Chapter 3: Si Jenny

237 18 61
                                    

January 5, 2018 Friday
O8:46 pm

09:00 pm na kami nagsasara dito sa trabaho...,inaayos ko ang mga upuan..,habang si Jenny naman ay nagpupunas ng mga lamesa.
Maraming tao kanina dahil Friday,hindi nga kami makapag-usap ni Jenny dahil pareparehong busy sa kanyang mga trabaho.

"Alam nyo bagay kayong dalawa"! Ang wika ng isang may katabaang lalaki,nasa 45 na ang edad nito sa tantya ko.
Si Mang Johny ;cook namin sa chinese resto ..halatang pagod pa din sa pagluluto,dahil sa tumutulong pawis sa mukha nito...,hawak nya ang isang maliit na puting panyo habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa kanyang mukha.Masayahin ito at mapagbiro.Gustong -gusto nya ako para kay Jenny...,madalas nyang sinasabi na bagay kami.
Si Jenny naman ay walang reaksyon sa tuwing bibiruin sya ni Mang Johny...,ngumingiti lamang ito at tila umiiwas sa mga kasamahan sa trabaho kapag ito ang topic ng kwentohan.

Abala si Mang Johny sa isang lamesa,may binabalot itong pagkain at inilagay iyon sa paper bag.

"Jenny...,Archie..,heto ang pansit at siopao..,bahala na kayong maghati dyan...'sabay abot ni Mang Johny ng paper bag kay Jenny.

"Salamat po" ang mahinang tinig ni Jenny..,

"O ! Mauuna na akong umalis sa inyo..,kanina pa text ng text si misis sa cellphone eh,sa edad naming ito selosa pa din ahaha..ang malakas nitong tawa.

Mabait at maalalahanin si Mang Johny.,siguro nung kabataan nito petmalu ito sa mga chicks.natatawa ako sa mga iniisip ko nung mga sandaling iyon.

Bagay daw kami ni Jenny.,parang hindi naman,ang gwapo ko at si Jenny ang layo sa pinapangarap kong babae,hindi sya maganda..,sakto lang,hindi rin maputi,halos magkakulay lang kami ng balat,...ang mga gwapo ay para sa mga magaganda...kagaya ng kamelyo hindi ito mabubuhay sa Alaska..,talagang ginawa sya para sa desyerto..ito ang pumapasok sa aking isipan habang nagbibihis sa comfort room.

"Eye bag na lang ang kulang at Daniel Padilla na"nakatingin ako sa salamin sabay suklay ng buhok..

"Hoy kamoteng Archie"..,bilisan mo naman dyan,ang tagal -tagal mo palaging magbihis..,wala ka namang Gf sayang lang pagpapagwapo mo jan"...,ang malakas nitong katok sa pintuan ng comfort room...,

"Anung walang Gf ?!!!..,ayaw ko lang pumili sa kanila..,magagalit kasi yung iba kapag pumili ako eh"..ahaha

"Gutom lang yan,sa akin naman yung pansit ha,sayo yung siopao,,lagi na lang pansit kinukuha mo sa bigay ni Mang Johny.."

Binukasan ko ang pintuan ng comfort room sabay pasok naman ni Jenny..

"Ang tagal mo!! Sabay tulak sa akin ni Jenny papalabas ng pintuan ng comfort room.

"Doon ka na..,hintayin mo ako sa likod ha" ang sabi ni Jenny habang sinasara ang pinto.

"Opo boss Jenny" ang sagot ko sa kanya.Sa likod ng power plant mall ay may mga upuan,doon ko sya madalas hinihintay kapag pauwi na kami,Matagal magbihis ang mga babae,madami pa silang arte sa katawan,wala pa akong nakikita na babae na mabilis mag-ayos...

Pumunta na ako sa likod ng rockwell at naupo doon,tinitingnan ko ang mga ginagawang building sa tabi nito,Grabe nung nakaraang bwan hukay pa lang ito,..ngayon building na,24 hours kasi ang trabaho nila dito..ang bilis matapos.

Pinagmamasdan ko ang mga dumadaang sasakyan..,iniisip ang mga nangyari sa buong araw...,malamig ang gabi,...tahimik

"Ang tagal naman ni Jenny..asan na ba sya"...,

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now