The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

48

97 2 0
By Lady_Mrg

Katatapos ko lang maghilamos dahil didiretso na sana akong matulog pero may kung sino ang kumakatok sa pintuan ko at kulang na lang sirain ang pintuan.


"Sandali lang sabi!" Inis kong binaba ang tuwalya. Pagod ka na nga galing sa trabaho tapos may ganito pang tao ang mang-iistorbo sa'yo nang ganitong oras! Alas diyes na! Letche naman!


"Bakit ba---" Napatigil ako nang bumungad sa akin ang kanina pa kumakatok sa pintuan ko. Para syang adik na nakangiti sa akin at parang babagsak ano mang oras. "Lasing ka ba? pumasok ka nga!"


"Hindi ah." Nang-aasar pang sagot nya sabay halik sa pisngi ko at pumasok na sa loob. Napailing na lang ako at sinarado ang pintuan tsaka sumunod sa kanya.


"Kung hindi ka lasing bakit amoy alak ka?" Nakapamewang kong tanong.


Nakaupo sya sa sofa habang pinagmamasdan ako na nakatayo sa harapan mismo nya.


"Ang sexy ng girlfriend ko."


Agad ako napaiwas nang tingin at napalunok. Nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa simpleng salita na iyon.


"Matulog ka na, lasing ka." Tinapik ko pa sya at kukuha sana ako ng unan at kumot nya sa kwarto pero hinila niya ang palapulsuhan ko at pina-upo ako sa ibabaw ng hita niya.


"Ang bango bango ng honey ko. Tabi tayo matulog, please." Sabay subsob niya ng mukha sa leeg ko.


"Bakit ka ba uminom? Na-iistress ako sa'yo." Iritadong sabi ko.


"Nagkatuwaan lang. Birthday nung co-teacher ko, nagkaayaan." Malambing at pabulong niyang sagot.


"Babae ba 'yang co-teacher mo?" Wala sa wisyong tanong ko.


Rinig ko ang mahina niyang pagtawa kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa baywang ko.


"Hindi. 'Wag kang magseselos kahit kanino, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko 'diba?"


Lasing na talaga 'to. Inistorbo pa ako, iisipin ko pa tuloy kung paano sya aalis dito nang walang makakakita dahil siguradong iisipin nila na dito natulog si Francis at baka iyon pa ang ikasira ng pangalan ni Francis bilang teacher.


"Bukas na lang tayo mag-usap, kukuha lang kita ng kumot at unan. Hindi tayo pwedeng magtabi sa kama lalo na lasing ka." Inihiga ko siya sa sofa at pumasok ako sa kuwarto. Pagbalik ko ay nakahubad na siya at tanging boxer shorts na lang ang suot.


"Hon, kiss mo naman ako. Kahit dampi lang, please." Hindi na nga niya maidilat ang mga mata dahil siguro inaantok na tapos nagawa pang humingi ng halik.


"Bukas na lang kapag hindi ka na lasing." Nilagyan ko siya ng unan at kinumutan ko pa pero tinanggal din nya.


"Kiss..." Nakanguso na siya ngayon. Hindi ko naman na natiis kaya pinagbigyan ko na lang. "Isa pa."


"Abuso ka na." Tinapik ko siya at kumuha ako ng tubig sa kusina. "Inumin mo muna 'to bago ka matulog." Salamat at sinunod nya agad kaya nakapagpahinga na rin ako. Iniwan kong bukas ang pintuan para natatanaw ko sya, baka mahulog sa sofa kaya mabuti nang nakikita ko.


Kinabukasan ding 'yon ay maaga akong gumising dahil may pasok pa ako. Mahimbing pa ang tulog ni Francis kaya nag-iwan na lang ako ng agahan at gamot sa may mesa para kung sakaling masakit ang ulo nya, may note din akong nilagay na pumasok na ako at sya na lang ang maglock ng pinto pag-alis nya.


"Good Morning po." Bati ko sa mga katrabaho ko. Halos lalaki ang mga kasamahan kong waiter at ang mga babae ay nasa kusina, ilan lang ang waiter na babae katulad ko.


"Fana! Ang aga mo naman, hindi pa tayo nagkasabay pumasok." Masiglang bati sa akin ni Andy.


"Hihintayin nga sana kita kaso naisip ko na baka pumasok ka na, sarado na kasi ang pintuan mo at patay na ang ilaw." Nakangiting sagot ko naman habang nagsusuot ng apron.


"Ah oo nga pala, parang may maingay kagabi? Lumabas nga ako para silipin kasi akala ko sa unit mo nanggagaling pero nung lumabas ako tahimik na bigla."


Mabuti na lang talaga at pinapasok ko kaagad si Francis kagabi!


"Baka 'yung mga lalaki lang sa taas 'yon, alam mo na, baka nagkakatuwaan." Pagdadahilan ko at mukha namang sumang-ayon siya.


Nag-umpisa na kaming magtrabaho at may mga customer nang dumating. May isang grupo ng customer ang dumating at ako ang nag-serve, mukhang mga dayuhan kaya pinaliwanag ko pa tuloy kung ano-ano ang mga pagkain namin dito. Hirap na hirap na ako kaka-english, mabuti na lang dumating si Andy at sinalo ako sa bangungot na 'yon.


"Ayan din ang kinakatakot namin kapag may turista, kailangan i-explain mo pa 'yung buong menu at kung paano 'yun niluluto at kinakain. Mabuti na lang talaga palaging to the rescue si Andre sa amin, sya ata ang pinakamatalino dito." Bulong sa akin ni Aaron.


