Chapter 60 : I saw the Sign

107 8 63
                                    

January 12 , 2018 Friday

11:35 am

Dahil sa hiningan pa kami ng pahayag ng mga police sa Imus cavite tungkol sa pagsuko ng kilabot na holdaper ay naantala ang aming paglalakbay ni Myra.

Eleven thirty na ng umaga nang makarating kami ng Baclaran,...dito naman sasakay ng byaheng Lawton na bus si Myra at ako naman ay byaheng Cubao na bus.

Sa totoo lang ay byaheng Cubao ang sinakyan namin kaya derecho na ito ng Estrella...kaso bumaba rin ako sa Baclaran para samahan si Myra sa pag-aabang ng bus.

"Myra dalhin mo na itong payong,...malayo pa ang pupuntahan mo..ako naman ay malapit na at sa Estrella lang naman ako"....sabay abot ko ng dala-dala kong payong kay Myra...Madalas na hindi natin inaasahan ang parating na ulan kaya naman yong payong ay hindi ko na inaalis sa aking bag.

Sa likuran namin kung saan kami nakatayo ni Myra ay makikita ang "Lydia's Lechon"...

Sa kaliwa naman ay mga nagtitinda ng nilagang mais na nakalagay sa kariton at umuusok pa ang nilagang mais halatang bagong luto ito.

Maroon ding nagtitinda ng balut at penoy na kahit ganitong umaga ay makakabili ka rito sa Baclaran,..sa amin kasi sa Anabu coastal ay gabi ka lamang makakakain ng balut at penoy .

Sa kanang bahagi naman ay mga sari-saring damit ang mga tinitinda..may malakas na musika na maririnig dahil may mga nagtitinda ng pirated na mga Cd's at Dvd's...

Karamihan sa mga nagtitinda rito sa kalye ay nakalagay sa kariton na may gulong ang kanilang mga paninda...dahil kapag may hulihan ay mabilis silang makakaalis para hindi sila mahuli. Bawal naman talagang magtinda rito dahil nakakadagdag sa mabagal na daloy ng trapiko...kaya lang kapag walang nanghuhuli ay hindi bawal...

Dumating na ang bus na aming hinihintay at mababasa sa signboard nito ang Lawton.

"Archie ....magkita na lang ulit tayo mamayang gabi"...ang paalam ni Myra sa akin habang paakyat ito sa bus.Kumaway pa ang kaliwang kamay nito at ngumiti sa akin.

"Salamat dito sa payong ha...sumakay ka na rin baka umulan....bakit kasi pinahiram mo pa itong payong mo sa akin"....ang dugtong na sabi ni Myra

"Sige lang ... mas kailangan mo yan"...ang malakas kong sigaw kay Myra..

Dahan-dahan ng umusad ang bus kung saan nakasakay si Myra....agad ko naman siyang nakita sa bintana ng bus at nakatingin siya sa akin...tila may sinasabi pa siya pero hindi ko na ito narinig pa...tanging ang pagbuka na lamang ng mga labi niya ang aking nakikita sa bintana ng bus na may salamin.

Hanggang sa unti-unti ng maglaho sa aking paningin ang bus kung saan nakasakay si Myra.Naramdaman ko na naman ang pag-iisa....ganito rin ang pakiramdam ko kapag hinahatid ko si Jenny tuwing gabi kapag uwian na pagkatapos ng trabaho namin sa Hao chi Mian tang restaurant.Ito iyong kalungkutan
na ang hirap ipaliwanag...kahit na sinasabi ng iyong isipan na magkikita pa naman kayo bukas.

Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng service road at nalibang ako sa dami ng mga tinitinda sa gilid ng daan.

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.....

Nagtakbuhan ang mga namimili at ako naman ay naghanap ng masisilungan.Naalala ko nga pala na pinahiram ko ang dala-dala kong payong kay Myra.

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa harapan ng Mang Inasal.....at dito ko naisapan na sumilong habang malakas pa ang ulan.

Pero nabasa pa rin ako ng ulan dahil sa bukod sa ulan ay may kasama pang hangin ito...tila may parating na bagyo ang lakas ng ulan na ito.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now