Chapter 21 : Whiskas

103 9 13
                                    

January 8 , 2018 Monday

07:16 am

"Talaga!......... na-decode nyo yung secret code ni Myra"...,message ni Jenny sa messenger.

"Oo,,buti na lang tinulungan ako ni Myra na mag-research,nakalagay sa decoded message na Hershey pala ang pangalan niya,ngayon kilala na natin sya"...,sagot ko kay Jenny sa messenger.

"Sige agahan mo ang alis mo jan sa Cavite,para mapuntahan natin yung Mcdo na sinasabi ni Hershey....,ang mabilis na reply ni Jenny sa messenger

"Sige,...ok" ☺☺☺ reply ko sabay lagay ng emoji na smiley.Isinara ko na ang messenger app at isinaksak sa charger ang aking android phone.

Malaking tulong ang pagkakatuklas namin ng Katipunan alphabet...,dahil dito na-decode namin ang secret code.

Nagpakilala siya at sinabi niya na Hershey ang pangalan niya,tapos kung gusto raw namin na makilala siya ay pumunta daw kami sa Mcdo sa makati ave...at may inilagay siyang message sa ilalim ng lamesa sa tapat ng aircon....? Hindi kaya panibagong secret code na naman?....

Bumaba na ako ng bahay para pakainin si Casper...,kahapon kasi binigyan ako ni Myra ng cat food....whiskas na tuna...,ako kasi tira-tira lang na pagkain ang binibigay ko kay Casper.Samantalang si Myra ay bumili pa talaga ng cat food kahit wala siyang alagang pusa.Madalas kasi kapag wala ako sa bahay siya daw ang nagpapakain dito.Hindi lang niya pinapakita sa mama nya kasi pinagbabawalan siya nito na humawak ng pusa dahil nga sa meron siyang asthma.

Lumabas na ako ng bahay para pakainin si Casper pero..............

"Naunahan na kitang magpakain ahihi"...,ang masayang sabi ni Myra habang pinapakain niya si Casper

"Bumili din ako ng Hello kitty na lagayan ng pagkain niya,ikaw kasi ...,dyan sa semento malapit sa pintuan ng bakod mo siya pinapakain baka magkasakit siya"...ang patuloy na sabi ni "Myra....

"LuhhhHh..,bakit pink ang kulay ng lagayan ng pagkain niya eh lalaki si Casper..."ang pagulat na sabi ko sa kanya.

"Eh mas cute ang pink,,tingnan mo nga ang dami niyang nakain na cat food,,nagustuhan niya ang lagayan...sabi ni Myra habang hinihimas niya sa ulo si Casper...

"Wuiii baka makita ka ng Mama mo..... humahawak ka na naman ng pusa..."ang paalala kong sabi sa kanya.

"Wag kang maingay...ahihi"...,Casper papasok na ako sa school ha..."ang masayang sabi ni Myra habang inaayos ang kanyang nagusot na uniform dahil sa pagkakaupo nito ng himasin niya sa ulo si Casper.

Ang ganda niyang tingnan sa suot niyang uniform ng Adamson University...,bagay sa kanya.

Sa Adamson sa Ermita,Manila pa siya pumapasok,kagaya ko na sa makati naman nagtratrabaho.
Pero dahil meron siyang service na saksakyan., papasok at pauwi...,eh hindi siya nahihirapan sa byahe...,hindi kagaya ko na sumasakay lamang ng bus,madalas nakatayo pa ako dahil sa wala ng maupuan.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now