The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

25

148 5 0
By Lady_Mrg

"That's all for today. I hope you'll review for the up coming final test. After that, wala na kayong ibang gagawin kung hindi ang magpractice sa pag-akyat sa stage for your graduation and there will be no more classes. You may take your break. Goodbye class."


"Bye Sir!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng malanding boses na 'yon.


Si Patricia. Tss.


"Hoy girl, baka malaman ng Tita mo 'yan, lagot ka." Bulong sa kanya ng isa nyang alipores. Malakas ang pandinig ko kaya rinig ko pa rin.


"So what? May magagawa ba si Tita Lyn? Tss, ga-graduate na tayo kaya pwede na 'kong lumapit lapit kay Sir Francis."


"Parang hindi mo kilalang magalit si Ma'am Celyn, baka masabunutan ka non, Pat."


"Subukan lang nya, baka gusto nyang matanggalan ng trabaho. Kaya nga hindi ko binubura 'yung video para may pang blackmail ako sa kanya."


"Pat, matakot ka naman. Tsaka, 'diba si Ma'am Celyn ang nagpapa-aral sa'yo? Hindi ka ba nakokonsensya sa mga ginagawa mo sa kanya?"


"Yung totoo Kei?! Kakampi ba kita o ano? Tandaan mo, sabit ka na sa mga ginagawa ko kaya subukan mo lang akong isumbong, magsasama-sama tayo."


"Hay na'ko. Ang polluted ng hangin dito. Makalabas na nga, amoy basurang plastic dito." Pinagpagan ko pa ang palda ko bago ko kinuha ang backpack ko.


Kahit kailan talaga 'tong malditang 'to. Hindi na nga kagandahan ang pangit pa ng ugali.


"Excuse me? What did you say? Amoy plastic na basura?" Hinablot nya ang bag ko at tinaasan ako ng kilay.


Syempre, ngumisi lang ako.


"Hindi mo ba naaamoy?" Tanong ko.


"N-no." Sagot nya sabay bitaw sa bag ko.


"Ganon talaga. Hindi mo maaamoy ang sarili mo." Ngumiti ako.


"What the!--"


"Oh, pabango. Branded 'yan, ipaligo mo baka mawala ang amoy plastic mo." Hinila ni Jade ang manggas ng blouse ko at lumabas na kami ng room, naiwan naman si Pat at ang alipores nyang si Kei na nakatingin ng masama sa'min.


"Hoy Jade! Lagot ka do'n! Wala akong kasalanan ah!" Agad na sabi ko dahil alam ko naman na hindi nagpapatalo ang babaeng 'yon.


"Sinisi mo pa ako sa bandang huli? Pasalamat ka nga at tinulungan kitang layasan ang malditang 'yon." Malamig na tono ng boses na sabi niya. Sanay na ako, kailan ba nag-iba ng pananalita si Jade. Kung hindi sya seryoso, seryoso pa rin sya, wala namang bago. Hindi nga ata sanay ngumiti ang babaeng 'to.


"Hays, sige, salamat na lang." Hindi na ako nakipagtalo dahil ayaw kong masapok, maikli lang ang pasensya ni Jade at ayaw kong sagarin 'yon.


Sumunod lang ako sa kanya at patungo kami sa canteen.


"Good Afternoon po Ma'an Celyn." Bati ko kay Ma'am nang magkasalubong kami. Ngumiti naman sya at binati ako pabalik.


"Hindi ka sasabay sa'min mag-lunch?" Nakangiting tanong ni Ma'am. Napalingon ako kay Jade na seryoso lang ang mukha at tsaka ko binalik ang tingin ko kay Ma'am Celyn sabay ngiti.


"Hindi na po. Sasamahan ko pong kumain si Jade." Lumapit ako kay Ma'am at bumulong. "Loner kasi Ma'am, sasamahan ko para maging close kami." Natawa pa si Ma'am at inabutan ako ng lunch box.


