Chapter 1 : Unang Araw

674 28 99
                                    

January 5, 2018 Friday
10:08 am

Nagising ako sa tama ng liwanag ng araw sa aking mukha...,
"Nakakasilaw naman"...,bumangon ako,habang nahihirapan ang aking mga mata sa pagdilat..,kinapa ko ang kurtina sa may bintana para isara ito ng bahagya.

"Friday pala ngayon"...,,"hindi na rin ako makakapagluto...,anung oras na"...,tila nalilito sa mga sandaling iyon kung anu ang uunahing gagawin.

Matapos kong maghilamos ng aking mukha..,ay tumungo ako sa kusina para maghanap ng makakain.

"May kape pero wala namang asukal"...,anu bang klaseng bahay ito...,walang makain.Napangiti ako ng makakita ako ng nescafe 3n1 sachet...,

"Salamat pwede na itong lumang pandesal"...,

Matapos kung mag-almusal ay nagtungo na ako sa banyo para maligo...,
"Ang ginaw pa din ng tubig kahit hindi na December"...,
Mabilis lamang ang ginawa kong paliligo..,naghahabol kasi ako ng oras.May dalawang oras kasi ang byahe ko mula Cavite hanggang Manila kung saan ako nagtratrabaho.

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng mga gamit ko na dadalahin sa trabaho.

"11:26 am na pala,sakto lang alis ko makakahabol pa siguro ako sa bus"...,alas dose dumadaan yong bus na derecho pa Maynila.Kesa magdalawang sakay pa ako,masmaganda na iyon ang masakyan,nakakapagud din kasi na magsalinsalin ng sakay.

Tinanggal ko na ang saksakan ng electric fan at pinatay ang mga ilaw,isasara ko na ang pintuan ng bahay nang may biglang.........,,,,

"MEOOOWW...,MEOOWWwwwW...."
Isang pusa ang mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ko.nagpaikot-ikot ito sa mga paa ko.alam ko na kapag ganito ang lambing ng pusa ko...,gutom ito.

"Casper!..,,tatlong araw kang mawawala tapos uuwi ka lang dito para kumain"...,may babae kasing pusa doon sa kapitbahay namin at malamang dumidiskarte si Casper..,"

Dahi sa nagmamadali ako at wala akong mapakain.,nagbukas na lamang ako ng sardinas.At iyon ang ibinigay ko kay Casper.

Sa araw-araw ganito palagi ang routine ng buhay ko....,
"Bahay....,trabaho...,
Trabaho....,bahay...,"

Pero sabi nga nila "walang forever"..,
Magbabago din ang lahat...,


Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon