Chapter 59 : Oki Doki

138 8 106
                                    

January 12 , 2018 Friday

08:22 am

"Bakit nga pala hindi ka pumasok ngayon sa school? "...,ang tanong ko kay Myra habang nakaupo kami sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy sa labas ng kanilang bahay.

Sa likod namin ay makikita ang puno ng Malunggay na nakatanim naman sa gilid ng bakuran ng bahay ko.Malapit sa pagitan ng bakod nina Myra at bakod ng bahay ko nakatanim ang Malunggay kaya naman ang lilim ng mga dahon nito ay abot sa bakuran nina Myra.

Nasa ilalim kami ng lilim ng puno ng Malunggay at nagpapahinga dahil katatapos lamang namin na kumain ng almusal.Nagluto ng bacon,hotdog,fried rice at hot chocalate ang kasambahay nina Myra.

Dahil inimbitahan ako ni Myra na sa kanila na mag-almusal ay hindi na ako nakatanggi pa sa kanya.

"Mamayang hapon pa ang pasok ko sa school Archie...kaya sabay na tayong magbyahe mamaya".....,ang sagot ni Myra sa akin,.. idinuduyan niya sa hangin ang kanyang mga paa habang nakaupo ito.

Nakapagtataka naman na sasabay siya sa akin sa byahe papunta ng Maynila.....,ang alam ko ay may sasakyan siya para sa school service kapag papasok siya sa school.

Napatingin ako sa puno ng malunggay dahil sa dalawang ibon na lumilipad at nagpapalipat-lipat sa mga sanga nito na animoy naghahabolan sila.Parang musika ang honi ng dalawang ibon na iyon...parang ang saya-saya nila kung titingnan sila.

"Archie?!...nanliligaw ka ba kay Jenny?......ang tila nahihiyang tanong sa akin ni Myra.Napatungo sa baba ang kanyang ulo at tumingin sa kanyang mga paa na nakasayad sa lupa.

"H-hindi ako nanliligaw sa kanya!.."nabigla ako sa kanyang tanong at sinagot ko ito na may pag-aalinlangan.

"Para kasing ang sweet n'yo kapag magkasama kayo ni Jenny"....ang dugtong ni Myra.

Napasandal ako sa upuang kahoy at napatingala sa kalangitan,maulap at tila may malakas na ulan na darating,pero sumisilip pa rin ang araw sa pagitan ng mga ulap na tumatakip sa kanyang mga sinag.

"Mag-best friend kasi kami ni Jenny kaya ganun kami "....,ang paliwanag ko kay Myra.

Mula ng magkakilala kami sa Hao chi Mian tang restaurant ni Jenny ay naging malapit kami sa isat-isa......Siguro ay dahil magkasing edad kami dahil karamihan sa mga ka trabaho namin ay may mga asawa na.

Madalas na sabay kaming kumain sa trabaho at hanggang sa pag-uwi namin ay magkasama kami kaya madalas na tinutukso kami ng mga kasamahan namin sa trabaho....ang akala nga nila ay kami na ni Jenny.

"Dapat talaga ay babalik na ako sa Japan pagkatapos ng school year....pero nagbago ang isip ko...nagtataka nga si Papa dahil dati ay ayaw kong tumira rito sa Pinas..."ang sabi ni Myra...parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi ito lumabas sa kanyang mga labi.

Mukhang half-japanese si Myra at may mala-anime na mukha.Maganda siya at kung ikukumpara kay Jenny ay talagang napakalayo ng kanilang itsura sa katangiang pisikal.

Maputi at makinis ang kutis ni Myra habang si Jenny naman ay halos kakulay ko lang.At aaminin ko na hindi maganda si Jenny..hindi rin naman pangit parang sakto lang.

Magaling namang maggitara at mayroong mala-anghel na boses si Myra.Narinig ko na siyang kumanta noong nakaraang Linggo dahil ako ang kumuha at nag-record ng video habang naggigitara at kumukanta siya ng Dying Inside.Mayroon kasi siyang channel sa Youtube kung saan ay gumagawa siya ng mg cover songs ng mga sikat na awitin.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now