Chapter 43 : Buchi

90 7 26
                                    

January 10 , 2018 Wednesday

02:10 pm

Nakatayo lamang ako malapit sa cashier booth at inaayos ko ang mga resibo ko kahapon para sa ginagawang inventory ni Jenny.

Tumingin lamang sa akin si Jenny na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na ..."gawin mo na lang,..ang dami mo pang reklamo "...,

Kaya nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa habang si Jenny naman ay busy sa pagsasalin ng data sa computer.

"Bakit ba ikaw ang gumagawa niyan,hindi ba dapat may taga-inventory tayo ? "...,hindi pa kami nag-uumpisa sa trabaho at dito pa lang sa paggawa ng inventory ay napapagod na kami ni Jenny.

"Archie ano nga pala nangyari roon sa pagbabasa mo ng diary ni Hershey?...iniba ni Jenny ang topic para mawala sa isip ko ang pagod sa pagtulong ko sa kanya sa paggawa ng inventory.

Bigla kong naalala si Hershey,..,nasaan na nga pala siya,kanina lang ay nakatayo siya malapit sa akin,napalingon tuloy ako sa likod at gumala ang aking paningin sa kabuuan ng restaurant para hanapin kung saan siya nagpunta.

"Waiter!"...sabay senyas sa akin ng isang customer..,kumakaway ito para mapansin ko at may tinuturo sa lamesa kung saan siya nakaupo.
Nasa forty plus na ang edad nung babaeng customer,hanggang balikat ang buhok nito ay medyo may ilang puting buhok,..sa tabi niya ay isang lalaki na halos kaedad niya,sa tingin ko ay asawa niya ito.

Nakita ko rin si Hershey,naglalakad siya papalayo doon sa lamesa kung saan nakaupo yung babaeng customer na tumatawag sa akin,nakangiti siya nung makita ko siya at tinatago niya ang dalawang kamay niya sa likod...parang may hawak-hawak ito sa kanyang kamay at pilit na itinatago sa akin,hindi ko lang siya mabigyan ng atensyon dahil dapat ko munang unahin ang trabaho ko.

Hmmm....parang may ginawang kalokohan itong si Hershey ah..

"Ano po iyon?"ang sabi ko sa babaeng customer na tumawag sa akin.

Tinuro niya ang isang maliit na bowl sa lamesa kung saan nakalagay ang Buchi.

Ang buchi ay isang panghimagas na gawa sa malagkit na bigas,may palaman ito sa loob na matamis na munggo at nababalutan ng sesame seeds.Ito ay kadalasang bilog at ang pagpiprito ng tubog sa mantika ang paraan ng pagluluto nito.

Ang Buchi ay nagmula sa bansang Tsina noong panahon ng Tang dynasty sa kapitolyo nito na Chang'an.Tinawag nila itong Lùdui at itinuturing na palace food....isipin mo pagkain pala ito sa palasyo at ngayon ay pangkaraniwan na lamang na makikita sa mga chinese restaurant...maswerte pala tayo ngayon dahil nakakakain tayo ng pagkain na dati ay sa palasyo mo lang makikita.

"Dito kasi sa picture sa menu ng inyong restaurant ay lima ang "buchi" na nakalagay,eh itong nasa harap ko ngayon ay tatlo lamang na buchi...,bakit kulang ng dalawa ? "...,ang sabi nung babae habang ikinukumpara ang larawan ng buchi sa menu at sa buchi na nasa maliit na bowl sa lamesa.

"Pasensya na po..,baka may pagkakamali lamang sa kitchen,..tama po kayo,lima nga po ang tamang bilang ng buchi sa bawat order..,dadagdagan ko na lamang po ang kulang"...,mahinahon kong sabi doon sa babae...

"Sabi ko sayo eh,...ilang beses na akong kumain dito kasama ang mga officemate ko" ....sabay tingin nito sa lalaking katabi niya,sa unang tingin ay hawig siya ni Jim Paredes ng APO hiking society.Maamo ang mukha nito at parang may malawak na pang-unawa.

Agad kong kinuha ang maliit na bowl na pinaglalagyan ng Buchi at dinala ito sa kusina.

Abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain,..sa pagbukas mo pa lamang ng pintuan ay mararamdaman mo na ang init na nagmumula sa mga kalan na may ibat-ibang sukat na kaldero ang mga nakasalang dito.Nakita ko rin si Mang Johny habang nagluluto ng pansit at magugutom ka sa amoy ng kanyang niluluto.

Lumapit si kuya Tom sa akin para alamin kung bakit ako naroroon.Pinupunasan pa nito ang basa niyang mga kamay habang naglalakad papunta sa akin.Huminto muna siya sa paghuhugas ng mga plato,may mga bula pa ng sabon na panghugas ang kanyang apron.

"O! Bakit master Archie ? " ang tanong niya na may halong biro,kung hindi idol ay master ang tawag nito sa akin madalas.