"Eto, ako ang gumawa nyan kaya kainin mo. Akala ko kasi sasabay ka sa'min ni Francis, ubusin mo 'yan ah!"


"Thank you po!"


"Sige na, kumain na kayo."


Dumiretso na kami sa canteen at nakabili na rin ng pagkain si Jade. Mabuti na lang hindi nya ako tinaboy at hinayaan lang akong sumabay na kumain sa kanya.


"Tikman mo 'to, ang sarap." Sabi ko sabay lagay ng ulam sa pinggan nya. Hindi naman sya nagsalita at tinanggap lang 'yung binigay ko.


Tahimik kaming kumakain nang biglang may humablot ng lunch box na bigay ni Ma'am Celyn at tinapon sa sahig ang pagkain ko.


"Guess who. Isang cheap at magnanakaw. Lunch box ko 'to!" Sigaw ni Patricia.


"De sa'yo! Pakialam ko sa lunch box mo! Hindi naman nakakain 'yan!" Pambu-bwisit ko.


"Ah ganon ah!" Sigaw nya at akmang itatapon din ang pagkain ni Jade pero hindi nya nagawa.


"Subukan mong hawakan ang pinggan ko, lalabas ka ng school ng kalbo." 'Yon lang ang sinabi ni Jade pero wala nang nagawa si Patricia kung hindi ang mag-walk out, habang itong si Jade ay patuloy sa pagkain at parang walang nangyari.


"Ang galing mo Jade!!" Masayang sabi ko kahit pa wala na akong pagkain. Okay lang, hindi naman ako gutom.


"Ngayon lang 'yan, sa susunod hindi na matatakot ang babaeng 'yan. Iwasan mo na lang, malapit nang mag-graduation, baka hindi ka pa makaakyat kapag pinatulan mo ang utak langgam na 'yan."


Pagkatapos ng break Apat na subject pa ang dumaan bago kami nag-uwian. Sasabay dapat ako kay Jade pauwi kaso bigla syang nawala. Nilagay ko lang sa bag ko sandali 'yung ballpen ko tapos pagtingin ko sa pwesto nya wala na sya.


Ganon ba ako kadaldal kaya ayaw nya akong kasama? Maingay ba ako? Hindi naman ah...


"Bye, plastics!" Kumaway pa ako kay Patricia at umalis na rin agad ako. Mahirap na, baka habulin ako ng Patpat na 'yon.


Pasakay na sana ako sa tricycle pero nakita ko si Andy kaya tumakbo ako palapit sa kanya.


"Ayos! Sakto lang pala dating. Tara, hatid na kita sa inyo." Kinuha nya ang bag ko at dalawa na kaming sumakay sa tricycle.


"Anong ginagawa mo sa school? Hinihintay mo ba si Jade? Wala na 'yon, kanina pa umalis." Pilyang sabi ko habang tinatanggal ang ribbon sa kwelyo ko. Nakakasakal eh.


"Nakita ko nga sya kanina, sumakay ng jeep. Mukhang may pupuntahan." Kibit balikat nyang sagot.


"Bakit ka nga napadpad sa school?" Pag-ulit ko sa tanong ko kanina na hindi nya sinagot.


"May pinuntahan lang ako, eh naisipan ko nang hintayin ka para may kasabay akong umuwi." Natatawa pa sya sa sinasabi nya. "Buti nga pala hindi kayo magkasabay ni Sir umuwi?"


"Sinong Sir?" Tanong ko.


"Sir Francis. Ayon lang naman ang teacher na alam kong napapagtripan mo."


"Ah, oo. Hindi ko nga pinapansin 'yung katol na 'yon. Sabihan ba naman akong kinopya ko daw si Heneral Luna. Bahala sya sa hotdog nya."


"H-hot... ano? H-hotdog??" Tanong ni Andy.


"Wala naman akong sinabing hotdog. Bakit ba kayong mga lalaki makarinig lang kayo ng hotdog nauutal na kayo?! Ogag ba kayo??" Napahilot pa ako sa sarili kong sentido.


"Wala. Iba lang kasi ang pagkakasabi mo ng hotdog. Ang bastos ng tono." Umiwas sya ng tingin.


"Hu, malisyoso lang kayo, aminin nyo na." Sagot ko naman.


"Tama na nga 'yang usapang hotdog!" Pagbaba namin ng tricycle sya na ang nagbayad ng pamasahe. Umakyat na kami sa apartment at hindi pa bukas ang ilaw ng kay Jade, baka wala pa sya.


Nakapasok na ako sa loob at binagsak ko na lang sa upuan 'yung bag ko. Nilipatan din ako ni Andy ng pagkain, mabuti na lang talaga masarap magluto ng kapit bahay ko, nakakaganang kumain lalo na libre.


"Salamat!" Sigaw ko nang makalabas na sya. Sakto hindi pa ako nagluluto, buti na lang may pagkain agad.


Nagpalit muna ako ng damit at naghilamos. Nagtanggal na rin ako ng bra para makahinga naman ang dibdib ko, maghapon naiipit.


Nakakaisang subo pa lang ako ng pagkain nang may kutong lupa na halos sirain na ang pintuan ko dahil katok ng katok.


"Langya naman oh, kung kelan ka kakain tsaka may pesteng kakatok!" Bulong ko sa sarili ko bago ako tumayo at lumapit sa pintuan.


"Sino 'yan?" Sigaw ko bago ko buksan ang pinto.


"Guardian angel mo 'ko, buksan mo 'to!" Sigaw nang nasa labas.


"Urur! May sungay ka Sir! hindi ka anghel, demonyo ka!" Sigaw ko pabalik bago ko binuksan ang pintuan.


"Nahiya naman ako sa sungay mo Fana Santa Cruz. Santanas dapat apelyido mo." Sabi nya pagkapasok sa loob at binaba sa may upuan 'yung mga plastic na dala nya.


"Ano 'yan? Ayuda? Nays!" Masayang sabi ko nang makita kong puro pagkain ang laman ng mga plastic.


"Ayuda mo mukha mo." Sagot lang nya sabay nilapag sa mesa 'yung isang nakaplastic na dala nya. "Bored ako sa bahay kaya makikikain ako."


"Wala akong pagkain. Hindi ako nagluto. Binigyan nga lang ako ng pogi kong kapitbahay." Sagot ko naman.


"Pogi? Ako? Ano ka ba Fana, hindi mo naman ako kapitbahay. Pero sige na nga, alam ko namang gwapo ako." Tinitigan ko si Sir nang puno nang pandidiri sa mukha.


"Nagrarambol mga bituka ko, para akong masusuka..." Nalukot ang mukha nya nang marinig ang sinabi ko.


"Wala ka talagang good manners!" Pinitik nya ang noo ko. "Wag kang mag-alala, may dala akong pagkain! Nakakahiya naman kung paglulutuin kita!" Inirapan nya ako sabay may kinuha sa plastic.


"Siguraduhin mo lang Sir na masarap 'yan."


"Ang demanding mo."


"Hindi naman po. Slight lang."


"Oh, bumili ako ng maraming shawarma. Shawarma ang tawag dyan. Ngayon alam mo na!" Inabot nya sa'kin 'yung pagkain na tinatanong ko sa kanya ang pangalan noon.


"Ba't walang hotdog? Masarap 'yun eh!" Reklamo ko.


"Corndog 'yon! Corndog! Juice colored, bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya!"



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
43.4K 1K 34
Ashley Gayle was a typical and a transparent girl who had encounter her happy crush; Cleo Maverick. He's an SSG president and a cold-hearted man. But...
7.7K 84 18
a ton of random oneshots from hundreds of different fandoms because it's impossible for me to settle! - will probably be an x reader unless requeste...
1M 91.3K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...