Chapter 37 : Si Blakkk Venus II

75 8 16
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

09:03 pm

"Miss pasensya na ,magsasara na po ang resto"
Ang mahinahon kong sabi sa babaeng nakaupo sa isa sa mga lamesa sa labas ng Hao chi Mian Tang Restaurant.

Nag-uwian na lahat ng customers maliban sa kanya na abala sa kanyang laptop computer.At nakilala namin ni Jenny na siya ang sikat na horror writer ng Wattpad na si Blakkk Venus.

"Ako dapat ang humingi sa inyo ng pasensya,..hindi ko namalayan ang oras,magsasara na pala kayo...pasensya na sa abala"...ang sweet ng boses niya at malamig sa pandinig.

Agad na niligpit ni Blakkk Venus ang kanyang laptop computer at inayos ang mga gamit niya sa loob ng kanyang shoulder bag.

"Ibabalot ko na lang po itong mga pagkain dito,para mauwi ninyo sa bahay"ang sabi ko sa kanya habang kinukuha ko ang mga plato sa ibabaw ng lamesa.

"Salamat,..."sabay ngiti nito sa akin,pero mababakas sa kanyang mukha ang pagud sa kanyang mga mata dahil siguro sa ilang oras siyang nakababad sa kanyang laptop computer.

Ang hirap palang magsulat,..tapos saglit lamang basahin.Ano kaya ang title ng bago niyang libro ngayon.?

"Pwede pa bang gumamit ng restroom ninyo rito?"..ang tanong ni Blakkk Venus sa akin.

"Opo,sundan nyo lang itong pasilyo na ito ...tapos kanan..,makikita mo na agad doon ang restroom ng mga babae"...ang sagot ko sa kanya,..agad na tumayo si Blakkk Venus sa kanyang upuan at pumunta sa dereksyon na sinabi ko.

Kami naman ay abala sa paglilinis at pagliligpit ng mga upuan at mga lamesa rito.

"Tulungan ko na kayo dyan.!!!...Archie....Jenny."..
Ang may kalakasang boses ni Kuya Tom..,siya ang aming dishwasher dito sa chinese resto.

Pinupunasan pa niya ng towel ang kanyang basang mga kamay habang naglalakad papalapit sa amin ni Jenny.Halatang katatapos lamang niya sa kanyang paghuhugas ng mga kaldero at iba pang gamit sa kusina.

Dahil sa tulong ni Kuya Tom ay mabilis naming natapos ang lahat ng gagawin bago kami mag-uwian.

Nakatambay kaming tatlo sa mga upuan malapit sa pintuan,si Mang Johny naman na aming chef cook ay gaya pa din ng dati,pinagbabalot kami ng mga pagkain na aming mauuwi...at nakaupo ito malapit sa cashier booth.

"Tom ,Archie at Jenny,..dahil malaki ang benta natin ngayon ay dinagdagan ko ang pagkain na pwede ninyong mauwi ngayon...masaya si Mang Johny habang nagbabalot nito,hirap pa siya dahil mukhang mainit pa ang mga pansit ,siopao at meron din spicy chicken feet.

Pauwi na kami ng maalala ko na nasa restroom pa nga pala si Blakkk Venus....hindi ko pa siya nakikitang lumabas.

"Jenny nakita mo ba si Blakkk Venus,gumamit ng restroom natin kanina eh,pero hindi ko pa siya nakitang lumabas,ito lang naman ang exit dito eh." Ang tanong ko kay Jenny.

"Hindi ko pa siya nakikita,...ikaw Kuya Tom? ,may nakita ka bang babae na galing sa restroom ng mga babae?..ang tanong ni Jenny sa kanya.

"Wala rin,..ang mabilis na sagot ni Kuya Tom.

"Puntahan ninyo sa restroom,mamaya masaraduhan siya rito"...ang sabat ni Mang Johny sa amin.

"Jenny puntahan mo,ikaw ang babae,alangan namang kami ni Kuya Tom ang pumasok sa restroom ng mga babae"ang pakiusap ko kay Jenny.

"Sige ...pero samahan ninyo ako,dun lang kayo sa labas ng pintuan ng restroom ,ako na lang ang papasok..."..ang nanginginig na boses ni Jenny.

"Sige na ,samahan nyo ng dalawa,para makauwi na tayo..."ang sabi naman ni Mang Johny habang siya naman ang naupo sa aming tinatambayan kanina na upuan.

Sinamahan namin si Jenny papunta sa restroom ng mga babae,si Kuya Tom naman ay pumasok sa restroom ng mga lalaki para tingnan din kung may tao pa rito.

"Walang tao rito Archie!!!...halos pagwisan si Jenny
sa kanyang paglabas sa restroom ng mga babae.

"Dito rin Archie ,wala ring tao"...ang sabi naman ni Kuya Tom.

"Na-check nyo bang lahat ng toilet cubicle sa restroom?ang tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo!!!"sabay pa silang sumagot sa akin.

Nagkatinginan kaming tatlo,saan naman siya dadaan,eh isa lang naman ang exit, papasok at palabas ng restroom.

Kahit si Mang Johny ay naguguluhan din sa kanyang narinig.

"Umuwi na tayo,sabihin na lang natin sa security guard ng mall ang nangyari,iwanan na lang natin na bukas ang main door ng restaurant,...safe naman yan kasi nasa loob ng mall ang restaurant."....ang sabi ni Mang Johny sa amin.

Nakakapagtaka talaga..ang weird ng araw na ito.....

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon