Chapter 36 : Si Blakkk Venus

81 8 57
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

06:24 pm

Hao chi Mian tang Restaurant

Isang babae ang nakaupo sa labas malapit sa escalator,may mga lamesa at upuan pa ang Hao chi Mian Tang Restaurant sa labas malapit sa daanan ng mga tao.

Nasa cashier booth ako tumatambay kapag walang order ang customer,nanunuod ako ng t.v,...ganun na lang palagi ang balita,palaging may na tokhang na mga adik,tapos binaril ng riding in tandem,..tapos sasabihin nahuli sa CCTV Camera,....sana pala yung CCTV na lang ang ginawang pulis..,

"Archie,..hindi ka ba  nagtataka,mula ng magbukas tayo..hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi yong babae na nakaupo sa labas natin"....ang sabi ni Jenny sa akin,..nung hindi ko siya pinansin ay inilipat nito ang channel ng t.v.

"Bakit mo naman nilipat Jenny ?"..sabay simangot ng aking mukha sa kanya.

"Masyado ka kasing seryoso dyan eh,tinatanong ko sayo yung babae sa labas na customer natin,..nagtataka kasi ako ..hanggang ngayon ay nandito pa din siya.."

Sabay turo ni Jenny sa kinauupuan nung babae.

Maamo ang mukha niya at may malalim na noo..,ang sabi ng lola ko ay ito daw ang  noo ng mga matatalino..,malalim.

Nakasuot siya ng "satin self tie jumpsuit" na may V-neckline, na kulay forest green,..slim fit ito kaya sumasabay ang tela ng damit sa kurbada ng katawan ng nagsusuot nito.

May tatlong upuan ang bawat lamesa dito sa aming chinese resto,..pero dahil mag-isa lang siya ay ginawa na lang niyang patungan ng iba niyang gamit ang natitirang dalawang upuan.

Inilagay niya ang kanyang "lady plume hobo bag" na kulay purple sa isang upuan at sa kabilang upuan naman ay inilagay niya ang kanyang
Laptop suitcase bag.

"Nakita mo namang nakabukas ang laptop nya..baka may tinatapos na deadline sa office...?
Ang sagot ko kay Jenny...,

Kanina ko pa din siya napapansin,halos lumamig na ang noodle soup na kanyang inorder,meron din siyang order na siomai,spicy chicken wings, at stir fried tofu with rice...pero kahit minsan ay hindi niya ito ginalaw or tinikman man lang.

"Jenny hindi niya kinakain ang mga order niyang pagkain,pero isa lang ang napansin ko.,nakaka-apat na order na siya ng bottled water...at puro inum lang siya ng tubig..,parang uhaw na uhaw siya.."
Ang paliwanag ko kay Jenny...

Ngumisi si Jenny na parang may iniisip na kalokohan..

"Archie,alam ko na,lapitan mo tapos tanungin mo kung may kailangan pa siya,tapos tingnan mo kung anu ang kanyang ginagawa sa kanyang laptop"...
Si Jenny talaga kung anu-ano ang kalokohan ang pumapasok sa isip niya.

"Sige,pero huwag mo akong titingnan ha,natatawa kasi ako sayo eh,,mamaya makahalata yung babae.."lumapit na ako papunta sa table kung saan nakaupo yung babae.

Agad mong mapapansin ang logo ng "mansanas na may kagat "...  sa likod ng kanyang laptop...,

Naka Macbook pro pala siyang laptop computer,..mayaman siguro itong babaeng ito,.. ang naiisip ko habang papalapit ako sa kinauupuan niya.

"Miss..!  OK na po ba kayo diyan.?..kung may kailangan po kayo nandoon lang ako sa cashier booth...ang nasabi ko sa mahiwagang babae..

Agad kong sinilip ng panakaw na tingin ang screen ng kanyang laptop computer para alamin kung anu ang kanyang pinagkakaabalahan..,napansin ko din ang tatoo na black butterfly sa kanyang kaliwang pulso.

"Sige...salamat.."ang nasabi nito na hindi man lang nakuha na tumingin sa akin..patuloy lamang ito sa pagta-type sa kanyang Macbook pro.

Nang makita ko na at mabasa ang ilang mahalagang detalye sa kanyang laptop ay agad na nagbalik ako sa cashier booth kung saan nandoon si Jenny.

