Chapter 23 : Pokemon

139 10 61
                                    

January 8 , 2018

10:58 am

"Ang tagal mo naman Jenny"...,ang sabi ko kay Jenny sa messenger.Naka -offline siya.

09:40am ako dumating sa 711,...,sa Makati ave ...kung saan kami magkikita ni Jenny.

"Ang lapit lang ng bahay niya dito..., siya pa ang wala"...,bumili muna ako ng brewed coffee,may mga upuan naman sa 711 kaya pwede kang tumambay dito,bumili ako ng coffee kasi nakakahiya naman na tumambay dito na wala man lamang binibili sa kanila.

Naglaro muna ako ng Pokemon FireRed version.
May gameboy emulator ako sa android phone ko at ito ang madalas kong nilalaro kapag nagpapalipas ng oras.

Nalibang ako sa paglalaro...,nanghuhuli ako ng pokemon...,gusto ko kasing makahuli ng Squirtle na pokemon..isa siyang pokemon monster at mukha siyang turtle at kulay blue siya na may malalaking mga mata.

"Malapit ko na siyang mahuli,..kailangan ko nang gamitin itong pokeball...ang pokeball ang ginagamit para makahuli ng pokemon monster...

Pero isang tapik sa kaliwang balikat ko ang nagbalik sa akin mula sa mundo ng pokemon patungo sa realidad ng mundo.

"Alam mo Archie kamukha muna si Pikachu...puro ka laro dyan ha!!....,ang pabirong sabi ni Jenny.
Si Pikachu ang sikat na pokemon monster sa larong pokemon,mukha siyang pusa na may dalawang pulang bilog sa kanyang mga pisngi.

Napansin ko agad ang kasuotan ni Jenny..,
Naka-halter top siyang itim..,isa itong sleeveless at humahapit ito sa hubog ng katawan ng nagsusuot nito.

At naka-ripped jeans siya na kupas na asul...
Ang ripped jeans ay isang pantalon na may punit at butas,,pero may binabagayan ito..kapag mukha kang mayaman at maganda ang kutis babagay sayo ito...,pero kung madungis kang tingnan at mukhang mahirap..wag na wag kang magsusuot nito dahil lalo ka lang magmumukhang mahirap sa butas -butas na pantalon na ito.

Parang unti-unting gumaganda sa paningin ko si Jenny..,lalo na ngayon at nakita ko na naman ang mga dimples nya.Pero hindi siya ang pinapangarap kong babae.Para kasi sa akin may level ang kagandahan ng isang babae.

Level 1=hindi na ito kailangan pang ipaliwanag...basic

Level 2 Nagmamaganda=ito yung mga babae na dinadaan sa makeup at makapal na lipstick ang kanilang itsura...madalas na may kulay ang kanilang mga buhok...,para mapansin agad sila.
Mahihilig sa mga branded na damit at mamahaling kasuotan,paniwala kasi nila na nakakadagdag ng kagandahan points sa kanila kapag branded ang suot nila.

Level 3 Hot=ito naman ang mga babae na pangit ang mukha pero may seksi naman na katawan.May pinagpalang dibdib at mapang-akit na kurbada ng katawan

Level 4 Ghost in the shell=ito naman ang mga babae na sakto lang ang itsura,hindi sila ganung kaganda at wala ding seksing katawan pero sagana naman sa talents.Ito yung mga babaeng may mala-anghel na boses,magaling maggitara,matalino,magaling sumayaw.Ang taglay nilang talento ang nagbibigay sa kanila ng kagandahan

Level 5 Rare = ito naman ang klase ng babae na bihira mo lang matagpuan,mahirap makita,sila yung mga babae na mahirap lapitan at mahirap makausap.......
Mayroon silang special talent na wala sa level4 ................isang babae na may  extraordinary skills.

Level 6 Tagapagmana=sila naman yung mga babae na may mataas na status sa lipunan...halimbawa isang prinsesa,..anak ng prisedente,..May super yaman na pamilya,at makapangyarihan sa lipunan,..

Level 7 Pinagpala = sila naman ang mga babaeng maganda na since birth...parang sinalo nila lahat ng swerte ng langit.Nasa kanila na ang lahat.
One percent lamang ang population nila sa buong mundo....................................................hindi sila rare sila ang mga hard to find.Kung ikukumpara mo sila sa isang kotse...,sila ang mga limited edition

Level 8 Dyosa = pinakamataas na level ng kagandahan,
Isang sample nito ay si Helen of Troy...,
Sinasabing ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Nabuhay si Helen noong panahon ng Bronze age...
3200 bc-10500 bc  sa Greece.

Nagmula sa ibat-ibang bahagi ng Greece ang kanyang mga manliligaw.Pero sa dami ng kanyang mga manliligaw ay si Menelaus ang kanyang napili na pakasalan..,siya ang hari ng Sparta.
Dahil sa panahon noon ng digmaan,madalas na wala ang kanyang asawa..sinasabing sumama si Helen sa prinsipe ng Troy.

Dahil sa kagustohang mabawi si Helen...ito ang naging dahilan ng trojan war.

Libu -libong barkong pandigma ang lumusob sa troy para mabawi si Helen.
Ganun siya kaganda,..naging dahilan ng isang malaking digmaan.

Ang isa pang sample ay si Cleopatra ng Alenxandria,ang huling queen ng Egyt.Nabuhay siya noong 69BC -30BC.

Sa record na matatagpuan sa nakaukit sa bato,mababasa ang ganito:The Goddess Cleopatra who is beloved of her Father.

Sinasabing napakaganda ni Cleopatra ,Kahit si Julius Caesar ...,ang emperor ng Roman empire ay nabihag ng kanyang kagandahan.

Ito ang dahilan  kung bakit hindi ako basta-basta nagkakagusto sa isang babae.

"Kamote..tara na.,ubusin muna yang kape mo..puntahan na natin yung Mcdo..may pasok pa tayo mamaya..! Ang nagmamadaling sabi ni Jenny sa akin.

Papunta na kami sa Mcdo kung saan sinabi ni Hershey ang tungkol sa message na nilagay niya doon.

Panibagong secret code?.......

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now