Chapter 35 : Baby doll Candy Pink

85 9 48
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

01:43 pm

"Ang aga natin ngayon Archie ah...iba na talaga kapag may inspirasyon..." ang biro ni kuya Tom,habang nagbibihis kami ng aming uniporme sa dressing room ng Hao Chi Mian Tang restaurant.

Si Kuya Tom ay ang aming dishwasher sa restaurant,payat ,nasa 5'3 ang tangkad niya,at may tatoo sa kaliwang braso na kung  babasahin ay "Joana"......may design na bulaklak,..hindi mo malaman kung anong bulaklak ito dahil ang pangit ng pagkaka-tatoo,...parang tambay lang sa kanto ang gumawa...

"Inspirasyon ka dyan!...wala nga eh.!..ang sagot ko kay Kuya Tom habang nagsusuot ako ng medyas.

May kaliitan ang aming dressing room,at hindi ka matutuwa sa amoy dito..amoy pawis at usok ng sigarilyo...makikita mo din ang mga nakasampay na tuwalya,..pati ba naman underwear ay sinasampay nila at pinatutuyo sa electric fan,..naisip ko tuloy kung may ganito rin bang eksena sa dressing room ng mga babae...ahihi...puro kalokohan na naman ang pumapasok sa isip ko..

"Habang nakasakay ako sa jeep,nakita ko kayo ni Jenny sa may Tawiran ng bangka..,tapos.., hanggang sa pagpasok dito sa trabaho,..magkasama pa din kayo..hmm mukhang huli ako sa balita ah ?.....ang dugtong ni Kuya Tom,kulang na lang na sabihin niya na girlfriend ko na si Jenny.

Namula ang mukha ko ng marinig iyon,..talaga naman na maghihinala sila sa amin ni Jenny...kapag nasa trabaho kami.....,si Jenny at ako ang madalas na nagkwekwentohan,sabay kaming kumain sa trabaho,sabay din kaming umuwi..,

Hanggang sa paglabas ko ng dressing room ay ako pa din ang paksa ng kanilang kulitan..,hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ako ng pintuan.

Nakasalubong ko si Jenny sa pasilyo sa labas ng dressing room...ang cute nya sa kanyang chinese uniform...kamukha niya si Chun Li..bagay sa kanya yung hairstyle na hair bun..mas kilala ito ngayon na Chun Li's hair buns.

Sino nga ba si Chun Li?...........

Ang kanyang pangalan ay Mandarin name..,ibig sabihin nito ay "spring beauty".

Si Chun Li ay isang video game character sa sikat na Street Fighter series.Siya rin ang unang babaeng karakter sa street fighter.
Nakakatawag pansin ang kanyang kasuotan,isa itong chinese dress na ang tawag ay "Qipao" na imported mula sa Manchuria at sumikat noong 20th century.

Agad kong naamoy kay Jenny ang Saint Laurent "Baby Doll Candy Pink" niyang pabango...mahirap ilarawan ang amoy nito,..parang sweet,playful at girly ang amoy nito...nakita ko kasi ito sa kanyang bag at natuwa ako sa pinaglalagyan nitong perfume bottle na kulay pink,...ang sabi ko noon kay Jenny ay akin na lang yung perfume bottle kapag naubos na ang laman nito.

Naaalala ko pa ng malinaw ang lahat....

Araw ng Linggo noon,,,..September 2017..pareho kasi kami ng rest day ni Jenny.

"Sige na samahan mo naman ako sa MOA"...ito agad ang nabasa ko sa messenger pagkagising ko..nagpapasama si Jenny sa Mall of Asia,..noong huling punta ko dito ay nahilo ako kakalakad,..ang laki ng mall na ito.Sa totoo lang tinatamad akong samahan si Jenny noon,kapag araw kasi ng Linggo sinasalakay ako ng espiritu ng katamaran...iisang araw lang kasi ang rest day namin,at kapag rest day ko ay mas gusto ko na lamang na tumambay sa bahay.

Hindi ako nag-reply kay Jenny noon,kunwari ay hindi ko pa nababasa at tulog pa ako..,alas-nueve na pero nakahiga pa rin ako sa kama...sabi ko nga,..sinasaniban ako ng espiritu ng katamaran..

Pero hindi naman ako makatulog dahil sunod-sunod ang tawag ni Jenny sa aking smartphone.

"Je...Jenny bakit ba tawag ka ng tawag ? "...napilitan na akong sagutin ito dahil may pitong missed call na siya sa akin..

"Samahan mo na ako please !....ang malambing nitong boses,..parang gusto ko na ayaw ko, ang sitwasyon ko noon.

"Jenny may gagawin kasi ako,..saka maglalaba pa ako ng mga damit ko,..tambak na."..ang nasabi kong mga dahilan kay Jenny.

"Hindi ka naman gagastos eh...Libre ko promise.!!!
ang alok ni Jenny sa akin...,

"Bakit hindi mo agad sinabi na libre mo....Sige sasama na ako..."mabilis ang naging tugon ko sa kanya...,

Alas-dos ng hapon kami nagkita sa Mall of Asia...ang daming tao,dahil siguro ay araw ng Linggo.Ang hirap ng buhay sa Pinas,..nagtataka lang ako kung saan sila kumukuha ng pang-shopping.

Bakit nga ba ang daming shopping malls sa Pilipinas?..........

Bago maganap ang Edsa people power revolution , taong 1985 ng itayo sa isang bankanteng lote ang "Sm North Edsa"....ng founder nito na si Henry Sy,Sr.

Sa inilabas na datos noong 2017,nasa 67 Sm Malls na ang naitayo sa buong Pilipinas.,.....kung iisipin natin ,hindi naman tayo mayamang bansa pero ganito karami ang shopping malls sa atin.

Napagud kami sa kakagala sa loob ng "MOA"..kaya naisapan namin ni Jenny na tumambay na lang sa
Seaside Amusement Park ng MOA....

"Sakay muna tayo sa ferris wheel ,bago tayo umuwi Archie"...ang sabi ni Jenny.

Ala-syete na ng gabi noon,dahil nasa tabing dagat kami ay sobrang ginaw ng hangin dito.Hinawakan ako sa kamay ni Jenny at hinala ako sa sakayan ng Ferris wheel...matagal na akong pumupunta dito pero ngayon pa lang ako sasakay dito,sobrang taas ng ferris wheel na ito..,kapag nasa taas ka na ay kitang-kita mo ang buong Manila...ang gaan sa pakiramdam.

"Archie break na kami ni Peter"...ang malungkot na sabi ni Jenny noong nasa tuktok na kami ng ferris wheel.

"Kaya nagpasama ako sayo dahil gusto kong makalimot,kahit sandali"....sabay daloy ng mga luha sa kanyang mga mata...

Lumipat ako ng upuan at tumabi sa kanya...,yumakap si Jenny sa akin at umiyak na nakasubsob ang mukha niya sa aking dibdib...nasa ganito kaming sitwasyon hanggang sa pagbaba ng ferris wheel..

"Archie tulala ka na naman dyan"...ang sabi ni Jenny ng makasalubong ko siya sa pasilyo ng dressing room.

"Tara na magtrabaho na tayo"...ang masaya nitong sabi sa akin...

Last year ito nangyari ..,at kung titingnan mo si Jenny ngayon ay parang walang nangyari sa kanya....ang bilis naman niyang makalimot...

Naamoy ko na naman ang pabango nyang "Baby doll Candy pink"........







Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now