Chapter 79: Kronos

89 0 0
                                    

January 15,2018 Monday

8:05 am

Imus ,Cavite

Napangiti ako nang matapos kong hugasan ang mga plato,kutsara at mga tasa na ginamit namin sa breakfast kanina.

Inikot-ikot ko ang aking leeg ,sabay iniunat ko ang aking dalawang kamay paitaas sa hangin para matanggal ang ngawit na aking nararamdaman.

Pagkatapos ay kumuha ako ng basahang tuyo para punasan ang tumalsik na tubig sa mga tiles malapit sa lababo.

Iniisip ko kung ano ang ginagawa nina Jenny at Myra sa kabilang bahay noong mga sandaling iyon,

Baka naman nagsusukat sila ng damit o' nagme-makeup,alam mo naman ang mga babae....mahilig silang magpaganda.

Niligpit ko na at inayos ang mga plato at tasa na ginamit namin sa breakfast kanina sa isang lagayan na eco bag para mamaya pagdating ni Myra ay maisauli ko na ito.

Wala naman akong ginagawa kaya mas maganda siguro kung ako na lamang ang magsauli nito kina Myra.

Wala naman akong ginagawa kaya mas maganda siguro kung ako na lamang ang magsauli nito kina Myra

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Myra......

Pero.......... ....... ... ..,napahinto ako at ipinatong ko ang eco bag sa ibabaw ng lamesa.

Pupunta sana ako kina Myra,para ako na lang ang magsauli ng mga plato at tasa pero may sumagi sa aking isipan...,

Naalala ko ang mga marka na hindi mabasa sa ilalim ng alcohol lamp na ibinigay sa akin ni Thelma kahapon.

Kaya umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay para tingnan muli ang nasabing lampara.

Nakaupo ako sa gilid ng kama at hawak ang lampara,muli kong nakita ang mga marka sa ilalim nito nang itaob ko ang lampara.

Saglit naman akong tumayo at tumungo sa bintana para hawiin ang kurtina,..naisip ko na itapat ang lampara sa liwanag ng araw para lalo kong masuri ang mga marka nito na hindi mabasa.

Bahagya pa akong nagulat nang sa paghawi ko sa kurtina ng bintana ay bumungad sa harapan ko sina Jenny at Myra.

Bukod sa magkapitbahay kami ni Myra ay magkatapat din ang bintana ng aming kwarto.

Naalala ko pa noong una kaming magkakilala ni Myra,...sa bintanang ito madalas kaming mag-usap pagkauwi ko galing trabaho.

Iba talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo ang kausap mo kumpara sa modernong pakikipag-usap ngayon gamit ang mga social media.

Iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang ngiti ng kausap mo,ang reaksyon ng kanyang mukha...na hindi mo mararamdaman sa pakikipag-usap sa online.

Pero sa mga magkarelasyon naman na malayo sa isa't-isa ay malaking tulong naman ito,dahil kahit papaano ay napaglalapit kayo ng teknolohiya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now