Chapter 58 : Nandito Ako

100 8 58
                                    

January 12 , 2018 Friday

06:37 am

Ang sakit ng leeg ko,...unti-unti kong iginalaw ang aking mga bisig.At sa pagpihit ng aking katawan ay..................

KriiiKKKkkk........KabLaaaaaggggGggggg....

"Aray ko?!....kapag minamalas nga naman...,umagang-umaga...hayysss"...naalala ko nga pala na nakatulog ako sa upuan kagabi habang nagkwekwento si Myra sa history ni Snow White.

Ang akala ko kasi ay nasa kama ako at sa paggalaw ko ay nahulog ako sa upuan....ang sakit tuloy ng pwet ko.

Pinipilit kong idilat ang aking mga mata at kasabay nito ang pagbangon ko mula sa pagkakabagsak sa upuan.

Agad kong nasumpungan ang liwanag ng araw na nagmumula sa Silangang bahagi ng kalangitan.

"Buti nga sayo..ikaw kasi tinulogan mo ako kagabi....nakakainis ka"...ang wika ni Myra at nakita nya marahil ang pagbagsak ko sa upuan.Hindi ko namalayan na gising na pala siya kanina pa.

Nakapikit pa rin ang aking mga mata at na-iimagine ko na nakangisi si Myra noong makita niya na bumagsak ako sa upuan.

"Archie?!....tara mag-jogging tayo."......,ang masiglang boses ni Myra.

"Mag-jogging?....,hindi ba may pasok ka sa school ngayon?...ang may halong pagtataka kong tanong kay Myra.

Nakaupo ako sa kama at hindi ko pa rin maidilat ang aking mga mata dahil sa sobrang antok ko.Para bang sinasaniban ako ng espiritu ng katamaran.

"Sige na Archie samahan muna akong mag-jogging para naman magka-muscles yang buto-buto mo"...ang pangungumbinsing tinig ni Myra.

"Nakakatamad naman kasi .....,mas masarap pang mahiga"...napasandal ako sa pader malapit sa kama kung saan ako nakaupo.Parang may sampung sako ng bigas na nakadagan sa mga mata ko at hirap na hirap kong maidilat ito.

"Tara na Archie..samahan muna akong mag-jogging"...ang makulit na boses ni Myra.

Napakamot ako sa aking ulo at sabay hikab.Senyales na tinatamad talaga akong sumama kay Myra para mag-jogging.

"Kung ayaw mo?!..eh di huwag na lang"...parang napuno na ang salop at nairita na si Myra na kumbinsihin akong sumama sa kanya.

Ano pa at naidilat ko rin sa wakas ang aking mga mata noong mga sandaling iyon.At tumambad sa aking paningin si Myra na nakasuot ng French Terry jogger pants na kulay itim at Yoga Tank top sport shirt na kulay light green.

Wala akong masabi sa tanawing iyon..,napaka-sexy pala talaga ni Myra.Parang nawala ang antok na aking nararamdaman at tuluyan ng umalis sa katawan ko ang espiritu ng katamaran.

Kung ganito ka-sexy at kaganda ang makakasama mong mag-jogging ay papaano ka nga naman makakatanggi.

"Wuiiii Myra hintayin mo ako....sasama akong mag-jogging"....,ang pasigaw kong sagot sa kanya..,lumapit ako sa bintana para alamin kung umalis na si Myra.
Pero hindi pala niya ako iniwan.Nakaupo lamang siya sa gilid ng kanyang kama na may bed sheet na Hello Kitty ang design na kulay pink.Pati kanyang mga unan ay Hello Kitty din ang disenyo.

"Sasama ka rin pala .....,gusto mo pa talaga na pinipilit ka muna"....,napangiti si Myra habang sinasabi ito.

,napangiti si Myra habang sinasabi ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now