"Jenny isa pala siyang writer ng Wattpad.."ang mahina kong sabi kay Jenny..napahinto si Jenny sa panunuod ng t.v

"Eh nakita mo ba ang kanyang username sa Wattpad?..ang sabi nito habang ibinaling ang atensyon niya sa akin

"Oo.."Blakkk Venus"..ang kanyang username sa Wattpad "...ang sagot ko kay Jenny,..nakita ko ang reaksyon niya,parang nagulat sa kanyang narinig..

"Archie hindi mo ba kilala si "Blakkk Venus" ?..ang pangalawang tanong ni Jenny sa akin.

"Pssst....baka marinig ka nung babae,sabihin pinag-uusapan natin siya."ang paliwanag ko kay Jenny habang sinusubukan kong patahimikin siya sa kanyang pagsasalita.

"Bakit ba...?,...eh ano naman ngayon kung siya si "Blakkk Venus"....ang dugtong ko kay Jenny.

"Hindi ka kasi  nagbabasa ng Wattpad eh kaya wala kang alam.."ang pagpapatuloy na sabi ni Jenny...

Kinuha ko ang aking "Samsung Galaxy J1"mula sa aking bulsa at ipinakita kay Jenny na may apps ako ng Wattpad sa aking smartphone.

"Wuiii nagbabasa ako ng Wattpad ha,..tingnan mo itong binabasa ko ..."Ang Babae sa mga Pahina ni mcdomcdo..."...ang pagyayabang kong sabi kay Jenny.

"Hay naku,ngayon ko nga lang narinig yang novel na yan,..magbabasa ka na nga lang ng novel,hindi pa kilala yung writer...."sabay iling ng ulo nito.

"Sino ba yang "Blakk Venus" na yan jenny?...sabay kabig ng tono ng aking boses,..pilit na inaalam ang tungkol dito.

"Si Blakk Venus sa mundo ng Wattpad ay isang sikat na Horror writer..,kinakatakutan ang kanyang mga nobela dito,lalo na ang kanyang nobela na "Itim na Ribbon" na nilabas niya sa Wattpad noong "December 13 , 2013 Friday"..ang kwento ni Jenny sa akin.

Napasandal ako sa pintuan ng cashier booth at nalibang ako sa kwento ni Jenny.

"Sinasabing may tatoo na "black butterfly " si Blackkk Venus sa kanyang kaliwang pulso"..ang pagpapatuloy ni jenny sa kanyang kwento..

"Tama may tatoo nga siyang black butterfly ...,ang galing mo naman Jenny ! ...anu pa  ba ang nalalaman  mo sa kanya.?makulit kong tanong sa kanya.

"Ang sabi ay noong inilabas niya sa Wattpad ang kanyang libro noong Friday 13th ng December 2013 ay nagpakamatay ang unang 13 na readers na nagbasa nito..."

"Ito ay naging viral sa social media,hindi maipaliwanag ng mga pulis ang hiwaga at sinasabing nagkataon lamang ito,..at walang kinalaman ang pagbabasa nila ng "Itim na Ribbon" na sinulat ni "Blakkk Venus.

Uminom muna si Jenny ng iced tea habang nakatingin doon sa babae na nakaupo sa labas,..na nakilala naming sikat na writer ng Wattpad.

"Jenny magkwento ka pa"..nabitin ako sa kwento niya,gusto ko pang makilala ang mahiwagang babae na ito.

"Dahil sa insedente ay napilitang tanggalin ng Admin ng Wattpad ang "Itim na Ribbon"..,kaya hindi mo na ito mase-search sa Wattpad ngayon."

Napayukod ang ulo ni Jenny at nilalaro ang pawis ng tubig sa baso ng kanyang hawak na iced tea.

"Umani ng pangungutya si Blakkk Venus sa mga social media,..mula noon ay hindi na siya naging active sa Wattpad at hindi na rin niya tinapos ang kanyang mga nobela na sinusulat."

Parang nalungkot ako bigla sa mga narinig ko kay Jenny,...ano kaya ang pakiramdam ni Blakkk Venus noon..sigurado ako na hindi maganda...masakit ang pakiramdam na sisihin ka ng mga magulang at kaibigan ng 13 na nag-suicide dahil sa pagbabasa ng kanyang nobela....

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now