The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

10.1K 357 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

56

70 2 0
By Lady_Mrg

Nagising na lang ako sa loob ng sasakyan na ang driver ay ang manager namin, si Sir. Christan.


Nakatulog pala ako nang himiga ako sa sahig kanina. Kaya pala parang umaalog dahil nasa loob pala ako ng sasakyan.


"What's up woman, ihahatid na kita sa inyo. Just thank me for being nice to you after what you did to my office. Nakakainit ka ng ulo if you know." Rinig ang sarkasmo at inis sa boses niya at parang gusto na niya akong sipain palabas ng sasakyan niya.


Nagkibit balikat ako dahil pakiramdam ko ay sobrang lumulutang ako at inaantok na hindi ko maintindihan, kaya itinulog ko na lang ulit ang hilo ko at baka mamaya masuka na naman ako eh masipa na talaga ako palabas.


Nagising akong muli, siguro ay alas tres ng madaling araw at napakadilim sa kwarto ko at parang kakaiba ang amoy ng higaan ko ngayon. Amoy lalaki o sadyang sabog lang ako kaya hindi ko alam ang mga sinasabi ko.


Gusto kong bumangon para kumuha ng tubig pero sobrang sakit ng ulo ko at parang pinipisil ng sobrang higpit ang sentido ko. Alanganin pa 'tong gising ko at ngayon ko pa lang nararamdaman na husto ang pagkalasing ko.


Paano nila natatagalan ang sakit ng ulo kapag nalasing sila?


"Ahh tangina..." Mahina akong napamura nang tangkain kong bumangon pero napahiga lang din ako at nauntog pa ang ulo ko kaya nakatulog akong muli.


Alas otso ng umaga, nagising na ako at nasa tamang wisyo na ako nang maalala ko kung bakit ako nalasing ng husto kagabi. Nagkatuwaan dahil birthday ni Sir Chirstan na ginawang party club ang restaurant.


Pagkatayo ko sa kama ay para akong tutuwad kaya napasandal ako sa pader at laking gulat ko nang makita ko ang litrato ng isang pamilya at sigurado akong wala akong ganitong litrato sa kwarto ko dahil hindi ko naman kilala ang mga tao sa picture na 'yon.


Sinuri ko pa ang silid kung nasaan ako at may mga picture pa rin ang nakasabit ngunit isa lang ang umagaw sa pansin ko. Ang litrato ng isang lalaki na nakatoga picture ng elemtary at sa ilalim non ay may isang picture pa ng isang babae at lalaki na magkatabi. Ang babae ay si Jade at ang lalaki ay si Andy.

"Anong ginagawa ko sa kwarto ni Jade?? Kwarto ba ni Jade 'to?? Bakit wala ako sa unit ko? At teka, paano ako nakauwi at napunta dito?!"


Nagsimula na akong magpanic at tsaka ko lang napansin na hindi na pala ako naka-uniporme, ang tanging suot ko ay ang doble kong puting sando at cycling shorts ko. Naka-unhook din ang bra ko pero hindi naman nakatanggal.


Nagmamadali akong isa-isang dinampot ang mga damit ko at tumakbo palabas ng kwarto. Paglabas ko ay nagkahulog pa ang mga damit na hawak ko dahil sa kakamadali.


Baka ma-late ako sa trabaho!


"Fana?!"


Parang may kung anong malamig na bagay ang bumalot sa katawan ko at hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa boses na tumawag sa pangalan ko.


Bumalik lang ako sa tamang wisyo nang marinig ko ang pagmumura ni Francis.


"Anong ginawa mo kay Fana?!" Sigaw nito kay Andy na nakatayo lang at walang emosyong nakaharap kay Francis.


"Wala akong ginawa sa kanya. Lasing syang pumasok dito at natulog sa kwarto ko. Hindi ko sya hinawakan. Kahit hibla ng buhok nya ay hindi ko nadikitan, Sir." Magalang at kalmadong sagot ni Andy na sa palagay ko ay hindi nagustuhan ni Francis dahil may tunog itong pambabastos.


"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo!?"


"Francis, Tama na 'yan." Mahinang sabi ko at humingi ako ng pasensya kay Andy. "Wala talagang alam si Andy dito... Ang... ang akala ko nga nasa unit ako ni Jade---"


"Tanga ba ako Fana kung paniniwalaan kita? Hindi ka umiinom kaya paanong lasing kang umuwi?? Siguro ito 'yung dahilan kung bakit ayaw mo na akong matutulog sa unit mo." May paghihinala sa boses niya.


"Wag kang magsimula ng gulo, ang aga-aga hindi ka na nahiya!" Pabulong pero iritadong sigaw ko dahil baka magising ang mga nasa katabi lang. "Pasensya ka na Andy kung nadamay ka, hindi ko talaga alam na dito pala ako nakatulog ang buong akala ko nasa unit ko ako nakapasok kagabi..."


"Walang kaso sa akin 'yon pero bakit kailangan pang mag-iskandalo ng teacher mo? Nakakahiya. At bakit parang may tinatago kayo, bakit Francis lang ang tawag mo sa kany---" Hindi na natapos si Andy nang sumabat si Francis na syang kinainit ng dugo ko.


"Girlfriend ko si Fana, Boyfriend nya ako kaya 'wag na 'wag kong makikitang lalapit ka pa sa kanya. Papalampasin ko ang nangyari ngayon pero 'wag nyo akong sisisihin kung pag-iisipan ko ng masama ang 'pagtulog' na ginawa mo dito Fana. Kilala mo ako, ayokong may humahati sa akin." Pinukol niya kami ng matalim na tingin sabay lumapit siya sa akin at hinablot ang braso ko sabay kaladkad palabas nang unit ni Andy.


"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan naman ako Francis!" Hanggang sa nakapasok na kami sa Unit ko ay doon lang din nya ako binitawan at akmang sasampalin ako pero hindi nya tinuloy bagkus ay niyakap niya ako ng mahigpit.


Sa takot ko ay hindi kaagad ako nakapagsalita.


"A-akala ko s-sasaktan mo ako..." Pahikbing bulong ko.


"Masyado kitang mahal para saktan." Bulong niya habang patuloy sa paghaplos sa buhok ko. "Magagalit ka ba kung sasabihin ko sa'yong galit ako sa'yo at nag-iisip ako ng madumi at masama dahil naabutan kita sa bahay ng ibang lalaki? at 'yung lalaki na 'yon alam kong may gusto sa'yo kaya mas lalo akong naiinis. Gusto ko syang balian ng buto. Fana, nawala lang ako ng dalawang araw... Excited akong makita ka Hon tapos iyon lang ang madadatnan ko?"


"Maaga akong umuwi para mapuntahan kita pero wala ka dito. Nakita kong bukas ang pintuan ng Andy na 'yon kaya nagtanong ako sa kanya at nagbabakasakaling baka nakita ka nya at naabutan ko pa syang walang damit pang-itaas. Nagdamit lang sya nang papasukin nya ako sa loob." Ramdam ko na humihigpit ang kapit niya. "Paalis na ako Fana para hanapin ka. Tapos makikita kitang nagmamadaling lumabas ng kwarto at ang suot lang ay sando at napakaikling shorts? Hon, galit ako sa'yo at sa lalaki na 'yon. Galit na galit ako pero hindi ko kayang ipakita sa'yo dahil ayokong matakot ka at ayokong kamuhian mo ako."


"Gusto kong malaman mo na galit ako dahil ayokong magpanggap na wala lang sa'kin ang mga nakita ko. Lalaki rin ako Hon at hindi ako maniniwalang walang nangyari sa isang gabi na 'yon lalo na 'yung lalaki na 'yon may gusto sa'yo. Pinopormahan ka nga kahit kaharap ako. Kung ako man ang nasa sitwasyon nya at nakitulog sa kwarto ko ang babaeng gustong-gusto ko, papatulan ko na lalo na't lasing. Aminado ako dahil gusto kong malaman mo ang iniisip ko, gusto kong malaman mo na kahit kalmado ako ngayong nagsasalita sa harapan mo ay may galit sa mga salitang binibitawan ko."


"Alam mo namang kahit hindi ako masyadong sweet sa'yo mahal na mahal kita. Nangako ako sa Tatay mo na hinding-hindi kita sasaktan kahit anong mangyari pero ikaw naman ang nananakit sa akin, Hon. Sobrang sakit na sobrang tapat ko sa'yo pero nagawa mo 'to, pero kahit ganon... mahal kita, kahit lokohin mo ako, kahit magsinungaling ka sa akin, kahit saktan mo pa ako at kamuhian hinding hindi kita bibitawan. Nangako ako sa sa'yo at tutuparin ko 'yon, Fana."


Ang sama sama kong babae. Napakalupit kong girlfriend para gawin sa kanya 'to pero wala naman talaga kaming ginawa! W-wala nga akong maalala sa nangyari kagabi...


Gusto kong ipaliwanag ang lahat sa kaniya pero hindi ko magawa dahil gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya. May kung ano sa akin ang bumubulong na manahimik na lamang dahil baka mas lalo lang lumaki ang gulo at sa susunod na lang ako magpaliwanag kapag malamig na ang ulo nya, para mas maintindihan niya.



"H-hindi kita masisisi kung mag-iisip ka ng masama pero sinasabi ko sa'yo na wala kaming ginawa. Wala. Paniwalaan mo naman ako..." Pagmamakaawa ko.


Ngumiti si Francis sa akin at hinawi ang buhok ko.


"Gusto kitang paniwalaan, Hon, dahil may tiwala ako sa'yo pero sa lalaki na'yon, wala. At isa pa, aalis na muna ako. Mag-iisip isip. Magpapalamig dahil baka kung saan 'to himantong. Pero 'wag kang mag-alala, babalik ako kapag kaya ko nang titigan ka sa mata at sabihin okay na ako, okay na tayo." Malambing siyang humalik sa noo ko at masuyong ngumiti bago niya tinahak ang daan palabas.


Sunod-sunod ng patak ng luha ko pero hindi ko pinapansin dahil nakatuon ang pansin kay Francis na naglalakad palayo sa akin.



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

45.3K 933 18
Ash wins the Kalos League and becomes the youngest trainer ever to do so. But instead taking place as champion of the region, he decided to continue...
752 123 24
Kent Lyren Garcia is a very famous to their school, he even known as the monster of court and captain of soccer. He isn't rich like his friends but h...
1.7K 107 39
Bully Series #1 Ziana, an highschool student who always got bully because of Drake and Brittany which is Drake's ex. What if she will fell inlove wit...