Chapter 17 : Gumamela

85 8 17
                                    

January 7, 2018 Sunday
04:06 pm

Nakatambay lang kami ni Myra sa labas ng bahay sa ilalim ng lilim ng malunggay.May kahoy na upuan sa labas,malamig ang simoy ng hangin,...makikita mo din ang nagbabagsakang tuyong dahon.

Kapag ganitong hapon ang sarap tumambay dito sa labas,kitang-kita mo dito ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran.

"Ang ganda naman ng mga tanim mong gumamela..,huh may violet pa lang gumamela"...namangha si Myra sa kulay violet na bulaklak ng gumamela.

"Oo may ibat-ibang kulay ang gumamela,pero sa Pinas pangkaraniwan na yung kulay pula"..ang sabi ko kay Myra.

Hindi napigilan ni Myra na lumapit sa mga bulaklak ng gumamela..,para siyang paru-paro na binibisita ang bawat bulaklak nito.Napahinto siya pagdating sa isang bulaklak ..

"Archie sa akin na lang itong isang bulaklak ha"..,
Ang malambing na tinig ni Myra.

"Oo ba...sige lang" ang mabilis kong sagot sa kanya.

Marahan nya itong pinitas at inipit ang bulaklak ng gumamela sa kanyang kanang tenga..

Naalala ko pa noong naligaw ako sa isang radio station,kung hindi ako nagkakamali ay DWIR 107.1 ito.

Ililipat ko na sana ang istasyon ng mapahinto ako saglit dahil interesting ang topic...,isang Trivia for the day.
Ang sabi ay may kahulugan ang paglalagay ng babae ng bulaklak sa kanilang tenga,...kapag sa kaliwa inilagay ay ibig sabihin na may asawa or may boyfriend na ang babae..,

pero kapag sa kanan naman na tenga inipit ang bulaklak ay nagpapahiwatig na wala siyang boyfriend at dalaga pa siya.
Ito daw ang kultura sa Hawaii kung saan ganito ang ginagawa ng mga babae para malaman  kung pwede siyang ligawan o hindi na.

Parang tama nga iyong narinig ko sa radio...inilagay nya sa kanyang kanang tenga ang bulaklak.

Napangiti lamang ako sa mga iniisip ko nung mga sandaling iyon.

"Tara,..,simba muna tayo dyan sa chapel natin"..,may maliit na chapel malapit sa amin,dati pupunta ka pa sa bayan para lang makasimba.

"Sige,abot pa naman tayo sa 05:00 pm na misa"..,ang masayang sagot ni Myra.

Dalawang kanto lang naman ang layo nito sa amin kaya marahang lang kami na naglakad.

Ito rin ang unang pagkakataon na magkasama kami ni Myra.Nakatingin ako sa mga ulap,kanina kulay asul ito,pero ngayong papalubog na ang araw,,nagbabago ang kulay nito..ang gandang pagmasdan...(-,•)




Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Där berättelser lever. Upptäck nu