Chapter 47 : Panaginip

77 8 11
                                    

January 11 , 2018 Thursday

12:38 am

"Myra!!!...,dumilat na ang mga mata niya "halos mapalukso sa tuwa si Jenny ng makitang dumilat ang aking mga mata.

Mabigat ang pakiramdam ko,hindi ko masyadong maikilos ang katawan ko..,nakita ko si Jenny na nakaupo sa tabi ng kama,hawak-hawak ang kaliwa kong kamay.Si Myra naman ay nakatulog na sa bandang kaliwa ng kama sa kanyang pagkakaupo,tila naalimpungatan ito ng tawagin siya ni Jenny.

"Nasaan ako Jenny?...ang mahina kong sabi sa kanya,..dahil sa halos hindi marinig ni Jenny ang aking sinasabi ay inilapit nito sa mga labi ko ang kaliwa niyang tenga.

"Ano yon Archie ? ...may masakit ba sayo ?..,ang tanong nito na nag-aalala.

"Nasaan ako Jenny ? ..,anong lugar ito ?...sabi ko kay Jenny na nakalapit pa rin sa labi ko ang tenga nito,naghihintay ng sagot sa mga tanong niya.

"Nasa "Imus Medical Center" ka sa diversion road,Palico IV ,...isinugod ka rito ng barangay rescuer matapos kang masagasaan ng truck kaninang tanghali"....,ang paliwanag ni Jenny sa akin.

"Sabay kaming pumunta rito ni Jenny ..,hindi niya alam ang hospital na ito sa Cavite kaya sabay kaming pumunta rito kanina paglabas ko sa school."...,ang sabi ni Myra habang inaayos ang mahaba niyang buhok na nagulo ng makatulog siya sa upuan.

"Napunit ang damit mo,nawasak din ang bag na dala-dala mo at pati android phone mo ay nadurog din dahil sa pagkakabangga sayo ng truck..,pero hindi nasira ang simcard nito kaya na-contact kami ng mga nag-rescue sayo."...ang kwento ni Jenny sa nangyari kanina.

Nakahiga pa rin ako at nakikinig sa kwento nila.Ngayon ay alam na nila kung bakit mag-isa lang ako sa bahay..,hindi nila ma-contact ang mga magulang ko dahil wala na sila sa mundong ito,..ang nag-iisa ko namang kapatid ay hanggang ngayon ay hindi ko rin matagpuan simula ng mag-asawa ito.

"Mahigit sampung oras kang nawalan ng malay Archie..,kaya masaya kami ni Jenny na nagising kana"..,ang sabi ni Myra,naupo ito sa gilid ng kama.

Naputol ang aming kwentohan ng may pumasok na nurse..,masaya ito ng makitang gising na ako.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala...kayo muna ang bahala sa kanya,..tatawagin ko lang si doc "...,sabay labas ulit nung nurse sa pintuan.

Pero parang totoo ang lahat ng nangyari sa amin ni Hershey at ang nangyari sa amin ni Jenny...,ibig sabihin ay panaginip lang pala ang lahat....

Panaginip din pala ang paglapat ng mga labi ko sa mga labi ni Jenny...panagip lang pala ang lahat....sana hindi na lang ako nagising.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now