Chapter 2 : Unang Araw II

308 18 44
                                    

January 5 , 2018 Friday
12:08 pm

Mataas na ang sikat ng araw.Habang ako'y nakatayo sa lilim ng poste...,nagtatago sa init nito.

"Ayon may bus na,sabi ko na nga ba ganito ang oras ng daan nito"...,isang may kalumaan na bus ang papalapit sa akin,byaheng cubao ito...at may nakalagay na sign..,"jasper".

agad akong sumakay,palingalinga sa kaliwa't kanan...,naghahanap ng bakanteng upuan...,Halos mapuno na ang bus,dahil cubao ang byahe nito at derecho na sa Maynila..,maraming pasahero ang nagsisiksikan para makasakay dito.

Nakaupo din ako sa wakas sa may dalawahang upuan...,isang babae nasa edad twenty plus ang aking katabi,tulog ito at naka-headset,nakikinig ng mp3 sa kanyang smart phone.

Nakatulog ako sa aking pagkakaupo..,may kahinaan ang aircon ng bus dahil siguro luma na ang bus,pero ok na din kesa mainit.Nagising na lamang ako ng kalabitin ako ng konduktor para singilin ng pamasahe.

"Sir saan ang baba nyo" ang may kalakasang boses ng konduktor...habang hawak nya ang pangtiket sa bus.

"Sa Estrella po" ang sagot ko habang dinudukot sa bulsa ko ang isang daang piso para ibayad.

Agad kong iniabot ang bayad..,habang ang konduktor naman ay iniabot sa akin ang tiket ng bus.Hindi ko na tiningnan ang presyo dahil alam ko na....,araw-araw akong nagbabyahe kaya kabisado ko na kung magkano ang sisingilin sa akin.

Isang 50 pesos at syete pesos na barya ang sinukli sa akin ng konduktor.Agad kong isinilid sa kaliwang bulsa ng pantalon ang sukli at bumalik ako sa pagtulog..,nasa two hours ang byahe dahil madalas trapik dito sa Cavite...,kaya makaka-idlip pa ako.

Lumipas ang oras at minuto...,nagising ako sa tawanan ng mga pasahero...,nanunuod sila ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime.
May mallit na tv ang bus sa may unahan malapit sa driver.Habang ako naman ay nakatingin sa bintana sa naglalakihang building sa ayala.

"Edsa ayala na pala"..,malapit na akong bumaba ng bus.Ginalaw ko ang aking mga paa na nangawit sa tagal ng pagkakaupo sa bus.Gising na din yung katabi kong babae at nagfa-facebook sa kanyang android phone.

"Oh!!..yung Estrella dyan...,dito na po ang babaan" ang malakas na sigaw ng konduktor ng bus.

Agad akong tumayo at lumapit sa may pintuan ng bus...

"Trabaho na naman"..,ang nasabi ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa overpass ng Estrella.Napahinga ako ng malalim..,na tila hindi iniinda ang init ng araw.

Dito ako dumadaan palagi dahil matrapik sa Guadalupe..,Nagtratrabaho ako sa isang chinese resto sa Power Plant Mall sa Rockwell Makati.Madalas dito na lang ako naglalakad sa Estrella para hindi mahuli sa trabaho.

Binuksan ko muna ang messenger ko sa aking android phone..,chat muna habang naglalakad.wala naman message..,isa lang.."Hmmm si Jenny? Anu na naman kaya trip nito?!"

Si Jenny ay katrabaho ko sa chinese resto na pinapasukan ko.
Siya ang nagtraining sa akin para maging waiter doon..,kaya naman siya ang una kong kaibigan sa trabaho.

Last week hindi na sya pinag-waitress ng boss namin kasi malupit sa math si Jenny kaya napromote syang cashier.
Sa ilang months naming magkasama napansin ko ang hilig nya sa pagbabasa ng mga E-BOOKS...kaya naman masasabi ko na matalino syang babae...,na kabaligtaran ko naman..ahaha.
Binasa ko ang kanyang message at ito ang nakasulat.....

"Kamoteng Archie, yung utang mo bayaran mo ako mamaya ha"!...natawa ako..,hindi makatulog kala mo naman ang laki ng utang ko sa kanya...

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now