Chapter 38 : Ang Diary ni Hershey

90 7 19
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

10:01pm

"Kuya Tom ingatan mo si Jenny ha! Ang sabi ko sa kanila habang umaandar na ang jeepney papalayo sa akin.Sumabay na si Kuya Tom kay Jenny dahil pareho naman sila ng sasakyan na jeep pauwi..

Ngumiti lang si Jenny sa may bintana ng Jeepney.Kanina ay ibinigay niya sa akin ang notebook ni Hershey,dahil sa nalaman namin kay Aling Cora tungkol doon sa aksidenteng nangyari sampung taon na ang nakakaraan sa pamilya ni Hershey,..ay natakot si Jenny na basahin ito...nasundan pa ito ng insedente sa trabaho sa misteryosong pagkawala ni Blakkk Venus.

Ang daming nangyari sa araw na ito,halos bumagsak na ang mga mata ko habang nakaupo ako malapit sa bintana ng bus.Pinipilit kong labanan ang antok dahil  baka mamaya ay lumampas ako sa babaan ng bus sa Anabu Kostal...,byaheng tagaytay ang nasakyan ko na bus ,dumadaan ito sa amin kaya ok lang na sumakay ako rito ,kaso Huwag ka lang talagang matutulog dahil makakarating ka ng Tagaytay nito.

Maaga naman akong nakarating ng bahay,..nakita ko ang pusa kong si Casper na natutulog sa labas ng pintuan,..tumaba siya dahil kapag wala ako ay ang kapitbahay kong si Myra ang nagpapakain dito.

Bukas pa ang ilaw ng kwarto ni Myra,..gising pa pala siya,..hindi ko na rin siya nabalitaan kanina sa messenger dahil abala ako sa trabaho.Sigurado ako na tatanungin niya kung ano ang nangyari sa pagpunta namin ni Jenny sa lumang bahay.

"Archie !..,ang aga mo ngayong nakauwi ah.."ang bati sa akin ni Myra habang nagsusuklay ito ng mahaba niyang buhok.Nakatingin siya sa salamin na nakasabit sa pader malapit sa bintana.Sa salamin siya nakatingin dahil kita ang repleksyon ko dito mula sa bintana.

Napako ang tingin ko kay Myra ng makita ko ang suot niyang sleepwear na "cami tap set",may design ito na may naka-print na floral pattern na kulay navy blue.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil wala siyang suot na bra..,at bakat ang kanyang dibdib sa suot niyang pantulog.

"Uyy!.bakit parang nakakita ka ng ....napahinto si Myra sa pagsasalita dahil ngayon lamang niya naisip na wala nga pala siyang suot na damit panloob.

Parang alam na niya ang ibig kong sabihin kung bakit hindi ako makatingin sa kanya habang nasa harapan siya ng bintana.Nahihiya siyang tumalikod at isinara ng bahagya ang bintana para magsuot ng bra.

Muli niyang binuksan ang bintana ng makapgsuot na siya ng damit panloob.Parang biglang natunaw ang nagyeyelong pader na namamagitan sa aming dalawa kanina.

"Ano ba ang nangyari kanina sa pagpunta ninyo sa lumang bahay? "..,agad na tanong nito sa akin.

Sinabi ko kay Myra ang lahat ,pati ang malagim na sinapit ni Hershey sa aksidente na nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Hmmmm.,,sana buhay pa si Hershey,"parang biglang nalungkot si Myra ng marinig ang lahat.

"Pareho kayo ng nararamdaman ni Jenny,ayaw na niyang basahin ang diary simula ng malaman niyang wala na si Hershey."..,naupo ako malapit sa bintana,habang kinukuha ko ang diary ni Hershey.

Ano pa nga ba ang halaga ng pagbabasa nito,kung patay na ang nagsulat nito.

"Myra,ang ipinagtataka ko lang eh,bakit siya nag-iwan ng secret message ,saka para saan?...napapakunot ang noo ko habang sinasabi ko ito kay Myra.

"Iyon nga rin ang iniisip ko Archie ,kung ano ang dahilan ng pagsusulat niya ng secret code."napakagat ito sa kanyang labi,parang nagugulohan sa nangyayari.

"Sige,ako na lang ang magbabasa nito,sasabihin ko sayo bukas kung ano ang nabasa ko,matulog kana,maaga pa ang pasok mo sa school bukas"..,ang sabi ko kay Myra.

"Oo,sana malaman mo ang dahilan kapag nabasa mo na yan"ang sagot ni Myra,..,napapa-hikab na ito sa sobrang antok.

Alas dose na ng hating gabi,pero patuloy pa rin ako sa aking pagbabasa ng diary ni Hershey.

Fourteen years old pala siya ng magsulat siya ng diary,napabuntong hininga ako..,ang bata pa niya para mamatay.

Sinulat niya ang kanyang istorya,ang buhay ng isang second year high school,crush niya sa school...,at kung anu- ano pang pangyayari sa buhay ng isang teenager.

Sa kabuuan ay isang normal lamang na diary ito,wala akong bakas na makita kung bakit siya nagsulat ng secret code.

Pinatay ko na ang ilaw,nakahiga na ako sa aking kama nang biglang lumakas ang ihip ng hangin.Nagkalampagan ang takip ng bintana sa lakas ng hangin.

Napansin ko ang notebook ....ang diary ni Hershey....,
Kusang naglilipatan ang mga pahina nito.

Sabay nito ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa mga pahina ng diary....

Tinakpan ko ng aking kamay ang aking mga mata para hindi masilaw sa liwanag na nagmumula sa diary ni Hershey.

"Ano ba ang nangyayari ?...,bakit lumiliwanag at gumagalaw ang mga pahina sa diary ni Hershey ?....,kinakabahan ako,hindi ko maipaliwanag ang aking nasaksihan.

Ilang segundo pa ang lumipas at ang unti-unting nawala ang malakas na ihip ng hangin,kasabay nito ang paglalaho ng liwanag sa mga pahina ng notebook.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now