Sang-ayon naman ako dahil alam ko naman na matalino si Andy, kung baga, sya 'yung tipo na matalino pero sobrang tamad mag-aral.


"Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong ko habang nakatingin pa rin kami at manghang-mangha sa kung paano kausapin ni Andy ang mga turista.


"Hindi naman, kailan lang nung nagtrabaho sya dito. Pero kahit sandali ko pa lang nakikilala si Andre, napakabait nyan. Madalas nga nangungutang ako dyan kapag kinakapos kami, wala akong masabi sa kanya. Pati boss natin puring-puri 'yan sa kasipagan sa trabaho." Ramdam ko sa boses ni Aaron kung gaano siya kalapit kay Andy.


"Bumalik na nga tayo sa trabaho baka makita pa tayo na walang ginagawa." Pagputol ko na lang sa usapan dahil baka mag-ikot bigla ang manager dito at mahuli kaming nagchi-chismisan, isang linggo pa nga lang ako dito baka matanggal agad ako sa trabaho.


"Oo nga pala may nabanggit si Andre sa'kin!" Malapad ang ngiting sabi niya at pinapaikot pa sa daliri ang menu card. "Nagbabalak atang manligaw sa'yo si Andre, grabe ang bilis ng panahon, nagbibinata na ang panganay ko." Madramang sabi ni Aaron at kunwari pang naiiyak.


Pilit lang akong ngumiti para naman hindi siya mapahiya.


"Goodluck! Type na type ka non, walang ibang bukang bibig sa'kin 'yon kundi ikaw!"



"Magtrabaho na nga tayo!" Sabi ko na lang at kinuha ko na ang pagkain na ise-serve ko sa tabi lang ng mesa ng mga dayuhan.


Pagkatapos kong magserve ay nakasabay ko pa pabalik ng kusina di Andy.


"Kamusta trabaho?" Tanong niya "Sabihin mo sa'kin kapag may mga customer na sinungitan ka, lalagyan ko ng maraming paminta ang pagkain nila."


"Okay lang, mababait naman sila. 'Yung grupo nga pala ng babae don," Tinuro ko ang isang mesa na tatlong babae ng kumakain. "Ikaw ang hinahanap, ikaw ang gustong waiter eh hindi naman kita maistorbo kasi may kausap ka pa."


Napatingin siya sa grupo ng kababaihan at naiiling na tumawa. "Madalas sila dito."


"Mukha nga, pati si Aaron ay kilala nila." Natatawang sabi ko naman.


Malapit nang mag-lunch at saktong dumating ang lalaking inaasahan kong abala sa trabaho pero ito at umoorder ng pagkain at hihintayin daw nya akong matapos para sabay kami kumain.


"Akala ko ba marami kang trabaho? Kakasabi mo pa lang sa akin nung isang araw." Pabulong na sabi ko at kunwari ay naglilista ako ng order niya. Siya naman ay enjoy na enjoy at nakangiti pang sumasagot sa mga tanong ko.


"Makakapaghintay naman 'yon, tsaka gusto kitang makasabay kumain." Napailing na lang ulit ako.


"Thank you for ordering, Sir. Your food will take a few minutes to serve so please enjoy the view while waiting." Kinindatan na naman niya ako. Buntong hininga na lang ang isinagot ko.


Inabot ko sa chef ang inilista kong order at tumambay doon habang naghihintay. Wala pa namang ibang customer.


"Sabay tayong mag-lunch, kung pwede?" Sumandal si Andy sa island counter na sinasandalan ko.


"Ah, may kasabay---"


"Order No.18!" Sigaw ng chef.


"Serve ko lang 'to, excuse." Pilit akong ngumiti at sinerve na sa table ni Francis ang order niya.


"Lunch time na, kain na tayo. Lunch break nyo naman na." Bulong niya.


Tiningnan ko ang mga kasama ko at nagpapalitan na nga, dumadating na 'yung ibang waiter na magse-serve habang kami naman ang magla-lunch.


"Upo na." Tumango ako at uupo na sana pero may humablot sa braso ko.


"Fana lunch na tayo!" Masiglang sabi ni Aaron at nakakapit pa sa braso ni Andy at sa braso ko.


"Kasi may kasabay na'ko."


"Bitawan mo nga---"


"Si Sir Francis! Pasensya na kayo, napadaan lang si Sir pero sasabay na ako sa kanya." Pagpapalusot ko. Tanaw ko namang umupo ulit si Francis at sumandal habang nakakrus ang mga braso.


"Ah ganon ba, sige, next time na lang." Sagot ni Aaron. "Sayang pare, kasama ata Kuya nya."


"Aba gago---"


"Tama na. Kumain ka na." Pagpigil ko kay Francis dahil narinig nya ang sinabi ni Aaron.


"Hindi kita kapatid. Girlfriend kita." May diing sabi nya at tinawanan ko lang.


"Oo, At boyfriend kita kaya kumain ka na kung ayaw mong maging kapatid ako."



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 319 13
As the title says
3K 196 90
"Lalake ako Rashine. Binago mo ang takbo ng utak ko, binago mo ang laman ng puso ko, pero kung ang iwan ka ang magpapasaya saiyo? Sige, kahit putangi...
214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
131K 2.8K 32
It's all about arrange marriage and suddenly they fell in love but in this case not all love story had a happy ending. . . . Hindi lahat ng love stor...