Chapter 41 : Halimaw sa Kalye

78 8 5
                                    

January 10 , 2018 Wednesday

11:35 am

Nakatayo ako sa gilid ng kalye , sobrang init na ng sikat ng araw , inaabangan kong makalampas ang mga dumadaang mga sasakyan , ang hirap talagang makatawid dito sa intersection sa Anabu Coastal.

"Payungan mo naman ako , ano ba yan ang init " nakalimutan ko nga pala, hindi na ako single ngayon dahil palagi akong may kabuntot na multo , hays...napailing ang ulo ko , hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari sa akin ang ganito.

Hindi ako makasagot kay Hershey dahil maraming tao na patawid ang naipon sa gilid ng kalye , baka sabihin nilang nababaliw na ako kung kakausapin ko si Hershey dahil ako lamang ang tao na nakakakita sa kanya.

Inilapit ko na lang ang payong sa kanya para hindi niya ako kulitin , nakalimutan na yata niya na isa na siyang ghost ngayon , kung umitim man siya sa init ng araw ay wala naman makakapansin dahil wala namang nakakakita sa kanya maliban lang sa akin.

Huminto na ang mga sasakyan , isang ten wheeler truck , dalawang bus na byaheng Tagaytay at iyong isa naman ay byaheng Dasma ang agad na huminto dahil may kotse at isang traysikel na kulay asul ang mabagal na lumiliko pakaliwa papasok sa Anabu Coastal.

Nagtawiran na ang mga tao na kasabay ko kanina na naghihintay din ng pagkakataon na makatawid ,.......

Pero nag-aalinlangan akong tumawid dahil natanaw ko ang isang malaki at may kahabaang truck , sa unang tingin ay isa itong twenty two wheeler truck ,... ang mabilis na tinatahak ang kalye kung saan nandoon din yung dalawang bus at isang ten wheeler truck na napahinto dahil sa pagtawid nung isang kotse at traysikel.

Nabuo na ang desisyon ko na tumawid dahil alam ko namang hihinto rin ang mahabang truck na paparating dahil naghintuan na rin ang mga sasakyan na nauna sa kanya.

Malapit na ako sa may gitnang bahagi ng kalye kung saan makikita ang hiwa sa gitna ng kalye....pero mabilis ang mga pangyayari , ....

Isang malakas na ingay ang aking narinig sa bandang kaliwa ko kung nasaan ang mahabang truck na paparating ,....

"Potttt.......poOOoTttttt..."ang lakas ng busina nito , pinilit nitong lumusot sa bandang kanan sa gilid ng kalye...,nasagasaan nito at inararo ang mga tindahan ng sigarilyo at dyaryo sa gilid ng kalye.Dahil dito ay kinabig ng driver ang manibela ng truck pakaliwa para maiwasang mabangga ang mga tao sa gilid ng kalye...pero ang masama nito ay gumitna ito at nasalpuk nito ang bandang likod ng kotse na papatawid , mabilis namang nakahinto ang traysikel na kasunod ng kotse...

Dahil sa pagsalpuk nito sa kotse ay nagpaekis-ekis ang takbo nito at saktong paparating kung saan ako naroroon.

Paglingon ko sa kaliwa ay kitang-kita ko ang truck na paparating at saktong tinutumbok nito ang kinaroroonan ko.Parang wala na akong pagkakataon na makaiwas dito....

"Yung lalaking tumatawid mababangga...ayyy Diyos ko po!!!!"...ang hiyaw ng isang babe na nakatingin sa akin...

Pero isang kamay ang tumulak sa akin..,sa lakas ng tulak niya ay napasubsob ako at lumagpas ako sa gitna ng guhit ng kalye..

Sinikap kong bumangon at sa aking palingon ay nakita ko si Hershey kung saan ako nakatayo kanina.

"Hershey"......ang sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong bumangon sa pagkakadapa.Hindi ko na halos maramdaman ang mga galos sa mga braso ko dahil sa pagkakasubsob ko kanina dahil nakatingin ako kay Hershey at sa truck na paparating...

Wala na akong magawa para matulungan siya...,

Kitang-kita ko kung paano siya banggain ng truck..

"Shhhhhhh broooooMmmm"....

Tumagos sa katawan ni Hershey ang kabuuan ng truck na nawalan ng kontrol.....

Napangiti ako dahil alam kong ligtas siya, nawala sa isip ko na isa na nga pala siyang ghost.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon