The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

54

67 0 0
By Lady_Mrg

"Mukha naman akong magpapakumpisal nito sa suot kong puting dress." Nakasimangot kong sabi habang tangay-tangay ako ni Francis papasok sa restaurant kung saan may dinner sila ng Mommy nya.

"Ang cute mo nga dyan, isipin mo na lang tatay mo 'ko tapos ako kasama mo sa kumpisal at si Mom ang pari." Nagawa pa niyang magbiro samantalang ako ay parang maiihi na sa kaba. Baka kasi mapahiya na naman ako sa harapan ng Mommy nya.

"Wala kang natutulong, mas lalo akong kinakabahan dahil sa kagaguhan mo." Umirap ako at pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Basta wala kang dapat ikatakot, Mabait ang nanay ko." Ngumiti siya.

Nakakapagduda.

"Talaga?" Maamo kong tanong.

"Mabait sya kapag tulog." Sabay tumawa siya.

"Bahala ka nga dyan! Ikaw na lang! hindi na ako sasama!" Sinampal ko siya sa kaliwang pisngi at hindi ko sinasadyang napalakas kaya namula agad ang pisngi niya.

"A-aray..." Nakahawak siya sa pisngi niya at nakatingin na rin sa amin ang ibang tao. Akala siguro nila gumagawa kami ng eksena. "Ang sakit pala magbiro sa'yo H-hon.."

"S-sorry... Ikaw naman kasi puro ka katarantaduhan!" Singhal ko.

"Nagbibiro lang naman ako, ang sakit makipaglokohan sa'yo." Madramang sagot niya.

"Kaya 'wag kang magloloko sa'kin dahil masasaktan ka talaga." May diin kong tugon sabay haplos sa pisngi niyang sinampal ko. "Sorry na, masakit pa ba?"

"Hindi na, nakabakat pa nga ang palad mo oh. Hindi, hindi masakit promise." May sarkasmong sagot niya.

"Yeyeluhan na lang natin mamaya para hindi mamaga 'yan..."

"Tara na nga kanina pa nila tayo hinihintay." Pinagsiklop niya ang mga palad namin at tinahak ang daan papunta sa isang vip room. Naabutan namin ang Mommy nya kasama 'yung babaeng nag-ngangalang Janaih at si Ma'am Celyn na nagku-kuwentuhan.

"Mom," Isang salita lang ngunit natuon na agad ang atensyon nila sa amin. Lahat sila bumaba ang tingin sa magkahawak naming kamay. Si Ma'am Celyn ay pumalakpak pa ng mahina at nakangiting todo habang ang babaeng Janaih na 'yon ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa tsaka umirap, ang Mommy naman ni Francis na-blangko ang emosyon.

"Sorry we're late." Bumeso si Francis sa Mama niya, magmamano sana ako pero iniwas niya ang kamay niya kaya pumunta na lang ako sa likuran ni Francis ay kumapit sa damit nya. "It's okay, ganyan lang 'yan sa umpisa." Bulong niya na tinanguan ko lang.

"Have a seat." Blanko pa rin ang mukha ng Mommy nya nang makaupo kami. "So, you didn't tell me na balak mo palang mag-invite ng stranger sa dinner natin, Francis."

"She's my girlfriend, Mom. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo 'yan?" Dinig ang pagkairita sa boses ni Francis kaya pinisil ko ang kamay niya para patigilin na sya.

"I know, nakakalimutan ko lang."

"Nakakalimutan o sadyang ayaw mo lang tandaan? Mom I'm not blind, nakikita ko naman kung paano mo sya tratuhin at sa simpleng pagmamano nya hindi mo---"

"Francis tama na, Mommy mo ang kausap mo, gumalang ka naman!" Pagputol ni Ma'am Celyn kay Francis.

"Pero binabastos na nya si Fana, Celyn!"

"At binabastos mo na rin ang Mommy mo sa ginagawa mo! We're here to eat together hindi para mag-away! So now, shut your mouth and apologize to your Mom!" Mahina ang boses ni Ma'am Celyn pero may mga diin at inis sa boses niya.

"Whatever. Palagi naman ganito na sa tuwing mangangatwiran ako, sa huli ako ang nagiging masama."

"Enough. Francis, Celyn."

"I'm sorry Aunty." Napamangha na lang ako sa paggalang ni Ma'an Celyn sa Mommy ni Francis. Nanliliit lalo ang tingin ko sa sarili ko dahil hindi ko magawa ang mga naipamalas ni Ma'am Celyn.

Matapos ng ganap na iyon tahimik lang kaming kumain pero hindi ibig sabihin na tahimik kami ay literal na tahimik talaga dahil itong babaeng nasa kabilang gilid ni Francis ay inaakit ang boyfriend ko.

Napailing-iling na lang ako at kumain. Napatingin din ako sa gilid nang matapunan ni Janaih ng juice ang polo ni Francis.

"Sorry, I'm so clumsy talaga natapunan tuloy kita." Naglabas na ako ng panyo para punasan ang damit ni Francis pero sadyang maharot ang babae na 'to dahil ang bawat pagpunas nya ng tissue sa damit ng boyfriend ko ay may halong pang-aakit.

"Stop it Janaih." Tumalikod si Francis sa kaniya at humarap ito sa akin. "Hon tingnan mo, nabasa ako." Sumimangot pa siya at kinontrol ang kamay ko para punasan ang damit niya.

"Ako na, kumain ka na dyan." Medyo natawa pa ako at pinunasan pati ang pants niyang nabasa rin.

"Wag dyan." Bulong niya sa akin at nang ma-realize ko kung bakit ay tumigil na ako habang siya ay nakangiti.

"Anak, bakit nga pala namumula ang pisngi mo?" Biglang pagputol ng Mommy niya sa usapan namin.

"Ma, I saw what happened. That bitch slapped my Francis."

"Shut up Janaih, kaya ayaw kitang isama dito. My son is not yours, understand?" Napakagat labi ng lang ako para hindi ako mapangiti o matawa. "Fana, am I right?" Bigla akong napaayos ng upo ay tumango.

"O-opo, Ma'am..." Kabadong sagot ko.

"Relax, I want you to relax yourself before we talk. Ayokong naririnig na kabado ang boses mo." Seryoso lang siyang tumingin sa akin.

"Okay na po, Ma'am."

"Good. Una sa lahat, ayaw kong nagma-mano ka sa akin dahil ang gusto ko ay beso kaya kita tinatanggihan. Just like what I said before, hindi ako kontrabida sa inyo ng anak ko. I just want to clarify some things. Are you willing to entertain my questions?"

"Opo Ma'am, wala naman po akong choice." Kabado akong ngumiti. Hinahablot ko at kamay ni Francis pero abala sya sa pagkain at tinitigan pa ako na parang sinasabi na bahala ako sa buhay ko.

"Stop calling me Ma'am, just call me Mama or Aunty Jem. Oh, just call me Mama, I would love that." Nangunot ang noo ko sa mga naririnig ko.

Totoo ba lahat ng sinabi nya?

Hirap ng may trust issue.

"I'll support your relationship, nakikita kong masaya ang anak ko sa'yo kaya wala naman akong ibang dahilan para paghiwalayin kayo." Para akong binuhusan nang malamig ma tubig nang ngumiti siya sa akin.

Lumingon ako kay Francis at nakangiti sya sa akin.

Kanina lang nag-aaway sila 'diba? Bakit ngayon parang bati na sila agad?

Nang matapos ang dinner namin akala ko tapos na rin ang nerbyos ko pero hindi pa pala nagsisimula. Ngayon ay doon ako pinapatulog ni Mama Jem sa bahay nila, hindi sa bahay ni Francis kung hindi sa mismong bahay talaga ng pamilya nila.

"Salamat na lang po, may trabaho pa po ako bukas..." Pagdadahilan ko.

"Gusto mo bang magtampo ang future mother-in-law mo? Should I beg para pumayag ka?" Pangongonsensya ng Mommy ni Francis. "Sige na anak, mag-day off ka ng one week. I want to know you more, magshopping tayo bukas!" Masayang sabi ni Mama Jem.

"Ma, bukas tayo magsha-shopoing 'diba? Don't tell me isasama mo sya!"

"Janaih, sa susunod na araw na lang tayo mag-shopping, si Fana muna ang isasama ko." Ngumiti ang Mommy ni Francis sa akin at hinawi ang buhok ko.

"But Ma!"

"No buts Janaih. Let's go Fana, doon ka matutulog sa bahay." Hindi na ako nakatanggi dahil nakapasok na kami sa sasakyan na hindi kay Francis. "Don't worry, si Celyn ang kasama ni Francis sa kotse at hindi si Janaih." Ngumiti siya ulit.

"O-okay lang naman po ako kung si Janaih man 'yung kasama nya." Sagot ko.

"Liar. I saw how jealousy shines in your eyes when Janaih started touching 'Your' boyfriend, my son." Tumawa siya kaya napangiti na lang din ako dahil totoo naman ang mga sinabi nya.

"Akala ko po masama ang ugali ninyo at masungit." Pagtatapat ko.

"I know. Ganon lang ako sa mga babaeng dumidikit sa anak ko pero sa una lang 'yon, hindi magtatagal magiging mabait na ako sa kanila dahil pinapagalitan ako ng anak ko."

"Bossy po talaga si Francis, at tsaka.. Salamat po na tanggap nyo ako kahit mahirap lang ako.."

"Wealth is not based on if you love someone, Fana. I can see that my son is happy with you so I am ready to give my blessing to you both. Basta alagaan nyo ang isa't isa."


•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

215K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
7.2K 273 41
Kathryn Saavedra is the most well known not because of her wealth and beauty but because of being a bad girl!! All girls are afraid of her and no one...
95.3K 2.7K 24
"Hindi porket apo ka ni Lola Lourdes magiging mabait ako sayo"- Seth "Hindi porket anak ka ni ma'am Amelia magiging mabait ako sayo.You want war?Then...