"Itong Buchi raw ay kulang ng dalawa sabi nung customer natin"...pinakita ko sa kanya ang bowl kung saan nakalagay ang mga Buchi.

"Huhhhh! Binilang ko yan bago ilabas dito ah"..napakamot ito sa ulo parang di makapaniwala.

Agad na kinuha ni kuya Tom ang pinaglalagyan ng mga bagong lutong Buchi,...at dinagdagan ng tatlong Buchi ang lalagyan na maliit na bowl.

"Kuya Tom sobra naman ng isa,....dalawa lang ang kulang ,bakit tatlo ang inilagay mo ?"ang paliwanag ko sa kanya.

"Baka kasi kainin mo na naman eh,kaya dinagdagan ko pa ng isa "...sabay tawa nito ng malakas..

"Luhh hindi ako mahilig sa Buchi ha "...ako talaga ang pagbibintangan na kumain dahil ako ang nagdala nito sa customer.Kahit ano sigurong paliwanag ko ay hindi ako papaniwalaan.

Narinig pala ni Mang Johny ang aming usapan,natatawa rin ito,para bang nag-eenjoy siya sa mga naririnig niya.

"Tom...,!"ang tawag ni Mang Johny...,habang inilalagay ang mga hiniwang gulay sa pansit na kanyang niluluto.Napapapikit pa ang mga mata nito dahil sa usok na nagmumula sa pansit na kanyang niluluto.

"Bakit po Chef?"...ang tanong ni Kuya Tom kay Mang Johny,nasa bandang kaliwa ng kitchen ang dishwashing area at sa gitna nito ay may divider na lagayan ng mga sangkap at iba pang gamit sa pagluluto,kaya kailangan ni Kuya Tom na lumapit kay Mang Johny para makapag-usap sila ng maayos.

"Si Archie...,walang hilig yan sa Buchi...,pero si Jenny ,paborito yan."sinadya ni Mang Johny na lakasan ang pagkakasabi nito para marinig ko....paalis na dapat ako pero napahinto ako sa aking paglalakad,gusto kong malaman ang kanilang mga sasabihin.

"Ah kaya pala Mang Johny...,nakakahalata na ako sa dalawang yan...palaging magkasama.....baka.....napahinto si Kuya Tom sa pagsasalita,parang naghahagilap ng tamang salita na sasabihin.

"Naglilihi sa Buchi si Jenny !!! "....sabay pa itong sinabi nina Kuya Tom at Mang johny.Kasunod noon ay ang malakas na halakhak ng dalawa sa loob ng kitchen.

Hindi kinaya ng powers ko ang makinig sa kanilang dalawa,kaya dinala ko na ang Buchi doon sa babaeng nagreklamo kanina,Sakto naman na nadaanan ko si Hershey at nahuli ko siyang kumakain ng Buchi....

"Hershey ikaw pala ang kumaha ha,mamaya mag-usap tayo"...ang sabi ko sa kanya habang naglalakad ako.

Hindi nakasagot si Hershey dahil ngumunguya pa ito ng sinabi ko iyon.

"Salamat"...ang sabi sa akin nung babaeng customer,masaya ito at agad na dumampot ng Buchi ng maibaba ko ito sa kanilang lamesa.

"Ano Archie ok na? Ang tanong ni Jenny.

"Ok na,kulang lang pala yung nabigay ng kitchen na Buchi,...iinum lang ako ng iced tea,tapos tutulungan ulit kita dyan sa paggawa ng inventory."ang sabi ko kay Jenny habang nagsasalin ako ng iced tea sa baso.

Pagkatapos noon ay lumapit ako kay Herhey ,nagtatago ito sa gilid ng refrigerator hindi kalayuan sa cashier booth...parang nahihiya siya sa nangyari.

"Bakit kaba nagtatago diyan Hershey?...ito uminom ka muna ng iced tea baka mabulunan ka nyan".ang malumanay na sabi ko sa kanya.

Umiling lang ang ulo nito,parang nagdadalawang isip kung kukunin niya ang baso or hindi.

"Hindi ako galit,...sige na"muling kong inabot sa kanya ang baso at pinahawakan ito sa kanyang kamay.

"Salamat Archie,"..ito lang ang lumabas na salita sa kanyang mga labi,sa wakas nakita ko rin siya na ngumiti.

"Hindi mo naman kailangang magtago Hershey,..isa kang ghost at wala naman ibang taong makakakita sayo maliban sa akin...basta wag kang manggugulo ng mga customer ha."ang paalala ko sa kanya.

Tumango lamang siya,..ngayon lamang ako nakakita ng ghost na malakas kumain,hays...ghost ba talaga siya?....,hindi ko naman magawang magalit sa kanya,paano ako magagalit sa isang ghost na may mala-anghel na mukha.




Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz