Chapter 78 : Ang Agahan

75 6 8
                                    

January 15 , 2018 Monday

07:30 am

Imus,Cavite

Umakyat na ako sa second floor ng bahay pagkatapos kong pakainin si Casper at kasalukuyang nagkakape.

Napako ang aking tingin sa alcohol lamp na ibinigay sa akin ni Thelma...

Hindi ko alam kung bakit naisipan ko itong kunin at suriin na mabuti...

Nanlaki ang aking mga mata nang may nadiskubre akong mga marka sa ilalim ng alcohol lamp.

May mga marka nga...pero kakaiba itong mga marka na ito dahil hindi ko siya mabasa........

Naputol ang aking iniisip nang....

"Archie...Archie.....huwag ka ng magluto...may dinala kaming breakfast ni Jenny...sabay-sabay na tayong kumain"....ang pamilyar na tinig ni Myra...

Bigla naman akong napatayo at pansamantala ko naman na binitawan ang alcohol lamp at ipinatong ko iyon sa lamesa sa loob ng aking silid...

Sinilip ko sina Jenny at Myra sa may hagdanan.

"Myra di ba may pasok ka sa school ngayon?"....ang tanong ko sa kanya.

"Wala naman kaming masyadong gagawin sa school...bale may praktis kami ng sayaw para sa event sa school....hindi ko gusto yong ka-partner ko kaya ayaw kong umattend...kaya hindi muna ako papasok....para makapag-bonding din kami ni Jenny"....ang paliwanag sa akin ni Myra.....

Inilagay nila sa lamesa ang mga dala nilang pagkain...

"Pero kung ikaw siguro Archie ang makaka-partner ko sa sayaw namin....baka maaga akong pumasok ahihi...".... ang dugtong ni Myra...

"Ehem....kumain na lang kaya tayo"...ang putol naman ni Jenny sa mga sinabi ni Myra.

"Mamaya na ako kakain Jenny"...hindi ko na naituloy ang aking pagbaba sa hagdanan...

Agad namang inihain ni Myra ang dala nilang mga pagkain sa lamesa...

"Bahala ka d'yan....kami na lang ni Jenny ang uubos nito...."..., ang sabi ni Myra habang inilalagay ang bacon strips,pancakes at sunny side-up na itlog sa plato...

Agad ko namang naamoy ang nalulusaw na butter sa toasted bread....

Agad ko namang naamoy ang nalulusaw na butter sa toasted bread

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang dinalang mga pagkain nina Jenny at Myra......

Napaatras tuloy ako sa pag-akyat sa hagdanan....

"Ang sarap naman ng breakfast natin"....ang nasabi ko habang nakatingin ako sa mga pagkain....

"Akala ko ba hindi ka mag-aalmusal?!".....napatingin si Jenny sa akin nang kumuha ako ng pancake at inilagay ko ang apat na patong nito sa aking plato.

Napansin din ito ni Myra....

"Parang Mount Everest sa taas ang pancakes mo Archie ah"..... ang reaksyon ni Myra nang makita niya ang aking plato.

Mabilis namang kinuha ni Jenny ang lagayan ng syrup  at siya ang naglagay ng syrup sa aking pancakes....

Napataas naman ang kaliwang kilay ni Myra nang mapansin niya na nagpapa-cute si Jenny sa akin.

"Jenny...dahil sa binasted mo naman si Archie...kaya akin na siya ngayon... ang paglilinaw ni Myra kay Jenny...

Nagulat ako nang marinig ko iyon kay Myra.......paano naman niya nalaman iyon?!....Kami lang ni Jenny ang nakakalam ng lahat...

Bumalik tuloy sa aking ala-ala ang mga sinabi ni Jenny noong Biyernes ng gabi nang magtapat ako ng aking nararamdaman sa kanya......

Natatandaan ko pa ang lahat..,..

"Archie...wag ka sanang magagalit pero hindi pa ako handa para magmahal ulit....kailangan ko pa ng time" .....ito ang sagot sa akin ni Jenny...

Nagbalik ako sa realidad nang.....

Tumayo si Jenny at hinarap naman niya si Myra....

"Hindi ko siya binasted...kailangan ko lang ng time para makapag-isip".... ang depensa ni Jenny sa mga sinabi sa kanya ni Myra....

"Hmmm...wala ka ng time dahil akin na s'ya"........ sabay irap nito ng tingin kay Jenny...

"Pwede ba...nasa harap tayo ng pagkain....kumain na lang tayo....."... ang pagsaway ko sa kanilang dalawa....

Tumahimik bigla ang atmosphere...

"Jenny......Myra....mag-ayos na kayong dalawa"..... ang utos ko sa kanila....

Nauna si Jenny na tumayo at lumapit ito kay Myra......sabay yakap nito ng mahigpit...

Napangiti naman si Myra......

Natapos din ang gulong iyon at nanumbalik ang saya sa paligid...

Masaya kaming nagkwentohan nina  Jenny at Myra habang kumakain ng almusal..

Pagkatapos naming kumain ay puro hugasan ang tumambad sa kusina....

Nasaan na ba silang dalawa...sa kainan ang bilis nila...pagdating naman sa paghuhugas ng mga plato ay wala sila....nakakainis.....

Nagpasya na akong hugasan ang mga iyon...nakakahiya naman sa Mama ni Myra kung ibabalik ko ang mga tasa at plato na marumi sa kanilang bahay.....libre na nga breakfast ko tapos kung sila pa maghuhugas nito...nakakahiya naman.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now