Chapter 77: Ang Puting Pusa

65 3 11
                                    

January 15 , 2018 Monday

6:48 am

Imus,Cavite

"Meeeoooww"...napadilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagdila ni Casper sa aking kaliwang pisngi...,

Si Casper ang alaga kong pusa...nagpaikut-ikot pa ito sa kama at
tumabi sa aking pagkakahiga.

nagpaikut-ikot pa ito sa kama at tumabi sa aking pagkakahiga

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Si Casper...ang alagang pusa ni Archie...,

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng aking silid para tingnan kung anong oras na.

At mababasa sa mga kamay ng orasan ang ganito.....06:48 am.

"Casper ..ang aga pa!..bakit mo naman ako ginising"... medyo naiinis pa ako habang bumabangon sa pagkakahiga...

Sumilip ako sa kabilang kwarto para tingnan sina Myra at Jenny ..pero hindi ko sila nakita doon...naisip ko na baka maaga silang nagising at lumabas ng bahay ..pagkatapos ay naiwang bukas ang pintuan...,kaya siguro nakapasok si Casper dito sa loob ng bahay.

Baka naman umuwi si Myra sa kanilang bahay dahil alam ko na may pasok ito sa school dahil Monday ngayon...at isinama n'ya siguro si Jenny.

Pupungas-pungas pa ako habang bumababa' sa hagdanan...sabay hikab...habang hinahakbang ang aking mga paa.

"MeeoooOoww".. napilitan na ring bumangon si Casper at sumunod ito sa akin habang bumababa' ako sa hagdanan.

"Ano ka ba naman Casper".... muntik pa akong matalapid dahil nagpapaikut-ikot si Casper sa aking paanan.

Marahil ay nagugutom na siya..kaya kinuha ko ang lumang lata' ng gatas na Nido kung saan nakalagay ang Whiskas na cat food...

Sumigla ang kilos ni Casper at pumunta ito sa lagayan ng cat food na kanyang kakanan at inaabangan ang paglalagay ko rito ng kanyang pagkain.

Pagkatapos kong mabigyan ng pagkain si Casper ay napatingin ako sa maaliwas na kalangitan....,

Napakagandang pagmasdan ang kulay asul na langit...

"Maganda siguro ang panahon ngayong araw na ito".....ang sumagi sa aking isipan habang tinatanaw ko ang mga mapuputing ulap sa langit.

Napansin ko rin ang mga namumukadkad na bulaklak ng gumamela sa labas ng bakuran ng aking bahay...kulay dilaw ito at mamapansin ang parang babagsak na hamog sa talulot ng bulaklak...,

Nasa harapan lang ng bakuran ang tanim kong gumamela pero hindi ko napapansin ang magandang bulaklak nito...

Naisip ko lang na minsan sa isang bahagi ng ating buhay ay maglaaan tayo ng oras para huminto muna sa ating ginagawa at pagmasdan ang kagandahan ng kalikasan.....

......,makakagawa ang kamay ng tao ng mga kamangha-mangha na istruktura kagaya ng Eiffel Tower sa Pransiya o kagaya ng Statue of Liberty ng Amerika...pero sa kabila ng teknolohiya at pagsulong ng agham ng mga tao ay hindi naman natin kailanman makakayang gumawa ng isang bulaklak kagaya nitong gumamela sa aking harapan.

Ang bulaklak na ito ang katunayan ng misteryong bumabalot sa ating buhay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya sa ating panahon.

Muli akong napatingin kay Casper at napansin ko na hindi niya inubos ang ibinigay kong cat food sa kanya.

Nakapagtataka' naman..,matakaw kung kumain si Casper...pero bakit hindi niya ito inubos..?!!!..

Shhiiiishhh...kriiikkkk....

Napatingin ako sa direksyon kung saan nagmula ang tunog na iyon....,

Isang pusa na kulay puti ang tumalon sa bakuran ng aking bahay.

Lumapit ito kay Casper

Inihilig ng pusang puti ang kanyang ulo sa leeg ni Casper....

"Langya Casper naunahan mo pa akong magkajowa ah"....ang aking reaksyon nang makita ko ang pusang kulay puti na nilalambing si Casper......

ang aking reaksyon nang makita ko ang pusang kulay puti na nilalambing si Casper

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Ang puting pusa......

Kaya pala hindi iniubos ni Casper ang kanyang pagkain ay dahil nagtitira siya nito para sa jowa n'ya......ibang klase ring dumiskarte ang pusa ko.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα