumakas ka lang," aniya at tumawa.


Naglaro lang ako sa plaza habang nasa likod ko siya at panay ang sunod.


"Pucha." Nabunggo ako ng lalaki. Nalaglag ang barya ko na dapat ipambabayad sa tindera.


"Bakit mo naman binunggo, Harris," tawa ng isa.


Tumawa pa nga.


"Fuck you, I'm not."


Tinulungan ako ni Alexis na pulutin ang barya. Iyong lalaki naman nasa harap ko lang, pinapanood ang ginawa kong pagpupulot. Sana naman tumulong siya, 'di ba? Kasalanan niya kaya 'yon! Hmp!


"Bulag, amp," mahinang bulong ko bago tumayo nang maayos.


Hindi ko na lang pinansin ang mga bwisit na lalaki na panay ang harutan. Akala mo babae sa sobrang harot.


Nilingon ko pa 'yong mga lalaki. Napatingin pa sa akin 'yong isa bago tumalikod para sundan ang mga kaibigan niya.


Napatingin ako kay Alexis bago nagmamadaling umalis para hindi niya masundan. Napangisi naman ako nang makitang wala na siya sa likod ko. Dumiretso ako sa bilihan ng mga pagkain at nag-enjoy na mag-isa.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
107K 3.3K 31
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
115K 8.3K 52
[COMPLETE] high school is a time to make memories. hwang hyunjin has spent the vast majority of his life under the protection of his elder brothers s...
39.9K 1.5K 19
When the dark side gains the upper hand in the second Wizarding War and everything seems hopeless, Harry takes it upon himself to change the future b...