Chapter 5 : Ang Hiwaga ng Singkwenta Pesos

152 12 17
                                    

January 6, 2018 Saturday
07:11 am

"Tog....,tag...pssst..

Nagising ako sa tunog ng bola sa labas..,

"Oo nga pala katabi ng bahay nina Jenny ang basketball court"...habang inuunat ko ang aking mga kamay,madami ang naglalaro ng basketball sa labas..,siguro dahil sa walang pasok ang mga estudyante ngayon dahil Sabado.

"Kamote! May pandesal at hotdog dyan sa lamesa...,ikaw na ang bahalang magtimpla ng kape mo.."ang sabi ni Jenny ..,nasa tindahan sya at nagbabantay..nakatalikod sya sa akin at nakatingin sa labas...,isang bata ang lumapit sa tindahan at bumili ng icetubig...,

"Ate Jen naglalaro si Edward ah!..Ang sabi ng bata habang iniaabot ang bayad sa icetubig...,

"Eh ano naman ngayon,.kung naglalaro sya dyan"sagot ni Jenny sa batang bumibili...

Katatapos ko lang magtimpla ng kape,tiningnan ko ang tinuturo ng bata na bumili ng icetubig..,habang hinahalo ang kape..,
Isang matangkad na binatilyo,may kaputian ito at mukhang anak mayaman..,chinito ito yung tipong napapanuod mo sa korean drama sa tv...nakatingin si Jenny dito habang naglalaro ito ng basketball..sa itsura ni Jenny alam ko na hindi sya magugustohan nito....natatawa ako sa aking iniisip nung mga sandaling iyon.Pinutol ko ng tinidor yung hotdog at pinalaman sa pandesal..

"Pssst..Jenny ....,crush mo?...!! Ang mapang -asar kong biro sa kanya...,

"Crush ka dyan!!...,ang naiinis nitong sagot

"Isa ka pa kamote ha..,sinisira mo araw ko"...,medyo pagalit na boses ni Jenny.

Hindi na ako nagsalita..,kilala ko si Jenny.,kapag tumataas na ang isang kilay nito ay alam ko na ..,pikon na ito.Nagpatuloy ako sa pagkain ng almusal.May kainitan pa ang kape at dahan -dahan ang pag-inum ko dito.

"Umalis nga pala si mama..,nag -grocery..,dadaan daw sya ng palengke pagkatapos nya doon..,tayo daw muna ang magbantay ng tindahan.ang sabi ni Jenny habang nakaupo sa kaha ng tindahan.

"Eh anong oras tayo makakapasok nyan mamaya?.."ang sagot ko kay Jenny...,

"OA mo..,hindi naman aabutin ng alas dose si mama doon.."sagot ni Jenny.Nakaupo ito sa may tindahan..,may sinusulat sa papel..,tila nagkwekwenta ng mga numero ..,
Napangiti ito na parang tumama sa lotto.

"Yessss!... sabi ko na nga ba eh"...,tama ang iniisip ko kagabi.."ang masaya nitong tinig habang patuloy sa pagsusulat sa papel.

"Ano ba ang ginagawa mo dyan?"..,ang tanong ko kay Jenny ..,tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit kanya.

"Tingnan mo!!! Alam ko na ang ibig sabihin nung numbers na nakasulat sa 50 pesos mo..."sabi ni Jenny..,tuwang -tuwa sa kanyang natuklasan.

"Gumamit sya ng isang uri ng caesar cipher!!"sagot ni Jenny pero hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

"Anu naman yon?" Ang sagot ko sa kanya.

"Dahil sa kamote ka,,ipapaliwanag ko sayo...,ang pagmamayabang ni Jenny sa akin.

"Isa itong encryption para itago ang message..,sa halip na letters,gumamit sya ng number at madali lang..ang patuloy ni Jenny sa pagpapaliwanag sa akin.

"Yung qwerty keypad ay ginawa nyang numero..,halimbawa..yung "Q" ay one,,,yung "W"ay two...,patuloy lang ako sa pakikinig kay jenny.Palagay ko tama naman sya.

"Kaya kong ede-decode nating itong numbers na ito...,
11-19-22-16-3-26-8-12-5....,ang ibig sabihin ay "ALCHEMIST"...,ngayon ko lang nakitang masaya si Jenny nang ganun...,

"Tapusin mo na lahat..,translate mo na din yung iba..henyo ka talaga Jenny"..ang sabi ko sa kanya..,pero hindi ko talaga alam kung paano nya naisip yon.Napakamot na lang ako sa ulo.

Ilang sandali pa at natapos na ni Jenny na ma-decode ang mga numero na nakasulat sa 50 pesos..at ito ang kinalabasan....,

"Alchemist/Pc/Mabel"....,

"Jenny anu sa palagay mo ibig sabihin nung PC?..naupo ako sa tabi nya at interesado akong marinig ang mga sasabihin nya.

"Alam ko yan..initial yan ng writer ng Alchemist..,ibig sabihin nyan ay"Paulo Coelho" ...,nabasa ko kasi yong book nya dati...sagot ni Jenny sa akin..

"Ang hindi ko lang alam ay ito word na "Mabel"??.anu sa palagay mo kamote..,

"Ok na sana eh..nilagyan mo pa ng kamote"..,hindi ako kasing talino mo,,pero may google ako.ahaha"..dinukot ko sa bulsa ang android phone ko at binuksan si google..buti na lang at may promo akong internet.

"Sabi mo Jenny kanina isang libro ang Alchemist.,alam ko na ang ilalagay ko sa search bar...ito ....

MABEL BOOKSTORE.....Hinintay namin na lumabas ang resulta,,may kabagalan ang net kaya matagal mag-loading..,

Tama nga ako,,may bookstore na ang pngalan ay Mabel..at ito ang mababasa mo sa google....Mabel Pocketbooks Store...,
Guadalupe makati,metro manila.

"Galing mo..,kahit papaano may natira pang utak dyan sa ulo mo kamote"sabay akbay nito sa akin ng kaliwa nyang kamay..

"Pupuntahan ba talaga natin yung bookstore na yan,,paano kung may nauna nang nakabili nung libro na yan?"ang may pagdududang tanong ko kay Jenny.

"Sa palagay ko wala pa..bago yung 50 pesos na sinulatan nya..,kaya di pa yon katagalan...sagot ni Jenny

Hindi misteryoso yung 50 pesos kung hindi yung taong nagsulat nito,napa-isip tuloy ako ng wala sa oras........,,,,..,




Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now