Chapter 4: Ang Mensahe

183 13 36
                                    

January 5 , 2018 Friday
09:26 pm

Nakatayo kaming dalawa sa J.p. Rizal street sa kanto ng rockwell.Nag-aabang kami ng byaheng Taft na jeepney...,Mahirap makasakay dahil gabi na,..halos puno lahat ng pasahero ang bawat jeep na dumadaan...,

"Kamote!!!..,may utang ka pa pala sa akin"...,sabay tapik sa aking balikat..,palagi na lamang niya akong tinatawag na kamote...,inimbento nya yon na ang ibig sabihin para sa kanya ay palaging sablay..,
Kahapon ay kumain kami ng goto sa may pasong tamo..,sya muna ang nagbayad..,ang akala ko nga ililibre nya ako...,utang pala..ahaha.Naalala ko iyong sukli sa akin nung kondoktor ng bus kanina na 57 pesos..,oo nga pala mayroon pa akong 50 pesos.Dinukot ko iyon sa aking bulsa at iniabot kay Jenny.

"O!..,ayan 50 pesos yan ha ..,sobra pa ng limang piso...,ang pagmamayabang kong sabi sa kanya...,

"Kinakabahan ako sayo Archie kapag nagbabayad ka ng utang mo eh...,alam ko na ang kasunod nyan...hindi maipinta ang mukha ni Jenny..,kung natutuwa ba sya or magagalit.

"Ang cute mo Jenny..,saka ang galing mo ha..,nahulaan mo ang iniisip ko.,sa inyo muna ako matutulog ha..,wala na akong pamasahe eh..,binayad ko na sayo...,ang may pang-iinis kong sagot sa kanya.

"Bakit kasi sa Cavite ka pa tumira"..,basta ikaw na ang magdahilan kina Mama at Papa..,baka kung anu na naman ang isipin nila...,sakto naman na may jeep na paparating..,pinara ito ni Jenny.., "Tara na Kamote" ..,ang nagmamadaling sabi nito sa akin habang papasakay kami ng jeep.

Kapag matrapik or bumabagyo.., madalas na sa bahay nina Jenny ako nakikitulog...,mabait naman ang mama at papa nya at welocme ako sa kanila..,

"Manong driver para po!!!..,ang may kalakasang tinig ni Jenny..,sabay katok sa kisame ng jeep..,
Sa totoo lang .., kanina pa ako inaantok..,napapapikit ang aking mga mata sa jeep kanina sa byahe..,
Bumaba kami sa kanto ng Poblacion sa makati..,hindi naman nakakatakot sa Poblacion maglakad ng gabi dahil maliwanag ang kalye at hindi ka pagtritripan ng mga tambay..,
Sosyal nga ang mga tambay dito sa makati..,kahit gabi nakaporma ....,
Malapit na kami kina Jenny..,natatanaw ko na ang basketball court...,katabi ng court ang bahay nila..,
May dalawang palapag ang kanilang bahay...,gawa sa semento ang ibaba nito at gawa naman sa kahoy ang second floor..,

Sa ibaba nila ay may sari-sari store..,mabenta daw dito dahil katabi nila ang basketball court.

"Kumain na ba kayo?"ang bati sa amin ng mama ni Jenny.
Maganda ang mama ni Jenny...,pero ewan ko ba kung bakit hindi sya nagmana sa mama nya.

"Nauna na kaming kumain ng papa mo,kaya kayo na lang ang magsabay na kumain"ang sabi ng mama ni Jenny habang inihahanda ang mga plato sa lamesa.

"Eh si Allan mama?" Tanong ni Jenny sa mama nya.

"Alam mo na..,tambay na naman sa computer shop..,ayun nagdodota na naman..,hinayaan ko na wala naman silang pasok bukas eh..,wala naman pakinabang dito yon,..,ni hindi ko nga mapagbantay ng tindahan.."ang may pagkainis na sabi ng mama ni Jenny.

Si Allan ang bunsong kapatid ni Jenny..,sa madalas kong pagpunta dito..,bihira ko lang sya na makita ..,madalas itong wala sa bahay at puro barkada ang inaatupag.,

Kumain na kami ni jenny...,tortang talong at adobong manok ang ulam nila.Ang mama naman nya ay nanunuod ng tv sa salas.Tulog na din yata ang papa nya at hindi ko nakita na bumaba sa kanilang kwarto sa second floor.Nasa baba ang kwarto ni Jenny,katabi ng kanilamg tindahan,sa tapat nito ay ang kanilang maliit na salas.

Doon ako natutulog sa sala nina Jenny...,nagpaalam na ang mama nya para matulog..,maaga pa daw syang magbubukas ng tindahan bukas...,Si Jenny naman ay katatapos lang maghugas ng plato sa kusina.

11:00 pm na..,nakahiga na ako sa sala..,nang biglang...,

"HOY kamoteng Archie..,bakit ganito ang binayad mo sa akin..,puro sulat yung 50 pesos..,hindi na ito tatanggapin kapag ibinili ko" ang may pagkainis na tinig ni Jenny.

Mabait si Jenny pero pagdating sa pera hindi mo sya magugulangan..,tiningnan ko ang sinasabi nyang 50 pesos..,
Puro sulat nga.., at may nakalagay na mga numbers dito na nakasulat sa kulay asul na ballpen.

"Hindi kaya cellphone number yang nakasulat sa 50 pesos?"kinuha ulit sa akin ni Jenny ang perang papel..,at muli nya uling tiningnan.

"Hindi ito cellphone number,..ang haba ng nakasulat na numero eh..ang sabi ni Jenny na tila may iniisip...,

"Hindi kaya ito secret code ...encrypted ang message para walang makabasa?"napakamot sa ulo si Jenny na tila may malalim na iniisip....,

"Naku naman Jenny bakit naman sa 50 pesos pa isusulat yang secret code na yan"..,Matulog na nga tayo...,

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt