Chapter 71 : Garage Sale III

209 8 125
                                    

December 30 , 1896 Wednesday

Binondo Maynila,

Hindi maipaliwanag ang sobrang kalungkutan sa mukha ni Blessica habang yakap niya ang walang buhay na katawan ni Archie......

Kasabay ng pag-agos ng dugo sa katawan ni Archie ang hindi maampat na mga luha na patuloy na umaagos sa mga mata ni Blessica.

"Archie.....huwag mo akong iwan.....lumaban ka!".....ang sigaw ni Blessica.

Nabitawan ni Kulas ang revolver na baril niyang hawak nang makita ng kanyang mga mata ang kasalanan na kanyang nagawa.

Napaluhod si Kulas sa lupa at tila nagsisisi sa kanyang nagawa...

Katahimikan ang bumalot sa mga sandaling iyon....unti-unting nagdilim ang paligid nang matakpan ng mga ulap ang sinag ng araw.......,

Nakaroon ng puwang sa gitna ng mga ulap at lumabas ang isang nakakasilaw na sinag....

Tumama ang liwanag na iyon sa katawan ni Archie....at unti-unting naglaho ang kanyang katawan.

Sa takot ni Kulas ay kumaripas ito ng takbo kasunod ng kanyang alipores na kalbo matapos masaksihan ang nangyari sa katawan ni Archie.

Napatingala sa langit si Blessica...mababakas sa kanyang mukha ang pagkamangha.....hindi rin niya maipaliwanag ang himalang nangyari noong mga oras na iyon.

"Anong nangyari?...anong hiwaga ang bumabalot kay Archie?......"....ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ni Blessica....

Nang mapansin niya ang isang parisukat na bagay na nahulog kay "Archie".....natagpuan niya ito sa damuhan kung saan nawalan ng buhay si Archie.

Hindi niya alam kung ano itong bagay na ito dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganito.

"Ano kaya itong naiwan ni Archie"....habang tinatanggal ni Blessica ang bahid ng dugo sa ibabaw nito.

habang tinatanggal ni Blessica ang bahid ng dugo sa ibabaw nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang bagay na naiwan ni Archie habang hawak-hawak ni Blessica.

..............

...............................

................................................

January 14 , 2018 Sunday

02:57 pm

Imus , Cavite

"Blessica........Blessica......".....ang salitang lumabas sa aking mga labi habang natutulog ako....

........pppplaaaaaAaaakkkkKkk.....

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kanang pisngi dahilan para magising ako.

Sa pagdilat ng aking mga mata ay unti-unti kong nababanaag ang mukha ni Myra......namumula ang mukha nito at tila naiinis sa akin.

"Myra....bakit mo ako sinampal!?.."..ang nagugulohan kong tanong sa kanya.

Sa halip na sumagot sa aking katanungan ay inirapan ako ni Myra ng tingin...at napansin ko na kasama pala niya si Jenny ,tila hinihingal pa ito sa pag-akyat sa hagdanan.

"Kaninang umaga lang..sinabi mo sa akin na mahal mo ako....tapos ngayon may Blessica ka na!?"....ang galit at may halong panunumbat na tanong ni Myra

Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang marinig niya ang mga sinabi ni Myra.

"Archie...noong nakaraang Biyernes ay nagtapat ka rin sa akin na mahal mo ako...tapos ngayon naman ay kay Myra ka naman nagtapat na mahal mo siya....anong ibig mong sabihin nito!!?".....nagkrus ang mga braso ni Jenny....para bang Bulkang Taal na sasabog si Jenny noong mga sandaling iyon.

"Ano pa ba Jenny!...gusto niya tayong tuhuging dalawa!."...ang paliwanag ni Myra.

"Sa Cavite ay ikaw ang girlfriend niya..tapos sa Manila ay ako naman!?....wow...ang galing mo Archie ha"......nawala ang pagiging-cute ni Jenny ..para bang tinubuan ito bigla ng mga sungay.

Nag-usap ang mga mata nina Jenny at Myra..para bang mayroon silang binabalak na gawin sa akin na sila lang dalawa ang nakakaalam.

At hindi nga nagkamali ang aking hinala at.....

"Plakkkk....kaaaabooogggGgs"

Dalawang malakas na suntok ang tumama sa aking mukha na nagmula sa kanang kamao ni Myra at Jenny dahilan para bumagsak ako sa aking kama.

"Aray..ko.....Jenny...Myra....hayaan nyo muna akong magpaliwanag"...ang paliwanag ko sa kanila pero parang wala silang naririnig.

"Tara na Jenny.....hayaan mo si Archie d'yan..."ang sabi ni Myra kay Jenny habang pababa sila ng hagdanan

"Buti nga sa kanya...babaero at manloloko"...ang nangagalit na sabi naman ni Jenny habang sinusundan niya si Myra sa pagbaba sa hagdanan.

Hindi ako makapaniwala na ganon sila kalakas na sumuntok kahit mga babae sila..pakiramdam ko ay sinapak ako ni Manny Pacquiao.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now